LOGIN004
Dahil sa sobrang pagka-busy sa trabaho, hindi na namalayan ni Luther na may meeting pa pala siya kasama ang isang investor. At dahil hindi natuloy ang nakatakdang meeting, inimbitahan na lang siya ng investor sa isang VIP room ng isang sikat na hotel. Agad naman siyang hinatid ng kanyang sekretarya. Pagpasok pa lang nila sa hotel entrance ay agad na nakuha ni Luther ang atensyon ng lahat ng tao sa lobby. As usual—poker face. He doesn’t like to smile, at bilang na bilang sa kamay kung ilang beses lang siyang ngumiti. The last time his family saw him smile was ten years ago. “Sir, Mr. Santiago, is in Room 309,” saad ng sekretarya habang nakasunod sa kanya. “This is not a meeting, right?” malamig na tanong ni Luther, patuloy na naglakad habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. “Hindi po, Sir. He’s just inviting you for a drink.” Saad ni Kennedy. “Okay. But make sure to get me out of that room before 12 a.m. I don’t want to celebrate my birthday with him,” paalala niya bago pumasok ng elevator. “Yes, Sir.” Sagot naman ng sekretarya. Pagkarating nila sa VIP room, agad silang inasikaso ng mga staff. Tahimik na umupo si Luther sa sofa matapos makipag-shake hands kay Mr. Santiago, isa sa mga investors. Isa itong kilala at maimpluwensiyang negosyante, at kabilang sa pinakamayayaman sa bansa. May balak rin na tatakbo sa politika sa kanilang lugar. Kahit hindi niya gusto ang presensya ng matanda, pinili na lang niyang makisabay at makisama—wala siyang choice. Investor ito ng isa sa kanyang pinakamalaking proyekto, at malaking pera ang nilabas ni Mr. Santiago para mas lalo pa itong lumago. Kaya kahit na kaya ni Luther na palaguin ang kanyang mga proyekto nang walang investor, interesado siyang subukan kung hanggang saan ang kayang ibigay ni Mr. Santiago. “Good to finally see you,” nakangiting bati ng isang matangkad at magandang babae bago nakipag-beso sa kanya. Gusto man sanang iwasan ni Luther, hindi niya magawa—dahil nasa harapan niya mismo ang ama ng babae. “I heard a lot about you, Mr. Mendez. And now that you’re here in front of me… I can’t believe this is real.” Halos manginginig pa sa kilig ang boses nito, habang hindi maalis ang nang-aakit na titig kay Luther. “Glad to finally meet you, Miss Santiago,” malamig na tugon ni Luther, at iwas naman agad ang tingin. “Enough with the introductions. Let’s have a toss,” sabay taas ni Mr. Santiago ng hawak na wine glass. Walang nagawa si Luther kundi sumabay, at nag-toast silang tatlo. “Kumusta ka naman, Mr. Mendez? I heard lately you went abroad for some important business. Did it go well?” tanong ni Elisha, na hindi mawala-wala ang mga mga kay Luther. Hindi mapigilan ni Luther na lingunin ang sekretarya niyang nakatayo sa gilid niya—isang senyales na gusto na niyang matapos ang lahat ng ito. Alam na alam ng sekretarya niya ang ibig sabihin, gusto na niyang umalis, dahil hindi niya gusto ang atmosphere, lalo na ang dalawang tao sa harap niya. “It went well. And I’m glad to say I got the proposal of Mr. Limoskov,” maiksi ngunit mayabang na sagot ni Luther. Alam niyang isa rin sa mga secretary ni Mr. Santiago ang ipinadala para kunin ang parehong proposal—pero siya ang nauna. “Maganda ‘yan. Sigurado akong mas lalo pang makikilala ni Mr. Limoskov ang kumpanya mo. Congratulations.” Halata ang pait sa tono ng boses ni Mr. Santiago. “Dad, Luther deserves it. He worked hard for it,” sabat ni Elisha, na agad ikinabaling ng matalim na titig ng kanyang ama. Umayos ng upo si Elisha at ngumiti ng bahagya. “Of course, he deserves everything he got. He’s a workaholic after all.” May ibang laman ang tinig ng matanda, para bang may pinapahiwatig pa siya na hindi nakikita ni Luther. Hindi na tumugon si Luther. Tahimik na lang siyang uminom, hindi na rin niya mabilang kung ilang baso na ng alak ang naubos niya. “Ubos na ang alak natin. Can you call the staff and order more wine for us, please?!” utos ni Elisha kay Kennedy, ang sekretarya ni Luther. “Yes, Ma’am.” Agad namang sumunod si Kennedy at lumabas. Samantala, may kinuha si Elisha mula sa kanyang bag, habang hindi nakatingin