Mag-log inNang malaman ni Liana Cruz, isang pediatrician, na buntis siya matapos ang isang spontaneous at passionate na gabi kasama ang isang charming na estranghero, nagdesisyon siyang harapin ang pagiging single mom nang mag-isa. Habang binabalanse ang demanding niyang career at ang hindi inaasahang paglalakbay ng pagiging magulang, determinado siyang palakihin ang anak niya sa sariling paraan. Pero nagbiro ang tadhana nang dumating ang bagong head ng pediatrics sa ospital — si Dr. Adrian Ramirez, ang lalaking hindi niya inakalang makikita pa ulit. Habang patuloy silang nagkakasalubong at muling bumabalik ang spark, kailangang harapin ni Liana ang kanyang takot, damdamin, at ang undeniable na koneksyon sa pagitan ni Adrian at ng kanilang anak. Magagawa bang buksan ni Liana ang puso niya para sa lalaking hindi sinasadyang naging "baby daddy" niya, o pipiliin niyang manatiling malayo para protektahan ang sariling damdamin?
view moreLiana's POV
Mainit. Maingay. Magulo. Ganito yata talaga ang company outing kapag puro stressed na interns ang pinakawalan sa isang mamahaling resort. Hindi ko alam kung paano ako napapayag sumama rito—o kung bakit ako humawak ng baso ng alak sa unang pagkakataon sa buhay ko. "Liana, cheers!" sigaw ni Sandra, ang mortal kong kaagaw sa atensyon ng mga residente sa ospital. Iniaabot niya sa akin ang baso, nakangiti pero may bahid ng mapanuksong tingin. Napakurap ako. "Uh… cheers?" Hindi naman sa mahina ako sa peer pressure—pero gusto ko na ring matapos ang pang-aasar nilang masyado raw akong seryoso sa buhay. Ang problema, wala akong tolerance sa alak. As in, zero. Kaya naman pagkalipas lang ng ilang tagay, parang lumulutang na ang kaluluwa ko palabas ng katawan ko. "Liana, mukhang kailangan mo na ng tulog," sabi ni Sandra, nakangisi habang hinahatak ako palayo. "Halika, ihahatid na kita." Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang, may nagbukas ng pinto, may malamig na kama, at bumagsak na ako roon nang parang nahulog na saging. O siya, tulog na. Wala nang pakialamanan. --- Ang Misteryosong Paglalakbay (a.k.a. Ang Sleepwalking Incident) Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog, pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang lamig. Hindi ito yung tipong "ang sarap matulog" na lamig, kundi ‘yung parang nasa loob ako ng refrigerator. Nag-unat ako. Tapos bumangon. Tapos… naglakad? Wait. Bakit ako naglalakad? Kalahati ng utak ko’y tulog pa rin habang ang kalahati naman ay nagrereklamo kung bakit parang wala akong kontrol sa katawan ko. Hanggang sa mapagtanto kong—ay, putek. Nagse-sleepwalk ako. At parang may sariling isip ang mga paa ko dahil imbes na bumalik sa kama, diretso ito sa pinto. Tapos bumukas. Tapos lumabas. At bago pa ako magkaroon ng matinong desisyon sa buhay ko, nasa ibang kwarto na ako. Sa loob ng isang segundo, tumapat ako sa isang malamig na katawan. Oo, katawan. Kasi naman, may isang lalaking bagong ligo, nakatapis lang ng puting tuwalya, at nagbubuklat ng cellphone sa loob ng kwarto niya. Tumingin siya sa akin. Tumingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami. Tapos biglang bumagsak ang tuwalya niya. Napakurap ako. Tapos, sa sobrang lasing ko, wala akong ibang nasabi kundi— "Uy… may nahulog." Napangiwi siya. "Miss… ano'ng ginagawa mo rito?" Tumingala ako sa kanya, nakakunot ang noo, habang nagre-register sa utak ko kung sino siya. Matangkad. Moreno. May katawan pang parang sa mga artista sa Koreanovela. Pero mas matindi ang realization nang marealize kong— Leche. Si Dr. Adrian Ramirez ‘to! Ang Adrian Ramirez na laman ng chismisan sa hospital. Ang Adrian Ramirez na tinutunaw ng titig ng mga nurse at intern. Ang Adrian Ramirez na ngayon ay naka-boxer shorts na lang sa harapan ko. At anong ginawa ko? Nagtaas ako ng daliri at itinuro siya nang may buong confidence. "Alam mo, ang gwapo mo talaga," sabi ko. Nanlaki ang mata niya. Tapos napanganga. Pero ako? Hindi ko na na-process ang reaksyon niya dahil bigla akong napahiga sa kama niya. Literal na natulog. Tapos? Wala na. Blackout. -- Kinabukasan Masakit ang ulo ko. Sobrang sakit, parang ginawang punching bag ng boxing champion. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata—at halos mapatalon nang mapansin kong nasa ibang kwarto ako. At higit sa lahat... may nakahiga sa tabi ko. Si Dr. Adrian Ramirez. Si Dr. Adrian na pantasya ng buong ospital. Ang Adrian na kahit bagong gising ay parang handa nang sumabak sa magazine cover shoot. At ngayon, nakahiga sa tabi ko, nakatalukbong lang ng kumot mula baywang pababa, at nakangiti na para bang siya ang may-ari ng umagang 'to. Anong nangyari kagabi?! Mabigat ang katawan ko, parang nadurog. Naka-oversized shirt ako na halatang hindi akin. Napatingin ako sa ilalim ng kumot Oh. My. God. Wala akong shorts! Napalunok ako. Pakiramdam ko, nanuyo lahat ng laway ko. Dumulas ang tingin ko pabalik kay Adrian. Nakatingin na siya sa akin—gising, alerto, at halatang inabangan ang reaksyon ko. "Good morning," bati niya, boses niya'y malalim at paos, na para bang kagigising lang mula sa napakagandang tulog. "Uh... hi?" pilit kong ngiti. Sumandal siya sa ulunan ng kama, ang mga mata ay naglalaro. "Mukhang pagod ka pa. Medyo... napuyat ka kagabi." "Ha?" Napakurap ako, nagising bigla ang utak ko. "Anong ibig mong sabihin?" Ngumiti siya, 'yung nakakaasar pero nakakaakit. "Hindi mo talaga naaalala?" Napatingin ako sa kanya, napansin ko ang tila gigil na pagtawa sa kanyang labi. "Adrian, ano bang ginawa ko?" Huminga siya nang malalim, parang pinipilit pigilan ang sarili. "Well... una, pumasok ka sa kwarto ko. Laseng na laseng. Sinabihan mo akong ang gwapo ko—salamat, by the way—tapos bigla mo akong hinalikan." Hinalikan ko siya?! "Anong hinalikan?! Hindi totoo 'yan!" Halos tumalon ang boses ko, pero nanginginig. "Oh, totoo," aniya, ang tingin niya diretso sa mga mata ko. "'Yung una, smack lang. Pero nung tinanong kita kung alam mo ba 'yung ginagawa mo... aba, nagwala ka. Hinila mo 'ko pabalik. Medyo... intense." "Intense?!" Halos bumagsak ang panga ko. Lumapit siya—hindi 'yung normal na lapit, kundi 'yung parang alam niyang delikado siya at siya ang pinakamalaking panganib sa kwartong 'to. Napalunok ako. "'Di mo talaga maalala kung paano mo sinabi na... 'Adrian, gusto ko pa'?" PUTANGINA. "Ano?! Hindi ko sinabi 'yan!" Ngumisi siya, 'yung tipong alam mong nag-e-enjoy siya sa pagkapahiya ko. "Well, kung gusto mo, pwede nating ulitin para maalala mo." Huh?! "A-Adrian..." Pero wala akong masabi. Ramdam ko ang init ng hininga niya, malapit na malapit. Ang kamay niya, nakadapo sa baywang ko, mabigat, mainit. "Wala akong maalala..." "Talaga ba?" Bumaba ang tingin niya sa labi ko, bumalik sa mga mata ko. "Kasi kagabi, parang ang dami mong gustong gawin." Parang automatic na tumulak ako palayo, pero hinila niya ako pabalik, mas madiin, mas malapit. 'Yung mga mata niya, nakangisi, nakakaloko. "Liana," bulong niya, halos pabulong sa labi ko, "gusto mo ba talagang maalala kung paano mo ako sinigawan kagabi? O gusto mong mag-focus tayo sa present?" "Adrian! Bro, nandiyan ka ba?!" sigaw ng boses mula sa labas. Nag-freeze kami pareho. Nakatingin siya sa akin, 'yung ngiti niya, 'yung titig niya, parang sinasabi niyang tapos na 'to pero hindi pa talaga tapos 'to. Naglakad siya papunta sa pinto, pero bago pa buksan, lumingon siya pabalik sa akin—'yung mga mata niya, puno ng pangako at hamon. "Babalik ako, sweetheart," bulong niya, nakangisi pa rin. "At tapusin natin 'tong nasimulan." Pagkasara ng pinto, naiwan akong nakaupo sa kama niya, nanlalambot, nanlalamig, pero parang may apoy na kumukulo sa loob. Ano ba talaga ang nangyari kagabi? At anong mangyayari kapag bumalik siya?THIRD PERSON’S POVAng Westminster Abbey ay nababalot ng isang aura na tila hindi kayang abutin ng ordinaryong mortal. Ito ang araw na itinakda para sa itinuturing na Wedding of the Century. Hindi lamang ito simpleng pag-iisang dibdib; ito ang proklamasyon ng dominasyon ng Ramirez Empire sa buong Europa. Ang amoy ng libo-libong sariwang Lily of the Valley at bihirang White Orchids na pinalipad pa mula sa Amazon ay nanunuot sa bawat sulok ng dambuhalang katedral, humahalo sa amoy ng libu-libong taong kasaysayan at insenso na nakakapit sa mga pader na bato.Sa labas, ang buong London ay tila tumigil sa pag-ikot. Ang mga kalsada ay sarado, binabantayan ng mga elite security teams ng Ramirez Group na nakasuot ng full pormal na uniporme. Ang tunog ng malalayong kampana—BONG! BONG! BONG!—ay nagbibigay ng hudyat na ang mga pinakamakapangyarihang tao sa mundo ay narito na.Sa loob ng vestry, ang atmospera ay punong-puno ng mabigat na karangyaan at kaba. Si Adrian, na nakasuot ng isang cus
LIANA’S POVAng gabi sa London ay tila isang buhay na painting. Ang rooftop garden ng Ramirez Medical City ay nababalot ng isang uri ng karangyaan na tanging ang isang Ramirez lang ang makakagawa. Ang amoy ng sariwang peonies, puting rosas, at ang halimuyak ng mamahaling champagne ay nanunuot sa bawat sulok, humahalo sa malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa Thames. Ang tunog ng Aurelian Jazz—isang sopistikadong timpla ng saxophone at piano—ay dumadaloy sa hangin, nagbibigay ng isang aristokratikong vibe sa buong paligid.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin ng aking private suite sa loob ng ospital. Nakasuot ako ng isang emerald green silk gown na tila dumadaloy sa aking bawat galaw. Pumasok si Adrian sa silid. Nakasuot siya ng isang midnight blue tuxedo na nagbibigay-diin sa kaniyang matikas na tindig. Ang amoy ng sandalwood at pait ng kape ay agad na bumalot sa akin."You look breathtaking, Liana," bulong niya sa aking tenga bago isinuot ang isang kwintas na may na
LIANA’S POVAng sikat ng araw na tumatagos sa malalaking bintana ng aking bagong opisina sa Ramirez Medical City ay may dalang kakaibang sigla. Hindi na ito ang malamlam na liwanag ng mga pinagtataguang kwarto; ito ay liwanag na nagbibigay-diin sa kinang ng bawat kagamitang medikal na abot-tanaw ko. Ang amoy ng sariwang antiseptic, bagong leather na upuan, at ang bango ng mga bulaklak na stargazer sa aking mesa ay humahalo sa amoy ng aking lavender perfume.Sa loob ng isang linggo mula nang tuluyang buwagin ni Adrian ang Council, ang ospital na ito ay naging simbolo ng aming pagbangon. Ang aking internal monologue ay hindi mapigilang mamangha sa bawat pagtibok ng oras: Dati, ang tanging gamot na hawak ko ay para sa mga sugat ng digmaan. Ngayon, bawat pasyenteng pumapasok dito ay saksi sa paghilom na ibinigay sa akin ni Adrian.Nakatayo ako sa harap ng monitor, sinusuri ang mga blueprints ng itinatayong Ramirez Children’s Wing. Ang tunog ng malalayong martilyo at makina mula sa con
LIANA’S POVAng gabi sa London ay balot ng isang malamig na manipis na fog na nagmumula sa Thames, ngunit sa loob ng Ramirez Estate, ang atmospera ay nagliliyab sa init ng determinasyon. Ang amoy ng nasusunog na kahoy mula sa fireplace, ang halimuyak ng mamahaling kape, at ang metallic na amoy ng mga armas na kasalukuyang nililinis sa gilid ay bumubuo sa isang pamilyar ngunit mas mapayapang tensyon. Hindi na ito ang tensyon ng mga takas; ito ang tensyon ng mga mananakop na naghahanda para sa huling paglilinis.Nakatayo ako sa gitna ng malawak na study room ni Adrian. Sa harap ko, ang malaking digital map ng London ay punong-puno ng mga asul na tuldok—ang mga assets ng Ramirez Group. Ang amoy ng leather at old books sa silid na ito ay humahalo sa amoy ng aking lavender perfume. Sa aking tabi, si Adrian ay nakaupo sa kaniyang swivel chair, ang kaniyang mga mata ay nakapako sa mga dokumento ng liquidation ng huling mga kumpanya ng Council. Ang kaniyang charcoal gray na suit ay perpekt
LIANA’S POVAng pulang ilaw ng emergency alarm ay bumabalot sa buong pasilidad, tila isang nagbabagang impyerno na nagbabala ng nalalapit na pagkagunaw. Ang amoy ng ozone mula sa mga nag-overload na kuryente, ang matapang na amoy ng chlorine, at ang usok mula sa mga sumasabog na makinarya ay suma
LIANA’S POVHabang nakatitig ako sa mga mata ni Adrian na tila wala nang emosyon, ang amoy ng sterile gas at luma na sampaguita ay tila naging isang lagusan patungo sa mga nakaraang buwan na hindi ko nasaksihan. Sa bawat pag-ikot ng aking isipan, nabubuo ang mga piraso ng puzzle na sadyang itinag
LIANA’S POVAng tunog ng pagsara ng pinto sa likuran ko ay tila isang hatol. Sa loob ng kwartong iniwan ko, unti-unti nang nananalaytay ang lason sa mga ugat ni Silas. Ngunit dito sa madilim at malamig na hagdanan, sa ilalim ng kumukurap-kurap na dilaw na ilaw, ibang uri ng panganib ang bumungad
LIANA’S POVAng unang humalik sa aking balat pagbaba namin ng private jet sa isang liblib na hangar sa labas ng London ay ang malamig at malapot na hamog. Hindi ito katulad ng ulan sa Batangas na amoy lupa at buhay; ang hangin dito ay amoy uling, basang semento, at ang mapait na amoy ng industria






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
RebyuMore