LOGINMATAPOS AYUSIN ANG kanyang sarili ay nagpalit na ng damit si Gail at nahiga na upang matulog. Kung hindi pa tumunog ang alarm ng kanyang cellphone tanghali kinabukasan ay hindi pa magigising si Gail. Ilang sandaling tinitigan niya ang oras na alarm ng kanyang cellphone. Iyon ang oras ng pagtawag niya kay Jax. Dahil half day lang ang school ng anak, minabuti niya na tawagan ito after ng klase. Iyon lang ang pagkakataon na nakakapag-usap sila nito.
“Hindi ko na rin ngayon kailangang tumawag.” Pinatay ni Gail ang alarm kahit na may bigat sa kanyang puso. Ilang beses niyang sinulyapan ang cellphone. Kagat na ang labing sinupil ang sarili na tawagan at kausapin ang kanyang anak. Matapos niyang marinig ang sinabi nito sa kanyang Yaya ay sumama na ang loob niya. “Tutal ayaw naman na niya akong maging ina, pagbibigyan ko ang hiling niya.” Sa mga sandaling iyon ay panay ang sulyap ni Jax sa cellphone na nakapatong sa gilid ng lamesa. Kakarating lang nila ng bahay. Sinundo siya ng ama upang sabayan na kumain lang. Hapon ang usapan nilang pupunta ng camp site kasama ang Tita Nica niya sa araw na iyon. “Dad, nakalimutan ba ni Mommy na tawagan ako?” Binanggit ng ama ang pag-alis ng ina sa kanya nang umagang iyon. Syempre natuwa ang bata dahil wala ng hadlang sa pagpunta nila ng camp site, ngunit dahil nakasanayan niya na tumatawag ang ina kapag ganitong oras. Nakaramdam na siya ng pagtataka na wala na iyon. “Baka busy lang ang Mommy mo dahil alam mo na, bumalik siya agad kahapon hindi ba?” “Kahit na, kahit busy siya tatawag pa rin siya kahit saglit.” dabog pa ng kanyang mga paa. “Anak, noong narito siya hindi mo siya kinausap tapos ngayon nagagalit kang—” “It was her promise, Dad. Mabuti pa talagang si Tita Nica na lang ang Mommy ko eh!” Hindi pinansin ni Leon ang napipintong pag-aalboroto ng anak kahit pa maging siya ay curious na rin sa hindi pagtawag ni Gailyn. Ganunpaman, hindi niya ito binigyan ng halaga. “Tatawag din iyon sa’yo, malay mo bukas dahil nakalimutan niya lang ngayon.” Pinagsalubong pa ni Jax ang kanyang mga kilay na manang-mana sa kanyang ama na makapal. Pinapakita lang noon na hindi siya masaya sa ginawang iyon ng sarili niyang ina. “Kapag tumawag siya bukas, hindi ko siya kausapin. She needs a silent treatment from me.” Matapos ng kasal ni Gailyn kay Leon na ginanap sa ibang bansa, nagsimula siyang magtrabaho sa kanilang kumpanya na Lombardi Enterprises. Ginawa lang niya iyon nang dahil kay Leon. Ngayong maghihiwalay na sila, walang dahilan upang magtagal pa siya dito. Kung kaya naman kinabukasan pagpunta niya ng kumpanya, una niyang ini-abot ang resignation letter niya kay Zion. Kulang ang salitang halos mahulog ang panga nito sa nakita. “Mag-re-resign ka?” Isa lamang si Zion sa mga nakakaalam kung ano ang tunay na relasyon niya kay Leon. Tutal sa ibang bansa sila ikinasal, karamihan sa mga employee doon ay walang alam na asawa siya ng kanilang CEO. Wala rin namang plano si Gail na ipangalandakan iyon sa mga employee eh. Alam ni Zion na ginawa iyon ni Gail upang mas mapalapit sa kanyang asawa kahit pa napakalayo nito sa kanyang tinapos sa kolehiyo. Pinili niyang maging secretary lang na katulong ni Zion gawin ang trabaho habang nasa malayong probinsya ng Mindoro si Leon. “Bakit?” Hindi lubos ma-imagine ni Zion na darating ang araw na mag-re-resign si Gail dahil nakita