Mag-log inA single night changed everything. Matapos mangyari ang isang pagkakamali sa gabing 'yon, nagising na lang si Vivian na ikinasal sa kanyang sariling Boss na kilala sa industriya. Andrie Reign, dahil lamang sa isang pagkakamali ay napilitan itong makipaghiwalay sa taong mahal niya, at pinakasalan ang empleyado niyang si Vivian.
view more"F*CK!" Napakusot ako nang mata ko ng may narinig akong boses.
Subrang aga pa, nangbubulabog na. Tinignan ko ang kabuohan ng kwarto ko, pero hindi pamilyar sa akin ang lugar. Hanggang sa napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot. Nalasing ba ako kagabi? Nakaramdam naman akong may gumalaw sa tabi ko kaya napatingin agad ako. "B-boss?" Agad akong napatayo ngunit biglang sumakit ang pang-ibaba ko dahilan ng pagkalaglag ko sa kama. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko!" Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Bakit ako nandito? Natatanda ko lang matapos ang party. Pumasok talaga ako sa kwarto ko kagabi, kasama ko pa nga ang isa sa ka-office mate ko. Tapos... Hindi ko na maalala. "H-hindi ko po a-alam." Kinakabahang sagot ko sa kanya. Nakita ko naman siyang tumayo at nagmamadaling magbihis. Tinignan ko ang sarili ko at agad nagtakip ng katawan. May nangyari talaga sa amin. May kasalanan ba ako kong bakit ako nandito? Agad naman kaming napatingin sa may pintuan ng may biglang kumatok. Nagkatinginan lang kami ni Mr. Reign, hindi alam kung anong susunod na gagawin. Bigla na lang akong kinabahan ng biglang gumalaw ang doorknob. Pumikit na lang ako at hinintay kong sino ang papasok. Bahala na! "A-Andrei?" Napamulat na lang ako ng mga mata dahil kilalang-kilala ko kong kanino ang boses na 'yon. "S-sam? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba mamayang hapon pa tayo magkikita?" Kinakabahang tanong sa kanya ni Mr. Reign. Nakita ko namang tinignan ako ng Girlfriend niya, bago binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya. "Tama nga ang hinala ko... Pilit kitang pinapalayo sa kanya, pero ayaw mong makinig!" Lumapit sa kanya si Mr. Reign, pero isang sampal ang natanggap niya. "Pinagkatiwalaan kita, Andrei!" Umiiyak na sabi sa kanya ng Girlfriend niya. "Magpapaliwanag ako!" Nakita ko namang ngumiti ng mapait ang girlfriend niya. "Hindi ako bulag, Andrei!" "Maniwala ka, hindi ko talaga alam kong bakit nandito si Vivian sa kwarto ko." Pagpapaliwanag ni Boss sa kanya. Hindi ko rin alam kong paano ako napunta rito. Posibleng mali ang napasukan namin kagabi, at iniwan ako dito ng kasamahan ko? Pero hindi e, nasa kwarto talaga ako kagabi. Kung nasa kwarto ako, papaano ako napunta rito? "Kaya ba hindi mo ako kayang pakasalan? Dahil sa babaing 'yan!" Nagulat ako ng bigla niya akong tinuro. Tinignan ko naman si Boss, pero isang malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin. "H-hindi ko po talaga alam ang nangyari." Naramdaman ko naman kong papaano nanginig ang kamay ko. Wala talaga akong alam, hindi ko alam ang nangyari sa amin. "Alam kong matagal mo nang gusto ang Boyfriend ko. Nagtiwala ako sa inyo, lalo na sa'yo Andrie!" Biglang may pumatak na luha sa mga mata ko. Alam niya pa lang matagal ko nang gusto si Mr. Reign, at nagtiwala siya sa akin na hindi ko sila kayang pagtaksilan. "Maghiwalay na tayo!" Agad naman akong natauhan dahil sa sinabi ni Sam. Nakita ko naman kung papaano lumuhod si Mr. Reign sa harapan niya. "Please.. 