Home / Romance / Divorce Now, Marry Me Later / Chapter Five: Fight Alone

Share

Chapter Five: Fight Alone

Author: SQQ27
last update publish date: 2024-05-28 11:43:58

Dahil sa insidenteng nangyari ay naabala ang gawain ni Claire at lalong nadagdagan ang ginagawa niya. May rush order din galing sa Earl ng Ireland at milyones ang ibinayad sa kanya upang matapos agad iyon. Isa iyong korona na gawa sa iba’t ibang klase ng mamahaling diyamante, rubi at emeralds. Ang koronang ito ay para sa bagong hihiranging Earl ng Northern Ireland kaya puno ng pag-iingat ang ginagawa ni Claire.

Hindi na niya namalayan ang mga oras at araw na lumipas. Dahil puwede naman siyang sa botique na lang matulog ay dito na siya mamalagi at kung hindi pa siya pinipeste ni Nana na umuwi sa mansyon nito ay hindi pa uuwi si Claire. Nang sa ganun, kahit papaano ay nagkikita pa rin sila ni Manson. Sa iisang kuwarto pa rin sila natutulog pero sa kama siya at sa sofa si Manson. Lalong nasasaktan si Claire sa ganoong set-up nila ni Manson pero ininda niya ang lahat ng iyon dahil alam niyang wala na siyang pag-asa na magbabalik sa dati ang pagsasama nila ng asawa.

“I’ll be back late tonight, Claire. Pakisabi kay Nana na huwag na ako hintayin dahil hindi kita masusundo. I have a dinner meeting until late.”

Tumango si Claire. Nakatalikod siya kay Manson habang nagbibihis. Samantalang ang asawa ay nakahanda na para umalis.

“Sure. I’ll let Nana know. Hindi rin ako makakauwi dahil marami rin akong dapat tapusin.” Akamng papasok siya sa banyo nang bigla siyang tinawag ni Manson.

“Are you angry with me, Claire? Ilang araw nang malamig ang pakikitungo mo sa akin.”

“No.” Nilingon niya ito. “I am just thinking about when are we gonna process our divorce? Habang tumatagal ayaw kong lokohin si Nana. There will be no more for us. Kaya alam kong hindi ko siya kayang bigyan ng apo.”

Napatda si Manson sa narinig at hindi hinintay ni Claire na sumagot ito saka pumasok sa banyo.

Kinabukasan, alas-onse na ng umaga nang magpasyang umuwi si Claire. Balak niyang dumiretso sa bahay ng kanyang ina pero isang mensahe ang natanggap niya mula sa isang hindi kilalang kontak. Hindi sana niya iyon papansinin at baka scam lang pero nang makita niya ang larawan na s-in-end nito ay namutla si Claire. Dali-dali siyang nag-hire ng taxi at nagpahatid sa lokasyon na ibinigay ng sender.

Nang makarating sa restaurant ay agad niyang hinanap ang mesa ng sender. Hindi na nahirapan si Claire dahil isang babae ang kumakaway sa kanya. Napaawang ang labi niya at mabilis na tumibok ang puso. It was Valeen.

“Salamat at pumunta ka. Akala ko wala akong mapagsabihan ng magandang balita.” Hinawakan ni Valeen ang kamay niya nang makaupo siya sa mesa kaharap nito.

Claire’s eyes darted onto that diamond ring that was so familiar to her. Eto ang larawan na ipinadala sa kanya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit pamilyar iyon. Dahil ang singsing na suot ni Veena ay ang mismong singsing na ginawa niya noong k-in-idnap siya ng dalawang lalaki. Bakit ito napunta sa kanya? Hindi siya makakibo.

“Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi ka ba makapaniwala na makipagkita ako sa ‘yo? O tulad ko ay excited ka rin sa good news na ibabalita ko?”

Sinalubong ni Claire ang tingin ni Veena. Matamis man itong nakangiti ay hindi niya iyon nakitaan ng senseridad.

“Do you know who gave this to me?” Veena asked. Itinaas nito ang kamay na may suot na singsing. “Last night, Manson gave this to me after our intimate dinner. Ang sabi niya promise ring daw eto dahil malapit na kayong mag-divorce. Ikaw na mismo ang hindi makapaghintay na makipag-divorce hindi ba?”

Claire swallowed her foreboding feeling. So, hindi company dinner ang pinuntahan niya kagabi kundi i-date si Veena. Si Manson ang ang nagbigay ng singsing na ginawa ko para sa mga magnanakaw? How could it be? Nanatiling nakatutok ang mata niya sa singsing na suot ni Veena.

“Isn’t this pretty? Bagay, hindi ba? Lalo na at mula kay Manson. Napakabait mo, Claire. Salamat sa pagpapalaya kay Manson at sa pag-aalaga sa kanya.”

Kinuyom ni Claire ang kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. “Are you happy with that? Acting pity to ruin a family?”

Nawala ang ngiti ni Veena pero maya-maya ay ngumisi ito. “Kasal ka lang kay Manson pero hindi ikaw ang mahal niya. Aren’t you the one who ruined Manson? He’s not happy with you. Ako ang mahal niya. He even gave me a ring.”

