Mag-log inSa ikatlong araw na nakakulong sa kuwarto si Claire ay narinig niya na may nag-uusap sa labas ng pintuan kaya dali-dali siyang tumigil sa ginagawa at inilapat ang tainga sa pintuan upang makinig.
“Sigurado ka bang matatapos ng babaeng ‘yon ang ginagawang singsing hanggang sa linggo?” “Baka nga tapos na niya iyon bukas, e. Hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yon? Siya lang naman ang pinakasikat na alahera noon bago pa ito magpakasal. Malinis pero mabilis saka polido ang kanyang gawa kaya nga pinag-interesan siya ni Boss ‘di ba?” “Maganda siya. Sigurado kang okay lang sa ‘yong pakawalan siya ng hindi natitikman?” “Sinong nagsabi sa ‘yong hindi? Sa ganda ng hubog ng katawan niyan iyon, palalampasin ko?” Nagkatawanan ang dalawa habang nangunot ang noo ni Claire sa narinig at biglang nanghilakbot. Kailangan niyang makatakas bago pa man may gawin sa kanya ang dalawa. Bumalik siya sa iniwang ginagawa at tinitigan iyon. “Are they thugs? Are these diamonds stolen?” Hinawakan niya ang singsing na malapit nang matapos. The ring is fabulous. Kumikinang ang diyamante na nakapatong doon at kahit ang ring band nito ay binalot niya ng maliliit na diyamante. Kinuha siya ng dalawa at dinala sa isang lugar na hindi siya pamilyar upang gumawa ng singsing na hiling ng Boss ng mga ito. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa siyang dalhin dito upang gumawa samantalang puwede naman ang mga itong tumungo sa botique. Unless, nakuha ng mga ito ang diyamante sa nakaw. Ang tanging bintana na nasa kuwarto niya ay iisa at nang tumingin siya sa labas ay puro na iyon kakahuyan at matarik na bangin kaya imposible kung tatalon siya roon upang tumakas. Walang ano-ano’y bigla siyang may narinig na komosyon sa labas at biglang bumukas ang pinto. “Hoy, babae!” Lumapit sa kanya ang dalawa at mabilis siyang hinawakan ng mga ito sa magkabilang braso. Sa bilis ng pangyayari ay hindi nakahuma si Claire. Namalayan na lang niya ang sarili na akay-akay ng mga ito pababa sa hagdan pero biglang tumigil ang mga ito sa kalagitnaan nang biglang bumukas ang mayor na pinto at iniluwa noon ang mga nakaunipormeng militar. Kasunod niyon ay ang lalaking kaswal na nakadamit pero guwapong-guwapo pa rin sa paningin ni Claire. “Manson…” hindi makapaniwalang bulong ni Claire. Si Manson ba talaga ito? Nandito ba ito para iligtas siya? Dahil nakita niya si Manson ay nakalimutan niyang hawak pala siya ng dalawang lalaki kaya’t nung bigla siyang tatakbo pababa ng hagdan ay agad siyang pinigilan ng mga ito. Ang isa ay mabilis siyang tinutukan ng baril sa sentido. “Sige, lumapit kayo kung ayaw n’yong pasabugin ko ang bungo ng babaeng ito.” Binalot ng takot ang pagkatao ni Claire at mabilis pa sa kidlat na huminto sa paglalakad. Nanginginig ang kamay na tumingin siya kay Manson. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mukha na iligtas siya ng asawa. Marahan siya nitong tinanguan. Nanatiling nakatutok ang baril sa sentido ni Claire pero ang mga militar ay nakahahanda sa maaring mangyari. Kahit si Manson ay may baril na hawak at nakatutok iyon sa dalawang lalaking may hawak kay Claire. Walang ideya si Claire na marunong palang humawak ng baril si Manson. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Dalawang putok ng baril ang sunod-sunod na tumunog at sa isang iglap ay dalawang katawan ang bumagsak sa hagdan. Dahil biglang nawala ang may hawak sa kanya ay nawalan ng balanse si Claire at nahulog din ang katawan sa hagdan. She was expecting her body to kiss the floor, but that didn't happen. She was embraced by the broad shoulder and engulfed in an intoxicating scent. “Claire… Thank God, okay ka na. Labis akong nag-alala sa pagkawala mo.” Humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Manson. Hindi mapigilan ni Claire ang tuluyang humikbi sa harap ni Manson. Ginantihan niya ito nang mahigpit na yakap. “Salamat sa pagligtas mo sa akin, Manson. Salamat at nahanap mo ako. I was so scared at baka kung ano na ang gawin sa akin ng dalawang iyon.” Kumalas si Manson sa pagkakayakap sa kanya at puno pa rin ng pag-aalala na tumingin sa kanya. “Nakalimutan mo na ba na may naka-install na tracking device