Share

Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire
Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire
Author: GrindnShine

Chapter 1

Author: GrindnShine
last update publish date: 2025-11-20 11:00:36

Chapter 1 - Fake Marraige Certificate

“ Ma’am, pasensiya na po, pero wala pong nagkaregister na marriage certificate sa pangalan niyo po at ni Mr Bryan Jose.”

“ Sigurado ka ba?” nanginginig na tanong ni Erich. Kinailangan niyang kumuha ng kopya ng kanilang marriage certificate dahil napunit niya ng di sinasadya ang kopya niya. Pero hindi niya inakala na ito ang bubungad sa kanya. 

“Imposible, dalawang taon na kaming kasal!” sabi ni Erich, sabay abot ng napunit na marriage certificate.

Maingat na sinuri ng staff ito nang tatlong beses, bago tuluyang ipinihit ang screen sa kanya.

“Wala talagang impormasyon tungkol sa inyo, at tabingi pa ang steel seal… Mukhang peke ito.”

Walang nagawa si Erich kung hindi umalis na nanghihina.

“Kailangan kong makausap si Bryan” bulong niya. 

Kaya pagkagaling doon dumiretso siya sa kompanya ni Bryan. 

Bago pa man siya makasakay sa kanyang kotse, tumunog ang kanyang cellphone. 

“Miss Herera, hello. Ako po ang abogado ng inyong ama. Nais ko sanang malaman kung maaari kayong pumunta sa Salas Firm upang pirmahan ang proof of inheritance ng ama ninyo.”

Scammer na naman? Napakunot-noo ni Erich. Ibababa na sana niya ang tawag, pero nagsalita muli ang nasa kabilang linya.

“Miss Herera, ang pangalan ng iyong ina ay si Wilma Herera. Iniwan ka niya sa harap ng Angel’s Orphanage dalawampung taon na ang nakalipas.”

Nanigas sa kinatatayuan si Erich at agad na nagtungo sa firm.

Nung nasa Firm, tulala si Erich at di makapaniwala sa sinabi ng abogado.

Ang tunay niyang ama, si Frank Castro , ay isang business tycoon na pumanaw noong nakaraang buwan. May iniwan itong daan-daang bilyong halaga ng stocks, real estate, at mga kompanya sa kanyang pangalan. At siya, si Erich Herera, ang tunay nitong anak ang nag-iisang tagpagmana ng lahat ng kanyang kayamanan.

Habang naguguluhan, biglang nagtanong ang abogado.

“Kasal ka na ba? May anak ka na ba?”

Biglang pumasok sa isip niya si Bryan.

Naalala niya ang napunit na pekeng marriage certificate sa loob ng kanyang bag. Mahigpit niyang hinawakan ang ballpen at marahang sinabi,

“Bigyan n’yo ako ng dalawang oras… may kailangan lang akong kumpirmahin.”

Pagkalabas ng opisina, dumiretso siya sa kumpanya ng kanyang asawa.

Sarado ang pinto ng opisina ni Bryan, at nang akmang bubuksan na niya ito, narinig niya ang isang pamilyar na tinig ng isang babaeng mahinhin ngunit mapang-akit na boses.

“Bryan, limang taon na tayong kasal… kailan mo ba balak gawing publiko ang relasyon natin?”

Nanigas si Erich sa kinatatayuan.

Kilala niya ang boses na iyon, si Sandra Lapid, ang dati nilang adviser sa kolehiyo.

Mas matanda si Sandra ng anim na taon kay Bryan, pero bukod sa edad, taglay nito ang kagandahan at hubog na parang isang diyosa.

Sikat na sikat si Sandra sa unibersidad, hinahangaan ng lahat, babae man o lalaki, at kilala bilang pinakamahusay na babaeng instructor sa buong university.

Napahawak ng mahigpit si Erich sa kanyang dibdib at pinigilan ang paghinga. Narinig ni Erich ang malambing ngunit pamilyar na tinig ng kanyang asawa, ang tinig na dati’y nagbibigay sa kanya ng kapanatagan.

“Malapit nang mapabilang sa PSE ang kumpanya, at kailangan pa natin siya. Isa pa, may iniwang testamento si Lolo na hindi ka puwedeng papasukin sa bahay. Kapag nalaman ito ngayon, baka mapahiya ka lang kay Lola, at ayokong masaktan ka.”