Claire gritted her teeth. Mula nang ikasal sila ni Manson ni isa ay hindi siya nito nabigyan ng kahit anong alahas. “Congratulations, then.” Tumayo siya. Hindi niya kayang harapin ang kaplastikan ng babae at baka kung ano pa ang magawa niya dahil kanina pa siya nagtitimpi.

“Why are you leaving? Are you hurt, my dear Claire dahil hindi ikaw ang pinili ni Manson?”

Ngumisi si Claire at ikinatok ang kamao sa mesa. “Manson will never be happy for a slut like you!”

“Ano’ng sinabi mo?” Mabilis itong tumayo at pinigilan siya sa braso. Akmang sasampalin siya nito pero napigilan niya ito. Ito ang tagpong naabutan ni Manson.

“What are you doing, Claire?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grabe Naman kawawa SI Claire
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 276: The Ending

    A few months later…Matapos ilabas sa hospital si Equinox, ay isang simple pero maggarbong kasal ang inabangan ng tao matapos ang ilang buwan. Ginanap ang pagdiriwang na ito sa isang private resort na pagmamay-ari ni Austin. Hindi lang pamilya nina Equinox at Lucas ang dumalo kundi pati na rin ang kasamahan ni Equinox sa racing na umaasa pa rin sa pagbabalik niya sa karera. Tuluyan nang gumaling ang kanyang sugat at hindi na naging sagabal sa suot niyang gown. Walang pagsidlan ng tuwa si Equinox habang naglalakad sa makeshift aisle, kung saan naghihintay sa altar si Lucas. Nasa tabing-dagat ang aisle na ginawa ng kumpanya ni mismo ni Lucas. Nababalot iyon ng nagagandahang bulaklak habang magkabilaan ang upuan para sa mga bisita. Hindi maitatanggi ni Equinox na naging mabilis ang pangyayari sa kanila ni Lucas, pero tanggap na tanggap niya dahil pareho nilang mahal ang isa't isa. Alam niya rin, na hindi kayang sukatin ng panahon ang tunay na pagmamahal. “Masaya ako para sa ‘yo, anak.

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 275: Proposal

    Next:Dahil sa dugo ni Lucas ay naging matagumpay ang operasyon ni Equinox. Bagama’t hindi agad ito nagising dahil sa kritikal pa rin ang lagay nito, ay hindi ito iniwanan ng binata. Araw-araw niyang binisita ang kasintahan habang nasa ICU ito hanggang sa ilabas ito sa private room. Ang una nilang bisita ay si Manson at Claire kung saan nasa parehong ospital rin dahil malapit ng manganak ang huli, na labis na ikinatuwa ni Lucas. Sa wakas ay makikita niya na rin ang pamangkin niya. Natutuwa siya at naging maayos na ang lahat. Tanggap na rin ng kanyang ina ang relasyon niya kay Equinox at ito rin ang laging nagbabantay kay Equinox kung kinakailangan si Lucas sa opisina. Kahit ang kanyang ama, ang ama na umampon sa kanya na siyang kinikilala niyang ama ay lagi ring binibisita ang kasintahan niya. Iniwan nito ang negosyo sa Canada para samahan siya kahit pa nagpumilit si Lucas na hindi na ito mag-abala. “Ang sabihin mo lang, anak. Ay ayaw mong masolo si Equinox. Iyon talaga ang totoong

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 274: Testimonial of love

    Next“Equinox?” malakas at puno ng pag-aalala na sigaw ni Lucas nang makitang natamaan ang kasintahan. Hindi siya nag-atubiling takbuhin ang pagitan nilang dalawa habang ang kamay ay walang tigil sa pagbaril sa kalaban na nakaharang sa daanan niya. They were outnumbered, but Lucas’s priority is his girlfriend. Hindi siya nakitaan ng takot, bagkus ay malamig ang ekspresyon na pinagbabaril ang tauhan ni Quinny. Nang makalapit sa kasintahan ay agad niya itong dinaluhan. “Equinox! Baby. Are you okay?”“Lucas…” mahinang bulong ni Equinox saka mapait na ngumiti. “Ayos lang ako. My father… Please check on him.” Sa mga sandaling nag-uusap ang dalawa ay tuluyan nang naubos ni Austin at ng iba pa nitong kasama ang mga tauhan ni Quinny, maliban sa dalaga na ngayon ay nakaposas na habang nakaluhod sa sahig. Mabilis na umiling si Lucas. “No, hindi kita kayang iwan. Baby, let’s go. Your father will be safe with my team’s hands.” Equinox groaned when a slight pain triggered her left waist. Nang

