LOGIN"Buti naman po at nagising kayo. Mayroong magnanakaw na nakapasok sa bagay. "Magnanakaw?" Napapaubong tanong ng lalaki na pinipilit na tumayo ng mag-isa. "Oo, di ba. Buti na lang tala lumabas ako, dahil kung hindi at baka kung ano na ang nailabas ng isang ito. Halika nga rito saglit. Hindi pa talaga ako tapos sa iyo eh." After no'n ay saka ko inapakan ang paa niya ng malakas habang patawa-tawa pa. "Arrggh!" Sigaw ng lalaki. "W-what the hell i-is happening, mom?" Biglang tanong nito habang nakatingin sa gawi ni Mrs. Shamcey habang nauubo. Mom? Tinawag niyang mom si Mrs. Shamcey?
View More"Starting today ay puwede ka nang magsimula, naipaliwanag ko naman ng maayos sa 'yo ang magiging duties mo, hindi ba?" Inilapat ng matandang ginang ang kaniyang tasa sa lamesang nasa harapan niya. Siya si Mrs. Shamcey Monte Cristo, ang asawa ng mayamang bilyonaryo sa lungsod na si Mr. Sander Monte Cristo Sr.
"And the favor I asked you, dalawang beses sa isnag linggo lang ako kung bumisita rito kaya gustong kong pasikreto mong i-report sa akin ang mga mangyayari sa anak ko, kay Sander." Dugtong pa nito. Nasa loob ako ngayon Monte Cristo Mansion kung saan ang mga pinto ay gumagamit ng fingerprint scanner, at ang kusina ay puno ng mga modern appliances na de-pindot at touch screen. Medyo OA rin sa laki ang refrigerator nila na sabi ng nakausap ko kanina ay puwede pa raw na katukin iyon para malaman kung ano ang mga laman sa loob ng hindi na kailangang buksa. Samantalang sa probinsiya namin nakikilagay lang ako ng natirang ulam sa ref nila Aling Arlyn na kinaumagahan ay nakain na palanila. At hindi lang 'yon may high-tech na washing machine pa rito na may touch screen panel at automatic din daw ang lagayan ng sabon. Aba! Bongga 'di ba? Medyo natatakot lang din ako na gumamit kasi baka masira may aabonohan na pala ako kasi nasira ko na. Aray mo, pakak! Nga pala, ako si Nerisa Lyn Magtanggol... Nelly for short. “Naku, Madam, sisiw po sa akin ’yan! Sanay po ako mag-abang sa kanto dun sa mga kuya kong galing sa inuman. Report lang ba? Ako na pong bahala,” masayang sagot ko sa aking makapal at natural na accent. Sabi ni Madam Shamcey, ang pangunahing trabaho ko raw talaga ay alagaan ang limang taong gulang na apo niyang si Sander II—ang anak ni Sir Sander Monte Cristo Jr. Napakamot ako bigla, bakit naman isinunod pa sa pangalan ng ama, tapos hindi naman na jr., edi anong itatawag ko sa kaniya? "Dagdagan ko ang sahod mo at bibigyan pa kita ng bonus once na maayos ang trabaho mo," anito at saka inilatag ang isang brown na sobre sa tabi ng baso niya. "Ito ang allowance po para sa buwan na ito." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Wow! May allowance? Malawak akong ngumiti at nagpasalamat sa kaniya. Nang makuha ko ang sobre mula kay Madam Shamcey, lihim kong hinaplos ang bulsa ng daster ko kung saan nakatago ang isang lumang piraso ng papel na medyo faded na ang sulat. Importante ang papel na ito, dahil dito nakasulat ang huling habilin ng lolo ko bago siya pumanaw. Ayon sa kwento ng mga matatanda sa aming bayan, noong mga bata pa ang lolo ko at ang lolo ng magiging amo ko, niloko ng matandang Monte Cristo ang lolo ko. Kinuha nito sa pamamagitan ng pekeng pirma at pananakot ang aming titulo ng lupa—ang nag-iisang natitirang ari-arian ng pamilya namin na pinag-aawayan na ngayon ng mga gahamang kamag-anak ko sa probinsya. At ang totoong dahilan kung bakit ako nan dito? Ay dahil sa lahat ng magpipinsan ay ako lang daw ang capable na puwedeng makabawi ng titulo na 'yon. Magaling daw kasi akong magpainit ng ulo ng tao at mas madali ko raw na mau-uto ang mga Monte Cristo. At syempre, na touched ako sa sinabi nilang iyon kaya heto, gumora kaagad ako rito. At sa swerte ay natanggap naman akong Yaya. "Edi libre foods, wi-fi at puputi na ako rito," tuwang-tuwa kong sabi habang itinuturo sa akin ng isa ring maid doon ang magiging silid ko. Hanggang sa napadpad kami sa isang silid na mayroong apat na maliit na kama, dito raw ako sa may tabi ng pintuan na kama. Napangiwi ako, "Akala ko tig-iisang kwarto rito?" Biglang tanong ko. "Okay ka lang? Yaya lang tayo rito, anong tig-iisang kwarto ang sinasabi mo? Sige na ayusin mo na ang mga gamit mo, pagpahinga ka na muna diyan. Bale bukas pa ang dating ng magiging alaga mo dahil nasa kila sir Luther pa si Sander the Second." Anito. Kung huhulaan ko, ay baka nasa mid-40's na ang babae na ito. Medyo ma puti na ang buhok niya e. Nagpakilala nga pala siyang si Becky. Ba't nandito siya? Hindi ba isinama na siya ni Princess Sarah noon? "Ah, baka pinalayas na siya kaya naghanap ulit ng ibang trabaho." Sabi ko sabay higa sa ibinigay na tulungan ko. ... Eksaktong ala-una na ng madaling araw. Tahimik na ang buong Monte Cristo mansion pero ang urinary bladder ko ay mukhang hindi papaawat. Isabay pa 'tong llaamunan kong namamalat na kaya ang balak ko ay bumaba upang uminom ng tubig. Medyo naninibago rin ata ang balat ko sa lamig ng aircon ng mansion,kaya naman naisipan kong mag-skincare muna bago matulog gamit ang pinadalang pampaputi ng pinsan ko mula pa sa abroad. Kulay puti ito na parang hinalong semento, at kapag ipinahid mo nang makapal sa buong mukha ay magmumukha ka ng bangkay na handa nang ilibing. Suot ko ang mahaba, maluwag, at puting daster, na pinadala ni mama, bulaklakin iyon na ang sabi niyang puwede ko rin daw gamiting pamalengke minsan. Bumaba ako't hinanap ang daan patungong kusina. Ayaw kong magbukas ng ilaw dahil baka mamaya ay napagalitan pa ako, gaya sa amin lalo na kapag ganitong gabing-gabi na. At habang naglalakad ako sa gitna ng malawak at madilim na sala, biglang na lang na tumunog ang lock ng pinto sa harapan Napatigil ako't tinignan kung sino ang naroon. Isiningkit ko nang bahagya ang mga mata ko para mas makakita ako mula sa dilim. May kaunting liwanag naman dahil nagrereflec ang sinag ng buwan doon sa mga malalaking salamin nilang bintana. Dahan-dahang bumukas ang pinto at isang matangkad na anino ng lalaki ang pumasok. Amoy na amoy ko agad mula sa kinatatayuan ko ang alak. Ang lalaki ay may gulo-gulong buhok, pasuray-suray ang lakad, at may hawak na kung anong madilim na bagay sa kanyang kamay. “Anak ng palaka, may akyat-bahay! May magnanakaw!” sigaw agad ng utak ko. Sa tindi ng kaba at gulat, tuluyan kong nakalimutan na ako ay nasa loob ng isang super-secure na bahay, na may mga security guard sa labas. Ang tanging pumasok lang sa isip ko ay ang titulo ng lupa ni lolo—paano kung nandito ang magnanakaw na 'to para nakawin ang mga dokumento ng mansyon at maisama pa ang papel na iyon? Aba! Hindi puwede 'yon. .... Sa kabilang banda naman, si Sander Monte Cristo Jr. na kakauwi lang mula sa isang business gala at medyo hilo pa sa nainom na alak, ay biglang napatigil sa gitna ng kanyang madilim na sala. Sa ilalim ng manipis na liwanag ng buwan na tumatama mula sa glass windows, gumulantang sa kanya ang isang pigura ng babaeng naka-puting daster na bulaklakin na nakalugay ang mahabang buhok. Ang buong mukha nito ay purong puti lang na parang White Lady na naglalakad sa dilim patungo sa kanya. "Sh*t! Multo!" bulalas ng baritonong boses ng lalaki, tuluyang nawala ang kanyang pagiging seryoso kasama ng kalasingan. Dahil sa tindi ng gulat niya'y, mabilis siyang sumugod pa abante upang depensahan ang sarili niya mula sa inaakala niyang masamang espiritu. .... Nang marinig