sa gawi nila si Luther. “You’re already at the right age to get married. Bakit hanggang ngayon ayaw mo pa ring mag-asawa? Hindi ka pa rin ba makalimot sa nakaraan?” tanong ng matanda, na agad nakapagpantig ng tenga ni Luther. Ayaw na ayaw niyang mapag-usapan ang bagay na iyon. “Ain’t interested as of now, Sir,” malamig ngunit kalmadong tugon ni Luther. “Here, Mr. Mendez. Inumin mo muna ito habang wala pa ang sekretarya mo,” sabay abot ni Elisha ng isang basong wine. At sa hindi na nagdalawang-isip pa, tinanggap iyon ni Luther. Napangiti ang mag-ama. Nagkatinginan sila, para bang nagtagumpay sa kanilang plano. “If you don’t mind…” sandaling huminto si Mr. Santiago. “Elisha is more than suitable to be your wife. My daughter can do everything—and she can help you in so many ways. She can even support you with the company.” “Yeah, I can see that, Mr. Santiago,” tugon ni Luther, ngunit natigilan siya nang biglang bumalik si Kennedy kasama ang isang staff na may dalang bagong wine. At doon, parang huminto ang oras. Napako ang mga mata ni Luther sa babaeng kakapasok lang dala ang wine tray. “Sir, here’s the wine,” magalang na sabi ni Kennedy. Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “And I already have a girlfriend.” Natigilan ang lahat. Maging si Kennedy, hindi nakapaniwala sa sinabi ng boss niya. “Sir… ano pong sinasabi niyo?” pabulong na tanong ni Kennedy, gulong-gulo ang isip. “You’ve a girlfriend?” gulat na wika ni Elisha, halos hindi makapaniwala. “No… it can’t be,” bulong niya sa kanyang sarili, hawak ang baso ng alak na bahagyang nanginginig. “I’m not ready to announce it yet. But, sooner.” mahinahong wika ni Luther. “Well, I apologize. That’s so rude of me,” ani Mr. Santiago, bahagyang tumatawa. “Matagal na ba kayo? Kilala ka bilang isa sa pinakasikat na negosyante sa bansa, pero wala man lang nakapag-leak na may kasama ka? Siguro magaling ka lang magtago.” “Honestly, I don’t want to expose her. I only want a private relationship with her,” sagot ni Luther, malamig pero may bigat ang tinig. Bahagya pa niyang sinulyapan ang babaeng nakatayo malapit sa kanyang sekretarya. Agad napansin ni Kennedy ang direksyon ng tingin ng boss niya kaya’t napabulong ito sa dalaga, bago mabilis na umalis ng silid. Unti-unting nakaramdam ng pagkahilo si Luther. Pinisil niya ang sentido, ramdam ang biglang bigat ng kanyang ulo. Isang senyales iyon para kay Kennedy. Agad niyang tinapik ang kanyang daliri sa mesa—isang tahimik ngunit malinaw na pahiwatig na kailangan na nilang umalis. “I apologize, Mr. and Miss Santiago,” maagap na wika ni Kennedy. “Mr. M just received an urgent call from Madame M. I’m afraid we need to leave now.” Hindi na nakapagsalita ang mag-ama nang biglang tumayo si Luther. Mabilis na nakalabas ng kwarto ang dalawa. Sa parking lot, huminto si Luther habang hawak ang kanyang dibdib. “I’m feeling sick… something’s wrong with my drink earlier,” mahina niyang sambit, bago bahagyang natumba at inalalayan ng sekretarya papasok ng kotse nito. Mabuti na lang at nakalabas na sila ng hotel at sa parking lot umepekto ang binigay na bawal na gamot kay Luther.CHAPTER 158 That night, they spent the night together, at kinabukasan ng umaga ay agad na nireport ni Luther ang incident sa authorities. Hindi niya hahayaan na makalusot si Mr. Shelton sa ginawa nito sa asawa niya. It was unforgivable. Traumatized si Karina sa nangyari kaya hindi niya tinanggap ang apology ni Mr. Shelton. Samantala, ang anak nitong babae ay nasa custody na ng ina nito. Mr. Shelton would be sent to prison for committing a serious crime. Mali siya ng taong kinalaban. Ngayon, his company was on the verge of bankruptcy matapos mag-pull out ang mga investors nang malaman ang nangyari. “Love? What are you doing here? Hindi ka ba busy sa work?” masayang wika ni Karina nang bisitahin siya ng asawa sa coffee shop. “There’s no such thing as being too busy when it comes to seeing my wife,” Luther said before kissing her. “For you, Love.” He handed her a bouquet of flowers. “Oh… Thank you, Baba…” Everyone who witnessed the couple being lovey-dovey are cheering them.
CHAPTER 157 LUTHER swore after hearing what had actually happened to Karina at the event. Sinabi ni Kaori ang lahat kaya napamura na lang siya nang malutong. Mabilis niyang pinatay ang tawag at nilapitan ang asawa na tahimik na nakaupo sa dulo ng kama. Nakabalot pa rin ito sa kumot. Nakonsensya naman siya dahil sa pagsigaw niya rito kanina. Umupo siya sa tabi nito nang mapansin ang mabibigat nitong paghinga. Akala niya ay umiiyak ito. Dahan-dahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha ng asawa. At doon siya natigilan. Namumula ang mukha nito at tila hirap sa paghinga. Agad niyang naramdaman na may mali. "Love, are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Muli niyang pinagmasdan ang asawa. Namumula pa rin ang mukha nito at mabigat ang paghinga. Agad niyang hinawakan ang noo nito upang alamin kung may lagnat ba ito, ngunit wala naman. Normal lang ang init ng katawan nito. "L-Love, is there something wrong?" he asked. Tinitigan lamang siya ni Karina
CHAPTER 156: STALKER THIRD PERSON POV Nang mahanap ni Kaori ang mga pinsan na sina Uno at Ariel, agad niya silang kinurot sa tagiliran. Kanina pa kasi sila hinahanap ngunit ni tawag o text ay hindi man lang sinasagot ng dalawa. Agad silang bumalik sa pwesto kung saan niya iniwan si Karina. Ngunit nagtaka sila nang makitang wala ito roon. Kaagad na kinabahan si Kaori nang maalala ang mga sinabi ni Karina habang nasa restroom sila kanina. "Nasaan na kaya 'yon? Sabi ko na huwag siyang aalis dito," nag-aalalang sambit ni Kaori. "Baka nag-restroom ulit, Ate Kao?" mungkahi ni Uno. "Hindi 'yon aalis nang walang kasama, Uno. Nababahala nga siya dahil doon sa lalaki na tauhan ni Mr. Shelton. At sa totoo lang, pati kay Mr. Shelton ay wala na rin akong tiwala," sagot niya. "Hanapin na lang natin, Ate. Sigurado akong wala siya rito. Hindi naman basta-basta aalis si Ate kung wala siyang pupuntahan. Kilala niya ang lugar na ito dahil dati siyang nagtatrabaho rito. May mga kakilala rin
CHAPTER 155 { MARRIAGE LIFE } THIRD PERSON POV AT THE EVENT…. Pagdating nila sa hotel ay sinalubong agad sila ni Blake Shelton sa labas ng hotel. Karina was happy after finding out na sa hotel pala gaganapin ang event kung saan siya nagtatrabaho noon. Kaya pala pamilyar ito sa kanya. Dito rin niya nakilala ang asawa niyang si Luther. Kaya masaya niyang naaalala ang lahat ng nangyari sa hotel na ito. “You finally came. I thought you would ignore my invitation, Mrs. Mendez,” Mr. Shelton said as he extended his hand for a handshake. “I won't miss this event, Mr. Shelton, especially when you personally invited us,” ani naman ni Karina habang nakikipag-shake hands dito. “I’m so glad…” he said before turning his attention to Kaori. “And thank you, Miss Kaori.” “This kind of event is a big help for someone like us who's building a small business. Thank you for inviting us here, Mr. Shelton,” Kaori said with a gentle smile, dahilan para bahagyang mamula si Mr. Shelton. “Alrig
CHAPTER 154 (MARRIAGE LIFE) THIRD PERSON POV LUMIPAS ang dalawang buwan at tuluyan nang nakarekober si Luther mula sa coma. Ngunit hindi pa rin ito bumabalik sa trabaho sa opisina. He still wanted to spend more time with his family, lalo na ngayon na naging busy na rin si Karina sa kanyang negosyo. Naging hands-on si Karina sa negosyo simula noong manganak siya kay Precious. Kahit na nag-aalaga at nagbabantay siya sa anak at asawa niya, hindi pa rin siya nawawalan ng oras para asikasuhin ang negosyo. Mas lalo pang lumakas ang café at flower shop ni Karina na pinangalanan niyang Little Precious. Ipinangalan niya ito sa kanilang anak na babae. "Baba, did you check the file?" tanong ni Karina habang inaayos ang sarili para sa isang event. Isa itong event para sa mga businessmen at businesswomen. Maliit man o malaki ang negosyo, basta isa kang negosyante ay puwede kang dumalo. Karina was invited by one of the event hosts, at kasama niya si Kaori dahil hindi puwedeng siya lang
CHAPTER 153 LUTHER Our Christmas was filled with laughter and joy. I’m thankful and continuously praying to Him for waking me up and giving me the chance to be with my family again. Nakasakay ako ngayon sa wheelchair habang marahang itinutulak ng asawa ko. Nasa labas kaming lahat upang salubungin ang Pasko—ang araw kung kailan ipinanganak ang Panginoon. “Five, four, three, two, one… MERRY CHRISTMAS!” sabay-sabay nilang sigaw. I am still so weak that I can barely open my mouth whenever I try to speak. But I’m still trying. Everyone was so happy—giggling, laughing, hugging, and playing around. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ulit ang buong pamilya ko. Hindi ko mapigilan ang pagluha, at muli na naman akong umiiyak. Sobrang saya ng puso ko na hindi ko na maintindihan kung gaano ako kagalak ngayong gabi. Akala ko hindi na ako muling magigising. Probably, I still have a purpose why I’m still breathing. “May masakit ba, Baba? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Karin
Umalis nga si Luther at walang ideya si Karina kung na saan ito nagpunta. Iniisip niyang pumunta itong kumpanya, baka may importanteng pinuntahan. Gusto man niyang tawagan ito ay nahihiya siya baka ma-estorbo niya ito. Nahihiya nga siyang i-text ito. Matapos ligpitin, hugasan ang mga pinagkainan
Napahilamos na lamang sa kanyang mukha si Luther at aggresibong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri nito, sabayan pa ng malutong na mura nito. "Fuck. Akala niya ba na madali lang sa akin ito? This is really messed up," galit niyang salita habang nakapamaywang. Pumunta ito sa mini bar niyan
SABAY na nilingon nilang tatlo si Luther na namumula ang mukha sa inis. Lumapit ito sa kanilang kinatatayuan at sinamaan ng tingin si Karina. Yumuko na lamang si Karina dahil hindi niya kayang tingnan ang galit na mga mata ng asawa. Binalingan naman niya ng tingin ang inaanak at masama naman ang tin
013 Tulala at naguguluhan. Iyan ang mukhang ipinakita ni Luther sa sinabi ni Kennedy. Pabalik-balik ang kanyang tingin kay Karina at Kennedy, nagbabakasali na nagbibiro lamang ang kanyang kaibigan slash secretary niya. Ngunit seryoso ito at totoo ang sinabi. Napatakip na lamang ito sa kanyang bib







