MasukSa edad na bente-otso, isang bagay lang ang gusto ni Alina—ang magkaroon ng sariling pamilya nang walang kasamang toxic na lalaki. Kaya pinili niyang magkaanak sa tulong ng IVF at isang anonymous donor. Ngunit nagbago ang lahat nang malaman niyang nagkaroon ng malubhang pagkakamali ang clinic. Ang specimen na na-implant sa kanya ay pag-aari pala ng isang ruthless at makapangyarihang bilyonaryo—si Ezekiel Valencia. Para protektahan ang batang dinadala niya mula sa clinic at sa maimpluwensyang pamilyang Valencia, pinili ni Alina na mawala at magtago sa probinsya. Apat na taon ang lumipas, napilitan siyang bumalik sa Maynila para ipagamot ang pambihirang allergy ng kanyang anak na si Kian. Dahil desperado sa pera, tinanggap niya ang trabaho bilang Executive Secretary sa isang malaking kumpanya—hindi alam na ang magiging boss niya ay mismong si Ezekiel Valencia. Pero gaano katagal maitatago ang isang batang kamukhang-kamukha ng bilyonaryo? At kapag nalaman ni Ezekiel ang katotohanan, papayag ba si Alina na maagaw ng isang lalaking hindi niya pinagkakatiwalaan ang nag-iisang mundong meron siya? O ang anak na hindi kailanman pinlano ni Ezekiel… ang siya palang babago sa buhay niyang matagal nang walang puwang para sa pagmamahal?
Lihat lebih banyakALINA MONTEJO POV
"Congratulations, Miss Alina Montejo. You're officially eight weeks pregnant. Kapit na kapit ang embryo, at normal ang lahat ng vital signs mo." Nakahinga ako nang maluwag habang pinapanood ang maliit na tuldok sa monitor ng ultrasound. Doon pa lang, naramdaman ko na ang kakaibang tibok sa puso ko. Sa wakas. Sa edad na bente-otso, pagkatapos ng ilang taon na puro trabaho, puyat, at pag-akyat sa corporate ladder, nakamit ko rin ang matagal ko nang pangarap—ang magkaroon ng sariling pamilya. Walang toxic na lalaki, walang sakit sa ulo na ex. Ako lang at ang magiging anak ko. Independent woman yata 'to. Kaya ko 'to mag-isa. Eksaktong dalawang linggo pagkatapos ng check-up na 'yun, nakatanggap ako ng sunod-sunod na tawag mula sa clinic. Noong una, hindi ko pinapansin dahil busy ako sa mga hinahabol na reports sa opisina. Pero nang mag-text na ang mismong Head Doctor na si Dr. Ramirez at sabihing highly confidential at urgent ang kailangan naming pag-usapan, kinabahan na ako. Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa tapat ng desk niya, habang pabalik-balik siyang naglalakad sa loob ng opisina niya. Pinagpapawisan siya kahit malakas ang aircon, at kanina pa pinagpapawisan ang mga kamay niya habang hawak ang isang makapal na folder. "Alina..." pambungad ni Dr. Ramirez, ang boses niya ay nanginginig na parang ewan. "I... I don't even know how to say this. Identity checks were done, laboratory protocols were followed, but... we encountered a catastrophic technical mix-up in the cryopreservation lab." Kumunot ang noo ko. Kinabahan ako para sa kalusugan ng baby ko. "Doc, ano'ng ibig ninyong sabihin? May problema ba sa bata? May genetic disease ba ang donor? Sabi niyo sa akin, galing sa isang healthy, anonymous master's graduate ang specimen—" "Hindi 'yun ang nagamit," pagputol ni Dr. Ramirez. Halos mawalan siya ng kulay sa mukha. "Nailagay sa iyo ang specimen mula sa isang private, high-security storage tank. Isang specialized VIP deposit." Bumagsak ang panga ko. "Ha? Paanong..." Inilapag niya ang folder sa tapat ko at dahan-dahang binuksan ito. Lumitaw doon ang profile ng isang lalaki. Kahit sa litrato lang, kitang-kita ang seryoso, matatalas, at napakagwapong mukha nito. Pero hindi ang mukha niya ang nagpapatak sa luha ko, kundi ang pangalang nakasulat sa ilalim ng larawan. Ezekiel Valencia. Ang nag-iisang tagapagmana ng Valencia Medical at Tech Conglomerate. Ang pamilyang nagmamay-ari ng kalahati ng mga mamahaling ospital, laboratoryo, at pharmaceutical companies sa bansa. Isang bilyonaryong balita ko ay dumaan sa isang delikadong operasyon taon na ang nakararaan kaya nagtabi ng specimen, at kilala sa pagiging ruthless pagdating sa negosyo. "Si... si Ezekiel Valencia ang tatay ng dinadala ko?" bulong ko, parang hihimatayin sa narinig. "Yes, Alina. At malaking gulo ito," dire-tsong sabi ni Dr. Ramirez, habang