dito?” Kinuha ni Manson ang kaliwang kamay niya at itinuro ang kanyang pulsuhan. Nang sinabi iyon ni Manson ay biglang naalala ni Claire ang lahat. May tracking device na naka-install sa kanya para protektahan siya sa mga ganitong pagkakataon. Pero bakit ngayon lang siya nahanap ng asawa? Nakita ni Manson ang komplikadong ekspresyon niya kaya agad itong nagpaliwanag. “Dapat ay hahanapin kita noong unang araw na nawawala ka pero sabay na may nangyari sa inyo ni Valeen. Muli siyang nagtangka at tatlong araw siyang walang malay ss ospital. Ngayon lang ako nakakilos dahil ngayon lang din siya nagising.” Parang malamig na yelong binuhusan ang kaninang tuwa na nakabadha sa mukha ni Claire. Hindi siya makapaniwala. Sa loob ba ng tatlong taon nilang pagsasama ni Manson, ni katiting ba wala itong naramdaman para sa kanya? She smiled bitterly. Ultimong laway ay hindi niya malunok dahil sa sama ng loob sa dahilan ni Manson. “A-ah… Ganun ba?” Pinilit niya magsalita. Ang gusto niya ngayon ay umuwi para magmukmok o di kaya ay lunurin ang sarili sa alak. Ang sakit-sakit na ng nararamdaman niya at baka hindi na niya kayang pigilan ang sarili at magbitaw ng kung ano-anong salita kay Manson. “Yes, Claire. That's what happened. And in fact—” “Manson!” Hindi naituloy ni Manson ang sasabihin nang biglang may pumutol nito. “Valeen! Hindi ba ang sabi ko maghintay ka sa kotse. Delikado rito.” Lumapit si Manson kay Valeen at hinawakan ito sa braso na para bang binibigyan ito ng proteksyon. Kung para saan ay hindi alam ni Claire. Ang alam niya tila sasabog na sa sama ng loob ang puso niya. “Pasensya na, Manson. Nag-aalala lang ako para kay Claire.” Valeen still looked pale. Tumingin ito sa kanya at nag-aalalang nagtanong. “Are you kay na, Claire? Nasaktan ka ba? Need ka ba namin dalhin sa ospital?” Pilit na ngumiti si Claire at kahit na nasasaktan ay sinagot niya si Valeen. “Ayos lang ako. Wala silang ginawa sa akin.” Sumulyap siya kay Manson na hawak pa rin sa braso si Valeen upang suportahan ang dalaga. “I want to go home, Manson. Baka nag-aalala na si mama. Hindi ko na kayo aabalahin at magta-taxi na lang ako.” Hindi na niya hinintay ang sagot ng asawa at tumalikod na rito na masamang-masama ang loob. Sa bawat hakbang ni Claire ay umaasa siyang hahabulin ni Manson para ihatid pero hanggang sa makasakay siya sa military van, na siyang nagboluntaryong maghatid sa kanya, ay hindi siya binigyang-pansin ni Manson. Samantala, nanatili si Manson sa tabi ni Veena dahil nanghihina pa rin ito kaya iginiya niya ito papasok sa kanyang kotse. “I told you, you don’t need to come. Nagpumilit ka pa, eh hindi ka pa magaling,” sermon niya sa dalaga. “Nag-aalala lang ako para kay Claire. Napakabait niya para may manamantala sa kanya. Bakit mo siya hinayaang sumakay sa military van kung puwede mo naman siyang ihatid?” Natahimik si Manson. Iyon ang gusto niya. Ang ihatid si Claire pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang iwan si Veena. Hindi nito gusto ang may kasabay na iba sa kotse kaya napilitan siyang ipasabay si Claire sa military van. Napayuko si Veena at tahimik na ngumisi. Because time and time again, she still grasped Manson under her palm.A few months later…Matapos ilabas sa hospital si Equinox, ay isang simple pero maggarbong kasal ang inabangan ng tao matapos ang ilang buwan. Ginanap ang pagdiriwang na ito sa isang private resort na pagmamay-ari ni Austin. Hindi lang pamilya nina Equinox at Lucas ang dumalo kundi pati na rin ang kasamahan ni Equinox sa racing na umaasa pa rin sa pagbabalik niya sa karera. Tuluyan nang gumaling ang kanyang sugat at hindi na naging sagabal sa suot niyang gown. Walang pagsidlan ng tuwa si Equinox habang naglalakad sa makeshift aisle, kung saan naghihintay sa altar si Lucas. Nasa tabing-dagat ang aisle na ginawa ng kumpanya ni mismo ni Lucas. Nababalot iyon ng nagagandahang bulaklak habang magkabilaan ang upuan para sa mga bisita. Hindi maitatanggi ni Equinox na naging mabilis ang pangyayari sa kanila ni Lucas, pero tanggap na tanggap niya dahil pareho nilang mahal ang isa't isa. Alam niya rin, na hindi kayang sukatin ng panahon ang tunay na pagmamahal. “Masaya ako para sa ‘yo, anak.
