Home / Romance / Best Maid Ever / Chapter 7: Think Positive

Share

Chapter 7: Think Positive

last update publish date: 2026-06-15 22:14:48

Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?

“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”

Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.

“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit pa sa tripleng presyo ng bahay mo—ang lakas niyang itakas ang perang naging kapalit ng dignidad mo!”

Kung kailan pa kailangang-kailangan ni Astrid ang pera para sa pagbubuntis niya. Nalaman nilang tinakbo ni Aling Beth lahat ng pera mula kay Ruex sa auction. Twenty percent lamang ang parte ni Aling Beth, pero dahil sa kaniya dumirekta lahat ng pera, kinamkam niya lahat. Ngayon haka-hakang nasa ibang bansa na raw ito, o kung saan mang parte ng mundo na hindi nila ma-contact.

“Una pa lang, dapat naisip ko nang posibleng ganito ang gagawin niya. Lalo noong tumagal ang proseso ng pag-deposito niya sa akin,” napagtantong wika ni Astrid.

“Ano nang gagawin natin? Hindi pwedeng wala tayong pera para sa baby mo,” problemadong ani Zee.

Naisip ni Astrid si Marky. May pera siya kay Marky. Nagpasama siya kay Zee sa bahay ng ex-boyfriend.

“Marky? Marky!” kanina pa siya tumatawag at kumakatok. Walang nagbubukas o maski ang sumagot.

“Astrid?” may napadaang kapitbahay. Kilala na siya ng mga nandito sa barangay ni Marky dahil sa tagal nilang magkasintahan.

“Opo. Si Marky po? Wala po ba siya?”

“Ay oo, hija! Nakaraang linggo pa. Naghakot ng mga gamit si Marky, lumipat na.”

“Talaga po?” kunot noo ni Astrid.

“Bakit wala kang ideya? Kayo ba ay naghiwalay na?”

Tumango na lang si Astrid. Marami pa sanang tanong ang ginang sa dahilan ng paghihiwalay nila. Nagawan niya ng paraan na malihis ang usapan hanggang sa malaman niya ang bagong tirahan ni Marky.

“Mayaman pala ang ex mo girl?”

Umiling si Astrid kay Zee. Kapwa sila nakatingin sa bagong bahay raw ni Marky.

Winaldas na ba niya ang mga pera?

“Hindi gaanong malaki ang kita niya bilang factory worker,” sagot ni Astrid. Naalala niya pang madalas nito iyong ireklamo.

Sakto namang huminto ang magandang kotse sa harap ng gate. Lumabas ang lalaking hinahanap nila. Ngunit hindi siya nag-iisa. Pinagbuksan ni Marky ang isang babae palabas ng passenger seat.

“Dito ka lang, Zee. Hintayin mo ‘ko.”

Dumiretso si Astrid at tinapat si Marky.

Nanlaki ang mga mata ni Marky. “Astrid, anong ginagawa mo rito?”

“Para bawiin ang ninakaw mong pera. Ibalik mo ang pera ko.”

“Babe, who is she?” taas kilay ng babae ni Marky. “Anong sinasabi niya?”

Malamang siya ang ipinalit ni Marky kay Astrid. Mukha siyang mayaman at may pinag-aralan. Bakit itong kumag ang sinagot niya?

“Wala babe, gan‘yan lang siya magsalita. Mainitin ang ulo. May utang lang akong pilit niyang sinisingil,” pang lalambing nito.

Hinarap siya ng babae. “Magkano ang utang niya? I will pay.”

“One hundred thousand.”

“Lang?” pangmamaliit nito. Natatawa pa nang sabihin kay Marky, “Saan mo ginastos ang barya niya babe? You should have told me instead. I can lend you more.”

Umakbay si Marky sa babae.

“Ayos lang. ‘Wag ka mag-alala babe. Marami na akong na iambag sa kaniya noon, wala pa kung tutuusin sa halaga pera niya. Bayad niya lang sa akin ‘yon sa rami ng mga nagastos ko para sa kaniya.”

Nakuha pa nilang maglampungan sa harap niya!

Sigurado si Astrid na hindi afford ni Marky ang bahay at kotseng meron siya ngayon. Malamang itong bagong babae naman ang peperahan niya.

“Mag-ingat ka sa lalaking ‘yan!” babala niya. “Pinagsabay niya tayo! Matagal na kami. Isa siyang manloloko at manggagamit!”

“Gumagawa lang siya ng kwento babe. Don’t believe in her lies, okay?”

“Ikaw ang nagsisinungaling, Marky! Miss, ngayon pa lang iwanan mo na ‘yan habang hindi pa kinakamkam ang buong kayaman mo katulad—”

“Anong bang pinagsasasabi mo?!” inis na tinulak ni Marky si Astrid. Inalo niya ang bagong girlfriend papasok sa bahay. Walang pake kay Astrid na nasalampak sa semento.

Si Zee, na nakita ang nangyari, agad tumakbo papalapit kay Astrid. “Loko ‘yon ah!” Akmang hahabulin niya ang dalawa pero pinigilan siya ng kaibigan.

“Zee, ang baby ko...” daing ni Astrid. May pulang likido na dumaloy pababa sa kaniyang hita.

Nataranta si Zee nang mawalan ng malay si Astrid.

TAHIMIK ang kwarto, tunog ng electric fan at ilang aparato ang tanging maririnig. Mayamaya, pumasok ang doctor na may ari ng clinic.

“Ligtas po ang baby at ang mommy. Sadyang maselan ang pagbubuntis niya kaya hangga’t maaari maging maingat, nagreseta na rin ako ng mga vitamins para sa buntis. Alagaan dapat si mommy, okay?”

Nakahinga ng maluwag si Zee. “Opo, doc. Salamat po.”

Nagising na si Astrid. Pinayagan na silang umuwi matapos muling tignan ang kalagayan niya. Si Zee ang gumastos ng lahat kaya nakaramdam ng hiya si Astrid.

“Ano ka ba, maliit na bagay! Basta sa inaanak ko,” kindat niya.

Natawa sila pareho. Siya na ang nagdesisyong ninong agad siya kahit wala pang sinasabi si Astrid.

“Akala ni doc ako ang daddy ni inaanak,” nguso ni Zee. “Hayaan mo na ang ex mo ha. ‘Wag mo nang isipin ang pangit na ‘yon. Bawal kang ma-stress sabi ni doc. Isipin mo na lang si Ruex, mas pogi siya.”

“Dapat ko bang sabihin sa kaniya? Kaya ko bang palakihin ang baby ko ng walang daddy?” Hinaplos ni Astrid ang tiyan niya. Hindi niya kilala sa personal ang CEO na si Ruex Villaflor. “Paano kapag ayaw niya pala sa anak namin...”

“Ikaw ba, gusto mo bang ipaalam sa kaniya?” tanong pabalik ni Zee.

“Natatakot ako,” pag-amin ni Astrid. “Baka itaboy niya lang kami.”

“Then that’s your answer. Lumaki akong walang ama pero hindi nagkulang sa pagmamahal ng ina. Never pinaramdam sa akin ng mama ko na kulang ang pamilya namin. Ikaw pa ba. Alam kong kaya mong alagaanan ang magiging anak mo,” ani Zee.

May tiwala talaga siya kay Astrid.

Nanubig ang mga mata niya.

“Salamat talaga...”

“Of course. Anything for my bff!”

Sa pagbubuntis ni Astrid, si Zee ang lagi niyang natatawagan. Gayunpaman, sinisikap ni Astrid na asikasuhin ang sarili at huwag laging umasa sa kaibigan niya. May sarili rin itong buhay at may trabaho. Ayaw niyang maging pabigat.

Related to literature ang natapos niyang kurso sa kolehiyo. May interes siya sa pagbabasa at pagsusulat, na matagal na niyang binaon sa limot. Marami kasing nagbigay ng payo sa kaniyang maging praktikal dahil wala raw pera sa pagsusulat.

Wala nang mawawala sa kaniya ngayon, wala na ang lahat. Imbis na tignan iyon bilang negatibo, mas pinili niyang maging positibo ang pananaw sa buhay.

Sinubukan niya ulit. Hindi naman maaring magtrabaho siya ng nakakapagod, bawal sa kaniya. Ngayon, work from home siya. Nagsusulat ng mga articles at stories online.

Astrid imagined reading her own books to her child. Lagi niyang kinakausap ang tiyan niya.

“Anak, gusto mo ng mangga? Bibili si mama.” Minsan ay pumunta siya sa palengke para bumili ng cravings niya. Habang masayang naglalakad bitbit ang plastic ng nabiling mangga, naagaw ng pansin niya ang stall na puro baby items ang paninda. “Bagay sa ‘yo ang mga nandoon baby!”

Ang cute ng mga damit lalo na ang isang pares na kulay brown. May mga laruan din. Tila bagay ‘yon sa malaking teddy bear na may hawak na puso.

Hinaplos niya ang tiyan na medyo halata na ang umbok at inabot sa tindera ang dalawang nagustuhan.

“350 at 150,” binalot ito ng tindera. “500 pesos lahat.”

Napangiwi si Astrid. “Ang mahal naman ate. Wala bang bawas?”

“Naku wala e, branded ‘yan. Hinango pa sa mall. Kukunin mo pa ba?”

Ngumiti siya sa tiyan. “Okay lang baby. Isang beses lang naman akong bibili ng ganito kamahal.”

Binili ni Astrid ang mga gamit kahit kapos siya.

Dumating ang araw ng check-up niya. Mag-isa lang siya sa waiting area. Sa paligid niya, puro mag-asawa. May magka-holding hands, masayang nag-uusap at excited ang mga ama na maraming tanong habang malawak ang ngiti ng mga ina.

Nag-iwas siya ng tingin.

Masaya siya.

Subalit may kaunting kirot sa puso niya na ‘di niya maitanggi.

Nang ngumiti ang doctor sa kaniya at sabihing baby boy ang anak niya, mangha niyang pinagmasdan ang galaw nito mula sa screen.

Umuwi siyang halo ang emosyon.

Astrid can’t help but to cry quietly because she knows she might not be able to give a complete family and even a good life for her baby.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Best Maid Ever   Chapter 27: The Past

    Habol hininga si Erich na pumasok sa sasakyan niya. Sa padabog niyang pagsara ng pinto, agad napatingin sa salamin ang driver niya.“Babalik na po tayo sa mansyon ma’am?”Huminga ng malalim si Erich. “No. Drive me to my condo.”Tahimik na sumunod ang driver.Bakit nandoon ang babaeng ‘yon?! Nagtatrabaho pa siya sa mga Villaflor… Napasabunot si Erich sa sarili kasabay ng pagtili. Inis niyang dinampot ang paperbag na dinala niya at hinagis sa lapag ng kotse.Maayos na ang lahat. Pumayag na sa kasal si Ruex. Bakit ngayon pa sumulpot ang babaeng ‘yon? Bakit ba pilit siyang hinahabol at minumulto ng nakaraan! Paan

  • Best Maid Ever   Chapter 26: Mapaglarong Tadhana

    “Ugh. Why do I even need to do these things for that kid?”Iritado si Erich habang naglalakad sa mall. “Ang dami kong pwedeng gawin. I could be pampering myself and doing my self care routine, I can visit a salon or go shopping for my own things. Yet here I am!”Napairap siya. “Pero nasabi ko na kay Rowan na bibigyan ko siya ng regalong gusto niya. Narinig pa ni Ruex.” Padagbog niyang tinulak ang glassdoor papasok sa isang book store. Agad siyang dumiretso sa best-seller section.Wala siyang alam sa mga libro. Alin ba rito ang dapat niyang bilhin?“Hello po, miss. Good morning po. Iyan po ang mga mabenta rito. Magagandang libro po ‘yan.”Hinarap niya ang lumapit na saleslady. “Is there anything here good for a kid? He’s around five years old.” “Ay, doon po sa kabilang shelf ang mga pambatang story.”Tinignan ni Erich ang section na tinuro nito. Mga kwentong pambata. For sure Rowan will not like those kinds of books. Masyadong mature mag-isip ang batang ‘yon. Kaya nga naiinis siya. A

  • Best Maid Ever   Chapter 25: Suyuan Ulit

    “Dito na lang po sir, d’yan na lang po sa gilid mo ibaba.” Nakaramdam ng hiya si Astrid. Boss niya pa talaga ang pinagbuhat niya.“Magpapatulong na lang po ako kila kuya at manong doon sa iba,” aniya. Ang tinutukoy ay mga lalaking trabahador sa mansyon.Nilibot ng mag-ama ang paningin sa tinutuluyan ni Astrid, ngayon lang sila nagawi sa parte ng ito ng mansyon.“Ganda naman ng room mo nanny, ang linis. Gusto ko rito! Pwede pong tumabi ako sa ‘yo mamaya matulog?”Hindi nakasagot si Astrid sa anak. Tumingin agad siya kay Ruex na halatang hindi payag.“I thought we would be together in my room tonight, Rowan?” reklamo nito. Kapag walang pasok si Rowan, tabi natutulog ang mag-ama. Bonding time nila iyon. Kundi sa kwarto ng bata, kay Ruex sila.Tapos ngayon ipgpapalit pa siya ni Rowan para lang magkasama ang nanny niya? Unbelievable!“Ay, oo nga pala dad. Tabi ka na lang po sa amin ni nanny?”“No, thank you. Kung gusto mo rito hindi sa tabi ko, go on. I’ll sleep on my bed. ALONE. I will

  • Best Maid Ever   Chapter 24: Suyuan

    Ramdam ni Astrid ang pag-iiba ng hangin sa loob ng mansyon. Nadatnan niya na parehong nakabusangot ang mag-ama sa sofa, nakakrus ang mga braso.Dahan-dahan siyang lumapit sa harap nila. “Sir Ruex, Rowan, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?”“Wala po. We’re not as important as naman po as your boyfriend. Hintayin mo na lang ang text ng boyfriend mo.”Nagtatakang tumaas ang isang kilay ni Astrid sa naging tugon ni Rowan. Hindi malabing katulad ng nakasanayan niya, masungit ang bata ngayon.“Nakikipag-date sa oras ng trabaho? Sinama mo pa talaga si Rowan.”Tumaas na ang isa pa niyang kilay dahil naman kay Ruex. Strikto as usual, pero mas lalong naging seryoso ngayon.Anong problema ng mag-amang ‘to?“Sige po, kung wala na, akyat na po ako sa maid’s quarter…”“Tss!” sabay siyang tinalikuran ni Ruex at ni Rowan. Nauna pang tumayo ang dalawa at umakyat sa hagdan kaysa sa kaniya.Astrid stood there for few seconds, speechless na nakatingin sa mag-amang sabay na nagmamaktol, malakas ag gal

  • Best Maid Ever   Chapter 23: Jealous

    “Sobra kitang na miss, girl. Ikaw ha, napunta ka lang sa puder ng mag-ama mo, blooming na blooming ka na.”“Na miss din kita.”Nagyakap ang magkaibigan. Napangiti si Astrid, tinignan niya ang kabuuan ni Zee. “Ikaw nga ‘tong mas lalong gumagwapo. May boyfriend ka na ‘no?”“Yucks.” Umasim ang mukha ni Zee. “Not in my plan.”Napataas tuloy ang kilay ni Astrid. Tinulak niya papalayo sa kaniya ang kaibigan niya. “Bakla ka ba talaga? Baka nagpapanggap ka lang ha!”“Ayaw lang mag-boyfriend peke na?” umirap kunwari ang lalaki. “Mataas lang ang standard ko! At nag-eenjoy ako sa pagiging single.”Lumapit ulit si Astrid at natatawang sinabit ang kamay sa braso ni Zee. “Joke lang, alam ko naman. Pero sigurado akong maraming babae ang nagkakandarapa sa ‘yo. Kapag nagka-boyfriend ka, magluluksa silang lahat panigurado.”Nagkibit-balikat lang si Zee. Nandito silang dalawa ngayon sa playground sa village ng mansyon ng mga Villaflor. May inasikaso si Zee sa Manila branch ng Starlight Press kaya sina

  • Best Maid Ever   Chapter 22: Deadline

    Sa loob ng sasakyan, tahimik si Rowan. Napapagitnaan siya ni Ruex na katulad niya ay tahimik at ni Erich na pilit naghahanap ng mapag-uusapan.“What things do you like?” nakangiti siya habang panay ang tanong sa bata.“I like reading po.”“Really? Wow. I should buy you some books next time.”“Thank you po.” Isang tanong, isang sagot.Panay lang ang sagot ni Rowan pero sa loob-loob niya hinihiling niyang manahimik na ang babae.“Did you enjoy your class today?”“Sakto lang po.”End of the conversation. Halata namang ayaw ni Rowan kay Erich. Hindi dahil bastos siyang bata. It’s just that… Rowan can feel that something is off in this woman. Kahit limang taong gulang pa lang siya ngayon, alam niya ang mga nangyayari.Erich is someone who tried to be close to Rowan, she keeps saying she’ll be his future mommy and she will treat him well. She is kind. Maalaga naman si Erich. Yet Rowan can’t seem to find her sincerity. She brought gifts, even attended some of his school events, asked polit

  • Best Maid Ever   Chapter 6: Aftermath

    Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi. The unexpected job offer.Masquerade party.Auction.A night with a

  • Best Maid Ever   Chapter 5: Lights Off

    Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya. “Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanl

  • Best Maid Ever   Chapter 2: The Offer

    “Dito na po ‘yon?” Sinilip ni Astrid mula sa bintana ng taxi ang gusali sa tapat nila. Mukhang ito na nga ang lugar.“Sige po d’yan na lang sa tabi.”Nag-taxi na siya papunta. Mahal at masakit sa bulsa pero worth it naman siguro dahil trabaho ang pupuntahan niya.Hindi niya mapigilang mamangha sa n

  • Best Maid Ever   Chapter 1: Mahirap Maging Mahirap

    Hindi na magkandaugaga ang mga tao sa loob ng maliit na karinderya. Palibhasa’y oras ng tanghalian. Marami ang nakapila. Halos puno na lahat ng mga lamesa.Sumilip ang isang serbadora sa loob ng kusina. “Astrid, pahatid naman ng order!” Lumabas si Astrid at tinuyo ang basang kamay sa suot niyang a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status