Share

Chapter 4

Author: Maecel_DC
last update publish date: 2024-11-12 03:40:38

Nang matapos ko ang 8 hours ko, nagpaalam na ako sa kanilang lahat. May mga kasabay rin ako, kaya sumakay na lang ako ng bus papauwi sa amin dahil mahirap humanap ng jeep sa lugar na ’to—halos bus at taxi lang ang dumadaan.

“Miss, suhestyon ko lang, sa susunod gumamit ka na lang ng e-load card para may discount,” ngumiti ako at nagpasalamat sa driver ng bus at naupo na sa hindi kalayuan.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-search kung paano gumagana ’yung sinasabi ni manong driver na e-load card. Nang malaman ko kung paano, tama nga siya—may bawas na 5 pesos sa pamasahe. Ang regular na pamasahe papauwi ay 20 pesos dahil halos lahat ng bus ay air-conditioned.

Meron palang mabibiling e-load card sa convenience store na hindi kalayuan sa pinagtatrabahuhan ko at sa kanto namin. Bago ako pumasok papasok sa amin, dumaan muna ako sa convenience store at bumili ng e-load card.

“Magkano po?” tanong ko.

“Mamili na lang kayo ng pipiliin niyo, ma’am. May package po diyan kung saan mas makakatipid kayo,” suhestyon nito kaya tumango ako.

Tumingin ako sa mga card na available hanggang sa nakita ko ’yung may 300 pesos na may 30 rides. Ibig sabihin, magiging 10 pesos ang fare ng bus! Makakatipid nga! Mabilis ko itong kinuha at nagbayad na ako.

Nang makuha ko ’yon, tinago ko sa wallet ko at umuwi na. Pagdating ko sa bahay, nakasalubong ko si Tito Jubal.

“Kauuwi mo lang?” tanong nito kaya napayuko ako.

“Opo.”

“Saan ka galing?” tanong niya ulit.

“Galing sa trabaho si Miran. Pagpahingain mo muna ’yung bata, Jubal,” nginitian ko si Mama at nagmano sa kaniya bago umakyat sa taas.

“Ate!” Napalingon ako kay Yamato at nginitian siya.

“May sobrang maganda akong customer!” kwento ko dahilan para manlaki ang mata niya.

“Mas bata lang siya sa’kin, ata, pero ang ganda niya sobra!” Napalunok siya.

“Ate, gusto ko na rin magtrabah—”

“Ayan, panay harot!” Hinampas ko siya ng mahina, kaya ngumuso siya.

“Magkano sweldo mo per day, ate?” mahinang tanong niya.

“Per week ang bayad eh,” bulong ko rin.

“Huwag nating ipaalam kay Tito Jubal,” suhestyon niya kaya tumango ako.

“3000 plus ’yung sweldo ni ate weekly,” sagot ko.

“Hala, bakit ang laki ate? Yung kaibigan ko, ’yung ate niya waitress pero 2000 lang ang weekly,” bulong niya.

“5-star kasi ’yung cafe, malaki rin at maraming customer,” kwento ko.

“Ate, bigyan mo ako kada sweldo mo ha?” Natawa ako at tumango bilang sagot.

“100 pesos lang ate, pambili-bili sa tindahan. Bente lang kasi binibigay ni Mama sa akin,” pagmamaktol niya kaya natawa ako lalo.

“Echusero ka kasi, hayaan mo pagdating mo sa college, magtatrabaho ka rin tulad ko. Mabait sila Ma’am at Sir, mahirap makakuha ng trabaho pero binibigyan nila tayo ng pagkakataon. Sila ’yung way ni God para matulungan tayo,” nakangiting sabi ko pa.

“Excited na ako, ate, magki-kinse na ako.” Ngumiti ako at tumango.

Makalipas ang isang linggo, pay day na namin kaya naman excited na akong matapos ang shift ko.

“Miss!” malakas na tawag sa akin kaya nilingon ko ’yon.

“Tapos na ang shift mo hija, hayaan mo na ang iba,” nakangiting sabi ni Ma’am Miyu kaya ngumiti ako.

“Last na po, ma’am,” nakangiting sagot ko at nilapitan ang tumawag sa akin.

“Yes, sir?” tugon ko rito.

“Ang sipag mo rin, no? Nakakaganda ng mood ’yung ngiti mo. O-order sana ako ng strawberry pudding, dine out,” ngumiti ako at sinulat ang order niya.

“Anything else, sir?” tanong ko.

“Okay na ’yon,” ngumiti ako at aalis na sana ngunit tinawag ako ng isa pang customer. Umayos ako kaagad nang makita si Sir Laze ito.

“Dine out, red velvet cupcake. One box,” wika niya kaya sinulat ko ito.

“6 pieces, sir? Or 12?” paglilinaw ko.

“Dozen,” isinulat kong muli ’yon.

“Anything else, sir?”

“No, thank you.” Napalunok ako at tumango, tapos hinatid na ang order nila sa counter.

“Halika na, Miran, career na career mo na ’yan,” natatawang sabi ni Ate Sandra.

“Students line up,” nakangiting sabi ni Ma’am Miyu kaya naman luminya ako sa linya nila Jem at Rheina.

“Since Rheina got her first week pay day last week, this time nasa card na siya para hindi na kayo mahirapan. Okay lang ba?” Sumang-ayon kaming lahat.

“This is a student’s ATM card, dito na papasok ang salaries niyo weekly and marereceive niyo siya through this app. You can withdraw it in every machine.” Nang i-abot niya ito sa akin, ngumiti ako.

“Thank you po, ma’am.” Tinignan namin ang ATM card namin na sa amin nakapangalan kaya naman napangiti ako at bago pa man ay tumunog na ang cellphones namin.

“Makikita niyo rin ang daily tips na matatanggap niyo kaya wala na kayong poproblemahin. Thank you for your services.” Nagpasalamat kaming muli kaya naman tuwang-tuwa akong ngumiti at itinago ang papel na ’yon sa bag ko habang ang card ay sa wallet ko.

“Check natin ’yung daily tip na narereceive mo, dali!” Excited na sabi ni Ate Sandra kaya binuksan ko ang app at doon ko nalaman na pwede rin pala ako magbayad through this app at pwede rin akong magsend ng money.

“Wow!”

“290 pesos ang tip! Ang lakas naman, pero pili lang ’yung nagbigay. Mukhang yayamanin!” Napangiti ako.

“Hala ate, first time ko pong sumweldo!” Mangiyak-ngiyak kong sabi, at sa sobrang saya ay napaluha pa ako.

“Hala, nakakahawa ’yung saya! Congrats!” Niyakap pa ako ni Ate Sandra kaya naman napangiti ako muli.

“Matutuwa ang kapatid ko nito,” nakangiting sabi ko.

“Bilhan mo ng ice cream, mas matutuwa ’yon.” Ngumiti ako at tumango-tango.

“Uuwi na po ako, ate ha,” paalam ko pa tapos ngumiti muli.

Habang naglalakad, nakatitig lang ako sa cellphone ko hanggang sa natigilan ako dahil nakita ko ang matangkad na nakatayo sa harapan ko. Nang lingunin niya ako, bahagya akong yumuko para batiin siya. Aalis na sana ako but then humarang ang aso niya.

“Hi Bullet,” bati ko sa aso at kinawayan siya. Tumahol ito at pinanood ako.

“He said you should leave already,” napatingin ako kay Sir Laze.

“Nagkakaintindihan po kayo, sir?” pabulong na tanong ko.

“I guess,” matipid niyang sagot kaya ngumiti ako at yumuko, tapos naghintay sa bus stop.

Pag-uwi ko, nagdala rin ako ng ice cream.

“Ate, para sa akin ba ’yan?” nakangiting sabi ni Yamato kaya ngumiti ako.

“Wow, ice cream!” masaya niyang sabi kaya napangiti ako.

“Si Mama, nasaan?” tanong ko.

“Ah si Mama, nag-aaway po sila ni Tito kanina eh. Nandoon po sa kwarto nila,” tumango ako at sinenyasan siyang sumunod sa akin sa itaas.

“Bukas ko na ibibigay sa’yo ang one hundred mo ha? Hindi pa ako nagwi-withdraw eh.” Tumango siya.

“Ayos lang ate, may ice cream naman. Kahit sa susunod na sweldo mo na para 200 pesos.” Natawa ako at papaluin na sana siya pero lumayo agad ang loko.

“Ate, mag-ipon ka po ng para sa dorm mo. Para po hindi niya na magawa sa’yo ’yon.” Umiling ako sa suhestyon niya.