ko ang boses ng lalaki at nakitang sumugod na ito ay mas lalo akong naniwala na isa siyang akyat-bahay! "Huli ka, akyat-bahay ka! Pingot ka sa akin ngayon. Yaaaahhhh!" Nagpambuno kaming dalawa sa ibabaw ng makapal na carpet sa gitna ng madilim ng sala. Wlaa na akong pakialam sa medyo maluwag kong daster. Hindi ko siya tinigilan hangga't hidni siya ang unang sumuko sa aming dalawa. At sa tindi ng kawalan ng balanse dahil pareho kaming lumalaban at naglalabas ng lakas, sabay kaming natumba sa sahig. Gumulong kami nang ilang beses sa carpet—siko dito, sabunot doon, tadyak dito! Ngunit sa huling ikot ng aming katawan, biglang napatigil ang mundo ko. Paano ba naman nag unfair!Napasubsob ang mabigat niyang katawan sa ibabaw ko, at sa hindi inaasahang pagkakataon sa gitna ng aming paglalaban namin ay naramdaman ko na lang na may pumisil na sa dalawang bogelya ko. Literal na napiga ang mga bomba na ipinagmamalaki ko sa probinsya! Nanlaki ang mga mata ko sa likod ng aking makapal na skin care. "Aba’y bastos! Manyakis ka!" sigaw ko sa aking pinakamalakas at pinaka-matinis na boses na yumanig sa buong mansion. Dahil sa tindi ng galit ko at gamit ang natutunan kong basic self-defense at karate mula sa kapatid ng pinsan ng pinsan ng kapatid nitong pulis sa probinsya na laging nagpapraktis sa akin, itinaas ko ang aking dalawang tuhod. Buong lakas at walang alinlangan, at sa ngalan ng aking puri ay isinipa ko ito nang paitaas—direkta at deretsong tumama ang tuhod ko sa pagitan ng dalawang hita ng lalaki. Natamaan ang betlog niya, buti nga. "Arghhh!" Isang mahina at napakasakit na daing ang lumabas sa lalamunan nito. Agad siyang napabitaw sa pagkakahawak sa akin at mabilis na namilipit sa sahig habang mahigpit na hawak ang kanyang ari. Ang kanyang mukha ay naging kulay lila sa tindi ng sakit na tila ba nawalan siya ng hininga sa isang saglit. Habang ako naman ay mabilis na tumayo mula sa carpet, galit na inayos ang aking nagusot na daster at saka napapabulong ng kung ano-ano para sa betlog na natamaan ko. Click! Click! Click! Biglang bumukas ang lahat ng malalaki at maliliwanag na ilaw sa kisame ng buong sala, dahilan upang masilaw kaming dalawa sa biglaang liwanag. Napatigil ang buong paghinga ko at parang huminto ang tibok ng puso ko nang marinarig ko ang pamilyar na tunog ng gulong ng wheelchair mula sa pasilyo. Doon, sa gitna ng napakaliwanag na sala, ay nakatayo ang tatlong kasambahay na gulat na gulat at nakatakip ang mga kamay sa kanilang bibig, kasama si Madam Shamcey na nakaupo sa kanyang wheelchair, hawak ang kanyang dibdib sa labis na pagtataka habang nakatitig sa eksena ng aming pagpapambuno sa sahig. "Buti naman po at nagising kayo. Mayroong magnanakaw na nakapasok sa bagay. "Magnanakaw?" Napapaubong tanong ng lalaki na pinipilit na tumayo ng mag-isa. "Oo, di ba. Buti na lang tala lumabas ako, dahil kung hindi at baka kung ano na ang nailabas ng isang ito. Halika nga rito saglit. Hindi pa talaga ako tapos sa iyo eh." After no'n ay saka ko inapakan ang paa niya ng malakas habang patawa-tawa pa. "Arrggh!" Sigaw ng lalaki. "W-what the hell i-is happening, mom?" Biglang tanong nito habang nakatingin sa gawi ni Mrs. Shamcey habang nauubo. "Sino ang babaeng 'to?" Teka lang! Mom? Tinawag niyang mom si Mrs. Shamcey?Diyos ko, Nelly, dahan-dahan naman sa paglakad! Mukha kang robot sa lakad mo ah," sita ni Manang Ising habang pinapanood akong pababa ng malaking hagdan ng Monte Cristo Mansion.Paano ba namang hindi ako magiging mukhang robot? Bukod sa kulay pink na dress na hapit na sa katawan ko, pinasuot pa ako ni Manang Ising ng tatlong pulgadang high heels! Pakak na pakak ang ganda ko, pero ang mga daliri ko