Share

Kabanata 84| Aksidente

Author: Mysaria
last update Petsa ng paglalathala: 2025-04-28 21:49:50

Agad na pinaharurot ng lalaki ang kotse papunta sa flyover. Nakakunot lamang ang noo ni Hiraya habang nakakuyom ang kamao na nakapatong sa tuhod niya. Mahina siyang nagsalita, "Wala akong kinalaman sa nangyari kay Mayari. Kung gusto mong maghiganti, dapat ang asawa ko ang hanapin mo, hindi ako. Inuulit ko wala akong kasalanan."

Napalingon siya sa lalaki at nagpatuloy, "At isa pa worth it ba itong ginagawa mo para sa babaeng hindi ka naman pala mahal?"

Humigpit ang hawak ni Hiraya sa kanyang da
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Benidicto Fabreag
walanghiya talaga s reyko inuuna pa talaga ang babae niya dapat inalagaan niya s hiraya d sana d nalagay sa kapahamakan ang buhay ng mag ina niya,thanks po ms.a
goodnovel comment avatar
Cora Mae P. Igot
Ms. A kawawa naman itong lagay ni Hiraya.. Sana si Rhob nalng naging asawa nia..
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 124| Ayaw makipaghiwalay ni Reyko

    Bumalik si Alena sa kwarto ni Hiraya pagkatapos ng usapan nila ni Reyko. Matagal siyang nakipag kwentuhan sa kaibigan para pagaangin ang loob nito, tapos ay nagtanong-tanong din kay Rhob at sa doktor tungkol sa lagay ng baby ni Hiraya. Nang makasigurado, nagpaalam na si Alena dahil babalik pa ito ng ospital.Hinatid sila ni Rhob sa labas at mabilis na bumalik sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam ni Rhob habang nakatayo sa gilid ni Hiraya. "Hiraya, kinausap ko na yung kanina sinabi nila sa akin na medyo maselan ang lagay mo ngayon. May tama ang puso mo dati, 'di ba? Habang lumalaki yung baby mo, mas lalong bibigat ang pressure sa puso mo. Kaya nire-recommend ng doktor na yung baby sana…”Hindi na pinatapos ni Hiraya ang sasabihin, alam na kasi niya ang sasabihin ni Rhob. "Alam ko. Matagal ng sinabi iyan sa'kin ng doktor. Kapag nagbuntis daw ako, mas mahihirapan ako at mas magiging delikado kumpara sa normal na pagbubuntis."Kumunot ang noo ni Rhob. Tinitigan nito ng malalim ang dala

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 123| Hiwalayan mo na si Hiraya

    Pagkapasok ni Rhob dala ang lugaw, nakita niyang gising na si Hiraya.Nakaupo ang dalaga sa kama habang blangkong nakatitig sa sikat ng araw mula sa bintana. Sobrang putla na ng mukha nito, kitang-kita na nga ang mga asul na ugat sa pisngi nito.Dahil sa nipis ng pinto, siguradong narinig ni Hiraya ang komprontasyon sa labas."Hiraya..." malambot na tawag ni Rhob sabay lapit at upo sa gilid ng kama. Dahan-dahang hinawakan ni Rhob ang kamay nito at pinisil. Nakita naman ni Hiraya na kasama ni Rhob ang ama nito. Nginitian lang ito ng matanda ng pilit saka nagsalita."Ikaw talagang bata ka, palagi mo na lang kaming pinag-aalala. Tuwing tatawag kami, palagi mong sinasabing okay ka lang, tapos malalaman na lang namin na nasa ospital ka na pala! Alam mo bang halos atakihin na kami ng nanay mo dahil sa kaba? Gustong-gusto nun sumama sa akin pero hindi pwede. Kailan ka ulit bibisita sa kanya, hija?""Sorry po, Tito kung pinag-alala ko po kayo," mahinang sagot ni Hiraya sabay ngiti ng tipid."

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 122| May pag-uusapan sina Reyko at Alena

    Kumunot ang noo ni Hiraya, isang mapait na tawa ang kumawala sa bibig niya. "Bakit, doktor ba ako? May super powers ba ako na makakapagpatigil ng dugo mo? Hindi ba’t ikaw ang doktor sa ating dalawa? Huwag mong ibahin ang usapan natin, Reyko."Natameme si Reyko, matagal bago ito nakapagsalita, "Hiraya, hindi ka naman ganito dati ah."Tumingala si Hiraya at sinalubong ang mga mata nito. Naupo si Reyko sa gilid ng kama. "Alam kong galit na galit ka sa akin dahil sa nangyari kay Mayumi. Hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, inaamin ko, nagkamali ako.""Nagkamali?!" Sarkastikong tumawa si Hiraya. "Magkano ba yang pagkakamali mo?! Nung nagmakaawa ako sa'yo na wag kang makialam, nangako ka na susundin mo ako! Kung hindi dahil sa'yo, hindi aabot sa ganito yung kaibigan ko! Reyko, tatlong beses nasira ang spine ni Mayumi, TATLONG BESES! Habambuhay na siyang hindi makakalakad dahil sa ginawa mo! Alam mo ba yun? Kung pwede lang na ako ang nasaktan, okay pa. Pero ang kaibigan ko na tanging meron

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 121| Nagpapaawa si Reyko

    Habang nakatingin si Rhob kay Minna, nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kanya. Paglingon ni Rhob, nakita niya ang isang lalaking nakatayo 'di kalayuan sa kanya. Suot nito ang isang asul na hospital gown, pero hindi naitago ng manipis na tela ang nakakatakot nitong aura.Sa isang iglap, ang kaninang malambot at nag-aalalang mukha ni Rhob ay napalitan ng kalamigan.Si Reyko ang nasa harapan niya. Ang lalaking hawak-hawak ang nag-iisang babaeng matagal na niyang pinapangarap. Ang babaeng handa niyang ibigay ang buong mundo pero pilit lang sinasayang at dinudurog ng lalaking nasa harap niya.Isang malamig at matalim na tingin ang ipinukol ni Reyko sa kanya. Pero hindi natinag si Rhob, sinalubong niya ang nag-aapoy na mga mata nito.Matagal silang nagkatinginan, nagpapakiramdaman sa gitna ng nakakabinging katahimikan ng pasilyo. Maya-maya, humakbang si Reyko palapit sa pinto ng kwarto. Akmang pipihitin na sana nito ang doorknob nang mabilis niyang hinarangan ang lalaki. "Kakakain l

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 120

    Nang magising si Hiraya, gabing-gabi na.Madilim na sa labas ng bintana at tanging ang maliliit na bituin lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid.Nakasanayan na niyang iangat ang kamay niya paggising pero dahil masyadong malakas ang galaw niya, biglang bumalik ang dugo sa swero ng dextrose niya. Napangiwi siya sa sobrang sakit. At dahil sa sakit na 'yon, tuluyan na siyang nagising.Pamilyar na puting kisame ang bumungad sa kanya. “Ospital na naman.” Iyan ang nasa isip niya.Hindi niya alam kung may membership card na ba siya rito dahil parati na lang siyang nandito. Suking-suki na nga siya ata ng ospital na ito. Naalala niya tuloy yung joke ni Alena sa kanya na dapat daw mag-apply na siya ng VIP card para may discount siya sa mga bills niya.Mayamaya pa’y bumukas ang pinto, pumasok si Rhob na may bitbit na isang lunch box. Nang makitang gising na siya, nagliwanag ang mukah nito. "Hiraya! Ipinagluto ka ni Papa ng lugaw tsaka nung paborito mong scrambled egg na may kamatis. Kumain k

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 119| Nahanap na si Mayumi

    Nakakabingi ang tensyon sa loob ng kwarto. Walang gustong gumalaw dahil sa sobrang takot na baka makagawa ng masama si Hiraya.Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at pumasok si Rhob. Basang-basa ito ng pawis at halatang nagmamadali. Tiningnan niya si Hiraya sa gitna ng kwarto at nag-aalangang nagsalita, "Hiraya, ibaba mo na 'yan. Nakuha na namin si Mayumi. Ligtas na siya. Akin na ang kutsilyo mo…""Talaga?!" Biglang nagliwanag ang mga mata ni Hiraya. Pero nang maalala niya kung anong ginawa ng mga taong nasa harapan niya kay Mayumi, bumalik ang takot at panginginig ng boses niya. "Rhob, t-totoo ba? May sugat ba siya? Sinaktan ba nila siya?"Umiwas ng tingin si Rhob sa kanya saka utal na nagsalita. "W-Wala, Hiraya. W-Wala…"Kilalang-kilala ni Hiraya si Rhob. Sa reaksyon pa lang nito, alam na niyang may mali. "May nangyari sa kanya, ano? Kilala kita, Rhob. Simula pagkabata alam ko na ang ugali at reaksyon mo kapag nagsisinungaling ka. Ano?! Sabihin mo sa akin ang totoo, anong nangyari

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 44| Sinundan ni Hiraya si Reyko

    Sa kabilang banda, nakaparada ang isang itim na limited edition na Sedan sa kabilang kalsada. Bahagyang nakababa ang bintana sa likurang upuan nito. Sa madilim na kalangitan at liwanag ng buwan ay kitang-kita sa loob ng kotse si Reyko kasama nito ang pinsan na si Marco. Nakatingin lamang si Marco

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 43| Pinaghintay si Hiraya ni Reyko

    Simula nong nagkausap sila ng ina ni Reyko ay sobrang naging busy si Hiraya. Tinanggap na rin siya ni Ms. Sunshine para makipag-collab sa kanya. Ngayon ay inaasikaso na niya ang kanyang painting dahil sa isang araw na gaganapin ang kanilang gagawing auction. Lahat ay preprado na at talagang sobrang

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 42| Tahimik kaming maghihiwalay

    Nang makarating sina Hiraya at Rhob sa ospital ay agad na nakasalubong nila si Alena. Si Hiraya ay nagpaalam at nagpasalamat sa lalaki sa paghahatid nito sa kanya sa ospital. Pumasok na siya sa loob ng silid upang kamustahin ang lagay ng kanyang ina. Samantalang sina Rhob at Alena ay nanatiling n

  • Dr. Reyko Craved My Love When I Stopped Chasing Him   Kabanata 41| Sanay na akong marinig ang kalokohan ng aking asawa

    “Aside from these, mayroon ka pa bang ibang obra? Iyong pininta mo noon?” tanong ni Sunshine kay Hiraya. Sumilay ang ngiti niya nang maalala ang isang paborito niyang obra noon. Tumango siya bilang sagot kung kaya’t napapalakpak sa tuwa ang babaeng nasa harapan. “Mabuti! If you have a time send m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status