'wag naman sa ganitong paraan, hindi ko kaya!" Nakita ko naman kong papaano umagos ang mga luha ni Sam, pero hindi niya 'yon inintindi at pinatayo si Mr. Reign. "Panagutan mo si Vivian. Panagutan mo ang sinimulan mo." Huling sabi ni Sam bago umalis sa kwarto. Pumatak ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Masama ba ako? Bakit ko nagawa to sa kanila. Naramdaman ko namang sinundan siya palabas ni Boss, kaya pinilit kong tumayo at kinuha ang damit sa sahig bago ko ito sinuot. Agad naman akong lumabas sa kwarto at nagmadaling umalis sa Hotel. Sumakay lang ako sa taxi at nagpahatid papuntang company. Huli ko nang namalayan na bakit ako pupunta sa company ng hindi man lang naligo at nagbihis. Hinayaan ko na lang dahil wala na akong magagawa, nakasanayan na nang katawan ko ang ganitong routine. Habang papasok ako, nakita kong pinagtitinginan nila ako habang nagbubulungan. May alam ba sila sa nangyari? "Ms. Villamor," napalingin agad ako ng may tumawag sa akin. "Bakit?" Isa siya sa HR Department. "Pinapatawag kayo ng Director." Tumango lang ako sa sinabi niya at lumakad papuntang Director office. Nang makarating ako, kumatok ako bago binuksan ang pintuan ng office. "Pinapatawag niyo po ako?" Tanong ko. Nakita ko namang tinigil niya ang ginagawa niya bago tumingin sa akin. "Kailangan mong umalis sa companya." Seryosong pagkakasabi niya sa akin. "P-Po?" Kinakabahang sambit ko. "Nalaman namin ang nangyari kagabi sa inyo ni Mr. Reign." Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya. "At ayaw naming malaman ito ng iba, dahil masisira ang imahe ng pamilyang Reign." Napayuko na lang ako dahil sa sinabi ng Director. "Sana maintindihan mo, Ms. Villamor." Tumango naman ako sa sinabi niya. Bakit ako lang? Ako lang ba ang may kasalanan? "At sana wala nang may ibang may makakaalam sa nangyari kagabi." Hindi naman ako nakapagsalita hanggang sa nakalabas na ako sa office niya. Sino naman ang pagsasabihan ko? Reporter? Hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Lumakad lang ako ng deretso, para makaalis na sa lugar na 'to. Maghahanap na lang ako ng ibang trabaho, para kahit papaano may pera ako. "Vivian!" Napalingon ako at nakita ang isang kaibigan ko rito sa companya. "Anong nangyari? Ano 'tong narining kong magre-resign ka?" Ngumiti lang ako sa kanya. "Wala e, masyadong hindi ko kaya ang mga gawain." Resign? Yan pala ang alam nila. "Bakit biglaan?" Sinilip ko naman ang paligid namin bago ko siya ulit tinignan. "Pumunta ka mamaya sa apartment, sasabihin ko sa'yo kong bakit!" Tumango naman siya sa sinabi ko. "Aalis na ako, baka abutan pa ako ni Boss." Sabi ko sa kanya. "Sige, mag-iingat ka. Puntahan kita mamaya sa inyo!" Tumango lang ako sa sinabi niya at nagmadaling umalis do'n. Nakalabas agad ako sa companya, kaya naghintay na lang ako ng taxi para makauwi. Saan ako nito maghahanap ng trabaho? "Excuse me?" Natauhan naman ako ng may narinig na boses. Napalingon ako sa likuran ko kong nasaan nanggaling at nakita ko ang isang napakagandang babae. "Ako po ba?" Tanong ko sa kanya, dahil wala naman akong ibang katabi. "Yes, ikaw nga." Nakita ko naman kong papaano siya kaseryoso sa sinabi niya. "Bakit po?" Magalang na tanong ko. "Ikaw ba ang babaing natagpuan sa kwarto ng anak ko?"VIVIANTumakbo ako papasok ng kwarto ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa gabing 'to. Masyado ba akong masama sa paningin niya para gawin 'to sa akin?Humiga ako sa kama at hinayaang bumagsak lahat ng luha ko. "Ang daya mo Andrie." Kinuha ko ang unang nasa tabi ko at niyakap ito.Parang mababaliw ako, hindi ko alam kung kaya ko pang makita siyang may kasamang ibang babae.Bakit ba hindi niya ako kayang tanggapin? Pero kaya niya pa lang tanggapin ang iba na akala ko ay hindi.Ganun ba talaga siya kagalit sa akin?Wala na bang ibang paraan para maging asawa ang tingin niya sa akin?...ANDRIE"Boss, sino ba talaga 'yon?" Tinignan ko naman ang secretary ko bago ko linagyan ng alcohol ang kamay ko.Bakit ba kasi nando'n siya sa sala?"My wife," simpleng sagot ko sa kanya."Hindi ba siya magagalit sa sinabi mo kanina?" Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sinabi ng secretary ko.Bakit naman siya magagalit? Binalaan ko na siyang wag umasang magiging asawa ang turing ko sa ka
