Share

HSL 1

Author: Sweety Elle
last update publish date: 2026-07-15 15:40:44

4 years ago....

HER POV

"Oh, my gosh, oh my gosh, Daisy, your lover boy is coming, ayeehhhh!!!," tili ni Cristy sa likuran niya.

Abala siya sa pagsusulat ng homework nila sa notebook niya dahil nakaligtaan niya namang gawin ito kagabi. Subsob kasi siya sa kanonood ng paborito niyang koreanovela kung kaya't nakalimutan niyang gawin ang mga homeworks niya.

She is a sophomore student in St. Anne Academy, isang prestiyosong paaralan sa kanilang probinsiya sa Bukidnon. Nagmamay-ari ang pamilya nila ng ekta-ektaryang lupain ng taniman ng pinya.

Nabibilang nga siya sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya sa kanilang probinsiya. Bukod sa nagmamay-ari ang pamilya niya ng pineapple plantation ay main exporters din sila ng mga pinya sa iba't ibang bansa.

Aside from that, may malaking kumpanya din sila ng mga produktong pangunahing sangkap ay pinya tulad ng sikat na pineapple juices at mga delatang prutas at kung ano ano pa.

Dalawa lamang silang magkakapatid at namuhay ang pamilya nila ng malayo sa ingay ng siyudad.Mas gusto kasi ng mga magulang nila na mamuhay ng tahimik at malayo sa mga mata ng mapanuring mga nilalang.

"Shhhhhhh... ano ba Cristy hindi ako makapagconcentrate ng mabuti ang ingay ingay mo kasi!," unat niya pa ng hindi pa rin matigil sa katitili ang kalapit niyang kaklase.

Kasalukuyan kasi silang dalawa ni Cristy sa favorite spot nila sa malapad nilang school park. Mabuti na lang kasi na wala silang klase sa umaga dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga teachers sa academy.

Kaya't nagkaoras pa siyang sagutin ang mga homeworks niya. Hindi naman siya nagpapatulong kahit kanino sa mga school works niya hangga't kaya niya ay siya mismo ang gumagawa.

Ngunit nahihirapan talaga siya sa Algebra kahit anong pilit niya sa utak niya na masolve ang mga equations na binigay ng teacher nila ay hirap na hirap talaga siya.

"Ayieeehhhh Serene, hayan na ang Savior mo, look oh....heheheheh," malakas na untag sa kanya ni Cristy na tila kiti-kiti na hindi mapakali at hinila hila pa ang likuran ng blusang uniporme na suot niya.

"Si-no?," napatigil siya sa pagsusulat at lumingon sa likuran niya kung nasaan si Cristy.

"Ayiehhhhh.... kinikilig na yernnnn...heheheeh," hindi magkamayaw na tukso nito sa kanya.

"Hoy, Cristy, tumahimik ka nga diyan, baka sabihin ng tao kinikilig ako sa kanya, hindi ko siya gusto nuh," bulong na tanggi niya sa kaklase baka kasi marinig pa ng tinutukoy nitong papalapit na sa kinaroroonan nila.

"Hep...hep...the more you hate, the more you love, kunwari ka pa eh, if I know gusto mo na rin siya, your knight in shining armor, your one and only savior," banat pa nito na lalong ikinainis niya.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan Cristy, ha? Sige ka hindi na kita ililibre ng ice cream mamayang uwian!," pananakot niya pa kay Cristy.

"Huwag naman M, biro lang, sige mananahimik na ako, promise...hehehehe," bigla naman natigil sa pangangantiyaw sa kanya si Cristy at maya-maya ay nasa harapan na nila ang tinutukoy nito.

"Hi, girls, may maitutulong ba ako sa inyo?," baritonong boses ng lalakeng pilit na minamatch ni Cristy sa kanya.

Siya si Lando ang senior high school student, graduating na ito at ang lalakeng sumagip sa kanya ng mahulog siya sa malalim na canal ng plantation. Hapon na iyon at wala ng katao-tao. Nagsiuwian na ang mga trabahante sa taniman.

