Share

Kabanata 39

Author: Elara Night
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-26 20:47:28

NEAH’S POV

Buong byahe namin hindi na ako kinausap ni Dave. Tahimik lang siyang nagdadrive hanggang sa makarating kami sa kompanya.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko naman kaagad si Liam. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap.

“Mabuti naman at ligtas ka. Tinakot mo ako, Neah.” Bakas pa ang takot sa tinig niya. Nginitian ko siya saka ko tiningnan si Dave. Matigas ang panga nito na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.

“Thank you, Dave. Bukas na lang ako ulit papasok. Gusto
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 44

    NEAH’S POVMabilis akong lumabas ng office ko nang malaman kong nasa entrance na ng kompanya si Liam kasama si Kaiden. Pagsarado ko ng pintuan ko ay nakita ko naman si Dave na kalalabas lang din ng office niya. Panandalian ko siyang tiningnan saka ako dumiretso sa elevator.Isasarado ko na sana nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko at pinigilan ang pagsarado ng elevator. Tahimik siyang pumasok. Umatras naman ako sa dulo dahil dalawa lang naman kami ang laman ng elevator. Ganito na lang ba palagi tuwing uwian? Siya na lang ang palagi kong makakasabay?Tiningnan ko siya sa reflection ng elevator. Tulala siyang nakatingin lang sa harap. Simula nang makaalis kami sa Hamptons, naging tahimik na siya. Seryoso ang mukha niya at malamig ang aura niya.Bakit ko pa ba siya iniisip? Hindi ko na problema kung anong gumugulo sa isip niya ngayon.Nang bumukas ang elevator ay mabilis akong lumabas at halos tumakbo na para lang makalabas ng lobby. Nang makita ko si Liam at si Kaiden ay masaya ko si

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 43

    NEAH’S POVIsa-isa kong tiningnan ang mga design ko para sa nalalapit na launch gala. Okay naman na ang mga jewelries na idi-display. Gusto ko lang na masigurong okay ang lahat. Sa susunod na linggo na iyun.Kapag naiisip kong babalik na naman kami sa lugar na yun, hindi ko maiwasang hindi maalala ang nangyari sa amin ni Dave. Hindi ko alam kung dapat pa bang pag-usapan o balikan ang tungkol sa nakaraan. Natatakot akong kapag pinilit naming buksan ang nakaraan, lalong gumulo ang mga buhay namin.Hindi ko rin alam kung dapat ko bang paniwalaan si Dave sa mga sinabi niya. Totoo ba talagang wala siyang alam? Nagsasabi ba talaga siya ng totoo? Paano kung binibilog niya na naman ang ulo ko?Ipinilig ko ang ulo ko.“Bakit ko pa ba iniisip yun? Hindi naman na mahalaga kung alam niya o hindi dahil tapos na kaming dalawa. Hiwalay na kami at may kaniya-kaniya na kaming buhay.” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka ko muling itinuon ang atensyon ko sa mga trabaho ko.Napatingi

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 42

    NEAH’S POVNaglalakad na ako sa lobby ng Sy Elite ng marinig ko ang pangalan ko.“Neah!” lumingon ako sa likod ko at nakita ko naman si Cassandra na papasok pa lang. Nakangiti na siya sa akin. Hinintay ko naman na siya at nang makalapit siya ay nginitian ko siya.“Good morning.” Bati ko.“Good morning din. I’m sorry sa nangyari sa inyo sa Hamptons. Kung alam ko lang na matatrap kayo sa lugar na yun, sana hindi kita inutusan kaagad para mag-inspect. I’m really sorry, Neah.”“Okay lang, Cassandra. Wala namang nangyari sa amin. We’re both safe at wala naman kaming natamong galos.” Naglakad na kaming dalawa papuntang elevator.“Neah, can I ask you?”“Oo naman, ano ba yun?” napatingin ako kay Cassandra dahil pansamantala siyang natahimik. Nang bumukas na ang elevator ay sabay na kaming pumasok.“May napansin ka ba kay Dave habang magkasama kayo sa iisang bahay? Pagkatapos niyo kasing matrap sa lugar na yun, bigla na siyang sumeryoso. Parang palaging malalim ang iniisip niya at halos wala s

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 41

    DAVE’S POV“Just tell me the truth. Hindi lang yun ang ginawa mo sa akin mom. Bakit mo pinilit ang asawa ko na pirmahan ang divorce paper na ikaw ang nagfile? WHY?! Goddamn it!”“Son, I’m sorry—”“Tell me!” mas malakas kong sigaw sa kaniya. Mahigpit na ang hawak niya sa bag niyang bagong bili na naman. Inis kong ginulo ang buhok ko. Saan ako nagkulang bilang anak para traydurin niya ako?“Ibinigay ko sayo ang magandang buhay mom. Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko para sayo? Bakit mo sinira ang pagsasama namin ng asawa ko? Bakit mo itinago sa akin ang nangyari sa mga magulang ng asawa ko? At bakit ka nagfile ng divorce namin?!” Hindi ko kayang tanggapin ang sorry niya. Ang gusto kong marinig, bakit niya nagawa sa akin ang lahat ng ito.Namatay ang anak namin ni Neah. Wala ako sa tabi niya nang mangyari yun. Isinumpa kong hindi ko na uulitin sa kaniya yun. Hindi ko na ulit siya iiwan sa mga panahong kailangan niya ako pero nabigo pa rin ako dahil wala ako sa tabi niya nang mamatay ang

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 40

    DAVE’S POVKahapon ko pa hinihintay na makauwi si mom pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Kahapon ko pa siya gustong makausap. Ayaw ko namang kausapin siya sa cellphone. Gusto ko siyang makausap personally.Nang bumukas ang pintuan ay napatingin ako dun. Pumasok naman si Cassandra.“My God! Mabuti naman at ligtas ka. Kung hindi ka sana nagpumilit na pumunta dun, hindi ka sana matatrap.” Nag-aalalang sambit ni Cassandra. Blangko lang ang mukha ko. Hindi siya ang gusto kong makausap kundi ang aking ina.“Anong gusto mong gawin ko? Iwan na lang si Neah at hayaan siyang pumunta ng mag-isa para mag-inspection?”“May i-aassign naman ako sa kaniya para makasama niya. Kung iba sana ang kasama niya, hindi sana ikaw ang natrap dun.”“You are just worried dahil isa ako sa natrap pero kung mga empleyado lang, ayos lang sayo?” tumikhim siya.“Ikaw lang naman ang iniisip ko Dave. Kilala kita, ayaw mo ng tumatagal ka sa iisang lugar lang.”“I’m fine, Cassandra. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang g

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 39

    NEAH’S POVBuong byahe namin hindi na ako kinausap ni Dave. Tahimik lang siyang nagdadrive hanggang sa makarating kami sa kompanya.Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko naman kaagad si Liam. Sinalubong niya ako nang mahigpit na yakap.“Mabuti naman at ligtas ka. Tinakot mo ako, Neah.” Bakas pa ang takot sa tinig niya. Nginitian ko siya saka ko tiningnan si Dave. Matigas ang panga nito na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya.“Thank you, Dave. Bukas na lang ako ulit papasok. Gusto ko munang umuwi.”“Go on,” malamig niyang sagot saka siya pumasok sa loob ng kompanya. Hinarap ko naman na si Liam at nginitian siya.“Let’s go,” iginiya na ako ni Liam sa sasakyan niya. Tiningnan ko pa si Dave na papalapit na sa elevator. Hindi ba siya uuwi muna para makapagbihis? Masyado talagang importante sa kaniya ang trabaho niya.“Ano bang nangyari? Bakit natrap kayo?”“Paalis na sana kami nang harangin kami ng isang residente doon at sinabi na mataas na ang tubig sa tulay. Pabalik na san

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 6

    DAVE’S POVTinapos ko kaagad ang meeting namin. Tiningnan ko ang oras, alam kong aabot pa ako sa anniversary celebration namin ni Neah. Aalis na sana ako nang humarang sa akin si Monica, ang secretary ko.“Sir, hindi ka pa makakaalis dahil pumutok ang gulong ng sasakyan mo.”“What?” Hindi ko makapa

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 5

    NEAH’S POVPagbalik ko sa table namin ni Dave ay pansin ko ang pagkabalisa niya. Hindi ko alam pero biglang ginapang ng kaba ang dibdib ko. Natatakot sa posible niyang sabihin kapag nakabalik na ako sa pwesto namin.Nakatutok lang siya sa cellphone niya. Hindi niya man lang napansin na papalapit na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 4

    DAVE’S POV“Sir, the investors are waiting.”Hindi ko agad sinagot si Monica habang nakatitig lang ako sa oras sa relo ko.6:12 PM.Dati, hindi mahalaga sa akin ang oras. Kahit madaling-araw pa matapos ang meeting, wala akong pakialam. Basta natatapos ko ang trabaho.Pero ngayon, may isang taong na

  • Falling for My Ex-husband Again   Kabanata 3

    NEAH’S POVTatlong linggo na ang lumipas, araw-araw pa rin akong sinusuyo ni Dave sa bahay ng mga magulang ko. Simula nang ilibing ko ang anak namin, hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Dave. Gusto kong magheal. Para bang ayaw ko ng bumalik sa bahay namin ni Dave dahil maaalala ko lang ang mga ara

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status