Pregnant by my Playboy Boss

Pregnant by my Playboy Boss

last updateHuling Na-update : 2026-07-02
By:  MoonlitwritesIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
7Mga Kabanata
22views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“I was only here to serve him…not to carry his heir.” Bilang isang simpleng katulong sa mansyon ng mga Valderama, alam ni Celine ang kanyang lugar. Hindi siya dapat mangarap, lalo na sa isang lalaking tulad ni Timothy Valderama—ang tagapagmana ng kanilang pamilya at kilalang playboy na walang siniseryosong babae. Ngunit isang gabi ang nagpabago sa lahat ang nagtulak sa kanila sa isang pagkakamaling hindi na mababawi kailan pa man. Sa maikling panahon, inakala ni Celine na may ibig sabihin ang pag-aalaga at malasakit ni Timothy. Hanggang sa mapagtanto niyang isa lamang siyang katulong sa paningin nito, habang ang babaeng itinadhana para rito ay matagal nang naghihintay sa tabi nito. Kaya nang malaman niyang dinadala niya ang anak ni Timothy, pinili niyang mawala kaysa ipaglaban ang isang pag-ibig na alam niyang wala siyang laban. Ngunit paano kung muling pagtagpuin ng tadhana ang kanilang landas? At paano kung sa pagkakataong iyon, huli na ang lahat para sa lalaking ngayon lang napagtantong ang babaeng hinayaan niyang umalis… ang siyang pinakamahalaga sa kanyang buhay?

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

“Basta Celine ang bilin ko, pagsisilbihan mo lang ang senyorito mo, iyon lang.” Mahigpit na bilin ng babaeng amo ni Celine.

Napakamot na lang si Celine sa kanyang batok dahil simula kahapon iyon na ang bilin ng babae sa kanya kanina.

Paano kasi, takot si Mrs. Valderama na mahulog ang anak niya sa isang katulong, lalo na kay Celine.

Maganda si Celine. Taglay niya ang porselanang kutis, mapusyaw na kulay-abong mga mata, at balingkinitang katawan. Sa unang tingin, walang mag-aakalang isa lamang siyang katulong.

Kilala niya ang kanyang bunsong anak.

Hayok ito sa babae.

“Opo madam,” magalang na sagot ni Celine.

Masaya si Celine sa trabaho niya, kaya imbes na mag-aral, pinili niyang magtrabaho para makatulong sa pamilyang nangangailangan niya. Mabait din naman kasi sa mag-asawa, kaya napamahal na siya sa trabaho niya.

May idadagdag pa sana si Mrs. Valderama nang tinawag siya ng kanyang asawa, kaya nagpaalam na ang ginang.

Kumaway lang siya nang makalabas na ang sasakyan ng kanyang amo. Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang ginagawang trabaho para matapos na siya.

Ngayon kasi darating ang bunsong anak ng kanyang amo, kaya naglinis siya upang wala na siyang gagawin sa gabing iyon.

Dalawang buwan kasing mawawala ang kanyang mga amo dahil sa business meeting nila sa ibang bansa.

“Hindi naman siguro malupit ang magiging amo ko,” bulong niya sa sarili.

SA kabilang dako, makikita si Timothy Valderama na maraming babae ang nakakandong sa kanya habang umiinom ng alak.

“Bro, why are you drinking too much?” Tanong ni Vann, isa sa mga kaibigan niya.

Hinalikan niya ang blonde na babae sa harap ng kanyang tropa, kaya naghiyawan ang lahat sa ginawa niya. Hinalikan niya rin ang nasa kaliwa nito, saka sila pinaalis ni Timothy.

He was known for being a notorious playboy. Lahat na yata ng babae ay natikman na niya.

Paano kasi, palagi niyang iniisip na wala namang direksiyon ang buhay, gaya ng lagi niyang naririnig mula sa daddy niya, kaya pinanindigan niya.

He was happy, but something was missing inside him, and he couldn’t name what it was.

He shrugged off, “Nothing, I just want to drink.” At tinungga ang isang basong alak.

“Alam mo, may balik lahat ng ginagawa mo.”

“Edi mas masarap ‘yon,” he smirked and sipped his wine.

Hindi niya masabi ang kanyang problema sa kanila, kaya uminom na lamang siya nang uminom.

Alas diyes ng gabi siya dumating sa bahay ng kanyang mga magulang. Kung hindi lang dahil sa kanyang mommy, he would never come back to this home.

Bumabalik sa kanya ang lahat.

Huminga siya nang malalim bago pumasok. Kahit medyo tipsy, alam naman niya ang ginagawa niya.

Isang mayordoma ang nagbukas ng pinto nang pumasok siya. Nagtanong siya sa kanyang kuwarto at sinabing paghandaan siya ng pagkain dahil nagugutom siya.

NILALAGNAT si Nene na dapat sana ay mag-aasikaso kay Timothy. Tulog na rin ang iba pang mga katulong. Umaasa ang mayordoma na sana ay gising pa si Celine para siya na ang maghatid ngayon, pero gusto ng pagkain ng lalaki.

Kinatok niya ang pinto ng babae. Sa unang katok, walang sumagot, pero sa ikalawang katok, bumukas ang pinto. Kumunot ang noo ni Celine nang makitang gising pa ang mayordoma.

“Naku, Celine, mabuti na lamang at gising ka.”

“Bakit po nay?” Itinuring niyang nanay ang mayordoma simula nang maulila na siya dahil ito rin ang nagkupkop at inalagaan siya.

“Ang amo kasi natin ay dumating na medyo tipsy,” sumbong niya. “May sakit si Nene at ang iba naman ay tulog na, kaya walang mag-aasikaso sa kanya.”

Dapat ay pahinga si Celine ngayon, ngunit dahil malaki ang utang niya sa mayordoma, tumango ito at sinabing siya na ang mag-aasikaso.

Kinuha niya ang pagkain na nakahanda para sa lalaki. Kinatok niya ang pintuan. Mabuti na lamang at bukas ito; pumasok siya, at pagpasok niya, bumungad ang amoy na pinaghalong alak at pabangong panglalaki sa loob ng silid.

Timothy was sitting at the edge of his bed, staring at the woman in front of him.

His gaze traveled from her slender legs to the curves of her body before stopping at her innocent face. For a moment, he forgot she was only their maid.

Hindi siya makapaniwalang katulong ang ganitong kagandang diyosa. Dito dapat ay sinasamba, ngunit heto, siya ang sinasamba.

He licked his lower lip, a warmth beneath him awakening as he just stared at the woman.

Nakasando lang ng puting at maliliit na shorts si Celine dahil matutulog na siya. Nakalimutan na niyang magbihis.

“Good evening, sir. Narito na po ang hapunan ninyo.” Inilapag niya sa bakanteng lamesa ang pagkain para sa lalaki.

The man spreads his legs, halata ang kanyang kaumbokan, pero dahil dim lang ang lights ay hindi iyon nahalata ni Celine.

“Inaakit mo ba ako?” Deritso niyang tanong.

“Hindi po,” agap niya.

Natawa lang ang lalaki,

“I know your tactics to get rich,” tumayo siya at naglakad patungo sa babae na ngayon ay naguguluhan na sa sinasabi ni Timothy. “You’re just acting innocent to gain money, right?”

“Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo, sir.”

He leaned closer to her; the atmosphere thickened, and the mix of alcohol and mint through his breath ay amoy na amoy ni Celine, at hindi niya maintindihan kung bakit nanghihina ang kanyang tuhod.

“Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang paninungaling.” He whispered and seductively bit her lips.

Napalunok si Celine nang maramdaman ang paglapit ni Timothy. Dapat siyang umatras. Dapat niya itong itulak. Ngunit sa halip, nanatili siyang nakatayo habang mabilis na tumitibok ang kanyang puso.

“Sir…” mahina niyang bulong.

Nang marahang dumampi ang labi nito sa kanya, nanlaki ang kanyang mga mata. Sandali siyang natigilan. Ngunit nang maramdaman niyang hindi siya pinipilit at may pagkakataon siyang lumayo, unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata.

Hindi niya maintindihan kung bakit, pero sa pagkakataong iyon, pinili niyang gumanti sa halik. Sumilay ang tagumpay na ngiti sa labi ni Timothy sa gitna ng kanilang paghahalikan.

And by how their kisses deepened, something inside them screams for more.

At nang gabing iyon, dalawang katawan ang nagsama pero isa lang ang nahulog.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Walang Komento
7 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status