Home / Romance / Best Maid Ever / Chapter 6: Aftermath

Share

Chapter 6: Aftermath

last update publish date: 2026-06-14 16:15:32

Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi.

The unexpected job offer.

Masquerade party.

Auction.

A night with a stranger.

Saka niya lang naramdamang may brasong nakapulupot sa baywang niya, bigla ay pinigilan niya ang hininga. Nakatalikod siya sa lalaki, unan niya ang isang braso nito samantalang ang isa nakayakap sa kaniya.

Napatakip siya ng mukha. “Baliw ka na, Astrid! Anong pinasok mo?” bulong siya sa mga palad. ‘Ikaw pa ang nag initiate ng nangyari sa inyo! Grabe ka!’

Mabilis ngunit tahimik ang kaniyang naging kilos. Dahan-dahan niyang inalis ang pagkapulupot sa kaniya at saka naupo sa kama balot ang puting kumot. Sandali siyang tumitig sa gwapong lalaki na mahimbing na natutulog.

“Ruex Villaflor.” Siya nga. Ang kilalang billionaire sa bansa. “Sorry. At thank you sa pagligtas mo sa kin. Aalis na ako, pangako ‘di na ako magpapakita sa ‘yo. Hindi kita guguluhin.”

Pinulot niya ang mga damit at agarang nagbihis. Lumingon pa siya sa huling pagkakataon bago tuluyang lumabas ng pinto.

Hindi nagtagal, tuluyang sumikat ang araw.

Direktang tumatama ang sinag ng araw sa nakapikit na mata ni Ruex kaya siya nagising at bumangon. Una niyang hinanap ang babae mula kagabi, natigilan siya nang wala na ito. Ang tanging nakita niya ay ang magulong kwarto at kama, ebidensyang hindi panaginip at totoo ang nangyari kagabi.

“How could she leave just like that?” napahilot siya ng sintido. “Hindi ko man lang maalala ang mukha niya…” She was wearing a mask the whole time, and when they spent the passionate night together, it was too dark to even see her face.

Ang naaalala niya lang ay ang mga haplos niya, ang amoy niya, at ang nangyari sa pagitan nila… wala man lang personal na pagkakakilanlan.

Frustrated, he grabbed his phone and immediately called his secretary. “Find out who the woman from last night was. I want everything about her.”

ONE MONTH LATER.

“Talaga?! Iyon ang nangyari?!” gulat na bulalas ni Zee.

Rinding-rindi na ang mga tainga ni Astrid sa kaibigan pero napapangiti pa rin siya sa kakulitan nito. Naging magkaibigan na nga silang dalawa. Matapos ang gabing ‘yon, si Zee ang nakasalubong niya at tumulong sa kaniya na makaalis agad sa lugar. Halos magdadalawang buwan na ang nagdaan. Simula rin noon ay naging close na sila. Ngayon niya nga lang na kwento ang lahat ng nangyari.

“Anong masasabi mo?” may tuksong tanong niya.

“Anong anong masasabi ko?”

“Kay Mr. Ruex Villaflor! Mayaman at pogi, for sure masarap. Nag-enjoy ka naman ba?”

Naramdaman ni Astrid ang pamumula ng mga pisngi. “Ano bang sinasabi mo!”

“Sus, ‘wag mo nang ikaila,” tawa ni Zee.

Nakamot si Astrid sa ulo. Honestly, it was her first time and maybe the best too. “Pero wala naman ‘yon sa kaniya. Isa lang ako sa mga babae niya. Tiyak nakalimutan na niya agad ako.”

Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Lumungkot ang itsura nila pareho.

“Don’t give me that face,” nag-aalalang sabi ni Zee. “Alam kong iniisip mo na naman ‘yong nangyari. ‘Wag mong sisihin ang sarili mo. Si Madam Beth ang nagdala sa ‘yo roon nang wala kang alam!”

Astrid sighed. “Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, Zee.”

Oo nga’t si Aling Beth ang puno’t dulo nito, pero siya ang pumayag. Siya ang gumusto. Hindi niya naman pinagsisihan, nangyari na ang nangyari, sadyang naguguluhan lang siya sa nararamdaman.

“First of all,” he said, trying to lighten the mood, “I just want you to know na grabe, ang ganda mo that night. Ang daming nagkandarapa sa beauty mo. Like, kung ako may kiffy, baka nag-volunteer pa ako para lang masali din ako sa auction.”

Napailing si Astrid habang napapangiti. At iyon ang gusto ni Zee. Kahit saglit lang, gusto niyang makita na hindi tuluyang nilalamon ng guilt ang kaibigan niya.

“Pero seryoso, for sure hindi naging madali para sa ‘yo ang nangyari.”

“Hindi ko naman talaga gusto na umabot sa gano’n.”

“I know, girl.” Zee squeezed her shoulder. “Proud na proud ako sa ‘yo! Isang bagay lang ang siguradong alam ko—hindi nabawasan ang worth mo dahil sa isang desisyon na ginawa mo sa panahong gipit ka. Tandaan mo ‘yan.”

“Hindi kita huhusgahan,” dagdag ni Zee. “Alam kong desperadong-desperado ka that time. Alam kong feeling mo wala ka nang choice. At least nabawi mo na ‘tong bahay mo. Saka hindi naman na ulit nagparamdam si Ruex Villaflor. Kalimutan mo na lang lahat.”

Nasa kusina sila ng bahay ni Astrid. Pagkatapos nga ng nangyari, binalik na sa kaniya ang titulo. Sawakas ay sa kaniya na ulit ang bahay.

“Ay, sige na, ‘wag nang pag-usapan ‘yan!” Binuksan ni Zee ang mga tupperware na dala. “Tikman na lang natin ‘tong mga luto ko. Hinanda ko talaga ‘to for you, nabanggit mo kasing favorite mo ang binagoongan.”

Humalo sa hangin ang masarap na amoy ng ulam. Nilanghap pa ni Zee ang nakakatakam na halimuyak. Nang si Astrid na ang nakaamoy, agad siyang napatakip ng ilong.

“Ang baho! Panis na ba ‘yan?”

Nagtaka si Zee. “Uy, hindi ah. Saka mabango kaya.”

Sinubukan ulit amuyin ni Astrid pero ‘di niya talaga nagustuhan. Parang bumabaliktad ang sikmura niya. Tumakbo siya sa lababo at sumuka.

“Hala, anong nangyayari sa ‘yo? Masama ba pakiramdam mo? Ayos ka lang?” hinagod ni Zee ang likod ni Astrid habang patuloy ito sa pagduwal.

Pinunasan ni Astrid ang bibig matapos mag mumog. Medyo gumaan na ang pakiramdam ng tiyan niya kaso ulo naman niya ang sumakit.

“Nahihilo ako. Wala naman akong sakit, maayos pa ako kanina ‘di ba. Ewan ko ba, biglang gusto kong magsuka. Dahil sa bagoong?”

“Hindi kita papakainin ng sira. Girl, I swear bagong luto iyon. Hindi mo pa pati natitikman. Kaya bakit ka naman nagsusuka d—”

Nanlaki ang mga mata ni Zee.

Nanlaki rin ang mga mata ni Astrid.

“Delay ka ba?”

Kinakabahang nag-isip si Astrid bago tumango.

“Oh, my.” Napatakip ng bibig si Zee. “Buntis ka?!”

Muntik mawalan ng balanse si Astrid sa gulat. Pinaupo agad siya ni Zee sa dining table, tinabi na ang mga dalang pagkain.

“Teka ‘wag muna tayo mag-panic. Alamin muna natin ang totoo, okay?”

Matapos ang tagpo, bumili agad siya ng pregnancy test para sa kaibigan. Nakailang katok na si Zee sa banyo. Daig niya pa ang ama ng batang dinadala ni Astrid kung sakali. Hindi siya mapakali sa kaba habang pabalik-balik na naglalakad.

Akmang kakatok ulit siya nang bumukas na ang pinto.

“Zee…”

“Ano? Kumusta?”

Naka-focus ang tingin ni Astrid sa pregnancy test.

Lumapit na si Zee, sinilip niya rin ang resulta.

Dalawang guhit. Positive.

YUMUKO sa harap ni Ruex ang kaniyang secretary na si Connor. Simula nang ipag-utos ni Ruex na hanapin ang babaeng nakasiping niya noon, wala man lang na i-report na maganda si Connor.

“I’m really sorry but I can’t find her.”

“Ilang linggo na ang nagdaan! Sigurado ka bang ginawa mo na ang lahat para mahanap siya?”

Tumango si Connor sa dismayodong si Ruex.

“Mahigpit ang securities ng event, protektado nila ang identity ng mga babae noong gabing ‘yon.”

Tawa ni Ryan ang sumingit sa usapan nila. “Ano, cous? I told you. Women are the best delicacies in the world. Ngayon, hinahanap hanap mo pa siya. ‘Wag ka na mag-aksaya ng oras. Marami pang babae sa mundo! Ipapakilala kita sa mga—”

“Manahimik ka d’yan. Bakit ka ba nasa opisina ‘ko?”

Nagkibit balikat si Ryan. Nandito lang naman siya para mang-asar.

Bumuntong hininga si Ruex. “Connor.”

Tumango agad ang secretary niya. “Yes, I understand. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para hanapin siya.”

“Para saan ang milyones mo? Gamitin mo para maghanap ng bago,” mungkahi ni Ryan na nakatanggap lang ng masamang tingin mula kay Ruex.

“No. I’d rather use my money to find her. Hindi ko gusto ang iba. I want her. Only her.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Best Maid Ever   Chapter 27: The Past

    Habol hininga si Erich na pumasok sa sasakyan niya. Sa padabog niyang pagsara ng pinto, agad napatingin sa salamin ang driver niya.“Babalik na po tayo sa mansyon ma’am?”Huminga ng malalim si Erich. “No. Drive me to my condo.”Tahimik na sumunod ang driver.Bakit nandoon ang babaeng ‘yon?! Nagtatrabaho pa siya sa mga Villaflor… Napasabunot si Erich sa sarili kasabay ng pagtili. Inis niyang dinampot ang paperbag na dinala niya at hinagis sa lapag ng kotse.Maayos na ang lahat. Pumayag na sa kasal si Ruex. Bakit ngayon pa sumulpot ang babaeng ‘yon? Bakit ba pilit siyang hinahabol at minumulto ng nakaraan! Paan

  • Best Maid Ever   Chapter 26: Mapaglarong Tadhana

    “Ugh. Why do I even need to do these things for that kid?”Iritado si Erich habang naglalakad sa mall. “Ang dami kong pwedeng gawin. I could be pampering myself and doing my self care routine, I can visit a salon or go shopping for my own things. Yet here I am!”Napairap siya. “Pero nasabi ko na kay Rowan na bibigyan ko siya ng regalong gusto niya. Narinig pa ni Ruex.” Padagbog niyang tinulak ang glassdoor papasok sa isang book store. Agad siyang dumiretso sa best-seller section.Wala siyang alam sa mga libro. Alin ba rito ang dapat niyang bilhin?“Hello po, miss. Good morning po. Iyan po ang mga mabenta rito. Magagandang libro po ‘yan.”Hinarap niya ang lumapit na saleslady. “Is there anything here good for a kid? He’s around five years old.” “Ay, doon po sa kabilang shelf ang mga pambatang story.”Tinignan ni Erich ang section na tinuro nito. Mga kwentong pambata. For sure Rowan will not like those kinds of books. Masyadong mature mag-isip ang batang ‘yon. Kaya nga naiinis siya. A

  • Best Maid Ever   Chapter 25: Suyuan Ulit

    “Dito na lang po sir, d’yan na lang po sa gilid mo ibaba.” Nakaramdam ng hiya si Astrid. Boss niya pa talaga ang pinagbuhat niya.“Magpapatulong na lang po ako kila kuya at manong doon sa iba,” aniya. Ang tinutukoy ay mga lalaking trabahador sa mansyon.Nilibot ng mag-ama ang paningin sa tinutuluyan ni Astrid, ngayon lang sila nagawi sa parte ng ito ng mansyon.“Ganda naman ng room mo nanny, ang linis. Gusto ko rito! Pwede pong tumabi ako sa ‘yo mamaya matulog?”Hindi nakasagot si Astrid sa anak. Tumingin agad siya kay Ruex na halatang hindi payag.“I thought we would be together in my room tonight, Rowan?” reklamo nito. Kapag walang pasok si Rowan, tabi natutulog ang mag-ama. Bonding time nila iyon. Kundi sa kwarto ng bata, kay Ruex sila.Tapos ngayon ipgpapalit pa siya ni Rowan para lang magkasama ang nanny niya? Unbelievable!“Ay, oo nga pala dad. Tabi ka na lang po sa amin ni nanny?”“No, thank you. Kung gusto mo rito hindi sa tabi ko, go on. I’ll sleep on my bed. ALONE. I will

  • Best Maid Ever   Chapter 24: Suyuan

    Ramdam ni Astrid ang pag-iiba ng hangin sa loob ng mansyon. Nadatnan niya na parehong nakabusangot ang mag-ama sa sofa, nakakrus ang mga braso.Dahan-dahan siyang lumapit sa harap nila. “Sir Ruex, Rowan, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?”“Wala po. We’re not as important as naman po as your boyfriend. Hintayin mo na lang ang text ng boyfriend mo.”Nagtatakang tumaas ang isang kilay ni Astrid sa naging tugon ni Rowan. Hindi malabing katulad ng nakasanayan niya, masungit ang bata ngayon.“Nakikipag-date sa oras ng trabaho? Sinama mo pa talaga si Rowan.”Tumaas na ang isa pa niyang kilay dahil naman kay Ruex. Strikto as usual, pero mas lalong naging seryoso ngayon.Anong problema ng mag-amang ‘to?“Sige po, kung wala na, akyat na po ako sa maid’s quarter…”“Tss!” sabay siyang tinalikuran ni Ruex at ni Rowan. Nauna pang tumayo ang dalawa at umakyat sa hagdan kaysa sa kaniya.Astrid stood there for few seconds, speechless na nakatingin sa mag-amang sabay na nagmamaktol, malakas ag gal

  • Best Maid Ever   Chapter 23: Jealous

    “Sobra kitang na miss, girl. Ikaw ha, napunta ka lang sa puder ng mag-ama mo, blooming na blooming ka na.”“Na miss din kita.”Nagyakap ang magkaibigan. Napangiti si Astrid, tinignan niya ang kabuuan ni Zee. “Ikaw nga ‘tong mas lalong gumagwapo. May boyfriend ka na ‘no?”“Yucks.” Umasim ang mukha ni Zee. “Not in my plan.”Napataas tuloy ang kilay ni Astrid. Tinulak niya papalayo sa kaniya ang kaibigan niya. “Bakla ka ba talaga? Baka nagpapanggap ka lang ha!”“Ayaw lang mag-boyfriend peke na?” umirap kunwari ang lalaki. “Mataas lang ang standard ko! At nag-eenjoy ako sa pagiging single.”Lumapit ulit si Astrid at natatawang sinabit ang kamay sa braso ni Zee. “Joke lang, alam ko naman. Pero sigurado akong maraming babae ang nagkakandarapa sa ‘yo. Kapag nagka-boyfriend ka, magluluksa silang lahat panigurado.”Nagkibit-balikat lang si Zee. Nandito silang dalawa ngayon sa playground sa village ng mansyon ng mga Villaflor. May inasikaso si Zee sa Manila branch ng Starlight Press kaya sina

  • Best Maid Ever   Chapter 22: Deadline

    Sa loob ng sasakyan, tahimik si Rowan. Napapagitnaan siya ni Ruex na katulad niya ay tahimik at ni Erich na pilit naghahanap ng mapag-uusapan.“What things do you like?” nakangiti siya habang panay ang tanong sa bata.“I like reading po.”“Really? Wow. I should buy you some books next time.”“Thank you po.” Isang tanong, isang sagot.Panay lang ang sagot ni Rowan pero sa loob-loob niya hinihiling niyang manahimik na ang babae.“Did you enjoy your class today?”“Sakto lang po.”End of the conversation. Halata namang ayaw ni Rowan kay Erich. Hindi dahil bastos siyang bata. It’s just that… Rowan can feel that something is off in this woman. Kahit limang taong gulang pa lang siya ngayon, alam niya ang mga nangyayari.Erich is someone who tried to be close to Rowan, she keeps saying she’ll be his future mommy and she will treat him well. She is kind. Maalaga naman si Erich. Yet Rowan can’t seem to find her sincerity. She brought gifts, even attended some of his school events, asked polit

  • Best Maid Ever   Chapter 7: Think Positive

    Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit

  • Best Maid Ever   Chapter 5: Lights Off

    Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya. “Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanl

  • Best Maid Ever   Chapter 4: The Prize

    Naging hudyat ang anunsyo para mag-angat ng tingin si Ruex. Doon niya lang napansin ang babae. ‘What’s wrong with her?’ Is the first thing he asked himself. Nakayuko si Astrid at halatang kinakabahan. She looks like a lost puppy in his eyes.Mariing kinuyom ni Astrid ang mga kamao habang nakatayo s

  • Best Maid Ever   Chapter 3: Auction Night

    NAGSIMULA na ang event. Sunod-sunod ang pagdating ng mga bisita sakay ng magagarbo nilang sasakyan. Bukod sa mamahaling tuxedo at gown, nakasuot ng mask ang bawat isa. Nagmistulang ibang mundo ang loob ng grand ballroom. Kumikinang ang mga kristal na chandelier sa mataas a kisame habang dumadaloy a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status