Tila sumabog ang tenga ni Erich sa narinig. Matang nanlalaki. Napahawak siya sa bibig, pinipigilang lumabas ang hikbi na nagbubuhol sa kanyang lalamunan.

Maingat niyang pinagdikit muli ang napunit na fake marriage certificate at itinago iyon sa kanyang bag.

Doon niya napagtanto, simula pa lang, ginawa na siyang tanga at ginamit ni Bryan.

Mabilis siyang lumabas ng kumpanya at agad na tinawagan ang abogado. Malalim ang paghinga niya, at nang magsalita, tila ibang tao ang kanyang tinig, matatag, kalmado, at walang bakas ng emosyon.

“Attorney Garcia, maaari ko nang pirmahan ang kasunduan sa mana.”

“At isa pa, ako ay kasalukuyang walang asawa, walang anak, at ako lamang ang tagapagmana.”

Pagkatapos niyang ayusin ang mga papeles sa mana, nagmaneho siya pauwi. Ngunit dahil lutang ang isip, nabangga siya at nagtamo ng kaunting sugat sa noo.

Pagkatapos magamot sa emergency room, bigla siyang may naalala kaya dumiretso siya sa gynecology department.

Nang makuha niya ang resulta ng pagsusuri, tuluyan nang namatay ang anumang natitirang damdamin sa kanyang puso para kay Bryan.

“Ibig n’yong sabihin... wala akong problema sa matres ko?”

“Wala. Ayon sa resulta, maayos at malusog ang katawan mo.”

“Puwede akong magbuntis?”

“Siyempre.”

“I can be intimate with my husband?” dagdag niya.

Nang itanong iyon ni Erich, napayuko ang doktor na babae, tila naiilang. “Kailangan pa bang sabihin ’yan?”

Nung nagpakasal kasi sila noon ni Bryan, nagpacheck-up siya at ayun sa result, malubha ang kanyang matres. Hindi raw siya maaaring magkaanak, at ang pakikipagtalik ay maaaring makasira sa katawan niya.

Naalala pa niya ang sinabi ni Bryan “ kahit gano’n, ikaw pa rin ang pipiliin ko,” matamis puno ng pangako, habang mahigpit na hawak ang kamay ni Erich. 

“Ikaw na ang para sa akin sa habang buhay.” Dahil sa pangakong iyon, hinarap nila ang galit ng pamilya ni Bryan.

Nakita ni Erich kung paano binasag ng ama ni Bryan ang isang tasa habang sumisigaw, 

“Mag-aasawa ng babaeng hindi maka-anak? Sisirain mo lang ang pamilya natin!”

Narinig din niyang umiiyak ang ina ni Bryan habang nagrereklamo sa mga kamag-anak, “Parang sinapian ng demonyo ang anak ko.”

Ngunit palagi siyang pinangakuan ni Bryan, “Huwag mo silang pakinggan. Nandito lang ako.”

Dalawang taon niyang tiniis ang mga insulto

“Isang inahing di nangingitlog,” “babaeng walang silbi” mga salitang parang tinik na laging nakakabaon sa kanyang puso.

Napakuyom ang kamao ni Erich. Nag-aapoy ang mata.

Nang mabalitaan ni Byan na naaksidente si Erich, agad siyang sumugod sa ospital. Naka–white shirt ito, matangkad, halos six foot, at sa unang tingin, bumalik sa isip ni Erich ang anim na taong pinagsamahan nila. Niyakap siya nito.

Naalala niyang una niya itong nakilala sa university. Guwapo, matalino, mayaman. Sa loob ng apat na taon, niligawan siya nito nang walang tigil hanggang sinagot niya ito.

Ngayon, habang yakap siya ni Bryan, wala na siyang maramdaman kundi pagkasuklam.

“Uwi na tayo,” malamig niyang sabi, sabay iwas. 

“Ano’ng nangyari? Laging kang maingat sa pagmamaneho.” tanong nito habang nagmamaneho.

Hindi siya sumagot. Tahimik lang si Erich, tinitigan ang singsing na dati niyang ipinagmamalaki.

Hahawakan sana ni Bryan ang kanyang kamay, pero umiwas siya.

“Bakit ka nagtatampo? Sige na, huwag ka nang magalit. May espesyal na bisita sa bahay, pinaghanda ko ang paborito mong ulam.”