nakatitig sa akin na parang ako ang pinakamalaking problema sa mundo. "Walang pwedeng makaalam nito. Kapag nalaman ng pamilya Valencia na nagkaroon ng malpractice ang clinic namin gamit ang specimen ng nag-iisang tagapagmana nila, hindi lang lisensya ko ang mawawala. Isasara ang clinic na ito, at gigisayin tayo ng mga abogado nila sa korte. You know how powerful they are. Baka pati buhay mo, maging miserable." Naramdaman ko ang lamig na gumapang sa buong katawan ko. Awtomatikong humawak ang kamay ko sa tiyan ko. "Anong... anong gusto mong gawin ko?" Dinala ni Dr. Ramirez ang isang piraso ng papel sa harap ko, kasabay ng isang ballpen. Isang Non-Disclosure Agreement (NDA) at Termination Form. "We need to correct the mistake, Alina. We will schedule an immediate termination of the pregnancy. Siyempre, hindi ka namin pababayaan. The clinic is willing to compensate you. Sampung milyong piso. Isang pirma mo lang dito, mapupunta ang pera sa account mo, at pwede nating ulitin ang IVF process gamit ang tamang donor pagkalipas ng ilang buwan." Sampung milyon kapalit ng buhay ng anak ko? Tumingin ako sa dokumento, tapos sa mukha ng doktor na halatang sariling interes lang ang iniisip. Naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng galit sa dibdib ko. Hindi ko pinlano ang maging ganito kagulo ang lahat, pero ang saktan ang sarili kong anak para lang pagtakpan ang kasalanan nila? Hinding-hindi ko gagawin 'yyun Biktima rin ako rito, pero mas biktima ang batang walang kinalaman na nasa sinapupunan ko. "Are you insane, Doc?" mariin kong sabi, sabay tulak pabalik sa folder. Tumayo ako, diretso ang tindig kahit nanginginig ang mga tuhod ko. "Hindi ko ipapalaglag ang anak ko. Hindi negosyo ang buhay ng bata." "Alina, mag-isip ka nang mabuti!" humabol si Dr. Ramirez, tumayo na rin siya at pilit akong hinawakan sa braso pero pinalo ko ang kamay niya. "Hindi mo kilala ang mga Valencia! Kung malalaman ni Ezekiel Valencia na buntis ka sa anak niya nang walang pahintulot niya, kukunin nila ang bata sa iyo o kaya naman ay sisirain nila ang buhay mo! Wala kang laban sa kanila!" "At wala rin kayong laban sa akin kung ipapubliko ko ang kapabayaan ng clinic niyo," banta ko, kahit ang totoo ay natatakot din ako sa pwedeng mangyari. "Huwag niyo akong susubukan, Dr. Ramirez. Ang perang 'yan? I*****k niyo sa baga ninyo." Mabilis kong binuhat ang bag ko at naglakad palabas ng opisina niya nang hindi lumingon. Naririnig ko pa ang sigaw niya na tinatawag ang pangalan ko, pero diretso lang ako hanggang sa makalabas ng building. Sumalubong sa akin ang mainit na hangin ng siyudad. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada, napahawak ako nang mahigpit sa tiyan ko. Ramdam na ramdam ko ang takot, ang kaba, at ang bigat ng sitwasyon. Isang makapangyarihang pamilya ang nakabangga ko nang hindi ko sinasadya, at alam kong hindi nila ako tatantanan kapag nalaman nila ang katotohanan. "Huwag kang mag-alala, baby," bulong ko sa sarili ko habang sumasakay ng taxi. "Gagawin ng Mommy ang lahat. Protektahan kita, kahit kanino pa... kahit kay Ezekiel Valencia pa."EZEKIEL VALENCIA POVDinala kami ng mga paa namin sa dulo ng bookstore kung saan nakahilera ang mga art supplies. Agad na kumuha si Rina ng isang basket para doon ilagay ang mga makukuha namin. Si Kian naman, hawak-hawak pa rin ang dulo ng shirt ko habang nakatingin sa mga makukulay na display ng mga pambura na may iba't ibang hugis ng hayop."Ate, tingnan mo ito. Ito ba 'yung brand ng watercolor na nakasulat doon sa email?" tanong ni Rina habang ipinapakita sa akin ang isang parang maliit na case na may mamahaling tatak.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng maong ko para i-double check ang listahan na ipinadala ng school director. "Oo, Rina. Yan nga. Medyo may kamahalan pala talaga ang mga gamit sa eskwelahan na 'to, no? Isang set pa lang ng kulay, parang pang-isang linggong grocery na natin sa probinsya dati.""Ganyan talaga kapag international school, Ate. Pero huwag mo na isipin 'yung presyo, sabi naman ni Kuya Ezekiel diba, ibigay natin kung ano ang pinakamaganda para kay
ALINA MONTEJO POVTiningnan ko ang oras sa wall clock ng sala. Mag-aalas-dos na ng hapon. Lumapit ako sa maliit na mesa kung nasaan si Kian at dahan-dahang tinapik ang balikat niya. Medyo mahimbing pa ang tulog ng anak ko, nakadikit pa nga ang pisngi niya sa dulo ng paborito niyang asul na krayola."Baby, gising na. Aalis na tayo, diba bibili tayo ng mga notebook mo?" mahinang bulong ko habang hinahawi ang gupit ng buhok niya na tumatakip sa kanyang noo.Bumuntong-hininga muna si Kian bago dahan-dahang idinilat ang kanyang mga mata. Nag-inat siya ng kanyang maliliit na braso at tumingin sa akin nang may kaunting antok pa. "Mommy... are we going to the big bookstore now?""Oo, kaya bumangon ka na dyan para makapagpalit ka ng damit. Naghanda si Tita Rina mo ng bagong t-shirt para sa'yo," sabi ko habang tinutulungan siyang tumayo mula sa sahig.Inayos ko ang nagulong drowing niya sa lamesa at inilagay muna ito sa ibabaw ng cabinet kung saan hindi madaling mayayari o madudumihan. Naibsan
ALINA MONTEJO POV "Ate Alina, tignan mo si Kian, oh. Nakatulog na naman sa ibabaw ng mga crayons niya," mahinang biro ni Rina habang itinuturo ang bata na nakasubsob ang mukha sa maliit na drawing book. Lumapit ako sa sala at binuhat ang anak ko nang dahan-dahan para hindi siya magising. "Napagod siguro ito sa kakakulay ng drowing niya para kay Ezekiel. Dalhin ko muna siya sa kwarto para mas kumportable ang higa niya." Ipinasok ko si Kian sa silid at inayos ang unan niya. Ang hihigpit pa rin ng kapit ng maliliit niyang daliri sa piraso ng papel na may drowing ng pamilya namin. Naalala ko bigla 'yung sinabi niya kanina tungkol sa pamamasyal sa park pagkatapos ng school. Simple lang naman ang gusto ng bata, pero sa sitwasyon namin ngayon, bawat simpleng bagay ay kailangan pa ring planuhin nang maigi para iwas gulo. Gusto kong ibigay sa kanya ang normal na buhay, pero minsan, nakakapagod din isipin na kailangan naming mag-ingat sa bawat hakbang. Kung pwede lang sanang bilisan ng korte
ALINA MONTEJO POVPagkaalis ni Ezekiel, binalot ng tipikal na ingay ng umaga ang buong penthouse. Si Kian ay diretso agad sa lamesa habang hawak pa rin ang paborito niyang dinosaur na laruan, habang si Nanay naman ay kalalabas lang mula sa banyo, naka-tapis pa ang buhok gamit ang tuwalya."Mommy, nasaan po si Dada?" tanong ni Kian habang pilit na inaabot ang natitirang piraso ng longganisa sa plato na ginamit ni Ezekiel kanina."Umalis na ang Dada mo, baby. May trabaho siya ngayon at may kakausaping abogado," sagot ko habang dahan-dahang inilalayo sa kanya ang platong may mumho pa para palitan ng bagong hain. "Dito ka maupo, ito ang pagkain mo. May gatas ka pa doon sa counter."Naupo si Nanay sa tapat namin at kumuha ng sinangag. "Aba, napakaaga naman pala ng lakad ni Ezekiel ngayon. Ni hindi ko man lang siya naabutan para masabihan na mag-ingat sa daan.""Opo, Nay. Kailangan niya raw kasing makarating sa Makati bago mag-grabe ang trapiko
ALINA MONTEJO POV "Heto ang mga schedule para sa linggong ito, Miss Montejo. Medyo mabigat ang mood ni Sir ngayon kaya mas mabuting ihanda mo na ang double espresso niya bago siya dumating. At pakiusap, huwag mo siyang kukuwestiyunin sa mga utos niya kung ayaw mong matulad sa huling secretary na
ALINA MONTEJO POV Gusto kong maiyak sa kamalasan. Pangalawang linggo ko pa lang sa trabaho bilang sekretarya ni Ezekiel Valencia, pero heto agad ako sa sitwasyong pilit kong iniwasan sa loob ng apat na taon. Biglang nagka-emergency sa maliit na daycare malapit sa tinutuluyan namin—nagkaroon ng sh
ALINA MONTEJO POV Apat na taon. Apat na taon din kaming namuhay sa isang maliit, tahimik, at simpleng bayan sa Aurora. Doon ko natutunang maglaba nang walang washing machine, magtanim ng sariling gulay, at mag-online freelance work sa gabi habang tulog ang anak ko para lang may pambili kami ng bi
ALINA MONTEJO POV"Congratulations, Miss Alina Montejo. You're officially eight weeks pregnant. Kapit na kapit ang embryo, at normal ang lahat ng vital signs mo."Nakahinga ako nang maluwag habang pinapanood ang maliit na tuldok sa monitor ng ultrasound. Doon pa lang, naramdaman ko na ang kakaibang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan