"Nanny Nelly, ang daya naman, mas nauna kang nahanap ni daddy kaysa sa akin. Nagalit po ba siya sa 'yo?"Nagmemeryenda na si Sander II, cupcake at juice ang ipinadala sa akin ni Manang Ising para sa bata. Mamayang after lunch daw ay mayroong pasok si Sander II sa pre-school niya. Three hours din daw iyon at kailangan ko na ring mag-asikaso dahil kasama ako.Aba! Hindi na ako nagreklamo, ibig sabihin kasi no'n ay makakalabas ako ng bahay. Sakto, kailangan ko ring magpaload, tatawag ako sa amin."Kaya nga e, hindi tuloy tayo nag-enjoy sa laro. Pero hayaan mo sa susunod na lang ulit. At saka mukhang hindi naman galit si Sir Sander," sagot ko sa kaniya."Mabuti naman po, kasi baka mamaya ay tanggalin ka niya sa work mo. Hindi kasi 'yon si Daddy sanay na may ibang tao talaga sa house namin eh. Pero don't worry po, I'll back up you na lang," anito na sarap na sarap sa kinakain niya."Weh? Akala ko ba ayaw mo ng nanny kasi ayaw ng daddy mo?" Pag-uusisa ko sa kaniya. Nasa loob kami ng silid n
Last Updated : 2026-07-04 Read more