LOGINMaaga pa lang, bumangon na si William at nag-ayos ng sarili. Tahimik siyang nakaharap sa salamin habang inaayos ang cuff ng long sleeves niya. "Saan ka pupunta?" Napalingon siya sa kama. Bahagyang nakabangon na si Reign habang kinukusot pa ang mga mata. "Good Morning!" Nakangiting bati niya dito. “Pupunta ko sa company Sweetheart.” Kunot-noo namang napatitig si Reign sa kanya. "Akala ko ba, kapag one year old na ang kambal saka ka babalik?" Natatawa niyang tanong. "Naghihirap na ba tayo?" Bahagyang natawa si William. "Of course not." Unti-unting bumangon si Reign saka lumapit sa kanya. Kinuha niya ang necktie nito at marahang isinukbit sa leeg ni William. "Eh, bakit ka aalis?" halos pabulong niyang tanong habang inaayos ang necktie nito. Bahagya siyang tumingala at mahigpit na yumakap kay William. Sinasadya niyang idikit ng husto ang katawan niya rito. “Sweetheart…” bulong ni William. Ilang minutong hindi gumalaw si Reign, hanggang sa unti-unting dumulas pabab
Kinagabihan… Nakaupo si William sa garden ng mansyon. “Daddy, kape?!” Nag-aalangang tanong ni Reign habang papalapit sa kanya. Tumango lang si William. Akmang uupo si Reign sa tabi nito, pero bigla siyang hinatak ni William paupo sa kandungan niya. “D-daddy…kumusta? Anong nangyari sa presinto kanina?” Napabuntong-hininga si William.“Huwag mo nang isipin ‘yon Sweetheart.” Nakangiting sabi nito. “Huwag isipin?” Mapaklang sagot ni Reign. “Alam mo, sa tuwing sinasabi mo ‘yan… mas lalo lang akong napapaisip. Alam ko, ayaw mo ‘kong mag-alala pero— deserve ko namang malaman kung anong nangyayari, o kung anong ginagawa mo ‘di ba?”Mahigpit siyang niyakap ni William. “Shh… tama na, sabi nga ni Mama bawasan natin ang pag-o-overthink ‘di ba?” “Paano ako, hindi mag-o-overthink kung hindi ka naman nagsasabi sa ‘kin?” Unti-unting tumulo ang luha ni Reign. “P-pwede bang maging-transparent tayo sa isa’t isa?” tanong ni Reign. Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa mukha ni Reign at masuyo
Paglabas nina Reign at William ng silid, dumiretso agad sila sa sala.Bahagya namang natigilan sa pag-uusap sina Leona at Jack nang makita silang dalawa."M-may dumi ba kami sa mukha?" kunot-noong tanong ni Reign.Nagkatinginan sina Leona at Jack bago sabay na natawa."Anong meron? Tsinismis mo ba kami kay Mama?" natatawang tanong ni William habang nakatingin kay Jack.“A-anong tsinismis?!” gulat na tanong ni Jack.Agad naman siyang natawa nang maalala kung paano magpigil ng ungól si Reign kanina sa pag-aakalang maririnig sila sa labas ng silid.“Just kidding!” nakangising sagot niya.“Boss naman, 'oh! Ninenerbyos ako sa 'yo eh!” iiling-iling na sagot nito.Bahagya namang lumapit si Reign kay Williane na gumagapang papalapit sa salamin sa sala.“Baby—”“Ahhh!” biglang sigaw ni Reign nang makita ang mukha niya sa salamin.Sabay namang natawa sina Jack at Leona nang makita ni Reign ang itsura niya sa salamin.Napatingin agad sina Reign at William sa isa't isa.“Oh, 'di ba? Mukha kayong
Dahan-dahang lumapit si Michael sa puntod ng mommy niya. Inilapag niya ang puting rosas na dala niya bago nagsindi ng kandila.Napatitig siya sa larawan nito."You know what, Mommy..." bahagya siyang napangiti. "Hindi ko akalaing makakabalik pa ako sa dati."Umupo siya sa gilid ng puntod."Akala ko habambuhay na akong m-magiging unstable. Akala ko hanggang doon na lang ako. Pero heto na ko ngayon… okay na ulit.”“Sorry.” Unti-unting nangilid ang luha niya. “Kung alam ko lang ‘yung ginawa sa ‘yo ni Dad noon, sana… hinayaan na lang kitang makaalis.” Garalgal ang boses na sabi nito. "I'm really sorry, Mom... Sorry sa nagawa namin ni Dad sa 'yo." Humahagulgol na sabi niya. "Pangako, hinding-hindi na 'ko mananakit. Hindi ko na ulit gagawin 'yon, lalo na kay William at sa pamilya niya.""Sorry for everything, Mommy…”"Ito na rin 'yung huling beses na pupunta 'ko dito. Pero 'wag kang mag-alala, kasi may bibisita pa rin sa 'yo. At alam kong matutuwa ka.”Bahagya siyang yumuko."Hey!" Agad s
