ARIELLE'S POINT OF VIEW
"Arielle, may customer ka sa VIP room!" ani ni Madam Lucia sa akin habang nag-aayos ako ng sarili ko sa dressing room ako.
"Madam, dancer lang ako. Hindi ako nagpapakama," deritsong sabi ko.
Oo, tama ang narinig niyo. Dancer ako sa club. Pero isang buwan pa lang ako rito. Pero gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil maraming nagre-request sa akin.
"Choosy naman!" sabi nito saka pinaikotan ako ng mata. "But don't worry, pasasayawin ka lang naman pero kasama na diyan ang lap dance, ha? Thirty thousand offer sayo just for a dance!"
Naengganyo ako dahil sa sinabi ni Madam. Doble na 'yan sa kinikita ko gabi-gabi. First time kong gagawin ang sumayaw na may kasamang lap dance.
Kung hindi ko lang talaga kailangan ang pera sa lalong madaling panahon, hindi ko ito gagawin.
Agad kong sinuot ang maskara ko at pumunta na sa VIP Room kung nasaan ang taong sinasabi ni Madam Lucia.
Nang pumasok ako sa room, madilim ito at para akong kinilabutan. Pulang ilaw lang ang siyang nagsisilbing liwanag sa loob ng kwarto.
"Come in."
Muntik na akong mapatalon nang biglang may nagsalita sa isang madilim na parte.
Pumasok ako ng room at pumunta sa pole na nasa gitna.
Nang magsimulang tumugtog ang sexy music, nagsimula akong sumayaw. Nakasuot lang ako ng isang kumikintab na bra at panty shorts.
Malakas ang loob kong sumayaw kasi nakamaskara ako. Walang makakakilala sa akin.
Nanatili ang mata ko sa aking customer na nakaupo sa madilim na parte ng kwarto. Hindi ko siya maaninag.
Lumapit ako sa kanya para sayawan siya sa kandungan niya ngunit naurong ako nang tuluyan kong makilala ang lalaki.
Ang professor ko!
"What are you waiting for? Christmas?" ani nito gamit ang kanyang malalim at baritonong boses.
Gayunpaman, tinatagan ko nalang ang loob ko. Huminga ako nang malalim bago kumandong sa professor ko.
Hindi ko akalain na pupunta si Professor Zaldivar sa ganitong klaseng lugar.
Nagsimula akong sumayaw sa kandungan niya.
"F-ck..." daing niya.
Medyo lasing na rin siya. Nakikita ko ito sa kanyang namumulang mukha at namumungay na mata.
Dama ko na rin ang pagkabuhay ng kanyang pagkalalaki habang gumigiling ako sa ibabaw niya.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Nice tattoo..." komento nito sa aking tattoo sa pulso.
Binawi ko ang kamay ko at nagpatuloy sa pagsayaw.
"You're making me crazy..."
Akmang hahawakan na niya ang bewang ko ngunit pinigilan ko 'yon.
"No touching, Professor Zaldivar..."
Kumunot ang noo niya. Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko.
"Wait, you know me?"
Bumundol ang kaba sa dibdib ko.
"Time's up."
Agad akong tumayo at lumabas na ng kwarto. Tumakbo ako sa dressing room at hinubad ang maskara ko.
Shet. Muntik na ako do'n!
>>>>>>>>>
"Arielle! Tawag ka ni Prof!"
Nagising ako nang marinig kong may tumawag sa akin. Doon ko lang na-realize na nasa classroom pala ako. Nakatulog ako habang nasa chemistry class ako.
Nang tingnan ko ang professor ko, nagngiting aso ako.
"In my office after your class," striktong ani nito.
Shet.
Wala na akong nagawa, kaya after my class, pumunta na ako ng office ng professor ko. Walang iba, kundi si Professor Valerian Luke Zaldivar.
Professor ko siya sa chemistry class ko.
Nakaupo lang ako sa upuan malapit sa table niya habang siya naman ay nakatalikod sa akin habang nagtitingin sa mga libro na nasa shelves.
Hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa likod ni Prof Zaldivar. Maganda ang postura niya at maganda ang kanyang katawan. Matangkad siya at maskulado. Naglakbay ang mata ko sa kanyang maugat at lalaking-lalaking kamay.
Nakagat ko nalang ang aking labi para pigilan ang ngiti ko. Naalala ko tuloy ang nangyari noong nakaraang linggo sa bar.
"Why are you smiling?" nakakunot ang noo nitong tanong.
Agad akong umayos ng upo.
"W-wala po, Prof..."
Actually, perfect na sana si Prof, e. Gwapo, matalino, mayaman— nasa kanya na ang lahat. Pero 'yon nga lang, sobrang strikto nito lalong-lalo na sa kanyang klase.
Lumapit ito sa kanyang mesa at itinukod ang braso rito.
"Maybe you know the reason why I called you here in my office, right?" panimula nito.
Napayuko ako at tumango. Hindi ito ang unang beses na pinatawag niya ako. Halos lahat nalang kasi ng klase niya ay tulog ako.
"Sorry, Prof..."
Pumaikot siya sa table niyabat lumapit sa akin. Umupo siya sa kanyang mesa.
"What are you doing at night? Are you working?" tanong nito.
Agad akong umiling.
"H-hindi po! Pagod lang po talaga ako."
Maya-maya ay napatingin siya sa pulsohan ko. Kinuha niya ang kamay ko at tiningnan ang maliit na tattoo ko doon.
"Valerianus Venustus..." basa nito sa tattoo ko.
Para akong napaso sa hawak niya. Agad kong nakuha ang kamay ko at tinago ito sa likod ko.
"Mauuna na po ako, Prof. May klase pa ako—"
Nagmamadali akong ay lumabas ng office ni Professor Zaldivar. Hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
Nakita niya ang tattoo ko!
Maliit lang naman 'yon pero hindi ko akalain na makikita niya 'yon. Latin siya na word na nag ibig sabihin ay "Sexy Valerian" or "Attractive Valerian"— something like that.
Napatingin ako sa tattoo ko ulit na nasa pulsohan ko. Gusto ko na sana tanggalin 'yon pero wala akong pera pampatanggal. Sinubukan to talagang itago 'yon nang ilang taon.
Hindi naman 'yon ang first time na nakita niya ang tattoo ko. Unang beses ay sa bar pero hindi ako sigurado kung naklaro ba niya ang sulat doon dahil madilim at lasing na siya.
Ayaw ko nang alalahanin pa ang meaning no'n! Kasalanan 'yon ng mga friends ko!
Dare ito ng mga classmates ko noong first year pa lang kami. May kinalaman kay Professor Zaldivar ang tattoo ko.
Crush ko kasi siya noong first year pa lang ako at isa rin siya sa mga Professor ko, pero nag-iba 'yon nang malaman kong may anak na siya.
Oo, may anak na siya. Sabi nila wala raw asawa. Hindi ko pa sure kasi sobrang private naman kasi ng life ni Prof— sobrang private na hindi ko alam na pumupunta pala siya ng bar.
Medyo nasaktan ako konti— konti lang naman. Parang kagat lang ng itim na langgam kasi mga bad na langgam 'yon sila.
Pagkatapos ng class ko ay naglakad-lakad muna ako sa mall. Nagulat ako nang biglang may bumangga sa paa ko.
Pagtingin ko, isa itong batang lalaki. Umupo ako para pantayan siya.
"Oh... what's wrong, baby?" tanong ko sa kanya.
Umiiyak siya. Tumutulo ang kanyang luha pero wala siyang tinig.
Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang luha niya.
"Don't cry na... Nasa'n yung kasama mo? Si Mommy? Si Daddy?" tanong ko.
Hindi pa rin siya nagsasalita. Pinagmasdan ko ang mukha nitong umiiyak. Kahit bata pa lang ito, nakikita kong maramj siyang paiiyakan na mga babae.
Maganda ang mukha nito, maputi at bilugan ang kanyang mata. Naaaninag ko na ang tangos ng kaniyang ilong at mamula-mula ang pisngi at labi nito.
Ang gwapong bata...
Ano nalang kaya ang Daddy?
Natawa ako sa naisip ko.
Maya-maya ay bigla nalang siyang yumakap sa akin.
Napangiti ako at kinarga ko siya. Magaan ang loob ko sa mga bata dahil may mga nakababatang kapatid din ako.
"Hush na... Wag na iyak, ha?" pagpapatahan ko.
Habang pinapatahan ko ang bata, narinig kong may tumatawag sa likod ko.
"Adam!"
Paglingon ko, nagulat ako nang makita ko si Professor Zaldivar na naglalakad papunta sa deriksyon ko. Kita ko rin ang pagkagulat sa mata niya nang makita ako.
Lumapit siya sa akin at kinuha ang bata sa akin.
"What did you do to him?" galit na ani niya sa akin.
"W-wala akong ginawa sa kanya. Nakita ko lang siya rito umiiyak..."
Hindi ako pinakinggan ni Prof. Agad niyang ni-check ang bata na para bang may nangyaring masama rito.
Nagtataka niya akong tiningnan.
Hindi siya nagsalita, at tuluyan na nga siyang umalis. Pero bago pa man sila tuluyang makalayo sa akin, tiningnan ako ng batang lalaki at ngumiti siya.
