LOGINTINITIGAN ni Ezekiel ang kamay nito nang may halong pagdududa. Hindi niya iyon tinanggap at sarkastikong sinabi, “Pamangkin ba kita?”
Napahiya si Fiona pero binalewala niya ang sinabi nito dahil noon pa man ay interesado na siyang makaharap ang pinagmamalakeng tiyuhin ni Jude.
Ang kwento ng fiance ay isa itong magaling na doctor. “Actually, matagal na kitang gustong makilala,” aniyang may ngiti sa labi.
Binalewala ni Ezekiel ang sinabi nito, hindi siya interesado kaya naglakad na siya paalis.
“Wait!” pigil ni Fiona.
Marahang napapikit si Ezekiel habang napapatiim-bagang. Malapit nang maubos ang pasensiya niya sa feeling close na babae.
Lumapit agad si Jude para awatin si Fiona dahil alam niyang madaling mairita ang tiyuhin. Pinakaayaw nito ay iyong nasasayang ang oras.
“What’s wrong?” inosenteng tanong ni Fiona sa kanyang fiance. “Gusto ko lang naman kasing patingnan sa kanya si Ate, tutal at nandito na siya.”
Lumingon si Ezekiel. “Who?”
Magkasabay na nilingon ng magkasintahan si Caitlyn na nasa hagdan kaya napatingin na rin si Ezekiel, na sa unang tingin pa lamang ay agad na niyang napansin ang malnutrition sa dalaga. Tila naninilaw rin ito kaya agad napukaw ang interes niya bilang isang doctor. “Siya ba?”
“Oo, Uncle… si Ate kasi, dalawang taon siyang nawala sa’min matapos makidnap at ngayong araw lang nakabalik,” kwento pa ni Fiona. “Gusto ko lang malaman–”
“Fiona!” saway ni Caitlyn. “Who gave you the right to tell others what I went through?!”
“‘Wag mong pagtaasan ng boses ang kapatid mo nang ganyan,” ani Meriam. “Concern lang siya sa’yo.”
“Concern o pinandidirihan? ‘Di ba nga, iniisip niyong may H*V ako?!”
“Caitlyn, hayaan mo siyang tingnan ka. Para rin naman ‘to sa ikabubuti mo,” saad ni Sandro.
Nagsalita rin si Jude, “Magaling na doctor si Uncle, sigurado akong masusuri ka niya nang mabuti.”
Marahas na napabuntong-hininga si Caitlyn, naiinis at nasasaktan siya dahil wala man lang naniniwala sa kanya. Iniisip talaga ng pamilya niyang may sakit siya.
“Bumaba ka na rito at magpatingin,” utos ni Alejandro sa anak.
Kulang na lang ay magpapadyak si Caitlyn pababa ng hagdan saka nilapitan si Ezekiel, na tiningnan niya mula ulo hanggang paa.
“Umikot ka nga,” utos nito.
Nagbuga ng hangin si Caitlyn saka umikot. “Okay na ba?”
Umiling si Ezekiel. “Kailangan pa kitang matingnan nang husto. Hubarin mo nga ‘yang suot mo.”
Tiningnan ito nang masama ni Caitlyn, hindi nagugustuhan ang pagiging arogante nito saka…
Siya, maghuhubad?!
Niyakap niya ang sarili at humakbang palayo. “No way!”
“Akin ng kamay mo.”
Huminga nang malalim si Caitlyn. Kahit hindi niya gusto ang ugali nito ay hindi naman pwedeng tumbasan din niya ng masamang asal ang pag-uugali nito. Kaya binigay niya ang kamay na may benda.
“Who wrapped your hand?”
“Iyong doctor sa ospital, galing na ‘ko ro’n at nagpatingin,” sagot ni Caitlyn.
Tumango-tango si Ezekiel. “How many times did they assault you? Nabilang mo ba kung ga’no sila karami?”
Kumibot ang kilay ni Caitlyn, nabibigla dahil wala man lang itong kaamor-amor sa binigkas na salita. “W-Wala, hindi naman nila ako na-nagalaw, muntik lang pero nanlaban ako.”
“Good, how about blood transfusion or may ginamit kang pag-aari ng may sakit na H*V?”
“Wala, nakidnap ako. Sa tingin mo makaka-receive pa ‘ko ng dugo? Saka, how would I know kung may mga sakit sila?”
Hinawi ni Ezekiel ang sleeve ng suot nitong jacket at sinilip ang braso. Pansin niyang may mga bakas ng skin infection ito pero malinis at makinis ang loob na parte. “Sa’n mo nakuha ‘to?”
Mabilis na iniwas ni Caitlyn ang tingin. “I-I don’t know, kinulong nila ako nang mahabang panahon sa kulungan ng hayop.” –Totoo naman ang sinabi niyang iyon maliban sa tatlong salitang una niyang sinabi.
Sinadya niya talagang dumihan ang sarili, magkaroon ng skin infection para pandirihan siya ng mga kidnapper at hindi pagkainteresan. Para sa kanya, iyon na lang ang tanging paraan para maililigtas ang kanyang pagkababae.
Hindi rin siya naliligo at kapag sinasabuyan ng tubig ay dudumihan lang ulit niya ang sarili. Gagawin niya ang lahat huwag lang mabab*y ng mga hay*p na iyon.
Kahit pa magmukha siyang taong grasa.
“Okay,” tipid na sagot ni Ezekiel. “Madali lang gamutin ang ganitong infection. All you have to do ay regular na magpatingin.”
Napatingin bigla si Caitlyn sa mukha nito dahil tila naging malambing ang pagkausap. “T-Thank you.”
Tumango lang si Ezekiel saka tumayo, tapos na siyang matingnan ito. Pagkatapos ay humingi siya ng wipes sa kasambahay na naroon. Nang maibigay ang kailangan ay pinunasan niya lang ang kamay.
“Uncle, pwede mo naman hugasan ang kamay mo sa banyo,” ani Fiona.
Siyempre, nasaktan si Caitlyn sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya kahit naglinis na siya ng katawan bago bumalik. Pinandidirihan siya ng pamilya, buti pa si Ezekiel maging ang pulis na naghatid sa kanya ay normal lang ang pakikitungo sa kanya.
“No need, hindi naman nakakahawa ang nasa balat niya,” ani Ezekiel.
“Sigurado ka, Uncle?” paniniguro ni Fiona. “Baka hindi mo siya–”
“Are you doubting my ability as a doctor?” putol ni Ezekiel. “If that’s it, ba’t ‘di niyo siya patingnan?”
Hindi na muling nagsalita si Fiona, hiyang-hiya na siya dahil kanina pa nasusupalpal.
Tinapon ni Ezekiel ang wipes sa basuran saka nagsalita, “Hindi na ‘ko magtatagal, kailangan ko ng umalis.”
“Ahm… ba’t hindi ka muna mag-stay at kumain?” ani Meriam.
“Tama, kararating mo pa lamang,” pagsang-ayun ni Alejandro sa sinabi ng asawa. “Maraming pagkain sa kusina.”
Ngumiti si Ezekiel, iyong walang kabuhay-buhay tila napilitan lang para hindi magmukhang bastos sa harap ng mga ito. “Hindi na, salamat na lang. Kailangan ko nang bumalik sa ospital.” Matapos ay saka siya naglakad palabas.
Sumunod naman si Jude upang maihatid sa labas ang tiyuhin, maging si Sandro.
Nagpasiya na rin si Caitlyn na pumanhik na sa taas nang pigilan ng ama, “At sa’n ka naman pupunta?”
“Gusto kong magpahinga, ‘Ddy. Kung may sasabihin kayo ay mamaya na lang, okay?” Saka siya nagpatuloy.
Wala na rin nagawa ang mag-asawa kundi hayaan ang anak, ngunit hindi si Fiona. Mabilis niyang sinundan si Caitlyn at bago pa man nito maisara ang pinto ay puwersahan na siyang pumasok sa loob.
“We need to talk.”
Nilingon ito ni Caitlyn nang nakataas ang kilay. “Hindi mo ‘ko narinig kanina? Ang sabi ko, gusto kong magpahinga.”
Rumehistro naman ang lungkot sa mukha ni Fiona. “Ate, alam kong masama ang loob mo sa’kin pero hindi ko talaga–”
Biglang umamba ng sampal si Caitlyn para takutin ito pero wala naman talaga siyang balak manakit. “Aalis ka o hindi?”
Ngunit bigla na lamang sumigaw si Fiona, hawak ang pisngi.
Dahil doon ay napasugod ang mag-asawa at nakita ang ganoong tagpo sa dalawa.
“Anong nangyayari?!” tanong ni Alejandro, saka tiningnan nang masama ang anak. “Sinaktan mo si Fiona?”
“Wala akong ginagawa. Nag-over react lang siya,” depensa ni Caitlyn.
Ngunit si Fiona, sa halip na itama ang maling akala ng magulang ay bigla na lamang umiyak. “G-Gusto ko lang naman siyang makausap. Pero ayaw niyang tanggapin ang paghingi ko ng sorry sa nangyari.”
Umawang ang labi ni Caitlyn, hindi niya akalaing ipapakita kaagad nito ang totoong ugali. Tiningnan niya ito nang masama ngunit bago pa man siya makapagsalita ay dumagundong na ang boses ng ama.
“Lumayas ka!”
“Alejandro, huminahon ka,” awat ni Meriam sabay hawak sa braso ng asawa. “Kababalik lang ni Caitlyn sa’tin.”
“Hindi ko kailangan ng anak na mag-uugaling–”
Hindi na naghintay si Caitlyn at kusa nang umalis, na kahit makailang ulit tinatawag ng Ina ay tuloy-tuloy lang siya hanggang sa makababa ng hagdan.
HINGANG malalim ang ginawa ni Marcus matapos iyong marinig mula kay Diego. Mariin niyang ikinuyom ang kamay at pilit na kinokontrol ang sarili dahil hindi iyon ang tamang oras para magpadala siya sa emosyon.Tiningnan niya ito ng diretso sa mga mata at nagbanta, "Non osare nemmeno sfiorare un solo capello di Caitlyn." —"Huwag na huwag mong tatangkain kahit dulo ng buhok ni Caitlyn."Ngunit sa halip na ma-intimidate o kabahan ay ngumisi lang si Diego, tila naaaliw. "È tutto qui quello che volevi dirmi?" —"Iyon lang ba ang gusto mong sabihin?"Napatiim-bagang si Marcus saka tumalikod, hindi para umalis kundi para bumwelo at bigyan ng suntok sa mukha ang kapatid.Sa lakas ay bumagsak si Diego at napasigaw sa gulat ang babaeng kasama nito—napahawak pa sa manipis na towel na halos mahulog sa katawan. "Diego!"Tahimik na napatingin ang tauhan ni Marcus. Kahit sila ay hindi inasahan ang bigla nitong pag-atake.Ilang segundo ring nanatiling nakahandusay si Diego bago marahang bumangon. Tila b
MATAPOS ang engagement celebration ay nagpaalam na sila Mika at ilan pang naroon na babalik sa hotel at magpapahinga dahil lumalalim na ang gabi."Pwede naman kayo rito, may apat na guest room sa taas, ipapahanda ko lang at bukas na kayo bumalik," ani Meriam, ganoon din ang sinabi niya sa pamilya ni Ezekiel."Nakakahiya naman—"Tinaas ni Leticia ang kamay upang putulin sa pagsasalita ang asawa saka ito tiningnan. "Ba't ka mahihiya? Pamilya na tayo ngayon—magbalae." Matapos ay tiningnan nang may ngiti sa labi si Meriam. "Tama naman ako, 'di ba, balae?"Napanganga si Mariel at Mateo, minsan lang nilang marinig ang ina na magsalita nang may lambing kaya nabibigla sila. Ibig sabihin ay natutuwa talaga ito.Ngumiti rin si Meriam at pagkatapos ay inutusan ang mga katulong na ayusin ang guest room sa itaas para sa mga bisita.Habang abala ang mga ito ay sinamantala naman ni Ezekiel ang pagkakataon na masolo si Caitlyn. Marahan niyang pinisil ang kamay nito sabay bulong, "Labas muna tayo."Na
LAHAT ng naroon ay sabay-sabay na nagpalakpakan sa tuwa matapos pumayag ni Caitlyn."She said yes!" nanggigigil na saad ni Ezekiel at walang ano-ano ay hinalikan ang nobya—ngayon ay fiancee na niya.Napahalakhak sabay hiyaw sina Matthew habang si Mika naman ay napatalon sa sobrang tuwa."Congrats!"Nagpaulit-ulit sa isip niya ang sagot ni Caitlyn at sobrang saya niya dahil kanina lang ay nawawalan na siya ng pag-asa, ngunit ngayon... para siyang nananaginip."You said, yes right?" tanong niya matapos itong halikan. Baka kasi, panaginip pala itong nangyayari sa kanya.Tumango si Caitlyn habang umiiyak. "Oo."Agad isinusuot ni Ezekiel ang singsing sa daliri. "I love you," paulit-ulit niyang bulong niya habang nanginginig ang kamay.Kahit lumuluha ay natatawa si Caitlyn, ngayon lang niya ito nakitang ganoon ka kabado. "Yes, I love you too."Inulan sila ng palakpakan at hiyawan… tila ba, huminto ang oras at ang tanging silang dalawa lang ang naroon… ninanamnam ang bawat sandali.Mayamaya
