LOGINNaalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko. Kaya agad kong kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan at tiningnan ang oras. Napapikit pa ako saglit dahil sa liwanag ng screen.
Ano ba yan, 11pm palang?
Napabuntong hininga nalang ako at nag-open ng f******k. Ito na nga ang ayaw ko eh, nakakatulog ako ng maaga tapos yung gising ko wala pang alas-dose ng gabi.
“Wow gising na si Abo!” chat ni Hukom. Hindi ko sinasadyang napindot ang gc namin.
Bakit gising pa ‘tong mga ito? Ang bilis nilang mapansin na nag seen ako ah.
“Tulog na yun, nagpaalam na kanina.” Clout said, napangiti naman ako. Talagang naalala pa niyang nagpaalam ako ha.
“Hi guys.” Pinanood ko paano magsibabaan ang mga profile nila, akala mo bolang umiikot pababa kapag nagse-seen sila.
“Bakit gising ka pa?” tanong ni Clout.
“Ahem!” chat ni Aether
“Ayan na.” Tobacco
“Bakit naman kasi gising pa,” sabi ni kuya Kie.
Ang lalakas mang-asar ng mga taong ito. Kapag ako talaga naasar wala naman susuyo, sarili ko lang din. Kawawi naman ako.
“Naalimpungatan ako,” sagot ko.
“Uminom ka ng tubig,” ay wow! Ang caring ni Clout, ano bang meron sa taong ito?
“Wow ang caring ah, parang hindi ako sinupladuhan sa comment section no’ng nakaraan.” Natawa nalang ako sa nireply ko.
Totoo namang sinungitan niya ako, akala niya makakalimutan ko yun ah.
“Dre, bakit mo naman sinungitan?” tanong ni Cali
“Cali na sabon I miss you!!” Chat ko, tinawanan naman niya.
“Yay! Hindi kita miss.” Sagot sa akin ni Cali.
“Hindi ko naman ‘yan sinungitan,” ani. Clout.
“Anong hindi? Sinungitan mo ako, nagtatanong lang naman ako.” Napairap nalang ako kahit ‘di naman niya ako nakikita.
Nagtanong lang ako anong chika tapos bigla magsusungit, tapos ngayon ide-deny niya? Wow ah! The audacity and acidity of this person.
“Akala ko kasi isa ka sa kanila,” sagot niya.
“Kitams! Edi inamin mo rin.” Akala mo mananalo ka sa akin ah! No never, hindi!
“Dyan nagsimula lolo at lola ko eh,” biglang chat ni Aether.
Ayan nanaman sila, jusmiyo marimar por pabor!
“Dyan ba nagkatuluyan?” Pang-aasar naman ni kuys Kie.
“Kuys Kie…” chat ko.
Laging kuys ang tawag ko kay kuys Kie at hindi kuya, alam niyo ba kung bakit? Kasi wala, trip ko lang.
“Pre, wag niyo naman binibigla baka tumakbo.” Napakunot naman ako sa sinabi ni Clout.
Sinong tatakbo? May nakakatakbo ba sa gc? Wala naman ah, baliw talaga.
“Ano ba sinasabi niyo?” tanong ko
“Sabi ko ang cute mo, pikunin ka lang.” My eyebrows furrowed.
Kaloko ng taong ito, “Paanong ‘di mapipikon eh pinipikon mo ako,” sagot ko.
“Hindi kita pinipikon, sadyang maiksi lang pasensya mo.” Clout
“Magkatuluyan kayo dyan ha,” biglang chat ni Nick.
“Oh come on! Palusot mo talaga Cl—” Napahinto ako sa tinatype ko dahil sa sinabi ni Nick.
Hindi ba ito simpleng asaran lang? Hshshshs marupok pa naman ako, awa nalang talaga sa akin.
“Abo, pm,” biglang chat ni kuys Kie.
Wala naman akong magawa kundi sumunod. Maliban sa tinuturing ko ng totoong kuya ito, ay mas alam niya ang gagawin kaysa sa akin.
Hindi naman sa ano pero alam kong may pagkatanga talaga ako minsan…madalas.
“Yes po kuys?” tanong ko.
“Baka mahulog ka dyan ah, marupok ka pa naman.” chat niya. Napakagat naman ako sa aking labi.
Well diba, totoo naman ang sinasabi niya. I still remember that crazy nightmare of my life.
“Mag-iingat po ako kuys,” chat ko.
Kinakabahan ako habang nakatitig sa ‘typings’ niya. Alam ko natatakot rin for me si kuys Kie after what happened.
Beside after umalis ni Tantan, kay kuya Kie ako naiwan so parang naging responsibilidad niya na ako.
“Mabuti, wag ka agad mahuhulog. Mahirap na,” turan niya.
“Opo,” ang naging tanging sagot ko.
Pa graduate na rin naman ako ng college. Siguro after ng pandemic pwede na ako makapaghanap agad ng work.
Pa fall kasi mga tao dito sa gc eh, buti nalang tinali ko ng mabuti ang puso ko hshshshs pag nasaktan, yun ang aray.
“Alas dose na hindi ba kayo natutulog?” tanong ko sa gc
“Naka duty pa ako,” sagot ni Clout
“Anong work mo?” tanong ko
“Secret!” sagot niya. Napataas naman ang kilay ko.
“Mamaya pa ako matutulog, tulog sa umaga gising sa gabi,” sagot ni Aether.
Natawa naman ako, wala naman nga kasing magalaan eh.
“Naging vampire eh noh?” chat ko
“True so much,” sagot niya.
Simula no’ng nagpandemic, hindi pa ako nabored. Wala rin naman kasi akong gagalaan sa labas tapos wala, hindi ko lang siguro trip mabored.
Charot syempre hindi ako nab-bored kasi may socmed naman.
“Ang gc na active lang tuwing gabi,” chat ko.
“Tapos mga tulog ang members tuwing umaga, dapat hindi Galvestio pangalan nito eh.” Reply naman ni Nick. Napatawa naman ako sa sinabi niya, para tuloy lupon ng mga bampira ang nandito.
“Vampire’s family,” ani ko, “bakit pala Galvestio ang name ng gc?” tanong ko pa.
“Galvestio kasi hood ito originally,” sagot naman ni kuys Kie.
'Para palang kapatiran ito pero online. Ayos ah, may ganito pa pala?'
“May mga mensahero tsaka writers dito, yung iba naman singer.” Dagdag ni Cider.
“Matulog kana, Abo,” biglang sulpot ni Clout.
“Concern yarn?” tanong ko
“Pinatulog ba naman yung kakagising lang Hahaha,” chat ni Cali.
Oo nga naman, kakagising ko lang pinapatulog na agad ako. Grabe na ang fersonability na ito.
“Dati ka bang kabute, Clout?” tanong ko. Bigla ba naman sumusulpot tapos bigal ring mawawala.
“Nasa duty nga ako,” sagot naman niya. “Matulog kana, anong oras na.”
“Baka kakagising ko lang?” I asked sarcastically.
“Kaya hindi ka tumatangkad eh,” sagot niya. Tinawanan naman ng mga kupal, ayos. Pinagtutulungan na nila ako parang mga others.
“Ship!” Aether chatted.
“Ilayag ang barko,” sabat naman ni Hukom.
“Heh! Matutulog na nga ako, bye.” Huling chat ko bago ibaba ang cellphone ko.
2am palang tutulog nanaman, anong oras na kaya ako magigising nito?
It’s giving the vibe ng pagrerelapse pero no, ayaw ko na balikan ang mga masasalimuot na kaganapan sa nakaraan.
I sighed and hugged my pillow, bahala na kung makatulog o hindi.