Bahagyang napalingon si Jack mula sa driver's seat. “Pinauwi na po sila ni Ma’am Leona sa mansyon, Boss. Kasama po nila ang mga yaya.” Napapikit si William. “Buti naman...” napabuntong-hininga si William. “Siguraduhin mong safe sila doon ha. Masyado nang maraming nangyari sa araw na ’to.” “Yes, Boss.” Tahimik na napatingin sa bintana si William. “Sa morgue na tayo.” Halos bulong lang ang boses niya. “Marami pa tayong kailangang gawin.” —— Sa kabilang banda… Tahimik ang silid kung saan nakahiga si Reign. “A-anak…” lumuluhang bulong ni Leona. “Nung lumipat sa Switzerland sina Michael at David, akala ko magiging maayos na ang buhay natin, pero heto na naman tayo sa gulo.” Garalgal ang boses niya habang hawak ang palad ni Reign. “A-anak… gumising ka na please… hinihintay ka namin ng mga anak mo… at ni William. Anak… huwag mo kaming iiwan ha.” Humahagulgol na si Leona habang mahigpit na hawak ang kamay nito. Napayuko siya nang mag-ring ang phone niya. “H-hello? Jack, kumus
“Lock the entire venue.”Mariing utos ni William habang nakatitig sa monitor.“Wait, paki-zoom 'to!” Nanginginig ang boses na sabi niya sa security.Nanlalamig ang buong katawan niya.Nang makita si Reign na kinakaladkad ng tatlong babae papunta sa CR.“That's her!” Nanginginig ang daliri niyang nakaturo sa screen.Biglang tumayo si William.“Jack! Tumawag ka ng ambulansya, at police na rin.” Tumingin siya sa mga security personnel at sa ilang tauhan niya.“I-secure niyo ang paligid. Siguraduhin ninyong walang makakalabas. Maliwanag?”“Yes, Boss!” Sabay-sabay na sabi ng mga tauhan niya.Mabilis na tumakbo si William palabas.Hinihingal na napahinto siya sa tapat ng pinto ng CR. Agad niyang itinulak ang pinto.“Sweetheart!”Kusang napataas ang kilay niya nang makita ang dalawang taong magkatabing nakahiga sa sahig. Duguan.Parang huminto ang mundo niya.“G-granny?!” hindi makapaniwalang sigaw niya.“Granny!” Marahan niyang tinapik-tapik ang pisngi ni Doña Margarita.“Sweetheart!” Balin
REIGN’S POV Pigil ang hininga ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Mama ang lahat—at kung bakit magkasama kami ni Michael sa loob ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad ang mukha ni Mama
REIGN’S POVTahimik ang buong rest house. Tanging kuliglig lang sa labas ang naririnig ko habang nakatayo ako sa gilid ng bintana. Madilim ang langit—walang buwan, walang bituin. Parang uulan. Hindi ako makatulog. “Let’s break up.” Napahinto ako ng marinig ‘yon mula kay Michael. “Ang funny mo, ba
MICHAEL’S POV Natigil ang pagkukulitan namin ni Reign nang bigla akong subuan ni Cassandra. Wala na akong nagawa kundi ngumanga at nguyain iyon. Napatingin ako kay Reign—steady lang ang mukha niya, walang kahit anong reaksyon. Hindi ko tuloy mabasa kung nagseselos ba siya o wala lang talaga. “Babe
MICHAEL’S POV “Baby.” Malumanay ang tawag ko sa kanya. Hindi ko siya tiningnan; naka-focus lang ako sa daan habang nagmamaneho. “May problema ba tayo?” Hindi pa rin siya sumasagot. “Pinapunta mo ’ko sa restaurant, hindi ka naman dumating.” May lungkot sa boses ko. “Next time, kapag may nangyaring