niya kung gaano nito ginalingan sa kanyang trabaho kahit habang nagdadalang-tao na ito. “Tanggapin mo na lang, nasa policy ng company na kapag ayaw na ng trabahante may karapatan silang mag-resign. Pwede mo rin basahin ang reason ko diyan ng maintindihan.” Tinanggap iyon ni Zion. “Oo na, tinatanggap ko na ang resignation letter mo. I will arrange for someone to take over your work position as soon as possible.” “Thank you, Zion!” Bumalik na si Gail sa kanyang table. Kailangan niya pa ‘ring hintayin iyon na ma-approved. Bagay na alam niyang hindi matatapos ang araw na iyon at magkakaroon ito agad ng result. Sa umagang iyon bago ang coffee break ay may ipinasang report si Zion kay Leon through online. As the conversation was winding down, naalala niya ang resignation ni Gail. Kailangan niya pa ‘ring sabihin iyon dito bilang respeto. Bagamat tinanggap na niya ang resignation nito, kailangan pa rin iyong malaman ng kanilang CEO. Baka kasi magalit ito kung hindi niya papaabutin dito. “Siya nga pala Sir, about sa—” Hindi magawang ituloy iyon ni Zion nang maalala na wala nga palang pakialam dito si Leon. Kumbaga, kung ano ang mangyari kay Gail sa company ay hindi siya nakikialam kahit na malala pa. hinahayaan niyang company ang mag-ayos. “What is it, Zion?” Iniiling ni Zion ang kanyang ulo. Hindi niya na kailangang iparating pa iyon sa kanya. “Wala po, Sir.” Naniniwala si Zion na alam na ni Leon ang ginawang pagbibitaw sa trabaho ni Gail. Malamang asawa ito kung kaya ito ang unang makakaalam. Ayaw niyang sumama ang mood ng amo matapos niyang banggitin iyon. He can simply handle it according to company regulations, just like before ng mag-file si Gail ng maternity leave sa kanilang anak ng CEO. “Alright…” Panay ang sulyap ni Gail sa table ni Zion, hinihintay siyang lapitan nito at sabihin na approved na ang resignation. Napalingon siya sa kasamahan ng tapikin ang balikat niya. “Huy, akala ko ba naka-leave ka ng two weeks? Bakit narito ka na agad?” “Hmm, oo nga eh.” “Hindi ka natuloy na umuwi sa anak mo? Akala ko ba sobrang miss mo na?” “Hindi na ako tumuloy. Sayang din ang sweldo.” “Hindi ka tatawag sa anak mo?” Dalawang beses kung tumawag si Gail kay Jax, isang after lunch at isang hapon bago uwian. Halos ng mga ka-trabaho niya ay alam ang routine niyang iyon. “Hindi, mamayang gabi na lang.” Ang hindi nila alam ay ang big boss ng kanilang company ang lihim na ama ng kanyang anak. Matapos ng trabaho sa araw na iyon ay nagtungo si Gailyn sa wet market upang bumili ng ilang mga gulay na kailangan niya at potted plants nang magkaroon naman ng buhay ang kanyang bahay. Matapos na kumain ay nag-check si Gail ng balita tungkol sa partnerships announcements na may kasamang medical conferences kung saan ay may mga hospitals or research institutions na involved, sponsorship iyon o exhibit naman ang para sa medical conferences.TULOG PA SI Gail nang magising si Jaxon, ilang minutong pinagmasdan ng bata ang mukha ng ina habang nakangiti ang kanyang mga mata. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ng ina ngunit hindi man lang ito nagising. Nais sanang gisingin ng bata ang ina at tanungin kung gutom na, ngunit nang marinig niya ang munting mga hilik nito ay hindi niya ginawa. “Babalikan ko na lang siya mamaya…” Maingat na bumangon si Jaxon at bumaba ng kama. Pumanaog na siya na agad namang sinalubong ng tiyahin ni Gail. “Ang Mommy mo?” “Tulog pa po.” “Ah, halika at mag-almusal ka na. Hayaan mo siyang magpahinga. Pagod na pagod siya sa kanyang trabaho.” Tumango lang si Jaxon at obedient na sumunod sa tiyahin ni Gail. Nang pumanhik si Jaxon bandang tanghali upang gisingin ang ina, niyakap lang siya ni Gail at hindi idinilat ang kanyang mga mata. Nagtuloy sa pagtulog ang kanyang ina.“Antok pa ang Mommy, anak. Mamaya na lang ako kakain. Baba ka na doon at kumain. Okay?” hindi dumidilat ang matang sambit ni Gail
MASUYONG PINUNASAN NI Gail ang mga luha ng anak at hinagod nang paulit-ulit ang likod nito. Bilang ina ng bata ay hindi na niya napigilan na maramdaman ang kirot ng pagtatampo na pinagdadaanan ngayon ng kanyang anak.“Daddy is a liar, Mommy! He is a liar!” Hindi nagkomento ang babae. Hinayaan na lang niyang magsabi nang kung anu-ano ang anak, pero hindi niya ginatungan ang kung anong nararamdaman ng bata para sa kanyang ama. Alam niyang lilipas din ang bagay na iyon. “Sabi niya, wala siyang kasama pero kasama niya pala si Tita Nica! I hate him! I hate him! I hate him, Mommy!” Inalo pa ni Gail ang anak sa pamamagitan ng mahigpit ditong pagyakap. Hindi niya kailangang magsalita upang pasamain pa nang lubha si Leon. Anak niya na mismo ang nakadiskubre kung anong ginagawa ng kanyang ama. Siya na lang ang bahala doong magdala. Ang mahalaga ay hindi niya siniraan ang imahe nito. Wala siyang binanggit na masama.“Bakit hindi mo kausapin ang Daddy—”“No, I don’t want to talk to him! Ayoko
TUMANGO LANG DITO si Gail na makikita ang pagiging proud sa kanyang mga mata na ina. “Opo.” “Oh, he looks a lot like you.” Binalingan na ng matanda si Jaxon na nakatingin na rin noon sa matandang lalaki. Tila sinisiyasat kung sino siya na kailangang i-meet ng ina niya. Inakala ng bata na ibang lalaki iyon ng ina niya.“Hi, young handsome. Ano ang pangalan mo?” friendly ang tono ng pagkakatanong nito dito.“Jaxon Lombardi po.” “Lombardi?” Binalingan na ng matandang General si Gail na hustong prenteng kakaupo lang noon. Ilang sandali lang ay binalik niya ang paningin sa bata dahil abala na si Gail sa hawak nitong menu upang pumili na kung ano ang kakainin nilang mag-ina sa nasabing restaurant.“Lombardi ang apelyido mo, hijo, tama ako di ba?” “Opo, Jaxon Espinoza Lombardi…” ulit ng bata na isinama na ang apelyido doon ng kanyang ina.Tuluyang natigilan ang matandang lalaki. The moment he saw Jaxon, he felt he looked familiar, but he couldn't quite place where he had seen the child
AROUND NOON, JUST as Gailyn was about to take Jaxon out when her phone rang. Si Nicolas ang tumatawag sa kanya. She chuckled, and just as she answered the call, she heard Nicolas in a low voice. “Hulaan mo kung nasaan ako ngayon, Gail.” Umikot sa kawalan ang mga mata ni Gail. “Nasa planet Earth ka pa rin naman. Ano bang pagkakaiba?” pilosopong sagot sa kanya ni Gail kahit alam niyang nasa ibang bansa ito.Malutong na tumawa si Nicolas sa pagiging baliw ng kanyang kaibigan.“Ikaw? Ano pa lang pinagkakaabalahan mo? Sabi ko naman sa’yo sumama ka sa akin eh.” “Gumagayak paalis ng bahay, manonood ako ng movie.” “Mag-isa ka lang o mayroon kang kasama?” “Kasama ko si Jaxon.” “Oh, nariyan siya sa’yo? Buti at hindi kinuha ng kanyang ama? Di ba doon siya dapat?” “Hindi naman, dito siya nag-celebrate ng New Year sa akin. Eh, kailangan ni Leon na umalis ng bansa. Hinatid dito kagabi. Gulat nga kami.” Nagulat sila dahil kahit nasa business trip si Leon noon ay hindi si Jaxon dinadala sa i