sa paa ay nagaaway-away na sa tindi ng sikip sa loob."Nanny Nelly, you look... you look so beautiful!" manghang-manghang bati sa akin ng alaga ko na naghihintay sa tapat ng main door, suot ang kaniyang plantsadong school uniform.Ngumiti ako nang malawak kahit hirap na hirap huminga dahil sa fit ng dress. "Aba, siyempre naman! Sabi ko sa 'yo, keri ni Nanny Nelly ang maging mommy mo sa school ngayon. Kaya huwag ka nang umiyak, ha? Isipin mo, acting lang ito!" bulong ko sa kaniya sabay kindat.Sumakay kami sa mamahaling kotse ng mga Monte Cristo na may sariling driver. Pagdating sa pre-schoo
"Nanny Nelly, ang daya naman, mas nauna kang nahanap ni daddy kaysa sa akin. Nagalit po ba siya sa 'yo?"Nagmemeryenda na si Sander II, cupcake at juice ang ipinadala sa akin ni Manang Ising para sa bata. Mamayang after lunch daw ay mayroong pasok si Sander II sa pre-school niya. Three hours din daw iyon at kailangan ko na ring mag-asikaso dahil kasama ako.Aba! Hindi na ako nagreklamo, ibig sabihin kasi no'n ay makakalabas ako ng bahay. Sakto, kailangan ko ring magpaload, tatawag ako sa amin."Kaya nga e, hindi tuloy tayo nag-enjoy sa laro. Pero hayaan mo sa susunod na lang ulit. At saka mukhang hindi naman galit si Sir Sander," sagot ko sa kaniya."Mabuti naman po, kasi baka mamaya ay tanggalin ka niya sa work mo. Hindi kasi 'yon si Daddy sanay na may ibang tao talaga sa house namin eh. Pero don't worry po, I'll back up you na lang," anito na sarap na sarap sa kinakain niya."Weh? Akala ko ba ayaw mo ng nanny kasi ayaw ng daddy mo?" Pag-uusisa ko sa kaniya. Nasa loob kami ng silid n
Matapos umalis ni Sir Sander patungo sa kanyang opisina ay sinimulan na namin ni Sander II ang aming "Operation Piko." Gumamit kami ng chalk na madaling mabura para gumuhit ng mga kahon sa malawak na pasilyo ng Monte Cristo Mansiyon. Sa totoo lang, napakabilis turuan ng bata. Sa loob lang ng tatlumpung minuto, nagtatatalon na siya sa mga kahon habang humahalakhak."Look, Nanny Nelly! I hit the box perfectly! This is way better than my iPad!" sigaw nito sa kanyang tuwid na Ingles, habang may pawis-pawis na sa noo."Oh di ba sabi sayo e! Ganyan ang totoong laro!" puri ko naman sa kanya. "Ngayon, para mas masaya, magtatago muna si Nanny Nelly ha? Bilang ka ng hanggang tatlumpu sa Ingles, tapos hanapin mo ako.""Where gonna play hide and seek? Yey! I really wnat to right that game." masaya nitong sabi nang lumapit da akin."Oo, ganun na nga sige na. Tama na ang satsat dahil nano-nosebleed na ako sa 'yo.""Okay! Let's start...One... two... three..." pikit-matang bilang ng bata habang nakas
Kung mayroon mang isang bagay na mas mabilis uminit kaysa sa mamahaling de-pindot na takure sa kusina ng Monte Cristo Mansiyon, iyon ay ang mukha ng bilyonaryong boss ko na si Sander Monte Cristo Jr. habang dahan-dahang tumatayo mula sa sahig. Maliwanag na ang buong sala. Ang napakalalaking handelier sa kisame na mukhang mga nakasabit na yelo ay nagliliyab na sa liwanag, dahilan para makita ko nang buong-buo ang damage nagawa ko. Nakatayo ako sa gitna ng silid, hawak pa rin ang dalawang kamao ko na parang boksingero. Mula sa gilid ng isang mamahaling lamesa. Ang panga nito ay nanginginig, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa akin na parang gusto niya akong gawing lamunin ng buhay. "S-Sander, anak... Diyos ko, anong nangyayari rito?" Ang boses na iyon ay galing kay Madam Shamcey. Dahan-dahan siyang itinatulak ng mayordomang si Manang Ising gamit ang kanyang wheelchair. Naroon sa likuran nila ang tatlong iba pang kasambahay na pare-parehong nanlalaki ang mga mata habang palipat-lipa













![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews