เข้าสู่ระบบVIVIAN
Lumipas ang isang linggo, at ngayong araw ang kasal namin. Hindi kami ikinasal sa simbahan, sa abogado lang at may pinirmahan lang kami ni Andrie, at BOOM tapos na. "Pasensya na kong ito ang nangyari sa kasal niyo," tinignan ko naman si Tita at ngumiti. "Okay lang po." Hindi kasi pumayag si Andrei na magpakasal kami sa simbahan, at wala namang nagawa ang mga magulang niya at pumayag na lang, kaysa hindi matuloy ang kasalan. ** Nandito ako ngayon sa mansion ni Andrei, may pag-uusapan daw tungkol sa kasal. Kung hindi dahil sa balitang kumalat hindi sana napaaga ang kasalan namin. Sino ba kasing asungot ang nagpakalat ng picture kong kakalabas lang sa kwarto ni Andrie. "Anong gusto niyong venue sa kasal?" Hindi naman ako nagsalita sa tanong ni Tita. Nakakahiya naman dahil wala naman akong gagastuhin kahit peso. "Itong gown mo, Vivian? Okay na ba 'to?" May pinakitang magazine sa akin si Tita, sobrang ganda at alam mong mamahalin. "Kayo na po ang bahala," nakangiting sabi ko sa kanya. "Walang gaganaping kasal." Napatingin kaming lahat sa bagong dating. "Anong ibig mong sabihin, Andrie?" Tanong sa kanya ni Tita. "Hindi ako magpapakasal sa simbahan kong siya lang naman ang papakasalan ko." Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya. "Nahihibang ka na ba, Andrei!" Galit na sabi sa kanya ni Tita. "Mayro'n namang ibang paraan para maging mag-asawa kami na hindi kinakasal sa simbahan, hindi ba?" Nakita ko naman kong papaano napaupo si Tita dahil sa sinabi niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo!" "Wala kayong magagawa, dahil kahit anong gawin niyo hindi ko siya papakasalan!" Tinalikuran niya kaagad kami at umalis na. "Pagsisisihan mo rin to!" Inis na salita ni Tita sa kanya. ** Kaya ngayon, mag-asawa na kami pero sa papel lang. Walang may nakakaalam ng kasalan namin, ayaw niyang ipaalam. "Andrei, alagaan mo si Vivian ha! Huwag mong pabayaan!" Sigaw sa amin ni Tita habang papasok kami sa sasakyan. Dahil mag-asawa na kami, kaya pinasama na talaga kami ng mga magulang niya sa iisang bahay, para daw makilala namin ang isa't-isa. Habang nasa byahe kami, wala ni isang may sasalita. Ano naman ang pag-uusapan namin? Alangan kakausapin ko tapos hindi pala ako sasagutin. "Huwag na 'wag mong ipagsabi na ako ang asawa mo." Hindi naman ako kumibo sa sinabi niya. Anong magagawa ko? D'yan siya masaya. "Huwag mo ring pakialaman ang mga ginagawa ko, ganun din ako sa'yo." Tumango naman ako sa sinabi niya. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa isang malaking bahay. Bumaba na si Andrei kaya bumaba na rin ako at sinundan siya papasok ng bahay. Nakita ko naman siyang huminto at humarap sa akin. "Bawal kang pumasok sa kwarto ko, kahit na anong mangyari!" Tumango lang ako sa sinabi niya. "At huwag kang aasang magiging asawa ang pakikitungo ko sa'yo!" Matapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran niya na ako at umakyat na siya sa taas. Ngumiti naman ako ng pilit bago pinakalma ang sarili. Kaya mo 'to Vivian! Nilibot ko naman ang mga mata ko sa bahay, dahil sinabi ni Tita na nandito na ang mga damit ko. Hindi naman tumagal ang paghahanap ko at nakita ko naman sa sofa naka patong ang isang bag. Lumakad na lang ako sa taas at pumunta sa isa pang kwarto at pumasok sa loob. Linapag ko ang mga gamit ko at inayos sa cabinet. Nang matapos ako ay naligo na ako at humiga na sa kama para matulog, dahil ang daming nangyari sa araw na ito. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa bahay na ito. Lalo na't kasama ko ang lalaking may galit sa akin. Nagising agad ako dahil sa sinag ng araw, kaya naghilamos na lang ako bago ako bumaba. Nakita ko naman siyang kumakain ng almusal niya, kaya pumunta na lang ako sa kusina at gumawa ng almusal ko. Matapos kong gumawa ay lumabas na ako para makaupo na at mailapag na ang almusal ko sa lamesa. Nakita ko naman siyang umiinom ng kape niya, bago ako umupo. Matagal kong pinangarap na magkasabay kaming kumain, pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi nagtagal ay tumayo na siya, kaya napa tingin na lang ako sa likuran niyang papalayo sa akin. Ang hirap naman sa ganitong buhay! Tumayo agad ako dahil may trabaho pa ako. Matapos kasi akong ma resign sa companya ng asawa ko, naghanap na agad ako. Ayaw ko namang e-asa ang buhay ko sa kanya. Dahil alam ko, balang araw, papaalisin din ako sa bahay na ito. Maraming naghihiwalay kayang mga mayayaman, kami pa kaya? Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ko ay agad na akong umalis ng bahay at sumakay sa taxi. Hindi ko naman ginamit ang ibang sasakyan ng asawa ko, dahil ayaw ko namang sabihin na naging mayaman ako overnight, hindi ba? At isa pa hindi ako marunong magmaneho. "Ma'am, nandito na po tayo!" Natauhan naman ako dahil sa sinabi ni Manong driver. "Bayad ko po, salamat po!" Bumaba agad ako sa taxi at lumakad na papasok ng companya. "Good morning!" Napalingon naman ako at nakita ko ro'n ang isang lalaking nakangiti. Sino naman 'to?VIVIANTumakbo ako papasok ng kwarto ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa gabing 'to. Masyado ba akong masama sa paningin niya para gawin 'to sa akin?Humiga ako sa kama at hinayaang bumagsak lahat ng luha ko. "Ang daya mo Andrie." Kinuha ko ang unang nasa tabi ko at niyakap ito.Parang mababaliw ako, hindi ko alam kung kaya ko pang makita siyang may kasamang ibang babae.Bakit ba hindi niya ako kayang tanggapin? Pero kaya niya pa lang tanggapin ang iba na akala ko ay hindi.Ganun ba talaga siya kagalit sa akin?Wala na bang ibang paraan para maging asawa ang tingin niya sa akin?...ANDRIE"Boss, sino ba talaga 'yon?" Tinignan ko naman ang secretary ko bago ko linagyan ng alcohol ang kamay ko.Bakit ba kasi nando'n siya sa sala?"My wife," simpleng sagot ko sa kanya."Hindi ba siya magagalit sa sinabi mo kanina?" Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa sinabi ng secretary ko.Bakit naman siya magagalit? Binalaan ko na siyang wag umasang magiging asawa ang turing ko sa ka
VIVIAN Nilingon ko naman ang likuran ko at tinignan baka sakaling may kasabay ako, at siya pala ang kinakausap. "Ako ba?" Tanong ko sa kanya habang tinuturo ang sarili ko. "Ikaw nga," nakangiting sabi niya sa akin. "Ikaw 'yong bago hindi ba? Ako pala si Jomer!" Pakilala niya sa akin. "Vivian," tinanggap ko naman ang kamay niya. "Sabay na tayong pumasok?" Tumango naman ako sa sinabi niya at sabay na kaming lumakad. "Matagal ka na ba rito?" Tanong ko sa kanya. "2 year na, matagal na ba 'yon? Parang hindi di ba?" Natatawang sagot niya sa akin. "Hoy, Bakla!" Sabay naman kaming napalingon ng may isang babae ang sumigaw sa hallway. "Parang may microphone 'yang bibig mo!" Sagot sa kanya ni Jomer. "Shempre naman, bakla! Baka may mabiktima ka naman kasi!" Tinignan naman ako ng babae at ngumiti. "I'm Trixie!" Nakita ko naman ang kamay niyang nasa harapan ko kaya tinanggap ko na lang. "Vivian," simpling sagot ko sa kanya. "Huwag kang magpapaloko sa taong 'to, katulad natin 'yan!" T
VIVIAN Lumipas ang isang linggo, at ngayong araw ang kasal namin. Hindi kami ikinasal sa simbahan, sa abogado lang at may pinirmahan lang kami ni Andrie, at BOOM tapos na. "Pasensya na kong ito ang nangyari sa kasal niyo," tinignan ko naman si Tita at ngumiti. "Okay lang po." Hindi kasi pumayag si Andrei na magpakasal kami sa simbahan, at wala namang nagawa ang mga magulang niya at pumayag na lang, kaysa hindi matuloy ang kasalan. ** Nandito ako ngayon sa mansion ni Andrei, may pag-uusapan daw tungkol sa kasal. Kung hindi dahil sa balitang kumalat hindi sana napaaga ang kasalan namin. Sino ba kasing asungot ang nagpakalat ng picture kong kakalabas lang sa kwarto ni Andrie. "Anong gusto niyong venue sa kasal?" Hindi naman ako nagsalita sa tanong ni Tita. Nakakahiya naman dahil wala naman akong gagastuhin kahit peso. "Itong gown mo, Vivian? Okay na ba 'to?" May pinakitang magazine sa akin si Tita, sobrang ganda at alam mong mamahalin. "Kayo na po ang bahala," nakangiting sab
VIVIAN "Magpapakasal ka? Nagpapatawa ka ba?" Hinawakan niya naman ako sa dalawang balikat ko at niyugyog. "Nahihilo na ako!" Tumigil naman siya at umupo ulit. "Seryoso, ano nga?" "Magpapakasal na nga ako," pag-uulit kong sabi sa kanya, pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay niya. "Sino naman ang papakasalan mo? Wala ka pa ngang boyfriend." Sabi niya sa akin habang nakataas pa rin ang isa niyang kilay. "Kagabi kasi, ano... nawala 'yong ini-ingatan ko." Nakita ko naman kong papaano lumaki ang singkit niyang mata. "Seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?" Seryosong tanong niya na ikinatango ko lang. "Patay kang bata ka! Sinong matinong lalaki ang pumatol sa'yo?" Binatukan ko naman siya sa sinabi niya. "Haha, joke lang!" Natatawang sabi niya sa akin habang hinahaplos ang ulo niyang binatukan ko. "Magpapakasal ka talaga?" Tumango naman ako sa sinabi niya. "Oo nga, pa ulit-ulit ka e!" "Sinong papakasalan mo?" Tinignan ko naman siya bago ngumiti ng pilit. "Si Andrie." "Andrie
VIVIAN "Wala na kayong magagawa. Sa ano mang araw na ito, malalaman ng lahat ang nangyari sa inyo." Napalunok agad ako ng laway dahil sa sinabi ni Tito. "Kaya mas mabuting magpakasal kayo, bago pa nila gamitin si Vivian laban sa'yo Andrei." Kalmadong pagkakasabi ni Tita sa amin. "Papaano ang Girlfriend ko?" Tanong ni Mr. Reign sa kanila. "Ipapakasal na siya sa pinsan mo." Deretsang sagot sa kanya ni Tito. "F*ck, Dad!" Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Anong nangyayari sa pamilyang 'to? Lalo na kay Sam? "Ano bang ginawa ko para paghirapan niyo ako nang ganito? Bakit sa pinsan ko? Pwede naman sa akin!" Nakita ko naman kong papaano sabunutan ni Boss ang sarili niya. Naaawa na ako sa kanya, siya 'yong nasa gitna. Naaawa rin naman ako sa sarili ko, pero iba ang epekto nito kay Andrie. "Si Sam mismo ang nagsabi na gusto niyang pakasalan ang pinsan mo." Tumigil naman si Boss sa paggulo ng buhok niya at tinignan ako. "Kasalanan mo 'to!" Sigaw niya sa akin. "Wala akong kasalanan, p
VIVIAN "Po?" Mas lalo akong kinabahan ng bigla siyang natahimik. "Ikaw ba ang nakasama ng anak ko kagabi?" Anak? Isa lang naman ang lalaking nakasama ko kagabi. "Sino po bang anak niyo?" Tanong ko sa kanya. "Si Andrie," namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Si Mr. Reign po?" Tumango lang siya sa sinabi ko. "So, ikaw nga ang babaing 'yon?" Hindi ko naman siya tinignan at umiwas. Pag-inamin kong ako 'yong babae baka sabunutan ako. Naghiwalay ba naman 'yong anak niya at girlfriend nito nang dahil lang sa akin. "Alam kong ikaw 'yon." Hindi naman ako sumagot sa sinabi niya. Alam niya naman pala, tinanong pa ako? Hindi ko alam na ganito kabilis nilang nalaman ang nangyari sa amin ni Mr. Reign. Hindi pa nga nakarating sa kompanya si Mr. Reign, pero alam na nang lahat. Ganito ba kapang isang makapangyarihang pamilya ang binangga mo? "Hindi ko namang ginusto 'yon, hindi ko talaga alam kung ano po ang nangyari." Pagtatangol ko sa sarili ko, dahil bali-baliktarin ang mundo sar
"F*CK!" Napakusot ako nang mata ko ng may narinig akong boses. Subrang aga pa, nangbubulabog na. Tinignan ko ang kabuohan ng kwarto ko, pero hindi pamilyar sa akin ang lugar. Hanggang sa napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot. Nalasing ba ako kagabi? Nakaramdam naman akong may gumalaw sa tabi ko kay