PRENTENG TAHIMIK NA tinungo ni Gail ang ibabaw ng kama, naupo na doon kinuha ang laptop at binuhay ito matapos na ilagay sa kandungan. “Ano ang plano niyong gawin ng Mommy, ngayong araw Jaxon?” excited na tanong ni Leon na hindi nakaligtas sa pandinig ni Gail dahil naka-volume ang cellphone na hawak ng kanilang anak na gumulong na noon palapit sa ina niya.Malambing na yumakap ang isang kamay ni Jaxon sa isang braso ng ina na hindi naman sinaway ni Gail dahil sanay na.“Manonood kami ng movie ni Mommy, Daddy. Sayang wala ka dito. Kasama ka sana namin mamayang tanghali.”Nanatili ang mga mata ni Gail sa screen ng kaharap niyang laptop, habang ang tainga niya ay nasa usapan ng mag-ama.“Really? Then enjoy kayo ng Mommy. Pagbalik ko babawi ang Daddy sa’yo—” “Huwag lang sa akin, Daddy, pati na rin kay Mommy, okay?” “Alright…” “Binigay ko na pala iyong pinagawa natin na family treasure sa kanya, Daddy.” Tumango lang si Leon at kapagdaka ay ngumiti sa anak. “Jax, pwede mo bang ibigay
MATAPOS NA MAGPALIT ng damit ni Jaxon at maglinis ng katawan ay excited na patalon-talon na itong sumampa ng kama. Noong una ay humahagikhik na gumapang ang bata sa ibabaw ng inang agad namang iniyakap ang mga bisig sa katawan ng kanyang anak. Marahan ni Gail hinagod ang likod ng bata na sa pagkakataong iyon ay nakatingin na ang pares ng mga mata sa mukha niya. Titig na titig iyon sa mukha niyang inabot ng dalawang munting mga kamay ni Jaxon.“Mom, I missed you so much.” marahan niyang pisil sa magkabilang pisngi ng ina.“Talaga? Hindi pa nagtatagal noong huli kita nating dalawa ah?” kinikilig ng tanong ng bata sa kanyang ina. “ Ganun mo ako kabilis na-miss?” pindot pa ni Gail sa dulo ng ilong ni Jaxon na mas lalong ikinahagikhik ng bata na parang kinikiliti.“Hmm, you smell so good kaya araw-araw ay gusto kitang mayakap, Mommy. Kailan ka ba uuwi ng bahay natin? Gusto ko na kayong makatabi ni Daddy sa iisang kama kapag matutulog ako Tapos paggising ko ay kayo ang makikita ko ni Dad.”
NAPALINGON NA SI Leon sa bulto ni Gail na tapos ng magpalit noon. Naburo na ang kanyang mga mata sa katawan ng babae na noon niya lang ulit napagmasdan ng matagal. Perfect pa rin ang kurba nito kahit na ang suot ay rashguard lamang din. Nang titigan siya ni Gail dahil narinig nito ang kanilang usap
PUNO NG INIS NA siyang hinarap ni Nica. Hindi niya ikinaila iyon. Pinakita na ang inis sa pamamagitan ng paghalukipkip ng babae. Bumusangot din ang mukha niya, dinisplay pa ito sa harapan ni Yohan.“Kanina ka pa ah? Spokeperson ka ba ni Gail? Pansin ko lang na pinagtatanggol mo siya nang pinagtatan
HABANG TAHIMIK NA lulan ng elevator ay hindi nakaligtas sa paningin ni Gail ang may kahulugang mga titig ni Yohan sa kanya. She turned and gave him a cold look. Kanina sa loob ng silid ay nagagawa pa niyang magtimpi, ngayon ay hindi na iyon. Sa palagay niya ay nilalait na naman siya o di kaya ay pi
DINEADMA LANG ANG message na iyon ni Gail. Para sa kanya ay hindi ito importante. Hindi sila magkaibigan para kanyang reply’an. She believed that Leon could understand what it meant by not replying to his message, even if he were a fool. Hindi na muling nag-send ng message ang lalaki, ipinagkibit l