“Hindi na muna, mahal kasi ang dorm eh. Pag malaki-laki na ang ipon ko,” wika ko sa kaniya na sinang-ayunan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 60

    Hakuna Miran’s Point of View.Nahihiya ko namang inihawak ang kamay ko sa balikat niya at siya ay nakahawak rin sa bewang ko, nakakailang! "What's your birthday wish, Laze?" Kwestyon ko upang maalis ang awkwardness dahil sa katahimikan."I don't have a wish." Matipid niyang sagot, ang lamig rin ng boses niya."Weh? Ako nga birthday wish ko eh sana mahanap ko na si papa bago pa man ako mag-eighteen." Pagsasabi ko ng totoo."Really? I can't wish for more since I already have everything I want." Tumango ako bilang pag-unawa sa kaniya."Sabagay, lahat nga naman asa iyo na. Ano pa bang hihilingin mo 'di ba." Tumango siya at marahan akong isinayaw."I actually have a gift for you, pero natatakot akong ibigay kasi ang cheap niya lang." I stated that caught his attention."What it is?""Nahihiya ako kaya hindi ko na nilagay doon," senyas ko pa sa gift table. Huminga siya ng malalim at tumitig sa mukha ko."Gifts are special, cheap or not. It will always have a value because it was given by so

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 59

    Hakuna Miran's Point of View.Hinintay namin na mag-announce ang emcee ng bawat events na gaganapin since they decided to have a game, like dance stop and then you'll get on the top of the newspaper with your partner."Mamaya pa labas ni Laze 'no?" Tanong ni Crizel."Every year nasa birthday niya ako pero hindi ako makapaniwala na hindi niya ako kilala, alam niyo 'yon sobrang pain so I decided to move on." Ngising sabi ni Crizel.They're already eighteen, so as Laze today at ako ayon wala pa rin. "For now your gifts will be settle here, kindly bring your gifts here." They pointed the table pero ng makita ko 'yon ay naitago ko sa ilalim ng mesa ang dala dahil sobrang liit nito at wala pang paper bag na balot. Tanging kahoy lang na box at may carved initials niya.Nakagat ko ang ibabang labi at hinayaan sila na ilagay ang mga regalo nila doon habang ang akin ay nanatili sa bag ko, hanggang sa maya maya ay lumabas na si Laze at napalunok ako ng makita ang suot niya. He's wearing a simple

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 58

    Hakuna Miran’s Point of View "At sa tingin mo apo pagmamahal ang pagbawi?" Hindi na ako nakinig at umalis doon, sinimulan ko ng magtrabaho. Ngunit nakita ko yung med student kaya ngumiti ako at nilapitan siya. "Good day sir, your order sir?" Kwestyon ko, ngumiti siya pabalik at sinabi ang gusto niya kaya naman isinulat ko 'yon at tinignan ang mukha niya. "Is that all sir?" "Hmm, parang 'yan na lang." Nakangiting sabi niya at natigilan ako ng mapansin ang dimples niya na mabilis niyang naitago sa pag-alis ng ngiti kaya nagtaka ako at tumango na lang. Pabalik na ako sa counter pero natigilan kaming parehas ng makaharap ko si Laze na blangko ang tingin. Matipid akong ngumiti at gumilid upang makapunta sa counter. Pagkatapos no'n ay humarap na akong muli pero natigilan ako ng nakaharap sa akin si Laze. "Oh?" Tugon ko. "Hindi ka pumasok." Matipid niyang sabi kaya tumango tango ako. "Oo eh, late ako nagising." Sagot ko. "That's all?" Kwestyon niya pa muli, ngayon ay suot niya ang u

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 57

    Hakuna Miran’s Point of ViewNapaluhod ako, maluha luhang napaluhod. "T-Tito..""Siguro naman ay nakapagpahinga ka na? Sa tingin mo ba'y hindi kita mahahanap?" Nanlaki ang mata ko ng maghubad siya sa harapan ko kahit pang taas at pang-ibaba.Umatras ako kaagad at lumayo sa kaniya. "Tito, lumayo na po kayo. T-Tatawag po ako ng security!" Banta ko ngunit tumawa siya at ganoon nanlaki ang mata ko ng hugutin niya ang telepono ng condo dahilan para hindi ko magamit 'yon."Tito, n-nanahimik na po ako." Pakiusap ko."W-Wala naman po akong atraso sa inyo—""Kahit wala! Wala akong pakialam! Namimiss ko na ang mabangong amoy mo." Panay ang tulak ko sa kaniya dahil tinakpan niya ang bibig ko, inaalis ko 'yon at ginagawa ko ang lahat para lang makawala ako sa kaniya."Ngayon, magagawa ko na ang lahat ng gusto ko." Ipinikit ko ang mata nang sandaling hawakan niya ang sariling ari sa harapan ko at paglaruan 'yon habang sarap na sarap siya ay diring diri ako sa kaniya at sa sarili ko.Nahihirapan ak

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 56

    Hakuna Miran's Point of View.Halo-halo ang naramdaman ko, kinakabahan at nag-aalala dahil ngayon ko lang siya nakitang umiyak. "L-Laze, a-anong problema?" Kwestyon ko at pakiramdam ko ay maiiyak na rin ako pero iniiwas niya ang sariling mukha at pinahid ang mga luha na para bang wala lang ang mga 'yon.Ngunit ng tignan niya ako ay natigilan ako dahil nakaguhit sa mga mata niya ang malungkot na tingin sa akin, "Laze?" Pagtawag ko.Natignan niya ang sariling sapatos at tsaka niya tinignan ang palad. "Maybe you're right, I look like a monster. I act like it, because I was once was.." Napakurap ako, monster?'Yon ba ang dahilan kaya siya nasaktan? M-May deep meaning ba 'yon sa kaniya? Does it give him trauma?"Laze, sorry.." Tinitigan niya ako at doon ay bumalik na sa walang emosyon ang mga tingin niya. "Let's fetch your brother," wika niya na para bang walang naganap o nangyari.Hindi na ako umimik at sinabayan siya sa paglakad. Nang masundo si Yamato ay galit na galit itong magkekwento

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 55

    Hakuna Miran’s Point of View."Mareng Nella, wala talaga. As in zero, zero as in itlog." Ishinape ko pa sa bilog ang kamay ko dahilan para matawa siya at akbayan ako dahil hamak na mas matangkad siya sa akin."Ang sungit sungit niya paano ko siya magugustuhan, mas gusto ko yung lalake na cute ngumiti at may dimples parang yung sa ball." Mabilis na sabi ko at dahil doon ay parehas kaming ngumiti."Tinanong ko rin si Crizel kasi ayokong masaktan siya kung sakali na may gusto rin siya kay Laze. Ayokong masaktan kayo," bumuntong hininga siya at parang ang lalim ng iniisip."Lalo ka na.." Pabulong niyang sabi kaya nangunot ang noo ko."Bakit ako?" Kwestyon ko."Ha?" Tugon niya tapos ay biglang umiling, "Wala, Wala." Ngumiti na siya at dahil doon ay bumili na kami ng prutas yung bagay sa wine kaya apple at grapes ang napili namin.Mas pipiliin ko rin ang kaibigan ko kesa sa lalake.Kung gusto ni Janella si Laze at gusto ni Laze si Janella bakit hindi ko sila susuportahan kung sasaya sila sa

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 40

    Hakuna Miran’s Point of View. "Sorry about kay Bullet, hindi ko dapat siya pinabayaan." Muli ay namasa ang mata ko, gusto kong yumuko sa sariling tuhod at umiyak. Ngunit tumanaw na lang ako sa labas ng bintana. "Just drop us off in this address." Laze showed his phone on the driver so I sat at th

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 23

    Hakuna Miran’s Point Of View. Bago ko pa man mabugbog sa isip ko yung lalake ay may humawak na sa braso ko at iniupo ako sa katabing upuan niya malapit sa bintana. "Learn how to punch a man." Gulat kong nalingon si Laze sa kaniyang sinabi. "Ha?" "Learn how to punch a man." Napairap ako ng ulitin

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 15

    Hakuna Miran's Point of View. Napalunok ako ng nakatayo sa harapan ko ang papa ni Laze, napakurap pa ako dahil sobrang tangkad nito at sobrang gwapo. Hindi sila nagkakalayo ni Laze, maputi rin at maganda ang tindig. "Okay Ms. Romero can you inhale for me?" Kinakabahan kong pinanood si mama. Ms.

  • Falling for the Untouchable Billionaire (SPG)   Chapter 29

    Hakuna Miran’s Point of View. Habang nakatitig sa mga pinaghirapan ko ay napaluha na lang ako dahil awang awa na ako sa sarili, masyado ba akong masama sa nakaraang buhay ko? Kaya gumaganti ang tadhana sa akin? Pinahid ko ang luha ko ngunit habang pinipigilan ko ang pagtulo nito ay mas napaluha a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status