INICIAR SESIÓN“What are you doing in my house, Ryan?”“Bawal ba? Magpinsan naman tayo. Hindi naman ako pinagbabawalan ni tita at tito.”Katulad ng mansyon ni Ruex sa probinsya, mayroon din siyang sariling opisina. Sa sobrang lawak ng mansyon ng kaniyang mga magulang talagang may sarili silang mga opisina bukod pa sa kanilang mga kwarto. May library, entertainment room, gym, may bar pa nga, pool at garden naman sa labas.“Puro ka trabaho. Simula nang dumating si Rowan sa buhay mo hindi ka na sumasama sa akin. Come on! Hindi ka ba nabuburyo?”“Mas nabuburyo ako kapag kasama kita.”“Sus! Tara, may alam akong bagong lugar.”Napatigil si Ruex sa pagtipa sa kaniyang laptop at hinarap ang nakangising pinsan.“Pumunta ka mag-isa mo. Hindi ako interesado.”“Nag-iba ka na talaga! Dati napipilit pa kita. Ngayon wala nang umuubra sa ‘yo.” Napailing si Ryan. “Iba talaga kapag tatay na.”“You will understand me once you become a father,” sabi ni Ruex.Kinilabutan si Ryan. “Cous! ‘Wag kang magsasabi ng gan’yan! B
“ATE ASTRID!” Kasalukuyang niyuyogyog ni Lorraine si Astrid. Pagkatapos ng mga gawain nila ngayong araw, dumiretso agad ang dalagita sa kwarto ni Astrid dahil nga sa nangyari sa baba kanina.“Grabe ka! Anong mommy? Tinawag kang mommy ni young master! May relasyon kayo ni Sir Ruex? Tama bang nanny ka rito o dapat Ma’am Astrid na ang itawag ko sa ‘yo?”“Teka, teka, teka…” hinuli ni Astrid ang mga kamay ni Lorraine sa balikat niya para itigil ang pagyugyog sa kaniya. Nahilo na siya!Bakit kahit wala rito ang best friend niyang si Zee eh parang may pumalit naman?Natawa siya sa manghang-manghang mukha ni Lorraine. Umiling siya para sagutin ang sandamakmak na tanong nito. “Hindi, mali ka. Wala kaming relasyon ni Sir Ruex,” pagsasabi niya ng totoo. Kahit naman sabihin nating may nangyari sa kanila noon at si Rowan ang naging bunga, hindi naman ibig sabihin may namamagitan na sa kanila. At! Mas malabong maging Ma’am siya sa mansyong ito.“Eh bakit parang sobrang gusto ka ni young master? Sa
Naglakad pabalik sa loob ng mansyon si Astrid. Laking gulat niya nang makasabay si Ruex sa pagpasok.“Nagkita na ba tayo noon?”Halos mahulog ang puso ni Astrid. Napatigil siya sa paglalakad nang tumigil si Ruex sa harapan niya.Kinakabahan siyang sumagot, “H-Hindi pa po.” Technically, hindi pa siya nakikilala ni Ruex, hindi pa nga sila nagkakausap ng ganitong maayos na usapan at talagang harap-harapan. Napaisip ang lalaki. “No, I know we already met before.”“Kahapon po? Sa interview?” “No, no. Long before that.”Alam na ba niya—agad?! Hindi pa siya nagtatagal ng isang araw, nabuking na agad kung sino siya? Walang mapaglagyan ang kaba ni Astrid.“That day… Ikaw ba ‘yon?” Naningkit ang mga mata ni Ruex, nangingilala. Mayamaya, inunat niya ang braso at tinakpan sa paningin niya ang buong mukha nito, saka tinignan niya ang kabuuan ng babae.Napalunok si Astrid.“Ah, I remember now.” Binaba si Ruex ang braso at napagtanto. “Sa Starlight Press. Astrid, right? You’re that woman Rowan k