Ilang araw din ang nagdaan at naging maayos na ang pakiramdam ko. Napatawa nalang ako ng bumalik sa isipan ko ang mga nangyari.Paano ba naman ako hindi gagaling? Maliban sa mama ko eh may personal nurse ang taong ito. Bawat araw at every four hours may chat, pag hindi nirereplyan bigla nalang tumatawag. Hindi ko na nga alam paano ipapaliwanag kay mama kung sino yung tumatawag.Kasalukuyan kong inaayos ang assignment ko na hindi ko agad nagawa dahil sa nagkasakit ako. Sa ngayon, hindi ko masabi na okay na talaga ako, kasi may mga oras na bigla pa ring pumapasok sa isip ko ang mga nangyari.Unti-unti man akong gumagaling, pero hindi ibig sabihin no’n ay nawala na rin ang bigat sa dibdib koKung pwede ko lang ibalik ang nakaraanMas gugustuhin kong hindi nalang siya makilala, baka mas maayos ako ngayon.Napabalik ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ko. Daig ko na talaga ang call center agent ngayon, parang every four hours may tumatawag sa akin, maliban nalang kapag gabi.“Yes hel
“Bakit gising ka pa?” napalingon ako kay mama ng kumuha ako ng tubig sa kusina.“Hindi pa ako inaantok ma, medyo masakit po ulo ko.” Uminom ako ng tubig na kinuha ko.“Nilalagnat ka ba?” tanong naman niya. Agad naman akong umiing, “hindi po.”“Uminom ka ng madaming tubig at matulog ng maaga. Bilihan nalang kita ng gamot bukas.” Tumango naman ako sa kaniya at muling kumuha ng tubig. “Wag kang magpuyat, mahirap magkasakit ngayong panahong ito.”“Opo,” sagot ko bago pumanhik sa kwarto.Pagkahiga ko sa higaan ko ay hindi pa rin ako dindalaw ng antok. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Clout. Nag-ooverthink ba ako? O sadyang assuming lang talaga ako?Niyakap ko ng mahigpit ang unan ko at pumikit. Ang sakit na rin talaga ng ulo ko, bahala na nga.BastaNever assume unless stated.Nagising ako kinabukasan dahil sa ingay ng cellphone ko. Napahawak ako sa ulo ko habang pinapatay ang alarm clock ko. Hindi na natanggal ang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko ay nilalagnat na rin ako.
Ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari, at pilit kong ibinabaon sa limot ang account at mga mensaheng pilit na bumabagabag sa akin.Hindi madaliMay gabing bigla nalang ako nagigising dahil sa tunog ng cellphone ko. Parang hinihintay ng katawan ko ang panibagong masamang balita.Pero anong magagawa ko? Wala rin naman, at the end of the day kailangan ko pa rin magpatuloy.Isa pa, pasukan na ulitAt higit sa lahat, gaya ng datiHindi pa rin tumitigil sa kakulitan ang GalvestioHindi ko pa man nabubuksan ang messages ko ay nag-uumpisa ng sumalubong sa akin ang sunod-sunod na notifications.“@Ashicc Privado ano na?” Cali chatted.“Tagal di nagpaparamdam eh,” wika ni Nick, “Nasaan na ba ‘yon, @Clout Valeheart?” Napalunok ako ng mabasa ang pangalan niyaHindi ko pa rin alam paano ko siya haharapin, hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahatSana hindi niya ako husgahanHindi ko kayang makarinig ng masakit na salita mula sa kaniya“Bakit niyo sa akin hinahanap?” tanong ni
Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko. Nakatulog pala ako, hindi ko napatay ang internet connection ng phone ko.Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ang 50 messages ni Clout.Napakunot naman ang noo ko, bakit naman ako im-message ng taong ito ng ganitong oras. Akala mo naman ay nawawala, isa pa hindi naman kami close.Napasimangot nalang ako at binuksan ang chat niya. Hindi talaga ako gano’n na natutuwa sa taong ito, masyadong malapit kay Abo.Baka mamaya mahulog pa ang isang iyon, mahirap na.“Pre tinatawagan ka ni Abo kanina”“Pre umiiyak si Abo ako yung natawagan”“Pre magreply ka si Abo!”“Pre hindi ako sinagot ni Abo binabaan ako ng tawag.”“Bakit siya umiiyak?”“Sagutin mo naman ako nag-aalala na ako kay Abo.”“Hindi ko na macontact cellphone niya.”Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko.Aligaga kong pinuntahan ang convo namin ni Abo at nakita ang missed call niya.“Shit!” Sinubukan ko uling tawagan si Abo, habang naglalakad ng paba
Parang wala akong buhay na naglalakad pabalik ng kwarto ko at piniling patayin ang cellphone ko. Wala akong maramdaman…O baka sadyang napagod nalang akong maramdaman ang lahatAng gulo-gulo ng isip ko, kung isang panaginip lang ang lahat pwede bang gisingin niyo na ako?Nahihirapan na kasi ako, ang hirap mag mukhang malakas kahit ang totoo ay hindi ka naman malakas.Isa pa si Clout… nahihiya akong kausapin siya pagkatapos ng nangyari. Hindi ko naman sinasadya na siya ang matawagan, sa sobrang panginginig ng kamay ko at mga luhang humaharang sa mata ko ay hindi ko napansin na siya pala ang muli kong natawagan.Hindi ko alam paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahatNatatakot ako…ayaw kong husgahan niya akoI can’t bear any insult nor mockery anymoreHindi ba pwedeng magkaroon naman ako ng peace ng walang kahit anong kapalit? Hindi ba ako pwedeng huminga ng maluwag na walang iisiping may kapalit na mabigat ang bawat pagtawa ko?Napasabunot nalang ako ng mahigpit sa aking buhok ngunit wal
Nagising nalang ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi ko pala naibaba ang kurtina kagabi nang pumanhik ako para matulog.Ala-una na no’ng makatulog ako pagkatapos naming mag-usap ni Clout. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang oras, masyadong napahaba ang tulog ko, alas onse na ng umaga.Agad akong tumayo at pumanhik sa banyo para maligo pagkatapos ay dumiretso sa kusina. Kumain muna ako sandali bago muling nagsaing ng kanin at naghugas ng mga pinag kainan. Nasa bukid ngayon sila mama at paniguradong pauwi na ang mga iyon.Napangiti ako habang naghuhugas ng plato ng maalala ko si Clout. Parang kagabi lang maiyak-iyak pa ako habang kausap siya tungkol kay Silver, pero ngayon..hindi ko alam pero parang mas magaan ang pakiramdam ko pag gising matapos ang mahabang usapan namin.Para akong nakahinga ng maluwag.I hate to admit it pero parang nasasanay na ako sa presensya niya hshshs ang hilig kasi mang-asar.Pinunasan ko ang kamay ko matapos kong
Ang tagal naman magreply nito. Napahikab ako at muling tiningnan ang inbox ko.‘Wala pa rin’‘Siguro ayaw talaga nito akong kanatahan o kaya sabihin ang chismis’“Bawal sugapa Abo, isa lang pwede.” Napasimangot nalang ako nang makita ko ang reply niya.Meron ngang reply, hindi naman pwede yung requ
Nagising nalang ako nang tumama ang liwanag sa aking muka. Agad kong kinuha ang yakap kong unan at itinabon iyon sa ulo ko.Inaantok pa ako. Malapit na sana akong madala ng antok nang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko.Napabuntong hininga nalang ako at kinapa ang cellphone sa ilalim ng aking u
I didn’t realize I was trembling until my knees gave out beneath me. I felt my chest tighten as my tears continued to stream down my cheeks. The wind breeze from the open window brought chills to my body, I buried my face in my knees trying not to remember the day when we first met.Clout and I met
Napahawak nalang ako sa muka ko ng maalala ang mga salitang ‘yon. Hindi daw siya magsasawa but look at it right now. He fell out of love.How ironic. He broke his promise…He shattered my heart in the worst possible way.Clout and Xia, he loves Xia again… Again o hindi naman talaga nawaglit sa pu