Ngumiti si Erich, mapait. “Oo nga, ang saya ko. Sobrang makulay ang buhay ko ngayon.”

Nagtatakang napatingin si Bryan kay Erich. Di maintindihan ang sinabi nito.

Pagdating nila sa bahay, Sinalubong sila ng isang marangyang villa na bunga ng pagtulong ni Erich sa negosyo ng asawa. Narinig niya agad ang tawanan at sigawan sa itaas.

Boses ng bata. At boses ng babae. Malambing. Pamilyar.

Ang bata ay si Kevin Jose, limang taong gulang, ang batang inampon nila matapos silang magpakasal.

At ang babae? Si Sandra Lapid.

Nakatayo ito sa hagdan, wearing red dress, mukhang bata pa rin sa kabila ng edad.

“Kev, tingnan mo kung sino ang dumalaw,” masiglang sabi ni Bryan. 

Sa unang pagkakataon, nakita ni Erich ang tunay na kasabikan sa kanyang mga mata.

Hindi iyon para sa kanya.

“Teacher Sandra?” tanong ni Erich, pilit ang ngiti, pero sa loob-loob niya, kumukulo ang dugo.

Lumapit si Sandra habang hawak ang kamay ni Kevin.

Sa isang iglap, nagdugtong-dugtong sa isip ni Erich ang lahat. Ang bata, ang babae, ang mga taon ng panlilinlang.

Limang taon na silang kasal. Limang taon na rin si Kevin.

Hindi siya baog. Hindi siya ang may problema. Siya lang ang ginawang panakip-butas.

Habang kumakain, panay ang asikaso ni Bryan at Kevin kay Sandra. Tila tatlo silang pamilya, at si Erich ay bisita lamang.

“Erich, gusto kong dito muna tumira si Teacher Sandra. Para matulungan kang disiplinahin si Kevin.” mahinahong sabi ni Bryan Pagkatapos ng hapunan.

Tahimik lang si Erich. Nilunok niya ang galit at nagpatuloy sa pagkain, parang walang naririnig.

Pero biglang sumabat si Sandra, “Pasensya ka na, Erich. Hindi na lang siguro, tutulungan na lang kita kay Kevin sa studies niya.”

“No! Gusto ko si Tita Sandra dito!” sigaw ni Kevin.

At bago pa makapagsalita si Erich, ibinato ng bata ang baso ng juice diretso sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gabinz Perida
batang walang diseplina kakainis
goodnovel comment avatar
Jessalhyne Tioga Lacandula
love it superbbb
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 593

    Chapter 593 - TrappedNaging seryoso ang mukha ni Robert, biglang hinawakan ang pisngi ni Xia, at idiniin ito sa sulok ng pader. Bawat salita niya ay binitawan nang may matinding seryoso at bigat.Natigilan si Xia, “......”“Kung gusto mong tulungan si Erich, makinig ka sa akin.”Biglang lumambot ang boses ni Robert habang nakasandal sa tainga ng babae. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ito, kahit sa gitna ng panganib, nagagawa pa rin nitong magbiro at lumandi.Pagkatapos magsalita, hindi na hinintay ni Robert ang reaksyon ni Xia. Itinulak niya ang pinto ng emergency exit at malalaking hakbang na umalis.Nang marinig ni Xia ang mga ingay at boses m

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 592

    Chapter 592 - Erich accompliceAno ba ang kinakatakutan ng lalaking ito? Pwede kayang ang taong dumating ay hindi niya kasamahan?Mabilis na nag-isip si Xia, sinusubukang alamin ang nangyayari sa pamamagitan ng tunog, ngunit ang tanging narinig niya ay ang mabilis na yapak ng mga paa patungo sa desk. Kasunod niyon, may narinig na mahinang tunog ng pagtitipa sa computer.Nanlaki ang mga mata ni Xia, nanigas ang leeg, at tiningnan nang masama si Robert. Kumunot ang noo ni Robert at umiling sa kanya. Sa madilim na liwanag, hindi niya makita nang malinaw ang ekspresyon ng lalaki, ngunit ang sixth sense ni Xia ang nagpilit sa kanya na makipagtulungan at huwag nang gumalaw pa.Pagkaraan ng ilang sandali, pinatay ng tao ang computer. Ngunit hindi ito umalis, sa halip, bigla nitong binuksan ang ilaw ng opisina.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 591

    Chapter 591 - Robert is In danger“Everything is under control, My, huwag kang mag-alala.”Ibinaba ni Robert ang telepono, lumingon para tingnan ang mga datos na kinokopya sa computer, at ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad na naglaho.Ibinaba ni Sheryl ang kanyang telepono at muling sumagot sa isa pang tawag mula sa butler. Si Mauro ang nasa kabilang linya. Ang dalawa ay kasalukuyang nag-uusap gamit ang isang encrypted na numero sa ibang bansa.Nakabalik na siya sa bansa, at kapag naayos na ang kanyang sitwasyon, susunduin siya at aalisin doon.Tiningnan ni Sheryl ang oras. Kapag nailipat na ang lahat ng datos mula sa panig ni Robert, aabutin iyon nang hindi bababa sa tanghali bukas. Ngunit hindi ganoon k

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 590

    Chapter 590 - Robert is back!Kinaumagahan, nang magising si Xia, wala na si Jordan.Nang makitang maayos at malinis ang sala, nakaramdam si Xia ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso. Binuhat ba siya ni Jordan pabalik sa kwarto kagabi? Kailan ito umalis?Naupo si Xia sa sofa, at nang maalala kung paano siya pinakinggan ni Jordan kagabi, biglang uminit ang kanyang mukha. Ano ba ang nangyari sa kanya kagabi? Nagpapasok talaga siya ng isang estranghero sa kanyang bahay para magpalipas ng gabi, at naglasing pa sa harap nito...Xia, oh Xia, nababaliw ka na ba?…………Maaga pa lang ay marami na agad ang nagtipon sa labas ng gusali ng Castro

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 589

    Chapter 589 - GuiltWalang interes si Jordan sa alak, madalas siyang nasa misyon at nakakaapekto ang pag-inom sa kanyang trabaho.Gayunpaman, mahilig siyang kumain ng karne para magpalakas ng enerhiya.Nang makitang parang bata pa ring kumain si Jordan, sunod-sunod ang subo at walang masyadong sinasabi, iniurong ni Xia ang pagkain sa harap nito.“Dahan-dahan lang sa pagkain. Pwede pa kitang ibili kung hindi ka pa busog.”“Sapat na ito.”Noon lang narealize ni Jordan na masyado siyang nagpokus sa pagkain. Pagkababa ng hawak ay pinunasan niya ang kanyang bibig.Tiningnan siya ni Xia at sinabi,&nb

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 588

    Chapter 588 - Being strong in love!Ibinaba ni Princess ang kanyang ulo, tinitingnan ang kanyang mga kamay na wala nang suot na singsing. Isang araw lang nilang naisuot ni Calvin ang kanilang wedding rings. Pero kahit ganoon, sapat na iyon para sa kanya.Noong pumunta sila sa Regional Court, naging kalmado, panatag, at masaya sila, katulad noong araw na nagpakasal sila.“...”Natigilan si Xia at nawalan ng sasabihin.Napakabigat ng kanyang nararamdaman. Si Princess na mismo ang pumawi sa nakakabinging katahimikan.“Huwag mo akong kaawaan, hindi ako malungkot.”“Princess, totoong nanghihinayang ako pa

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 154

    Chapter 154 - You deliberately tried to seduce Calvin at my birthday party today, and now you’re asking me what I want?"Doon ko sinelebrate ang Birthday party mo dahil iyon ang nasa wish list mo. Hindi ko inaasah

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 148

    Chapter 148 - I will never betray Miss Erich!"Xia, sa tingin mo ba talaga ay matututlungan ka ni Erich? Wala kang backer. Maaaring tulungan ka ni Erich pansamantala, pero hindi ka niya matutulungan habambuhay. Gusto mo

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 139

    Chapter 139 - The mysterious bidder!Ang biglaang tanong ni Harvey ay nagpagulat kay Jared,"Ano? Nag-invest ang Castro Group sa kompanya ng mga Jose?"

    last updateLast Updated : 2026-03-26
  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 138

    Chapter 138 - I can no longer control myself!Napakasensitibo ng katawan ni Erich. Sa bawat haplos ni Harvey, ang bawat dampi ng balat nglalaki ay tila kuryenteng nag

    last updateLast Updated : 2026-03-26
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status