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 273: She's Hit Again

    Next:“Quinny!” Agad na sigaw ng kanyang ama ng haklitin ito ng tauhan ni Quinny. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, anak? Bakit ka nagkakaganito?”Mabilis namang kumilos si Equinox at iniharang ang katawan sa harapan ng ama para pigilan ang tauhan na kunin ang kanyang ama. Pero hindi niya napigilan ang magtaas ng boses nang marinig ang huling sinabi nito. “Pa, stop calling her ‘anak’ dahil hindi mo siya anak!” mariing saad dito ni Equinox. Labis na gulat ang namayani sa mukha ng kanyang ama. Ito ang pangalawang beses na sinabi iyon ng kanyang anak at hindi lang siya nagkamali ng pandinig. “Ano ang ibig mong sabihin, Equinox?” Dumilim ang mukha ni Equinox at nilingon ang ama na nasa kanyang likuran pa rin. “Pa, hindi siya ang tunay mong anak. Hindi siya ang tunay na Quinny, dahil ang tunay na Quinny ay matagal nang patay!” “A-ano? Ano’ng patay? Hindi ba—” “Ang babaeng ‘yan ay anak ng taong nakalaban mo sa negosyo. Ipinagpalit nila ang sanggol na si Quinny sa sarili nilang anak para

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 272: Save Her Father

    “Mag-iingat ka, Equinox. Hindi biro ang backer ng babaeng ‘yun!” babala ni Lucas bago siya bumaba sa kotse. Minaneho nito ang sasakyan palapit sa harapan ng gate upang ibaba si Equinox at hindi maghinala ang mga guwardiya na nakabantay sa labas ng gate na mayroon siyang ibang kasama. Bagama’t malakas na kumakabog ang dibdib dahil sa kaba ay pilit niyang pinatatag ang sarili. Kailangan niyang sagipin ang ama sa kamay ni Quinny nang hindi naghihinala ang kinilala niyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Lucas hindi porket nasa panganib ang buhay ng aking ama ay hahayaan ko na si Quinny na pati ako ay tatakutin niya. Hindi ko siya hayaang magtagumpay. Isa pa, ay alam kong nandiyan ka lang at hindi ako pababayaan.” Bago siya pakawalan ni Lucas ay mahigpit siya nitong niyakap. “Alam mong kapag nasa panganib ang buhay mo, ay nasa panganib na rin ang buhay ko. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa ‘yo. Tama ka, kahit anong mangyari nandito lang ako sa likod mo at laging nakaantabay

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 271: Not Blood Related

    “Sigurado ka ba na kaya mong mag-isa?” Tumango si Equinox. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang tinanong ni Lucas magmula nang umalis sila sa bahay nito. Narito sila ngayon sa malapit ng mansion ng kanyang ama upang komprontahin si Quinny, ngunit para makasiguro, ay lihim na pinasok ng ibang kasamahan ni Lucas ang mansion upang malaman kung may iba pa silang kalaban sa loob. Nantili sila sa kotse habang nagmamanman at naghihintay sa report ng mga kasamahan nito. “Ayos lang ako, Lucas. Gusto ko rin pagbayarin ang kapatid ko, ngunit kailangan ko munang makasiguro na nasa maayos na lagay ang aking ama. Kilala ko si daddy, Lucas. Kapag hindi ako nagbibigay sa kanya ng updates kahit sa loob lamang ng isang araw ay magpapadala na iyon ng mensahe sa akin. Pero, magmula nang nangyari ang pagdukot sa akin, hanggang makauwi ako sa bahay mo ay hindi pa ako nakakatanggap ng tawag o mensahe man lang mula sa kanya.” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Equinox habang nakatingin sa mata

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 116: I'll be courting you

    Humigpit ang pagkakahawak ni Claire sa painting habang ang nagtatakang tingin ay palipat-lipat kay Manson at sa babae. “Sino siya?” kapagkuwan ay wala sa sariling tanong niya. Bago makasagot si Manson ay naunahan na ito ni Damon na nasa likuran ni Claire at humarang sa kanya. “Manson, bakit magkasam

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 115: Who are you?

    Sumama si Claire sa kanyang ina pabalik sa Maynila. Maraming kliyente ang naghahanap sa kanya na magpagawa ng painting o magpa-restore ng mga ceramics at balak niyang magpatayo ng sariling studio gamit ang perang naipon niya. Sa loob ng araw na nasa Antique siya ay hindi siya nakarinig ng ano man mu

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 114: Officially Broke up

    Lalong hinigpitan ni Manson ang pagkakahawak sa manibela habang ang mata ay nakadiretso pa rin kay Veena na bumakas ang takot sa mukha matapos siyang makita na dire-diretso ang pagmaneho at walang balak huminto. Nilamon na siya ng galit. Parang may bumubulong sa kanya na huwag huminto at banggain an

  • Divorce Now, Marry Me Later   Chapter 113: Sacrifice

    “Claire, paano mo nasabi ‘yan? Kung ang pagkawala ng baby natin ang dahilan kung bakit gusto mong makipaghiwalay. Puwede pa nating ayusin ‘to. Magkaka-baby ulit tayo, ‘wag ka lang makipaghiwalay, please…”Nakagat ni Claire ang pang-ibabang labi saka naikuyom ang kamao na nasa ilalim ng kumot at nam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status