Share

Chapter 6

Author: GrindnShine
last update publish date: 2025-11-21 23:14:22

Chapter 6 – First Meeting with Harvey Lorenzo

Nagulat si Erich nang may lumabas na lalaki mula sa sasakyan. Ilang sandali pa bago niya nakilala ito, ang lalaking nagbigay sa kanya ng business card noong nasa mansyon siya ng Castro.

Iba ang itsura nito ngayon. He was wearing a plain black suit and sunglasses, and he seemed more friendly.

Ngumiti si Erich at pumasok sa loob ng kotse. Ngunit agad siyang nagulat dahil may kasama pala siya sa loob.

“Excuse me, are you…?”

“I am Mr. Lorenzo’s personal assistant. You can call me Jared,” pagpapakilala nito.

“Oh.”

Habang tumatakbo ang sasakyan, hindi napigilan ni Erich ang magtanong.

“May alam ka ba kung bakit ako ang pinili ng boss mo na pakasalan?”

“Pasensiya na po, pero hindi ko po alam ang tungkol sa private life ni Sir. Pero mukhang kilala na niya kayo,” tanging sagot nito.

“Kung gano’n… ahh… ano bang itsura niya?” curious na tanong ni Erich.

“’Di kaya pangit ang boss mo kaya ikaw ang pinasundo niya? Kailangan kong malaman para handa ako,” seryosong sabi ni Erich.

Hindi napigilang matawa si Jared sa narinig.

Sa ilang taon niyang kasama si Harvey, wala pang babaeng nag-alala sa itsura nito.

Pero bigla siyang nagseryoso at muling nagsalita.

“Pasensiya na po, wala ako sa posisyon para magbigay ng komento tungkol sa itsura ni Sir. Malalaman n’yo po ‘yan mamaya kapag nagkita na kayo.”

“Okay…”

Hindi na ako umaasa na gwapo siya, bulong ni Erich sa isip. Sa estado ng buhay niya, siguradong mataas ang tingin niya sa sarili.

Ilang sandali pa, pumasok ang sasakyan sa isang maliit na western-style building.

Ayon kay Jared, ang restaurant na iyon ay isang kilalang private restaurant at bukas lamang para sa mga miyembro.

Mag-isang pumasok si Erich. Bumalik sa sasakyan sina Jared at ang iba pa.

Isang waiter ang nag-assist sa kanya at dinala siya sa isang private room.

Pagbukas niya ng pinto, napahinto siya.

“Mr. Harvey Lorenzo?” napalakas ang boses niya.

Malakas ang dating ng lalaki, parang nakaka-pressure ang aura niya.

The man in front of her had an aggressive face. His eyebrows were deep, the bridge of his nose was high, and his thin lips were as delicate as if carved.

Natigilan si Erich ng ilang segundo hanggang sa marinig niya ang malamig na boses ng lalaki.

“It’s me. Miss Herera, have a seat.”

Nataranta si Erich dahil sa pagkabigla. Mabilis niyang iniwas ang tingin at umupo.

“Pangit ba ako?” tanong ni Harvey nang napansin niyang nakayuko si Erich at hindi siya tinitingnan.

Napatingin agad si Erich.

“No. It’s the opposite. You’re handsome… very handsome,” honest niyang sagot.

Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagwapo.

Akala niya si Bryan na ang pinakagwapo, mahahambing sa artista, pero wala sa kalahati ang kagwapuhan nito kumpara kay Harvey.

Kakaiba.

“Thank you,” casual na sabi nito sabay tango. Mukhang sanay na sanay sa ganoong papuri.

“Salamat nga pala sa mga regalo mo,” sabi ni Erich sabay ngiti.

Mukhang hindi naman mahirap pakisamahan si Harvey, isip niya.

“It’s for convenience, not a gift. But if you like it, I will give you more in the future,” magalang na sagot nito, na nagpakomportable kay Erich.

Tinawag ni Harvey ang waiter at nagsimula nang ihain ang pagkain.

One by one ang serbisyo ng mga putahe, exquisite, small bite-sized, unique in flavor, rich in texture.

Para kay Erich, mabagal ang pagkain at tila hindi nakakabusog.