WILL YOU MARRY ME?Nabigla siya sa narinig, gulong-gulo siya at hindi malaman ang sasabihin. "W-Wait… Sandali lang, Marcus. Hindi naman—" bago pa niya matapos ang sasabihin ay bigla itong lumapit at may binulong na nagpagimbal sa kanya.Nang muli siyang tingnan ni Marcus ay nakita niya ang assurance sa mga mata nito. "You don't have to worry. Akong bahala, I'll keep you safe."Nanlabo ang mga mata ni Caitlyn dahil sa luha pero ilang sandali pa ay tumayo, pilit ang ngiti ng sabihin ang, "Y-Yes… I'll marry you."Tumugtog ang malamyos na musika, napuno sila ng palakpakan sa mga staff na naroon.Napatingin si Caitlyn sa mga ito bago muling binalik ang tingin kay Marcus, na isinusuot na ang singsing sa kamay niya. Matapos ay tumayo ito at niyakap siya nang mahigpit.Ngiting-ngiti ang binata nang bigla na lang mapangiwi matapos kurutin sa tagiliran. "A-Aray ko naman," bulong niya, naroon pa rin ang ngiti.Kailangan nilang umakto hanggang sa mapaniwala nila ang lahat."Kinikilabutan ako sa g
HINDI na nagsalita pa ang co-worker matapos ipaliwanag ang lahat. Samantalang hindi naman makapaniwala si Marcus, na planado lahat.Mula sa airport ay hindi sila dumiretso sa ospital. Sa halip ay nagtungo sa isang gusali, halos isang oras ang layo mula sa paliparan."What are we doing here?" tanong ni Marcus, habang nakatingin sa gusali, tila isang dating warehous nang maayos pa ang kalagayan ng building.Pagpasok ng kotse ay agad niyang napansin ang isang itim na van mula sa hindi kalayuan."Por seguridad, Sir." —"For safety, Sir."Napakunot-noo siya si Marcus. "¿Seguridad? Mi padre está en el hospital." —"Safety? Nasa ospital si Papa."Sinabi lang nito na hindi siya magiging ligtas kung pupuntahan nito ang ama. Kailangan nilang madala sa ligtas na lugar nang magkahiwalay. Ang bilin ni Antonio sa kanilang mga tauhan nito ay panatilihing ligtas si Marcus kahit na anong mangyari kahit pa manganib ang buhay nito.Dagdag pa nito ay may ibang tauhan ng naipadala sa ospital upang kunin ang
MAG-ISANG bumiyahe si Marcus pabalik sa siyudad, minamaneho niya ang dalang sasakyan ng assistant habang naiwan ito sa baryo upang masigurong magiging ligtas si Caitlyn at hindi na mabihag pang muli ng mga dumukot.Mabilis ang pagpapatakbo niya nang sasakyan. Patungo siya ngayon sa airport para makaalis agad. Kailangan niyang bumalik matapos sabihin nang assistant na may nangyaring masama sa ama.Hindi na nito masiyadong dinetalye at kailangan na niyang makaalis. Ang naiintindihan lang niya ay inambush ng hindi kilalang grupo ang sasakyan ng ama. Ngunit sa halip na ito ang mapahamak ay si Teresa na kasalukuyang sakay ng naturang vehicle.Naniniwala siyang ang ama ang pakay ng grupo, minalas lang na si Teresa ang sakay ng mga panahon na iyon.Napanatag si Marcus sa balita ng assistant na walang nangyaring masama sa ama ngunit hindi pa pala ito tapos…Dahil may nangyari naman na hindi maganda kay Antonio habang nasa kompanya. Ang sabi ay bigla raw itong nahirapang huminga matapos na mab
NILINGON ni Ezekiel ang pamangkin, madilim itong tiningnan. “Sabihin mo nga sa’kin kung nasa’n tayo ngayon?” may lalim ngunit mahinahon niyang tanong.Napakurap-kurap si Jude, nagpalinga-linga sa paligid. “S-Sa ospital, Uncle.”“At nakuha mong gumawa ng eksena rito?”“H-Hindi mo kasi ako naiintindi
NAPAILING na lamang si Caitlyn habang naririnig ang paliwanag ni Fiona, sa huli ay siya pa rin ang pagmumukhaing masama.“Humingi ka ng tawad sa kapatid mo,” utos ni Meriam, nang hindi ito tinitingnan.Mariing naglapat ang labi ni Fiona, may gusto pa siyang sabihin pero ayaw niyang tuluyang magalit
SA KABILA ng natamo ay mas nakaramdam pa ng takot si Mika para sa kaibigan kaysa sa sarili. Habang ginagamot ng doctor ang napinsala niyang braso dahil sa nangyaring disgrasya.“Pwede pong pakidalian? Kailangan ko pang puntahan ang kaibigan ko, Dok,” aniyang pinagmamadali ito.Tumango lang ang doct
NAWALAN ng kulay ang mukha ni Caitlyn, at napagtanto na pinagmumukha siyang masama sa harap ng kanyang pamilya. Sa hinuha rin niya ay totoong hindi ang Ina ang nagtext sa kanya, ginamit lang ang numero nito para mapapunta siya sa bahay.“L-Lahat ng ‘to, plinano mo… Hindi pa ba sapat sa’yo na umalis





![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