"Mommy!" tawag niya sa akin.
Napatingin si Professor Zaldivar sa akin at naglakbay ang tingin nito sa pulso ko.
Pasimple kong tinago ang kamay ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan na silang makalayo sa akin.
'Yon siguro ang anak niya...
>>>>>>>>>>
"Isang linggo nalang ang natitira, Arielle. Kapag hindi pa nakabayad ang tatay mo, ikaw ang sisingilin ko..." banta sa akin ni Mr. Paterno.
Kausap ko siya sa telepono.
Si Mr. Paterno ang pinagkakautangan ng Papa ko. Natalo siya sa casino ng kalahating milyon kaya ako ngayon ang nagbabayad. Dahil kapag hindi nakabayad ang papa ko, magiging alipin ako ni Mr. Paterno.
Hindi ko kaya...
Ayaw kong ibenta ang kaluluwa ko sa matanda na 'yon!
Nanghihina kong pinatay ang tawag. Nasa dressing room ako ng club. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Sa likod ng makapal na make up na suot ko ay isang babae na pagod at puyat. Studyante sa umaga at dancer ng club sa gabi.
Nawawalan na ako ng pag-asa...
Kahit patayin ko pa ang sarili ko sa pagsasayaw, hindi ko mababayaran ang kalahating milyon sa isang linggo.
"Arielle, may customer ka sa VIP room. Same person pa din."
Napahinga ako nang malalim.
Si Professor Zaldivar na naman.
"Madam, ayaw ko."
"Malaki ang offer! Akala ko ba kailangan mo ng pera?" pangungulit niya.
Iyon na ang huling beses na sasayawan ko si Professor Zaldivar. Hindi ko alam pero parang dilikado ako sa kanya.
"Ayaw ko pa rin. Iba nalang."
Pinagpatuloy ko ang paglalagay ko ng make up.
"Bahala ka. Sige, sasabihin ko sa kanya."
Umalis na si Madam Lucia, pero ilang sandali pa ay bumalik na agad ito. Hinihingal siyang lumapit sa akin at nakahawak pa sa dibdib.
"One... One hundred thousand— thirty minutes sayaw!" aniya.
"A-ano?" naguguluhan kong tanong.
"Magbabayad siya ng one hundred thousand para sayo! Lap dance! Thirty minutes lang!"
Hindi ko alam kung bakit willing magbayad ng isang daang libo si Professor Zaldivar para lang sayawan ko siya. Pero napaisip din ako, kapag papatusin ko ang one hundred thousand niya, may utang pa akong two hundred fifty thousand. Kaya ko naman sigurong makuha 'yon ng isang linggo.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong papasok sa VIP room kung nasaan si Professor Zaldivar habang suot nag kumikintab kong damit at maskara.
Nagsimula akong sumayaw sa harapan niya. Habang sumasayaw ako, hindi ko pinuputol ang tingin ko sa kanya.
Kita ko ang paggalaw ng kanyang panga habang umiinom ng alak.
Maya-maya pa ay lumapit ako sa kanya. Nagtaas-baba ang kanyang dibdib nang kumandong ako sa kanya.
Nakita kong napapikit siya habang gumigiling ako sa itaas niya.
Humawak siya sa bewang ko. Hindi ako nakapag-react. Hinayaan ko lang ang kamay niya da bewang ko dahil may parte sa akin na nagugustuhan ang hawak niya.
"You like it?" rinig kong ani ni Professor.
Mas iginihan ko pa ang pagsayaw. Pati ako ay nalulunod na rin sa kakaibang sensasyon sa pagitan namin ni Professor Zaldivar.
Maya-maya ay lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking taenga.
"I want more, Miss Alcantara..."
Nanlaki ang mata ko at napatayo dahil sa gulat. Saktong-sakto naman ang pagbagsak ng aking maskara sa sahig.
"P-prof..."
Sumilay ang ngisi niya nang makita ang kabuoan ng mukha ko.
"How does it feel like dancing on your Professor's lap?"
Hindi ko maipalawanag ang nararamdaman ko. Parang sasabog na ang puso ko sa kaba.
Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto pero nauna na siyang tumayo at iniharang ang sarili niya sa pintuan.
"Not so fast, baby..."
"A-anong kailangan mo?" nauutal kong tanong.
Para akong isang daga na nakulong sa kulungan ng leon.
Lumapit siya sa akin at isinandal ako sa likod ng pintuan. Nilagay niya ang kanyang braso sa magkabilang parte ng ulo ko.
Napapikit ako nang makitang dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin, pero inilihis niya ito sa aking taenga.
"I want you... to babysit my son..."
Wait, what?
TO BE CONTINUED....
reviews