Next:Dahil sa dugo ni Lucas ay naging matagumpay ang operasyon ni Equinox. Bagama’t hindi agad ito nagising dahil sa kritikal pa rin ang lagay nito, ay hindi ito iniwanan ng binata. Araw-araw niyang binisita ang kasintahan habang nasa ICU ito hanggang sa ilabas ito sa private room. Ang una nilang bisita ay si Manson at Claire kung saan nasa parehong ospital rin dahil malapit ng manganak ang huli, na labis na ikinatuwa ni Lucas. Sa wakas ay makikita niya na rin ang pamangkin niya. Natutuwa siya at naging maayos na ang lahat. Tanggap na rin ng kanyang ina ang relasyon niya kay Equinox at ito rin ang laging nagbabantay kay Equinox kung kinakailangan si Lucas sa opisina. Kahit ang kanyang ama, ang ama na umampon sa kanya na siyang kinikilala niyang ama ay lagi ring binibisita ang kasintahan niya. Iniwan nito ang negosyo sa Canada para samahan siya kahit pa nagpumilit si Lucas na hindi na ito mag-abala. “Ang sabihin mo lang, anak. Ay ayaw mong masolo si Equinox. Iyon talaga ang totoong
Next“Equinox?” malakas at puno ng pag-aalala na sigaw ni Lucas nang makitang natamaan ang kasintahan. Hindi siya nag-atubiling takbuhin ang pagitan nilang dalawa habang ang kamay ay walang tigil sa pagbaril sa kalaban na nakaharang sa daanan niya. They were outnumbered, but Lucas’s priority is his girlfriend. Hindi siya nakitaan ng takot, bagkus ay malamig ang ekspresyon na pinagbabaril ang tauhan ni Quinny. Nang makalapit sa kasintahan ay agad niya itong dinaluhan. “Equinox! Baby. Are you okay?”“Lucas…” mahinang bulong ni Equinox saka mapait na ngumiti. “Ayos lang ako. My father… Please check on him.” Sa mga sandaling nag-uusap ang dalawa ay tuluyan nang naubos ni Austin at ng iba pa nitong kasama ang mga tauhan ni Quinny, maliban sa dalaga na ngayon ay nakaposas na habang nakaluhod sa sahig. Mabilis na umiling si Lucas. “No, hindi kita kayang iwan. Baby, let’s go. Your father will be safe with my team’s hands.” Equinox groaned when a slight pain triggered her left waist. Nang
Next:“Quinny!” Agad na sigaw ng kanyang ama ng haklitin ito ng tauhan ni Quinny. “Ano ba ang nangyayari sa ‘yo, anak? Bakit ka nagkakaganito?”Mabilis namang kumilos si Equinox at iniharang ang katawan sa harapan ng ama para pigilan ang tauhan na kunin ang kanyang ama. Pero hindi niya napigilan ang magtaas ng boses nang marinig ang huling sinabi nito. “Pa, stop calling her ‘anak’ dahil hindi mo siya anak!” mariing saad dito ni Equinox. Labis na gulat ang namayani sa mukha ng kanyang ama. Ito ang pangalawang beses na sinabi iyon ng kanyang anak at hindi lang siya nagkamali ng pandinig. “Ano ang ibig mong sabihin, Equinox?” Dumilim ang mukha ni Equinox at nilingon ang ama na nasa kanyang likuran pa rin. “Pa, hindi siya ang tunay mong anak. Hindi siya ang tunay na Quinny, dahil ang tunay na Quinny ay matagal nang patay!” “A-ano? Ano’ng patay? Hindi ba—” “Ang babaeng ‘yan ay anak ng taong nakalaban mo sa negosyo. Ipinagpalit nila ang sanggol na si Quinny sa sarili nilang anak para
“Mag-iingat ka, Equinox. Hindi biro ang backer ng babaeng ‘yun!” babala ni Lucas bago siya bumaba sa kotse. Minaneho nito ang sasakyan palapit sa harapan ng gate upang ibaba si Equinox at hindi maghinala ang mga guwardiya na nakabantay sa labas ng gate na mayroon siyang ibang kasama. Bagama’t malakas na kumakabog ang dibdib dahil sa kaba ay pilit niyang pinatatag ang sarili. Kailangan niyang sagipin ang ama sa kamay ni Quinny nang hindi naghihinala ang kinilala niyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Lucas hindi porket nasa panganib ang buhay ng aking ama ay hahayaan ko na si Quinny na pati ako ay tatakutin niya. Hindi ko siya hayaang magtagumpay. Isa pa, ay alam kong nandiyan ka lang at hindi ako pababayaan.” Bago siya pakawalan ni Lucas ay mahigpit siya nitong niyakap. “Alam mong kapag nasa panganib ang buhay mo, ay nasa panganib na rin ang buhay ko. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa ‘yo. Tama ka, kahit anong mangyari nandito lang ako sa likod mo at laging nakaantabay
“Sigurado ka ba na kaya mong mag-isa?” Tumango si Equinox. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang tinanong ni Lucas magmula nang umalis sila sa bahay nito. Narito sila ngayon sa malapit ng mansion ng kanyang ama upang komprontahin si Quinny, ngunit para makasiguro, ay lihim na pinasok ng ibang kasamahan ni Lucas ang mansion upang malaman kung may iba pa silang kalaban sa loob. Nantili sila sa kotse habang nagmamanman at naghihintay sa report ng mga kasamahan nito. “Ayos lang ako, Lucas. Gusto ko rin pagbayarin ang kapatid ko, ngunit kailangan ko munang makasiguro na nasa maayos na lagay ang aking ama. Kilala ko si daddy, Lucas. Kapag hindi ako nagbibigay sa kanya ng updates kahit sa loob lamang ng isang araw ay magpapadala na iyon ng mensahe sa akin. Pero, magmula nang nangyari ang pagdukot sa akin, hanggang makauwi ako sa bahay mo ay hindi pa ako nakakatanggap ng tawag o mensahe man lang mula sa kanya.” Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Equinox habang nakatingin sa mata
Hindi makapaniwala si Manson na blacklisted siya ng asawa. Ilang beses pa niyang sinubukang tumawag pero paulit-ulit lang na ang mechanical na tunog ng babae ang sumasagot sa kanya.“Fuck!” he loudly cursed and gripped the phone tightly. Nahilot niya ang sentido upang pagaanin ang ulo na unti-unti na
Hindi napansin ni Claire ang pagdilim ng mukha ni Manson dahil sa pagdepensa niya sa pangalan ni Lucas. Kahit ang pagbago ng reaksyon ng asawa ay hindi niya pansin dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa larawan sa cellphone nito. “Lalabas lang ako sandali,” paalam ni Manson at tumayo. Walang emos
Halos mawalan ng ulirat si Mrs. Colter dahil sa sakit nang pagpalo ni Claire sa kanya ng thermo flusk. Kaagad niyang tinakpan ang ilong, gamit ang kaliwang kamay na nababalot ng gintong alahas, na siyang natamaan nang maramdaman na umagos ang dugo mula roon. Hindi niya akalain na ang inosente at ma
Naiiling na pinulot ni Vincent ang unan na tinapon ng kapatid saka bumaling dito. “Veena, sa mga panahong magkasama kayo ni Manson, maayos ang lagay niya. Protektado ka niya, pinagsisilbihan. Pero nang malugmok siya, umalis ka at iniwan mo siya. At iyon ang mga panahon na pumasok si Claire sa buhay