VIVIAN Nilingon ko naman ang likuran ko at tinignan baka sakaling may kasabay ako, at siya pala ang kinakausap. "Ako ba?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ang sarili ko. "Ikaw nga," nakangiting sabi niya sa akin. "Ikaw 'yong bago hindi ba? Ako pala si Jomer!" Pakilala niya sa akin. "Vivian," tinanggap ko naman ang kamay niya. "Sabay na tayong pumasok?" Tumango naman ako sa sinabi niya at sabay na kaming lumakad. "Matagal ka na ba rito?" Tanong ko sa kanya. "2 year na, matagal na ba 'yon? Parang hindi di ba?" Natatawang sagot niya sa akin. "Hoy, Bakla!" Sabay naman kaming napalingon ng may isang babae ang sumigaw sa hallway. "Parang may microphone 'yang bibig mo!" Sagot sa kanya ni Jomer. "Shempre naman, bakla! Baka may mabiktima ka naman kasi!" Tinignan naman ako ng babae at ngumiti. "I'm Trixie!" Nakita ko naman ang kamay niyang nasa harapan ko kaya tinanggap ko na lang. "Vivian," simpling sagot ko sa kanya. "Huwag kang magpapaloko sa taong 'to, katulad natin 'yan!" T
VIVIAN Lumipas ang isang linggo, at ngayong araw ang kasal namin. Hindi kami ikinasal sa simbahan, sa abogado lang at may pinirmahan lang kami ni Andrie, at BOOM tapos na. "Pasensya na kong ito ang nangyari sa kasal niyo," tinignan ko naman si Tita at ngumiti. "Okay lang po." Hindi kasi pumayag si Andrei na magpakasal kami sa simbahan, at wala namang nagawa ang mga magulang niya at pumayag na lang, kaysa hindi matuloy ang kasalan. ** Nandito ako ngayon sa mansion ni Andrei, may pag-uusapan daw tungkol sa kasal. Kung hindi dahil sa balitang kumalat hindi sana napaaga ang kasalan namin. Sino ba kasing asungot ang nagpakalat ng picture kong kakalabas lang sa kwarto ni Andrie. "Anong gusto niyong venue sa kasal?" Hindi naman ako nagsalita sa tanong ni Tita. Nakakahiya naman dahil wala naman akong gagastuhin kahit peso. "Itong gown mo, Vivian? Okay na ba 'to?" May pinakitang magazine sa akin si Tita, sobrang ganda at alam mong mamahalin. "Kayo na po ang bahala," nakangiting sab
VIVIAN "Magpapakasal ka? Nagpapatawa ka ba?" Hinawakan niya naman ako sa dalawang balikat ko at niyugyog. "Nahihilo na ako!" Tumigil naman siya at umupo ulit. "Seryoso, ano nga?" "Magpapakasal na nga ako," pag-uulit kong sabi sa kanya, pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya. "Sino naman ang papakasalan mo? Wala ka pa ngang boyfriend." Sabi niya sa akin habang nakataas pa rin ang isa niyang kilay. "Kagabi kasi, ano... nawala 'yong ini-ingatan ko." Nakita ko naman kong papaano lumaki ang singkit niyang mata. "Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?" Seryosong tanong niya na ikinatango ko lang. "Patay kang bata ka! Sinong matinong lalaki ang pumatol sa'yo?" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. "Haha, joke lang!" Natatawang sabi niya sa akin habang hinahaplos ang ulo niyang binatukan ko. "Magpapakasal ka talaga?" Tumango naman ako sa sinabi niya. "Oo nga, pa ulit-ulit ka e!" "Sinong papakasalan mo?" Tinignan ko naman siya bago ngumiti ng pilit. "Si Andrie." "Andrie
"F*CK!" Napakusot ako nang mata ko ng may narinig akong boses. Subrang aga pa, nangbubulabog na. Tinignan ko ang kabuohan ng kwarto ko, pero hindi pamilyar sa akin ang lugar. Hanggang sa napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot. Nalasing ba ako kagabi? Nakaramdam naman akong may gumalaw sa tabi ko kay
VIVIAN "Wala na kayong magagawa. Sa ano mang araw na ito, malalaman ng lahat ang nangyari sa inyo." Napalunok agad ako ng laway dahil sa sinabi ni Tito. "Kaya mas mabuting magpakasal kayo, bago pa nila gamitin si Vivian laban sa'yo Andrei." Kalmadong pagkakasabi ni Tita sa amin. "Papaano ang Gir
VIVIAN "Po?" Mas lalo akong kinabahan ng bigla siyang natahimik. "Ikaw ba ang nakasama ng anak ko kagabi?" Anak? Isa lang naman ang lalaking nakasama ko kagabi. "Sino po bang anak niyo?" Tanong ko sa kanya. "Si Andrie," namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Si Mr. Reign po?" Tumango la












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu