MasukDesperado at naipit sa isang sitwasyon, hindi inakala ni Astrid Monteneses na magbubunga ang isang gabi kapiling ang kilalang business tycoon sa bansa na si Ruex Villaflor. Alam niyang wala siyang kapasidad na buhayin mag-isa ang bata, kaya kahit masakit, iniwan niya ang anak sa harap ng bahay ng mayamang ama nito. Lumipas ang mga taon, nalaman niyang naghahanap sila ng mag-aalaga sa bata. Walang patumpik-tumpik niyang kinuha ang pagkakataon. Hindi man niya nagampanan ang pagiging mabuting ina, ngayon, sisiguradugin niyang siya ang magiging best maid ever.
Lihat lebih banyakHindi na magkandaugaga ang mga tao sa loob ng maliit na karinderya. Palibhasa’y oras ng tanghalian. Marami ang nakapila. Halos puno na lahat ng mga lamesa.
Sumilip ang isang serbadora sa loob ng kusina. “Astrid, pahatid naman ng order!”
Lumabas si Astrid at tinuyo ang basang kamay sa suot niyang apron. All around siya rito. Nakakapagod man, tinitiis niya na lang.
Kinuha niya ang tray na kinalalagyan ng mga plato at mangkok ng pagkain, saka niya itong maingat na inihain.
“Ano ba ‘yan! Ang tagal, ang kukupad.” Bumungad sa kaniya ang galit na reklamo. “Akin na nga!” Hindi makapaghintay nitong hinila ang nilalapag na mangkok dahilan para matapunan ng mainit na sabaw ang kamay ni Astrid.
Tahimik siyang napadaing sa sakit na dulot nito. Sa kabila no’n, nagawa niya pang ngumiti sa customer. “Pasensya na po at natagalan, ma’am. Salamat.”
Pasimpleng bumuntong hininga si Astrid habang lumilipat sa kailang table para maglinis ng mga naiwang pinagkainan. Tinignan niya ang kamay na napaso. Bukod sa namumulang parte, bakas din ang kulubot ng balat dahil sa matagal na pagkababad sa tubig.
“Astrid! Bilisan mo naman ang kilos! Nagwawala na ang mga customer,” aligagang sigaw ng may-ari ng karinderya.
“Opo! Ito na po.” Mabilis niyang pinunasan ang lamesa at agad na bumalik sa counter.
“Ibigay mo doon sa lalaki at hingin mo na rin ang bayad. Jusmiyo. Katanghaling tapat lasing!”
“Ito na po ang order n’yo po sir.”
Gegewang-gewang na tumayo ang lasing na lalaki.
“Ganito ba kayo rito?! Kanina pa ako naghihintay. Namatay na sa gutom wala pa rin! At ano ‘yan?! Hindi iyan ang binili ko! Ano, naghintay ako sa wala?!””
“Sorry po. Marami kasing—”
“Napakabulok naman ng karinderyang ‘to! Simpleng order, mali-mali!” Dinuro-duro siya ng lalaki. “Nasaan ang alak ko?!”
“Hindi po kami nagtitinda ng alak dito.” Sinubukan pa rin niyang maging mahinahon. “Kumalma po tayo, sir. Ano po bang mali? Papalitan na lang po.”
Napaigtad siya ng hawiin ng lalaki ang tray. Nahuloy at nabasag ang mga pinggan. Natapon ang kanin at ulam, tumalsik ang karamihan nito kay Astrid. Agad siyang humingi nang paumanhin sa mga kalapit na lamesa. Napailing na lang ang may-ari nang mapansin ang nangyari.
“Ayoko na! ‘Wag na lang. Hindi ko na kakainin. Sa iba na lang ako kakain. Wala kayong kwenta! Magsara na kayo!”
“Sir! Teka po! Sir!” sinubukan niya itong tawagin pabalik pero unti-unting humina ang boses niya kasabay nang paglayo nito. “Hindi pa po kayo bayad…”
Nanlumo si Astrid dahil walang pakundangang umalis ang lalaki. Buntong hininga niyang pinulot ang mga kalat. Siguradong bawas ito sa sahod niya.
Akmang pupulutin niya ang isang piraso ng bubog mula sa nabasag na plato nang may humuli ng kamay niya.
“Delikado ‘yan, ganda. Ako na.” Ang creepy ng tawa ng isang ‘to.
Hinatak agad ni Astrid ang kamay niya palayo. Narinig niya ang kantiyawan mula sa kabilang lamesang puno ng mga construction worker.
“Ay naku, nadumihan din ang damit mo.”
Napatingin si Astrid sa suot niya. Mabuti at may suot siyang apron. Wala masyadong matsa sa mismong damit niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang mahuling sa dibdib niya nakatingin ang lalaki.
Bastos!
“Tulungan kita—”
“Hindi na po.” Tumayo siya at mabilis na lumayo. Ang isang katrabaho niya na lang ang pinapalit niya sa kaniya, samantalang nanatili siya sa loob ng kusina para maghugas ng mga pinggan.
Sanay na siya sa ganitong klaseng mga senaryo. Iisipin niya na lang na isa na naman itong malas na araw.
Sa araw-araw niyang pagtatrabaho, iba’t ibang tao ang nakakasalamuha niya. Nakakababa ng dignidad ang ganoong klaseng mga customer.
Ngunit ano bang magagawa niya.
Mahirap maging mahirap.
Kailangan mong lunukin ang pride mo dahil kung hindi, tiyak na kahirapan ang kakain sa ‘yo ng buo.
Dumating ang gabi at pagsasara ng karinderya. Gano’n na lang ang gulat ni Astrid nang kausapin siya ng kanilang amo.
“Aalisin na po ako? Pero ate, wala po akong ibang trabaho ngayon. Natapos na ang ibang sideline ko kaya ito lang po ang pinagkukunan ko. Dahil po ba sa kanina? Hindi na po mauulit! Aayusin ko na po! Huwag n’yo naman po sana akong tanggalin.”
Napailing ang may-ari. “Hindi sa gano’n. Magaling ka, napakasipag na bata. Nakikita ko nga ang determinasyon mo. Sadyang kailangan ko lang mag-alis dahil marami na kayo. Wala na akong ipapasahod sa ‘yo. Sana maintindihan mo. Sa lahat ng nandito ikaw lang ang wala pang pamilya at dalaga pa. Marami ka pang pwedeng pasukan panigurado.”
Tuluyan siyang natanggal sa trabaho at hindi na nakuha ang huling sahod bilang kabayaran sa mga nasira at napinsala ngayong araw. May mga advance rin kasi siyang sahod kaya nasama sa kinaltas.
Pauwi na siya ng bahay, sasakay sana ng tricycle kaso naalalang mas kailangan niyang magtipid ngayon. May pamasahe pa ba siya? Paano siya makakabili ng pagkain? Paano na siya ngayon?
Sinilip niya ang laman ng wallet at mas nalungkot. “Saan aabot ang bente pesos ko?”
Nahagip ng mga mata niya ang litrato niya kasama ang yumaong mga magulang. Dalawang taon na ang nakalilipas simula noong mamatay ang mama niya, matapos lang ang isang taon sumunod naman ang kaniyang papa. Ngayon, ulila na siyang tuluyan. Wala siyang sinusustentuhan ngunit marami siyang binabayaran.
Kahit papaano kinakaya nila noong tatlo pa silang magkakasama, simple at masaya. Mas mabigat pala mamuhay mag-isa.
Sinara na lang niya ang pitaka. Bagsak balikat siyang nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang hakbang pa man ang layo niya sa kanila ay natanaw na niya ang isang ginang. Nag-aabang ito sa harap ng maliit na gate ng bahay. Napakagat siya ng labi. Oo nga pala!
“Aling Beth...”
“Sawakas dumating ka na. Ano na, Astrid?” Hinarap siya ng ginang. “Akala ko ay tatakasan mo na ako. Sabi mo ngayon ka maghuhulog? Nasaan na?”
“Ano po kasi Aling Beth eh. Wala pa po—”
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko.” Nakapameywang ang ginang. Mabilis nitong pinaypayan ang sarili. Makapal ang pulang lipstick niya kahit gabi at soyal ang suot. Matapos tiklupin ang pamaypay, ginamit niya iyon panuro kay Astrid. “May utang ka pang interes! Patong-patong na ang kulang mo sa akin.”
“Gusto mo pong pumasok muna? Sa loob na po natin pag-usapan.” Awkward na tumawa si Astrid. Sa isip-isip niya’y namomoblema na siya. Ang presyo ng bahay kasama ng mga naipong interes, mahigit kumulang dalawang milyon.
“Ibebent—”
“Sige po, gagawan ko ng paraan, sandali lang po.”
Bumuga siya nang hangin at saka bahagyang lumayo. May savings naman siya, malaki na iyon pero sadyang kulang pa. Tinignan niya sa cellphone ang balance ng bank account niya. Namutla siya sa nakita.
Zero balance.
Notification ng withdrawal. Lahat. Simot. Wala ni isang kusing ang tinira.
Nanlalamig ang mga kamay niya habang sinusubukang tawagan ang nag-iisang may access na gawin ito.
“Marky! ‘Yong bank account ko, k-kinuha mo ba ang pera—”
Napatigil siya dahil sa ingay sa kabilang linya. Madaming tao at malakas ang tugtog.
“Pre! Sinong kausap mo? Iyan ba ‘yong jowa mong mas mahirap pa sa daga at parang matandang conservative?” Sigaw sa malayo. Sumunod ang mga tawanan. “Nandidiri ata sa ‘yo eh! Feeling maganda at banal, ayan, deserve palitan.”
“Shh! Sira.” Boses ng boyfriend niya. “Ano nga ‘yon? Ba’t ka napatawag?”
“Lasing ka ba?”
“Ano naman! Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin.”
Napaawang ang labi ni Astrid. Simula nang naging sila noong college hanggang ngayon, ito ang unang beses na nagpakita ng ganitong ugali si Marky. At ano itong mga narinig niya?
“Bakit mo kinuha ang pera ko?”
“Ah, iyon lang pala. Pera ko rin ‘yon! Tandaan mo, sa tagal nating magkarelasyon, ako lagi ang nagbabayad sa mga dates at gala natin. Binibigyan pa kita ng mga regalo.”
“A-Ano? Sinusumbat mo ang mga kusa mong ginawa? Hindi sa ‘yo ang pera, akin ‘yon! Wala kang naging ambag doon! Sariling pawis at dugo ko ang lahat ng pera, Marky. Ibalik mo!”
Napakunot si Astrid sa biglang sumingit. “Babe, let’s go.”
“Okay, babe. Balik ako, mabilis lang ‘to.”
“Sino ‘yon?”
“Pake mo?”
“Girlfriend mo ako!” Namuo ang galit sa dibdib niya. “Maghiwalay na tayo.”
“Sige ba! Naunahan mo lang ako. Iniisip ko pa kung paano ko sasabihin mabuti ikaw na ang gumawa. Bye.”
Nagsimulang mangilid ang luha ni Astrid hanggang manlabo ang mga mata niya.
Ito pala ang tunay na ugali ng lalaking pinagkatiwalaan niya.
Napasinghap ng hangin si Astrid. Pununasan niya ang mga patak ng luha saka bumalik kay Aling Beth para humingi ng palugit.
“Kung lagi kang ganyan, aba, mabuti pang ibenta ko na lang ‘tong bahay na ‘to.”
“Huwag naman po, Aling Beth…” halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa, “sobrang problemado ko lang —kapos na kapos ako ngayon, nawalan po ako ng trabaho. Bigyan n’yo pa po ako ng chance. May natabi naman po ako. Bukas na bukas din, maghahanap ako ng panibagong trabaho. Makapagbayad po ako.”
“Nawalan ng trabaho?” Tila napukaw ng sinabi niyang iyon ang atensyon ni Aling Beth. “Naghahanap ka kamo ng trabaho ngayon?”
Tumango siya.
Napalitan ng malawak na ngiti ang busangot ni Aling Beth habang sinusuri ang kabuuan ni Astrid.
SA KABILANG BANDA...
“Sir. May tawag po kayo,” magalang na wika ng isang lalaki na medyo may katandaan na rin.
Hindi man lang nag-angat ng tingin ang kausap niya.
“I’m busy,” tanging saad nito.
“Si Mrs. Villaflor po ang tumatawag.”
Napahilot siya ng sintido. Sawakas, binitawan niya ang mga dokumento. Nilahad niya ang kamay sa harap ng sekretarya at binigay nito ang cellphone.
“Hello? Ma.”
“Ruex! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!” bulalas mula sa kabilang linya.
Bahagyang niyang nilayo ang cellphone sa tainga.
“May ginagawa pa ako, ma.”
“Do you know what time is it already, huh, Ruex? Gabing gabi na nasa opisina ka pa rin! Kaya walang babaeng nagkakagusto sa ‘yo. Paano ka magkakaasawa n‘yan kung puro ka trabaho!”
At heto na naman nga tayo. Napahilot muli ng sintido si Ruex. “Come on, ma. “I’m really busy right now. Pwedeng sa susunod mo na lang ako pagsabihan?”
“What?! What did you say? I’m just worried. Tinataboy mo na naman ako!”
Kahit hindi niya kita ang itsura ng ina, alam niyang nagdadrama ito. Nakumpirma niya ‘yon nang bigla nitong putulin ang tawag.
Nagkatinginan sila ng sekretarya niyang si Connor na nagkibit balikat lang.
“What’s my schedule tomorrow?”
“Meetings except the evening.” Nilipag ni Connor ang isang pulang envelope. “Pinadala ng pinsan mo ang invitation na ito. May gaganaping Masquerade Party. There will be an auction too.”
Napataas ang kilay ni Ruex. “What will be auctioned?”
“Not really sure. Paintings, artifacts, some highly valued items I guess.” Private gatherings iyon, a hidden elite event, kaya walang nakalap na impormasyon si Connor.
“Should I cancel it?”
“No. I'll go.”
“MANGANGANAK NA ATA AKO!”Napabaligwas ng bangon si Zee at saka kumaripas ng takbo sa katabing kwarto. Doon niya nakita ang pawisang si Astrid.“M-Manganganak na ako, Zee. Dalhin mo na ako sa ospital...” hingal ni Astrid.“Okay! O-Okay. Huwag kang matakot. Nandito ako,” mabilis na sabi ni Zee kahit siya mismo ay kinakabahan na rin.Mabuti at nang dumating ang kabuwanan ni Astrid, talagang naglaan si Zee ng leave para masahaman at maalagan si Astrid. Sa bahay pa nga siya ng kaibigan pansamantalag natutulog dahil mahirap kung mag-isa siya kapag ganitong manganganak na.Hindi nagtagal ay nasa ospital na sila.Ilang oras na pagle-labor ang lumipas bago tuluyang marinig ni Astrid ang pinakahihintay niyang tunog. Ang iyak ng kaniyang anak.Napawi ang lahat ng pagod niya. Napapikit siya habang bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata.“Congratulations, Ma’am. Baby boy po.”Nang tuluyang makita ni Astrid ang maliit na sanggol na inilapit sa kanya, parang tumigil ang mundo niya.Napakaliit nito.
Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit pa sa tripleng presyo ng bahay mo—ang lakas niyang itakas ang perang naging kapalit ng dignidad mo!” Kung kailan pa kailangang-kailangan ni Astrid ang pera para sa pagbubuntis niya. Nalaman nilang tinakbo ni Aling Beth lahat ng pera mula kay Ruex sa auction. Twenty percent lamang ang parte ni Aling Beth, pero dahil sa kaniya dumirekta lahat ng pera, kinamkam niya lahat. Ngayon haka-hakang nasa ibang bansa na raw ito, o kung saan mang parte ng mundo na hindi nila ma-contact.“Una pa lang, dapat naisip ko nang posibleng ganito ang gagawin niya. Lalo noong tumagak ang proseso ng pag-deposito niya sa akin,” napagtantong wika ni Astrid.“Ano nang gagawin natin? Hindi pwedeng wala tayong pera pa
Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi. The unexpected job offer.Masquerade party.Auction.A night with a stranger.Saka niya lang naramdamang may brasong nakapulupot sa baywang niya, bigla ay pinigilan niya ang hininga. Nakatalikod siya sa lalaki, unan niya ang isang braso nito samantalang ang isa nakayakap sa kaniya. Napatakip siya ng mukha. “Baliw ka na, Astrid! Anong pinasok mo?” bulong siya sa mga palad. ‘Ikaw pa ang nag initiate ng nangyari sa inyo! Grabe ka!’Mabilis ngunit tahimik ang kaniyang naging kilos. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkapulupot sa kaniya at saka naupo sa kama balot ang puting kumot. Sandali siyang tumitig sa gwapong lalaki na mahimbing na natutulog.“Ruex Villaflor.” Siya nga. Ang kilalang billionaire sa bansa. “Sorry. At thank you sa pagligtas mo sa kin. Aalis na
Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya. “Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanlalabo niyang paningin. Siya… ang matandang lalaking muntik manalo sa kaniya sa auction!“Lumayo ka… L-Lumayo ka sa akin.” Gamit ang nalikom na lakas, sinanggi niya ang kamay nitong balak siyang haplusin. Wala itong suot na maskara kaya lantad ang nakakasora nitong mukha. Ngumiti siya ng kakaiba, halatang may masamang balak. “Hihiramin lang kita ng sandali, ibabalik din kita.”“Huwag mo akong hawakan!”Napataatras silang pareho dahil sa pagtulak ni Astrid. Namula sa galit ang matanda at hinila ang braso niya. Sinabunutan siya nito gamit ang kaliwang kamay at tinaas ang kanang kamay na may hawak na tungkod.Mariing pinikit ni Astrid ang mga mata. Ilang segundo ang lumipas, walang kahit anong



![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)














Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.