Sinadya niyang pumunta sa taniman ng ganoong oras upang kumuha sana ng mga larawan na ang background ay sunset at ang malawak nilang pineapple plantation. Ngunit hindi niya inaasahan na madidisgrasya siya.

Akala niya ay mamamatay na siya ng mga panahon na iyon. Sariwa pa rin sa kanyang alaala ang nangyari noong isang taon. Her parents went abroad for a business transaction when the accident had happened. Ang kuya Dane niya naman ay abala din sa pag-aaral nito, na graduating din noon sa high school.

Mas gusto niya rin kasi namnamin ang mapag-isa at magmuni-muni sa biglaang pagbabago ng inakala niyang mapayapang pamumuhay dahil bago pa sumapit ang ikalabing-dalawang taon gulang niya ay binuksan ng mga magulang sa kanya ang madilim nilang pagkatao.

Nauna ng nalaman ng kuya Dane niya ang madilim na pagkatao ng kanyang mga magulang. Tulad niya rin ay dose anyos din ito ng nalaman nito ang sekreto ng pamilya at magmula nga ng araw na nalaman nito ang katotohanan ay palagi na itong nakakatikim ng hagupit ng latigo mula sa mga magulang at kasama palagi sa mga ritwal ng pamilya at ngayon ay kasama na rin siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL12

    HIS POV "Nana... alam muna mang nagdadalamhati ako, nagpapatawa ka pa diyan!," nagtatampong sabi niya. "Sobra naman kasi ang ginawa sa iyo ni Daisy at iyang pasa mo sa mukha sinong may gawa niyan, hindi ako naniniwalang siya ang sumuntok sa iyo," sabi pa nito. "Pinagtulungan ako ng mga kalalakihang kaanib niya. Ang salbahe niya Nana... hindi ko lubos maisip na kaya niyang saktan ako, ang baba ng tingin niya sa akin," sumbong niya pa na hindi na umiiyak tila naman naubos na ang mga luha niya. Naglakad lang siya pauwi dahil malapit lang naman sa academy ang tinitirhan niyang apartment. Walang tigil siya sa pag-iyak kaya siguro ngayon wala na siyang mailuha pa. Huli na iyong napasubsob siya sa balikat ni Nana Goring. Marahil siguro ay gumaan ang pakiramdam niya nang madama ang mapag-alagang haplos ni Nana Goring sa kanya. Laking pasasalamat niya dahil nariyan palagi si Nana Goring na umaagapay sa kanya lalo na sa kanyang kabaliwan kay Serenity. "Eh, paano naman kasi nakatago

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 11

    His POV "Young master, sino ang umaway sa inyo?," anya ni Nana Goring, ang pinagkakatiwalaan niyang housemaid nila na sinama niya dito sa probinsiya ng Bukidnon. "No one, Nana... handa na ba ang hot bath ko?," pag-iiba niya ng usapan. "Oo, puwede ka ng maligo at nang maginhawaan naman iyang hitsura mo, putok yata iyang labi at mata mo, gagamutin ko nga!sino ba ang may gawa niyan at magantihan natin?," saad at nag-alalang sabi ni Nana Goring. "Na, wala po ito, natumba lang ako sa daan pauwi dito," pagsisinungaling niya. "Anong wala mukha ngang binugbog ka eh, pati ang mga braso mo, oh, ano to, may galos din?," ungkat pa ni Nana Goring. "Na.... maliligo na ako," hahakbang na sana siya palayo para makaiwas sa pag-iimbestiga sa kanya ni Nana Goring. "Kung hindi ka magsasalita tatawagan ko ang lady master tiyak na paparito agad iyon," anas pa nito na ikinatigil niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago humarap muli sa kanyang Nana Goring. Pinagmasdan niya ito ng mai

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 10

    HER POV "Please.... please Daisy, tigilan muna ito, hindi na maganda ang birong ito, please....," pakiusap pa ng kawawa at walang kalaban- laban na si Lando. "Anong akala mo sa akin, nagbibiro, huh? Isa ka ngang hangal, idiot!!!!! Hahaha, walang makapagpahinto sa akin sa gusto kong gawin sa iyo...yucks, hindi ka ba tinutubuan ng hiya sa katawan mo para sabihin sa maraming estudyante na mahal mo ako, yakkk....," mura niya pa at kunwaring nasusuka. "Daisy—- please—-," pagsumamo pa nito at tumayo at pumantay sa kanya, tinangka nitong hawakan siya ngunit nagpupumiglas siya. "How dare you to touch me, bastard!!!," hiyaw niya, nagulat na lang siya at biglang bumulagta sa sahig si Lando. Inundayan pala ito ng suntok na mga kalalakihan na binayaran niya rin upang mas lalong masaktan si Lando.For her, it was a perfect move, kitang-kita niya ang pagtagis ng bagang ni Lando ngunit sandali lamang iyon mas pumaibabaw ang pagtangis nito at pagyugyog ng balikat. "Oh, ano? Lalaban ka? Mah

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 9

    Her POV "No.... no... it's a big no no no!!!!," malakas niyang hiyaw na ikinalingon ng mga kapwa niya estudyante sa kanya. "Daisy, please naman, labas na tayo, nakakahiya na dito," mahina at kalmadong wika ni Lando sa kanya bagama't tumutulo na ang mga luha nito sa pisngi. She can't help to smile seeing Lando in pain. Ito ang gusto niya ang makapanakit ng lalakeng nagkakagusto sa kanya. She felt sorry for Lando for being her first victim. Salbahe man pero natutunan niya lang ang maging ganito dahil na rin sa impluwensiya ng nakalakihang mga magulang. "Tsssskkkkk, sa akin hindi ka nahihiya?...tskkk...," madiin niyang sabi at biglang tumayo sa ibabaw ng upuan upang kunin ang atensiyon ng mga estudyante. "Serene, pakiusap bumaba ka diyan!!!," rinig niyang anas ni Lando. "Hi everyone.... makinig kayong lahat, what I have here is Lando, he said aalis na daw kami dito dahil nakakahiya daw sa inyo....weeeeeehhhhhh.... eh, sa akin, hindi siya nahihiya alukin niya pa akong sumama s

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 8

    Still four years ago…HER POVAs usual, gentleman pa rin talaga sa kanya si Lando dahil bago pa siya nito pinaupo ay sinugurado muna nito na malinis ang bakanteng upuan na ibibigay nito sa kanya. She smiled evilly to him, hindi niya maalis sa isipan ang mangyayari mamaya pagkatapos makita ni Lando ang hinanda niyang pasabog sa binata. Maingay na ang loob ng viewing room at nakabukas pa ang mga ilaw sa loob. May mga estudyante pang kakarating palang at naghahanap pa ng mauupuan. Hindi naman nagtagal ay biglang dumilim ang paligid at vilang lumamig ang buong paligid marahil ay itinodo na ang pagbukas ng airconditioner sa loob ng viewing room. "For you, Daisy," biglang baling ni Lando sa tabi niya na halos naaamoy niya ang paborito nitong pabango na hindi niya etype ang amoy dahil napakacheap at masakit sa ilong. "Thanks," pasimple niyang inilayo ang kanyang ulo mula kay Lando dahil hindi niya talaga mapigilan ang sariling masuka sa amoy ng pabango nito. Isang canned drinks at bu

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 7

    Still four years ago…HER POVHindi naman sa tinotolerate ng academy ang mga romance movies than educational movies pero as part of growing up teenagers kailangan din daw nila maging aware about finding true love and learning to have a healthy relationships. It is the perfect timing dahil handang-handa na ang video clips na pinaggawa niya about Lando at iyon ang ipapalabas mamaya. Nabayaran niya na ang operator ng videos upang imbes na love story ang ipalabas ay ang video ni Lando na siguradong mapapahiya ito. Halos hindi nga niya naintindihan ang lectures ng teacher niya sa tatlong subjects niya sa hapon dahil sa sobrang excitement niya sa mangyayari mamaya. Sigurado siyang nasa labas na si Lando naghihintay sa kanya nang sa wakas ay nagbell na para sa end ng last subject nila. Hindi nga siya nagkamali dahil malayo pa lang siya mula sa itaas ng palapag ng second floor building kung saan ang classroom ng sophormore students tulad niya ay nasa paanan na ng hagdan si Lando na mat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status