Habang kumakain, nakatingin lang si Harvey kay Erich at hindi nagsalita. Saka lang ito nagtanong nang dessert na ang kinakain nila.

“Does this suit your taste?” tanong nito.

“Yes, delicious,” sagot niya.

Pero pagkagat niya sa dessert, agad niya itong nilabas muli.

Medyo uminit ang kanyang mga tenga at naisip niyang masyadong obvious ang sinabi niya. Kaya nagdagdag siya.

“You have a great and unique taste, Mr. Lorenzo.”

Pagkarinig nito, yumuko si Harvey at hindi makita ni Erich ang reaksyon nito.

“If you don’t like the food here, we can go somewhere else. Next time, you decide.”

“No, I like it,” pigil niyang sagot.

“The food here is delicious. I really like it. It’s just that… I don’t go to such high-end restaurants often, and I was nervous meeting you for the first time.” mabilis na sagot ni Erich

“Naisip ko lang kasi, kung iba ang lugar, baka mas marami tayong mapag-usapan.”

“Okay lang. Besides, kasal lang ito, not falling in love. Hindi mahalaga ang damdamin,” sagot ni Erich.

Tumaas ang isang kilay ni Harvey at tumango. Pero walang emosyon ang mukha.

“Hindi ako masyadong makuwento, kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo.”

“Halata naman,” sagot ni Erich sabay ngiti.

Naging relaxed si Erich, at mukhang comfortable din si Harvey.

“I heard from Uncle Rod that you have agreed to the marriage.”

“Yes,” simpleng sagot ni Erich.

Tumango si Harvey.

“Our family is very traditional. Every detail is important. Everything is checked. I’ve been busy lately and I don’t want things rushed, so Miss Herera, you might have to wait a few days. But if you have other concerns, you may also tell me.”

“Ako na ang bahala sa lahat,” dagdag nito.

“Okay,” sagot ni Erich.

Napatingin si Harvey sa relo nito.

“It’s time. Mauna na akong umalis,” paalam niya. Ngunit bago siya makalakad, nagsalita si Erich.

“Mr. Lorenzo, alam kong pinaimbestigahan mo ako at alam mo ang lahat tungkol sa akin. May I know the reason why ako ang gusto mong pakasalan?”

“I have no interest in your assets or your family background. But you know… when you’re getting old, you need to get married. And the Castro family is a good choice.”

Alam ni Erich na mayaman si Harvey, at malakas ang pamilyang Lorenzo.

“I only have one rule. I need an obedient wife who will cooperate with me in everything.”

Naintindihan agad ni Erich ang ibig niyang sabihin.

Pinili siya ni Bryan dati, dahil masunurin siya, orphan, at madaling kontrolin.

Tumingin si Erich diretso kay Harvey.

“I am the first heir of the Castro Group. The Castro family has a deep foundation in the sea market. If the Lorenzo family intends to expand its territory, this will be the most direct help.

And I, someone who has just recognized my lineage, will be vulnerable if I fight alone.”

“Kapag nagpakasal tayo, makakatulong ako sa negosyo ng Lorenzo. At ako naman, I can rely on your family. It’s a win-win for both of us.”

Hindi nagsalita si Harvey, pero tumango siya nang maikli.

So… he agreed, isip ni Erich.

Paglabas nila ng restaurant, may lumapit agad kay Harvey para ipaalam na kailangan na nilang pumunta sa airport.

Nag-book na lang si Erich ng grab.

Pero hindi umalis si Harvey hanggang hindi dumadating ang Grab.

Hinintay niya si Erich, sinigurong nakasakay ito, saka lang siya umalis.

Habang nasa biyahe, nakatanggap si Erich ng tawag mula kay Uncle Rod. Tinanong siya nito kung kumusta ang meeting. Nasabi naman ni Erich na maayos ang lahat.

Ang hindi niya lang nabanggit ay kung gaano kalakas ang aura ni Harvey na nakaka-kaba

….

Pagdating ni Erich sa penthouse, diretso siyang naligo. Napakunot ang noo niya nang makita ang maraming missed calls ni Bryan. Tumunog ulit ito, kaya sinagot niya.

Nakatingin siya ngayon sa city view mula sa condo.

“Erich,” anxious na boses ni Bryan.

“Oh, I went out to meet a customer today. The location was a bit far, so I stayed in the hotel.”

Mukhang hindi pa alam ni Bryan na umalis na siya ng bahay kaya nagdahilan siya.

“Okay ka lang ba diyan? Gusto mo sunduin kita? Just give me the address,” nag-aalalang tanong nito, na nagpataas ng kilay ni Erich.

“Hindi na kailangan, Bryan. Pagod ako at ayokong bumiyahe. Sige, pahinga na ako.”

Kahit ayaw, napilitan si Bryan na magpaalam.

“Sige, kita na lang tayo bukas sa kompanya.”

“Hmm,” walang ganang sagot ni Erich. Gusto na niyang ibaba.

“Wifey… I miss you. Na-miss mo ba ako?”

Hindi sumagot si Erich, dahilan para magtaka si Bryan.

“Erich? Nandiyan ka pa ba?”

“Matutulog na ako. Antok na talaga ako…” kunyari niyang hikab.

Huminga nang malalim si Bryan at napilitan na ring magpaalam.

“Okay, ibaba mo na. Matulog ka na.”

“Okay.”

Tut… tut…

Pagkarinig ni Bryan ng busy tone, hindi niya alam kung bakit parang may kulang sa puso niya.

Sa ilang taon nilang pagsasama, nasanay siya sa sweet words at messages ni Erich, very considerate at maalaga. Pero hindi niya ito nasuklian.

Habang tulala si Bryan, iniisip si Erich, may biglang yumakap sa kanya.

“Bryan… do you love me?” malambing na tanong ni Sandra.

Napangiti si Bryan, natunaw sa lambing at titig nito.

“Hindi mo na kailangan tanungin ‘yan. Ikaw ang babaeng pinakamamahal ko sa buong buhay ko. Gagawin ko ang lahat para sa’yo.”

Alam ni Bryan na simula nang iligtas siya nito noong sixteen siya, nangako na siyang aalagaan at poprotektahan niya ito.

“Pero natatakot ako…” bulong nito

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 593

    Chapter 593 - TrappedNaging seryoso ang mukha ni Robert, biglang hinawakan ang pisngi ni Xia, at idiniin ito sa sulok ng pader. Bawat salita niya ay binitawan nang may matinding seryoso at bigat.Natigilan si Xia, “......”“Kung gusto mong tulungan si Erich, makinig ka sa akin.”Biglang lumambot ang boses ni Robert habang nakasandal sa tainga ng babae. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ito, kahit sa gitna ng panganib, nagagawa pa rin nitong magbiro at lumandi.Pagkatapos magsalita, hindi na hinintay ni Robert ang reaksyon ni Xia. Itinulak niya ang pinto ng emergency exit at malalaking hakbang na umalis.Nang marinig ni Xia ang mga ingay at boses m

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 592

    Chapter 592 - Erich accompliceAno ba ang kinakatakutan ng lalaking ito? Pwede kayang ang taong dumating ay hindi niya kasamahan?Mabilis na nag-isip si Xia, sinusubukang alamin ang nangyayari sa pamamagitan ng tunog, ngunit ang tanging narinig niya ay ang mabilis na yapak ng mga paa patungo sa desk. Kasunod niyon, may narinig na mahinang tunog ng pagtitipa sa computer.Nanlaki ang mga mata ni Xia, nanigas ang leeg, at tiningnan nang masama si Robert. Kumunot ang noo ni Robert at umiling sa kanya. Sa madilim na liwanag, hindi niya makita nang malinaw ang ekspresyon ng lalaki, ngunit ang sixth sense ni Xia ang nagpilit sa kanya na makipagtulungan at huwag nang gumalaw pa.Pagkaraan ng ilang sandali, pinatay ng tao ang computer. Ngunit hindi ito umalis, sa halip, bigla nitong binuksan ang ilaw ng opisina.

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 591

    Chapter 591 - Robert is In danger“Everything is under control, My, huwag kang mag-alala.”Ibinaba ni Robert ang telepono, lumingon para tingnan ang mga datos na kinokopya sa computer, at ang ngiti sa kanyang mga labi ay agad na naglaho.Ibinaba ni Sheryl ang kanyang telepono at muling sumagot sa isa pang tawag mula sa butler. Si Mauro ang nasa kabilang linya. Ang dalawa ay kasalukuyang nag-uusap gamit ang isang encrypted na numero sa ibang bansa.Nakabalik na siya sa bansa, at kapag naayos na ang kanyang sitwasyon, susunduin siya at aalisin doon.Tiningnan ni Sheryl ang oras. Kapag nailipat na ang lahat ng datos mula sa panig ni Robert, aabutin iyon nang hindi bababa sa tanghali bukas. Ngunit hindi ganoon k

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 590

    Chapter 590 - Robert is back!Kinaumagahan, nang magising si Xia, wala na si Jordan.Nang makitang maayos at malinis ang sala, nakaramdam si Xia ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso. Binuhat ba siya ni Jordan pabalik sa kwarto kagabi? Kailan ito umalis?Naupo si Xia sa sofa, at nang maalala kung paano siya pinakinggan ni Jordan kagabi, biglang uminit ang kanyang mukha. Ano ba ang nangyari sa kanya kagabi? Nagpapasok talaga siya ng isang estranghero sa kanyang bahay para magpalipas ng gabi, at naglasing pa sa harap nito...Xia, oh Xia, nababaliw ka na ba?…………Maaga pa lang ay marami na agad ang nagtipon sa labas ng gusali ng Castro

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 589

    Chapter 589 - GuiltWalang interes si Jordan sa alak, madalas siyang nasa misyon at nakakaapekto ang pag-inom sa kanyang trabaho.Gayunpaman, mahilig siyang kumain ng karne para magpalakas ng enerhiya.Nang makitang parang bata pa ring kumain si Jordan, sunod-sunod ang subo at walang masyadong sinasabi, iniurong ni Xia ang pagkain sa harap nito.“Dahan-dahan lang sa pagkain. Pwede pa kitang ibili kung hindi ka pa busog.”“Sapat na ito.”Noon lang narealize ni Jordan na masyado siyang nagpokus sa pagkain. Pagkababa ng hawak ay pinunasan niya ang kanyang bibig.Tiningnan siya ni Xia at sinabi,&nb

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 588

    Chapter 588 - Being strong in love!Ibinaba ni Princess ang kanyang ulo, tinitingnan ang kanyang mga kamay na wala nang suot na singsing. Isang araw lang nilang naisuot ni Calvin ang kanilang wedding rings. Pero kahit ganoon, sapat na iyon para sa kanya.Noong pumunta sila sa Regional Court, naging kalmado, panatag, at masaya sila, katulad noong araw na nagpakasal sila.“...”Natigilan si Xia at nawalan ng sasabihin.Napakabigat ng kanyang nararamdaman. Si Princess na mismo ang pumawi sa nakakabinging katahimikan.“Huwag mo akong kaawaan, hindi ako malungkot.”“Princess, totoong nanghihinayang ako pa

  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 195

    Chapter 195 - Give me three days, I will save Calvin!Tuwang-tuwa si Mona nung nalaman na may nangyaring masama kay Calvin, dahil sa paraang ito, kahit gaano pa niya apihin si Princess sa hinaharap, wala nang tutulong d

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 180

    Chapter 180 - I'm afraid of ending up like your old friend... shattered into pieces!Maging si Robert ay hindi alam kung bakit niya sinasabi ang kanyang mga totoong nararamdaman sa isang taong katulad ni Xia. Ngunit sa

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 169

    Chapter 169 - Reject her resolution!"Huwag mo nang pangarapin!" nanginginig sa galit ang ama ni Bryan."Erich, kahit may equity ka pa, hindi lang ikaw ang may huling

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Dumped the Scumbag, Owned the Trillionaire   Chapter 165

    Chapter 165 - The 50% equity of Jose is now yours"Ang Responsibilidad ko lang ay kumuha ng mga litrato at magdokumento ng mga mahahalagang impormasyon. Kung naiilang ka sa akin Mr. Lorenzo, babawasan ko na lang ang pagpapakita sa harap mo. Umaasa ako sa maayos nating pagtutulungan." mahabang paliw

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status