“Zee, ikaw na muna ang bahala rito sa bahay ha.”“Yes, girl. Ako na ang magbabantay. Basta balitaan mo ako sa mga ganap mo at sa mag-ama!” Yumakap si Zee sa kaniyang kaibigan. “Good luck.”Nag-iimpake ng mga gamit si Astrid at ready na umalis. Unang araw niya sa trabaho. Ngayon lilipat sina Ruex at Rowan sa Maynila, kasama siya. Dati, itong bahay lang ang kayamanan niya. Ngayon may Rowan na siya. Ayaw man niyang lumisan sa pinakaiingatang bahay ng mahal niyang mga magulang, alam naman niyang maiintindihan nila na para ito sa apo nila.Nagbilin pa si Astrid kay Zee bago siya tuluyang nagpaalam. Una nang nakaalis ang mag-ama pati ang paglipat sa ilang mga gamit nila. Ilang oras ang binyahe ni Astrid bago siya makarating sa mansyon ng mga Villaflor sa Manila. Tama nga sila, mas malaki ito at mas grande kumpara sa nasa probinsya. Medyo same style naman, it’s the same sosyal at mayamang vibe, pati sa loob.“Ikaw ang kasamang personal nanny ni young master?”Sinalubong si Astrid ng isang
Pinagsawalang bahala ni Ruex ang sinabi ni Rowan tungkol sa ‘mommy’ niya. Akala niya doon na matatapos ‘yon kaya lang…“Dad.”“Hm?”“Mommy Astrid is pretty,” tukoy niya sa babae noong isang araw.“Maybe. I haven’t seen her face yet. Ano naman ang gagawin ko?” si Ruex with matching kunot noo.“You should marry her.”“No.”“Okay.” Pout.The next hour. “Dad.”“What?”“If you marry Mommy Astrid I will be happy.”“...”Bumagsak ang mga balikat ni Rowan dahil hindi sumagot ang kaniyang ama. “You don’t want me to be happy?” paawa niyang wika.“Rowan…” may banta sa boses ni Ruex.Tumayo siya ng tindig at kumaway. “I’ll go and read my books. Bye.”Three hours later.“Dad.”Napahinga ng malalim si Ruex. “What now?” “Nag-sabi na ako sa kaniya. Sabi ko po sa kaniya bagay kayo. Single ka. And I think single siya, okay lang sa kaniya na tinawag ko siyang mommy e. Kaya pwede kayong maging mag-asawa!” bibong bungad ni Rowan. “I already told her that she is my mom and so you will need to marry her.”
“ANO?!” Napatayo si Ruex dahil sa binalita sa kaniya ng kanilang driver. “What do you mean wala si Rowan sa school niya?”Nagsimulang kabahan ang driver. “O-Opo, sir. Maaga silang pinalabas ngayon. Wala po siya, nakauwi na raw po sabi ng mga teacher.”“Sa mansyon?”Umiling ang kausap. “Dumiretso agad kami sa mansyon pero wala pa po ang young master. Pumunta po ako rito para ipaalam sa inyo...”“Then who’s finding him?!” “Sinusubukan pa po ng mga tauhan—”Nag-init ang ulo ni Ruex. “Ikaw, ano pang ginagawa mo? Get out and look for him too! O lahat kayo matatanggal sa trabaho!”Nagmamadaling sumunod sa utos ang driver.Napaupo muli si Ruex sa kaniyang swivel chair at napasapo ng ulo. That kid! Sobra siyang nag-aalala. Maski kaunting galos nga lang, nandyan na agad ang mga best doctors sa bansa sa isang tawag niya lang. Hindi niya kayang nasasaktan si Rowan. Ganoon niya kamahal ang anak niya. Saan naman magtutungo ang batang ‘yon?Napatayo ulit si Ruex nang may maalala. Iisang lugar la
Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit
Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi. The unexpected job offer.Masquerade party.Auction.A night with a
Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya. “Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanl
Naging hudyat ang anunsyo para mag-angat ng tingin si Ruex. Doon niya lang napansin ang babae. ‘What’s wrong with her?’ Is the first thing he asked himself. Nakayuko si Astrid at halatang kinakabahan. She looks like a lost puppy in his eyes.Mariing kinuyom ni Astrid ang mga kamao habang nakatayo s







