LOGINChapter 2 - Stop and Watch, I am his mother
Hindi nakapaghanda si Erich kaya natapunan ng juice ang mukha niya.
Nataranta ang kasambahay at nagtulong tulong sila na punasan si Erich.
“Kevin!” galit na sigaw ni Bryan. Dahil sa takot, tumakbo ang bata paakyat.
Mabilis na tumayo si Sandra para sundan ito.
“Bryan, bata pa lang siya, hindi puwede ganoon kalakas ang boses mo. Ako na ang bahala.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin siya kay Erich na nag-aayos ng sarili, tila may gusto sabihin pero hindi niya tinuloy.
“Okay ka lang ba? Tingnan ko nga.” nag-aalalang tanong ni Bryan kay Erich. Hahawakan niya sana ang mukha ni Erich para tignan pero umiwas ito.
“Marumi ang kamay mo! Huwag mo akong hawakan!” malakas na sabi nito.
“What’s with the reaction? Ang gusto ko lang ay alagaan ka.” nalilitong tanong nito.
“Kung alam ko lang na ganito pala kasalbahe si Kevin, hindi ko sana hinayaan na ikaw ang mag-alaga sa kanya.”
Ngumiti si Erich nang bahagya at nang-asar,
“Oo, kung nasa tunay na ina siya, mas maayos sana ang pag-aalaga nito kaysa sa akin. Pero sa kasamaang palad, patay na ang ina niya, at ako bilang adoptive mother, hindi ko siya maalagaan ng maayos?”
Nabigla si Bryan sa narinig, napakatigas ng mukha niya.
“Anong sinasabi mo? Si Kevin ay inampon natin, ikaw lang ang pwedeng maging ina niya.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinaplos niya ang ulo ni Erich nang may lambing.
Hindi nakailag si Erich, at biglang nag-iba ang pakiramdam niya, parang may masamang kirot sa loob.
Pagdating niya sa kwarto, dali-dali siyang nag-shower.
Sumunod si Bryan, dahil gusto nitong pag-usapan nila ang pananatili ni Sandra sa kanilang Villa.
Ngunit alam ni Erich ang kanyang plano, wala siya sa posisyon para magdesisyon. Pakiramdam niya, tila siya impostor lamang sa kanilang relasyon.
“Ngayon, nasa kritikal na yugto ang kumpanya para sa listing, at kailangan ka ng kumpanya. Si Teacher Sandra muna ang bahala kay Kevin. She is an expert in education. At nakita mo kanina, nakikinig si Kevin sa kanya…”
“Sige, ayos na iyon.” walang lakas na sagot ni Erich.
Ayaw nang makinig ni Erich pa sa mahabang paliwanag ng Bryan. Mas lalo lang siyang naiinis at gustong masuka.
“Rich, I know you are reasonable and you know how much I love you.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinila niya ang manipis na beywang ni Erich at niyakap ito ng mahigpit.
Ngunit, agad na kumawala si Erich. Nandidiri siya yakap at sa kapal ng pagmumukha ni Bryan.
Umiwas siya at agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at ipinakita ang larawan ng isang penthouse na may tanawin ng ilog, na malapit sa lahat.
“Bryan, what do you think of this house?” malambing na tanong nito.
“Maganda, and the location is very strategic. Malapit sa lahat.”
Tumingin siya kay Erich na nagtataka at nagtatanong?
“Birthday ko next month right? gusto ko talaga ang bahay na ito. Puwede mo ba itong bilhin para sa akin bilang regalo?”
Ngumiti si Erich, matamis at malambing ang tinig.
Niloko siya ni Bryan sa loob ng dalawang taon. Sa loob ng dalawang taon, nawala hindi lang ang oras niya kundi pati ang career niya.
Upang tulungan si Bryan sa kumpanya, isinuko niya ang pagkakataon na mag-aral pa at nagtrabaho sa maliit na kumpanya ng asawa.
Sa loob lamang ng dalawang taon, nakatulong siya sa turnaround ng kumpanya, at sa ilang buwan, maililista na ito sa stock market, na magbabalik ng 10 bilyong halaga.
At siya? Wala pa rin siyang pag-aari, at halos naabandona. Pinagkatiwala niya lahat sa asawa.
Siyempre, hindi siya papayag.
Kita ang pagtataka at pag-aalinlangan sa mukha ni Bryan,
“Bakit biglang gusto mong bumili ng bahay? Hindi ba sapat na ang bahay natin?”
“Maganda ang bahay natin, pero hindi sapat ang investment value. Iba ang bahay na ito, malaki ang potensyal sa hinaharap. Bukod pa doon, malapit nang maging public ang kumpanya mo, at sa bahayna ito puwede kang mag-entertain ng bisita. It’s good for your image.”
Napangiti si Bryan, tila nakaramdam ng kaunting guilt para kay Erich.
“You are my pride Rich, wala na akong kailangan pa.”
Gusto sanang yakapin muli ni Bryan si Erich, pero umatras ito.
“Di ba sabi ko birthday gift mo to sa akin, don't tell me you are hesitant to buy me a gift?”
Ngumiti si Erich, tila biro ang tono.
“Magkano ba ang bahay na ito?” tanong ni Bryan bigla.
“Not that expensive, 70 milyon lang,” sagot ni Erich, sabay ngumiti.
Napalulon ng laway si Bryan. Mahal, pero dahil malapit nang mag-IPO ang kumpanya, pumayag siya.
“Sige, kung gusto mo, bibilhin ng asawa mo ito para sa iyo.” malambing na sabi nito.
Agad niyang tinawagan ang finance, at noong gabing iyon, 70 milyon ang pumasok sa personal account ni Erich.
Kasama sa transfer note: “Buy a house for Erich, happy birthday.”
Mula sa dating 150,000, naging,220,000 ang balanse niya.
Simula nung kinasal sila, si Bryan lahat ang humahawak ng pera. Ang tanging pera na nasa atm ni Erich ay ang perang inipon niya nung nagwork study pa siya. Ni isang beses hindi niya tinanggap ang kanyang sweldo.
Kinabukasan, pagkalabas ni Erich sa kwarto, nakita niya sa kusina na naka-apron si Bryan, masayang nakikipag-usap kasama ni Sandra.
Andoon rin si Kevin na masayang nakabuntot kay Sandra.
Pero biglang naputol ang moment ng pamilya nang bumaba si Erich.
Mabilis na inalis ni Sandra ang kamay niya sa balikat ni Bryan, at lumapit si Bryan kay Erich.
“Gising ka na pala? Tamang tama luto na lahat, kain na tayo, tumulong ako sa pagluluto.” proud na sabi nito.
Tumingin si Erich sa masasarap na pagkain sa mesa.
May tagaluto sa bahay, at hindi sanay si Bryan na kumain ng breakfast, ngunit nag-effort ito ngayon.
Bukod pa rito, kadalasan Filipino food ang breakfast nila, pero ngayon puro Western, maraming detalye, alam mo agad kung para kanino ito.
Ngumiti si Erich at tinanong si Sandra, “Lahat ba ‘to siya nagluto?”
“Yes, he cook them all, hindi kasi ako mahilig sa ibang food. Hindi lahat ng lalaki ganito ka-considerate, swerte ka talaga na may mabuting kang asawa.”
Malaking ngiting sabi ni Sandra. Matang kumikislap.
“Oo, lagi naman considerate si Bryan. Hindi lang sa akin, mabait siya sa lahat ng babae.”
“Salamat Rich, naku wala lang to. Gusto ko ring magluto para sayo” masayang sabi nito sabay tingin kay Erich.
Nawala ang ngiti ni Sandra sa narinig.
Napansin iyon ni Kevin kaya nang kunin ni Erich ang huling piraso ng fried egg, agad niyang pinisil ang ketsup.
Dahil sobrang tigas, tumalsik ito sa kamay ni Erich.
“Kevin, anong ginagawa mo?!”
Agad na iniabot ni Sandra ang tissue kay Erich, tapos mahina siyang bumulong kay Kevin,
“Kevin, kahit busog ka na, hindi puwede mag-aksaya ng pagkain. Tingnan mo, nadumihan ang kamay ng mommy mo, mag-sorry ka.”
Pinunasan ni Erich ang kamay niya at tumingin sa mag-ina.
Nakataas ang baba ni Kevin habang nagso-sorry, hindi sincere.
“Sige, puwede ka nang bumalik sa kwarto pagkatapos kumain.”
Bago pa nakasagot si Erich, unang nagsalita si Sandra.
“Sandali.”
Paalis na ito ngunit pinigilan siya Erich at hinila sa Pader
“Tayo!”
“Bruhang babae, pakawalan mo ako!”
Lumalaban si Kevin pero sanay na si Erich sa kanya. Inikot niya ang braso nito, idiniin sa pader, kinuha ang manipis na rattan sa vase, at pinalo ito nang malakas sa puwet.
“Argh, huhuhu”
Sakit at takot ang nadama ni Kevin kaya napaiyak ito.
“Erich, anong ginagawa mo? Nag-sorry na si Kevin, kailangan mo pa ba siyang saktan ng ganito?”
Galit na lumapit si Sandra kay Erich para pigilan siya.
“Teacher Sandra, anak ko si Kevin. Bilang ina niya, natural lang na turuan ko siya. You seems protective. Anak mo ba siya?”
Malamig na sagot ni Erich, habang tuloy ang pagpalo. Ilang ulit na napalo ang puwet ni Kevin.
Biglang namutla si Sandra, pinisil ang mga daliri sa palad, at kinulubot ang lalamunan niya, “Iniisip ko lang kasi, bata pa siya… at hindi naman malaki ang kasalan niya…”
“Kung hindi itutuwid ang maliliit na pagkakamali, magiging malaki ‘yan pag lumaki. Hindi ko alam paano ka nagtuturo ng bata, Teacher Sandra, at kung hindi ko siya papatnubayan ngayon, mahihirapan akong ituwid siya.”
Walang nagawa si Sandra kung hindi panoorin si Erich.
Nagulat din si Bryan. Kahit gaano pa ka-strikto si Erich, at gaano kakulit ni Kevin, never niya itong itong sinaktan.
Nakita ni Bryan ang galit na tingin ni Sandra kaya nilapitan niya si Erich para pigilan ito.
“Sige na, sige na, tama na yan.”
Matapos ang ilang palo, nawala na ang galit ni Erich. Ibinato niya ang rattan sa sahig. Mabilis namang nagtago si Kevin sa likod ni Sandra, humihingal sa sobrang iyak.
Huminga ng malalim si Sandra. Pigil ng galit.
“Kevin, tandaan mo, Ako pa rin ang nanay mo. Kailangan mo akong igalang. Kung hindi ka matututo, ninipis ang rattan na yan sayo.” sigaw ni Erich puno ng awtoridad. Tsaka siya umalis.
Gusto sanang habulin ni Bryan si Erich, pero pinigilan siya ni Sandra.
“Bryan…”
Puno ng sama ng loob ang mata ni Sandra, hindi niya matiis.
Mahal niya si Sandra at nakita niya na nasaktan ito sa ginawa ni Erich. Ayaw na niyang saktan ito.
Noon, Nasaktan na niya ito nung naghiwalay sila dahil sa lolo niya.
Hindi pa tapos sa pag-aaral si Bryan kaya hindi siya makalaban. Natanggal si Sandra sa pagiging Adviser sa university kaya naging Parenting teacher na lang ito.
Sa desperasyon, ginamit ni Bryan si Erich bilang shield.
Tinanong din ni Sandra noon kung bakit si Erich ang kanyang pinili. Isa lang ang dahilan. Maganda si Erich, matalino, madiskarte sa buhay. Kaya siya nitong iangat sa buhay.
Ulila si Erich ngunit matatag, walang malapit na pamilya, at isa sa pinakamatalinong babae sa finance.
Ang pakikipag-date kay Erich ay makakatulong din sa kanyang career.
Ngunit para makasiguro kay Sandra, pinakasalan niya ito.
Sa ganitong paraan, kahit magkasama sila ni Erich, lahat ng property nila ay sa kanilang dalawa mapupunta ni Sandra.
Nangako rin si Bryan kay Sandra na kapag naging secure ang kanyang negosyo, aaminin na niya sa lahat ang tungkol sa kanila ni Sandra.
At mula simula, si Erich ay isang kasangkapan lamang!
Kaya ganoon na lang ang galit ni Sandra dahil sinupalpal siya ni Erich at wala siyang nagawa.
Ramdam ni Bryan ang galit ni Sandra kaya niyakap niya ito para aluhin.
Chapter 593 - TrappedNaging seryoso ang mukha ni Robert, biglang hinawakan ang pisngi ni Xia, at idiniin ito sa sulok ng pader. Bawat salita niya ay binitawan nang may matinding seryoso at bigat.Natigilan si Xia, “......”“Kung gusto mong tulungan si Erich, makinig ka sa akin.”Biglang lumambot ang boses ni Robert habang nakasandal sa tainga ng babae. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ito, kahit sa gitna ng panganib, nagagawa pa rin nitong magbiro at lumandi.Pagkatapos magsalita, hindi na hinintay ni Robert ang reaksyon ni Xia. Itinulak niya ang pinto ng emergency exit at malalaking hakbang na umalis.Nang marinig ni Xia ang mga ingay at boses m
Chapter 592 - Erich accompliceAno ba ang kinakatakutan ng lalaking ito? Pwede kayang ang taong dumating ay hindi niya kasamahan?Mabilis na nag-isip si Xia, sinusubukang alamin ang nangyayari sa pamamagitan ng tunog, ngunit ang tanging narinig niya ay ang mabilis na yapak ng mga paa patungo sa desk. Kasunod niyon, may narinig na mahinang tunog ng pagtitipa sa computer.Nanlaki ang mga mata ni Xia, nanigas ang leeg, at tiningnan nang masama si Robert. Kumunot ang noo ni Robert at umiling sa kanya. Sa madilim na liwanag, hindi niya makita nang malinaw ang ekspresyon ng lalaki, ngunit ang sixth sense ni Xia ang nagpilit sa kanya na makipagtulungan at huwag nang gumalaw pa.Pagkaraan ng ilang sandali, pinatay ng tao ang computer. Ngunit hindi ito umalis, sa halip, bigla nitong binuksan ang ilaw ng opisina.
Chapter 591 - Robert is In danger“Everything is under control, My, huwag kang mag-alala.”Ibinaba ni Robert ang telepono, lumingon para tingnan ang mga datos na kinokopya sa computer, at ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad na naglaho.Ibinaba ni Sheryl ang kanyang telepono at muling sumagot sa isa pang tawag mula sa butler. Si Mauro ang nasa kabilang linya. Ang dalawa ay kasalukuyang nag-uusap gamit ang isang encrypted na numero sa ibang bansa.Nakabalik na siya sa bansa, at kapag naayos na ang kanyang sitwasyon, susunduin siya at aalisin doon.Tiningnan ni Sheryl ang oras. Kapag nailipat na ang lahat ng datos mula sa panig ni Robert, aabutin iyon nang hindi bababa sa tanghali bukas. Ngunit hindi ganoon k
Chapter 590 - Robert is back!Kinaumagahan, nang magising si Xia, wala na si Jordan.Nang makitang maayos at malinis ang sala, nakaramdam si Xia ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso. Binuhat ba siya ni Jordan pabalik sa kwarto kagabi? Kailan ito umalis?Naupo si Xia sa sofa, at nang maalala kung paano siya pinakinggan ni Jordan kagabi, biglang uminit ang kanyang mukha. Ano ba ang nangyari sa kanya kagabi? Nagpapasok talaga siya ng isang estranghero sa kanyang bahay para magpalipas ng gabi, at naglasing pa sa harap nito...Xia, oh Xia, nababaliw ka na ba?…………Maaga pa lang ay marami na agad ang nagtipon sa labas ng gusali ng Castro
Chapter 589 - GuiltWalang interes si Jordan sa alak, madalas siyang nasa misyon at nakakaapekto ang pag-inom sa kanyang trabaho.Gayunpaman, mahilig siyang kumain ng karne para magpalakas ng enerhiya.Nang makitang parang bata pa ring kumain si Jordan, sunod-sunod ang subo at walang masyadong sinasabi, iniurong ni Xia ang pagkain sa harap nito.“Dahan-dahan lang sa pagkain. Pwede pa kitang ibili kung hindi ka pa busog.”“Sapat na ito.”Noon lang narealize ni Jordan na masyado siyang nagpokus sa pagkain. Pagkababa ng hawak ay pinunasan niya ang kanyang bibig.Tiningnan siya ni Xia at sinabi,&nb
Chapter 588 - Being strong in love!Ibinaba ni Princess ang kanyang ulo, tinitingnan ang kanyang mga kamay na wala nang suot na singsing. Isang araw lang nilang naisuot ni Calvin ang kanilang wedding rings. Pero kahit ganoon, sapat na iyon para sa kanya.Noong pumunta sila sa Regional Court, naging kalmado, panatag, at masaya sila, katulad noong araw na nagpakasal sila.“...”Natigilan si Xia at nawalan ng sasabihin.Napakabigat ng kanyang nararamdaman. Si Princess na mismo ang pumawi sa nakakabinging katahimikan.“Huwag mo akong kaawaan, hindi ako malungkot.”“Princess, totoong nanghihinayang ako pa
Chapter 149 - Erich knows about us!"Ano, anong sabi mo? Alam na ni Erich ang tungkol sa inyo ni Sandra"Sa sala ng pamilya Jose, bakas ang seryosong mukha ng lahat.
Chapter 153 - Claire, I can't stop what other people say, but it's up to you whether you believe them or not!Hindi inasahan ni Mona na ipagtatanggol ni Calvin si Princess. Dahil sa salitang "ipahiya," tila siya ang nap
Chapter 154 - You deliberately tried to seduce Calvin at my birthday party today, and now you’re asking me what I want?"Doon ko sinelebrate ang Birthday party mo dahil iyon ang nasa wish list mo. Hindi ko inaasah
Chapter 165 - The 50% equity of Jose is now yours"Ang Responsibilidad ko lang ay kumuha ng mga litrato at magdokumento ng mga mahahalagang impormasyon. Kung naiilang ka sa akin Mr. Lorenzo, babawasan ko na lang ang pagpapakita sa harap mo. Umaasa ako sa maayos nating pagtutulungan." mahabang paliw







