LOGIN“Kuatro . . .” tawag sa kaniya ng Ninang Trina niya.
“Yes po, Ninang.” Nakangiting lumapit siya rito saka humalik sa pisngi nito.
“Itatanong ko lang kung kumusta na ang pagtuturo ng paborito kong inanak,” wika nito, pabulong lang.
Natawa siya. “What is it, Ninang?” Kilalang-kilala na niya ito. Kapag ganoong may halong pambobola ang sinasabi nito, ibig sabihin, may hihingin itong pabor sa kaniya.
Napakamot sa ulo ang ninang niya. “Si Charlie kasi . . . ’Di ba alam mo naman na paborito niya ang Insane5? Magpapahingi sana ako sa iyo ng autograph nila,” anito sabay gala ng mga mata sa paligi.
Ang tinutukoy nitong Charlie ay ang pangalawa nitong anak na babae. Ang Insane5 naman ay isa sa mga banda at artists ng JEM Entertainment. Namamayagpag ang karera ng mga ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa iba’t ibang panig mundo. Ang mga ito rin ang sinamahang concert ng kaniyang ama. At isa siya sa mga composer ng ilan sa mga sikat na kanta ng mga ito.
“Iyon lang ba, Ninang? Akala ko naman mahirap ang ipapagawa mo sa akin ngayon,” pabirong wika niya. Sanay na siya sa paghingi-hingi nito ng pabor sa kaniya. Basta kaya niyang gawin, hindi niya tinatanggihan. Kadalasan naman mga ganoong autograph lang ang ipinahihingi nito.
Lumaki at nagkaisip siya na ang Ninang Trina niya ang laging kasama noon ng kaniyang ina— ang lagi niyang kalaro. Ito ang isa sa umagapay sa kanila ng kaniyang ina noong mawala ang kaniyang ama. Kaya masasabi niyang bukod sa nanay niya, ang ninang niya ang isa sa mga taong hinding-hindi niya kayang hindian. Bukod sa alam niya ang hilig nito at ng kaniyang ina; na namana yata ng lahat ng babae sa kanilang pamilya dahil mahilig mag-fangirling ang mga ito, ang dalawa ang unang nagturo sa kaniya ng tinatawag na unconditional love.
“Iyon lang naman. Malapit na ang birthday ni Charlie, gusto ko siyang i-sorpresa,” nakangiting wika nito.
“Okay, Ninang. No worries. Ako na ang bahala sa gusto mong mangyari. And I will call you when it’s ready.”
Mahigpit siyang niyakap nito. “Thank you! Hulog ka talaga ng langit.”
“Gwapong hulog ng langit,” pahabol niyang biro.
“Well, of course! Gwapo talaga ikaw. Wala ng papantay pa sa kagwapuhan mo,” sang-ayon nito na humagikhik pa.
“Mas gwapo pa kay Ninong Felix?” Ang tinutukoy niya ang asawa nito na dati ring ka-banda ng kaniyang ama.
Tumingkayad ito at bumulong sa may tenga niya. “Atin-atin lang itong dalawa, ha. Pero, oo, mas lamang ka naman sa ninong mo ng dalawang paligo.” Humagikhik itong muli, siya naman ay natawa. Kahit kailan hindi nawawala ang kapilyahan ng ninang niya.
“Isumbong ko kaya kayo?”
Nanlaki ang mga mata nito. “Huwag naman . . .”
Napahalakhak na siya nang tuluyan. “That was just a joke, Ninang. You know I can’t betray you.”
Lumabi ito sabay hawak sa dibdib. “Pinakaba mo naman ako. Pilyo ka rin nga minsan, ano?”
“Hindi naman, Ninang. Medyo lang,” aniya na ikinatawa nito.
“At ano na namang pinagtatawanan ninyong dalawa?” anang tinig mula sa kanilang likuran.
Muling namilog ang mga mata ng kaniyang ninang, pagkuwa’y dahan-dahang nilingon ang nagsalita. Ngumiti ito, pero alanganin.
“Wala naman, mahal. May itinatanong lang ako dito kay Kuatro. ’Di ba, Kuatro?” dahilan ng kaniyang ninang sabay lingon sa kaniya. Kumindat naman siya rito.
“Tama si Ninang, Ninong Felix. Nagkukwentuhan lang kami,” sang-ayon niya.
Napataas naman ang isang kilay ng ninong niya. “Kanina ka pa hinahanap ni Jessica. Kakausapin ka raw,” wika nito sa kaniyang ninang.
Tiningnan siya ng kaniyang ninang. “Punta muna ako sa Tita Jessica mo, ah.”
“Sige, Ninang.” Natatawang naiiling na sinundan niya ng tingin ang mag-asawa habang paalis sa kinaroroonan niya.
He sighed then looked around him. Everyone seems happy. Kabi-kabilang tawanan at kuwentuhan ang lahat. And it was such a beautiful scene to look at. Isang bagay na hindi niya pagsasawaang makita.
He was really happy to have a family like what he was seeing at the moment. He was very happy and lucky to be part of them. Wala na talaga siyang mahihiling pa.
Tiningnan niya ang kopitang hawak. Wala ng lamang alak iyon. Hindi siya mahilig uminom, kapag ganoong may okasyon lang o kapag bored siya. Kaya naman, maraming nagsasabi na mga kakilala niya, o kaibigan ng kanilang pamilya na napakaswerte ng kaniyang mga magulang sa kaniya. He is an embodiment of a good son. Magalang, mabait, matulungin sa kapwa, masunurin at mapagmahal na anak at kapatid, may prinsipyo, alam ang tama sa mali, mapagmahal sa kalikasan, at higit sa lahat, may takot sa Diyos. Kung tatakbo nga raw siya ng kahit anong posisyon sa gobyerno, tiyak na mananalo siya.
Subalit, wala sa kaniya ang bagay na iyon. Hindi niya naiisip kailan man na maging isang politiko. Katwiran niya, hindi niya kailangan ng kahit na anong posisyon para lamang makatulong sa kapwa. Karamihan kasi sa mga politiko, idinadahilan na kaya sila tumatakbo ay para mas makatulong pa, o para mas marami pa ang matulungan. But he did not agree to that.
Ang pagtulong ay kusang ginagawa, hindi ginagawang dahilan para sa ibang bagay. Maaari naman kasing tumulong kahit wala sa posisyon. Marami ring paraan para maisakatuparan ang layuning ninanais nang hindi nagiging politiko. Ang labas kasi ng salitang mas makatulong sa kaniya ay iba. Negative. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nang mas nakararaming tao na may mga politiko talagang ginagamit ang kanilang posisyon para maglamang ng kapwa. Iyon ang kinaayawan niya sa lahat.
He had his own resources. Kahit galing sa sarili niyang bulsa, wala siyang pakialam basta ang mahalaga ay makatulong siya. He had a lot. Iyon naman ang totoo. Kaya kung puwede nga lang ipamigay lahat ng mayroon siya para sa mga nangangailangan, ginawa na niya. But he didn’t want to teach other people to be dependent on him. Dapat sa mga taong tinutulungan, marunong matuto. Dapat, marunong ding dumiskarte. Teach a man how to fish, and you will feed him a lifetime, ika nga.
Oo, hindi masamang tumulong, pero dapat may hangganan din. Kaya nga ang ginagawa niya, humahanap siya ng mga charity institution na talagang malaki ang naitutulong sa mga tao. Hindi lang basta mga bahay ampunan, kung hindi, mga bahay ampunan na nagtuturo ng iba’t ibang kakayahan sa mga bata para paglaki ng mga ito ay hindi aasa sa iba— na marunong na talagang tumayo sa sarili nilang mga paa. O hindi naman kaya ay mga cancer wariors na ginagawang motibasyon ang sakit nila para maging inspirasyon sa ibang may mga sakit din at gusto ng sumuko. At, mga pamayanan o katutubong talagang nasa laylayan, na tila ba kinalimutan na ng lipunan. Nagbibigay siya ng mga trabaho sa mga ito, nang siguradong mapagkakakitaan nang sama-sama— tulong-tulong, para sabay-sabay na aahon sa kahirapan. He also had scholars from those communities. Ganoon ang ginagawa niya.
He even supports different foundations that teach the importance of the environment— who give awareness to the people. Iyong nagmumulat talaga sa mga tao kung ano ang kahalagan at epekto ng pagkasira ng kalikasan, hindi lang sa buhay ng mga tao— maging sa lahat ng nilalang, nakatira man sa lupa, dagat at himpapawid.
But these actions were all kept secrets. Kahit nga sa mga magulang niya ay hindi niya iyon ipinaaalam. It’s just his way of helping others— sa tahimik na paraan.
Mayaman siya, pero kayang-kaya niyang mamuhay nang payak kagaya ng pamilya ng nanay niya. Hindi naman nga kasi nadadala sa hukay ang pera. Money will be useless after death. Isa pa, kahit anong yaman ng isang tao, hindi pa rin nito nakukuha ang lahat. Ni hindi nakukuhang iligtas ng kahit anong yamang materyal sa bingit ng kamatayan ang may-ari nito. Wealthy can prolong life, but it will never be its saviour. Iyon ang katotohanan.
Napaangat ang dalawang kilay niya sabay buntonghininga. Hinagod niya munang muli ng tingin ang masayang atmospera ng paligid, saka lumabas ng silid na iyon. Naglakad siya sa hallway, patungo sa elevator. Hindi pa naman siya aalis, magpapahangin lang siya.
“What are you doing!”
Napatigil sa kaniyang paghakbang si Kuatro nang marinig ang padaing na tinig na iyon. Kagyat niyang iginala ang mga mata sa paligid nang makitang may isang pintuan doon ang hindi naman maayos na nakasara.
“I thought this is what you want. Hindi ba ito ang rason kung bakit ka sumama sa akin?” tanong ng boses ng isang lalaki.
“What? No! I came with you because I wanted to learn from you about filming. Hindi ba malinaw ang bagay na iyon?” sagot naman ng babaeng naunang magsalita kanina.
Katahimikan. Sandali pang nakiramdam si Kuatro, subalit parang may anghel na dumaan.
Iniangat niyang muli ang isang paa, ngunit, muli lang iyong nabitin sa ere.
“I can teach you anything you want, but in return . . . you will do what I say,” the man inside said.
“And what do you want?”
“I want you. That’s what I want. And I promise you, I will marry you after this.”
Wala siyang narinig na tugon mula sa babae, kaya napailing na lang siya. Kaydali talagang bilugin ng ulo ng mga kababaihan. Nakarinig lang ng salitang kasal, bumibigay na agad.
“Tsk . . .” iiling-iling na wika niya sa sarili.
“F-Ferdinand . . . I-I’m sorry, but I can’t,” makalipas ang ilang segundo ay tanggi ng babae.
Napataas ang kaniyang isang kilay. Nagkamali yata siya.
Maya-maya pa ay nakarinig siya ng mga yabag patungo sa kinaroroonan niya. Madali naman siyang naglakad patungo sa elevator. Ramdam niyang sumusunod na sa kaniya ang kung sino mang galing sa silid na iyon.
Pagtapat niya sa elavator, pinindot niya iyon. Nakatayo na sa bandang gilid niya ang kasunod. Nahinuha niyang ang babae iyon base sa suot nitong sapatos.
Nakatungong pumasok siya sa elavator nang bumukas iyon, kasunod pa rin ang babae. Pumuwesto ito sa bandang likod niya pagkatapos pindutin ang first floor button. Sumandig siya bahagya sa gilid, sa metal niyong dingding. Then, he took a glimpse of her at the metal wall. Bahagya itong naka-sideview, pero madali pa ring makita ang totoong itsura nito.
Dahan-dahang nag-isang linya ang mga kilay niya. The woman was familiar. Alam niyang nakita na niya ito, pero hindi niya maalala kung saan.
Nabitin ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang elevator, indikasyong nasa first floor na sila. Hindi naman kasi siya pumindot ng kahit na ano roon. Pinauna niya muna ang babae, bago sumunod rito hanggang makalabas ito. Nabunggo pa ito nang kung sino pagpara nito ng taxi.
Images of himself and her came flashes in his mind.
He remembered! He was the student he bumped at the university.
Napangiti si Kuatro mula sa kaniyang kinatatayuan. He wasn’t really expecting Mayumi to watch the game, but he still hoped that she’d come— and she did. Mas lalo tuloy siyang ginanahan sa paglalaro.Malakas na pito mula sa referee ang nagpabalik ng isip niya sa game.“Personal foul, number eleven! Counted, one free throw,” anang referee na sa kaniya nakatingin.Lumakas na naman ang tilian sa loob ng gym. Parang kanina lang ay iilan ang estudyanteng nanood sa kanila, ngayon halos mapuno na iyon. At ang iba roon ay mga kapwa nila guro. Kuatro knew that it wasn’t just because the varsity team has a solid fan base, but he also drew the attention of the whole campus. Siya ang dahilan kung bakit maraming tao roon. And he was sure that he will become viral because of that. Nakikini-kinita na niyang aani na naman ng samu’t saring komento iyon, karamihan ay positibo. At baka mamaya, lalap
“Mayumi!” mahinang tawag sa kaniya mula sa likuran.Paglingon niya ay tumambad sa kaniya ang hinihingal na si Ces. Nakatayo ito ilang dipa mula sa kinauupuan niya, sa isang sulok ng library at nanonood ng documentary videos. Isa iyon sa madalas niyang tambayan kapag gusto niyang mapag-isa.“Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala,” mahinang wika nito at tuluyan ng lumapit sa kaniya. Naupo ito sa tabi niya.“Bakit?” tanong niya.“May game sa gym, hindi ka ba manonood?”“Game?” Napakunot ang noo niya. Hindi naman siya mahilig sa kung ano-anong event sa school nila, hindi rin siya madalas um-attend. Bawas oras lang iyon sa kaniyang pag-aaral.“Oo. May game ang department natin— mga professor. Lalaban sila sa UP Fighting Maroons,” paliwanag nito.“Sa var
“Professor Mallari, can I have a second?” anang kasamahan niyang lalaking propesor din pagpasok niya ng faculty room.“Yes?” Lumapit siya rito na may ngiti sa mga labi.“Do you play basketball?” tanong nito. “And by the way, I’m Professor Pangan,” pakilala nito sabay lahad ng kamay sa harapan niya.Madali niya iyong tininanggap. “Nice meeting you.”“So? You play?”Tumango si Kuatro. “Yes. Why?”“Okay!” masayang wika nito na ikinakunot ng noo niya. Nakita naman iyon ng kaharap. “Oh, sorry. The professors were asked to play basketball against UP Fighting Maroons. Buwan-buwan iyong ginagawa rito kada departamento, at ang department natin ang lalaban sa kanila ngayon,” paliwanag nito.“Ah . . .”&l
Tulalang nakatingin sa unahan si Mayumi, habang patuloy na nagtatalakay ang kanilang professor tungkol sa kung ano pa ang mga kayang gawin ng makabagong teknolohiya sa larangan ng telebisyon at pelikula. Totoo na mas napadadali nito ang lahat at mas nagiging kaakit-akit ang isang palabas, lalo na kapag may mga tagpuan at karakter na binabago. Iyong mga historical drama, fantasy, scifi at kung ano-ano pa na kinakailangang gamitan ng animation.Alam na iyon lahat ni Mayumi dahil madalas siyang nanonood kapag nag-e-edit na ng mga video ang editor ng kanilang kompanya. Computer animation has a vital role in television and film industry. Pero kailangan din ng pag-iingat kasi minsan, hindi na nga makatotohanan ang palabas; dahil sa tinatawag na poor video editing, lumalabas din ang poor quality ng isang eksena sa pelikula man, drama o kahit sa mga patalastas.Malayo ang nilalakbay ng isipan ni Mayumi. Naroon pa rin sa naging engkwentro nila ng pro
Tahimik na nagbabasa ng kaniyang libro si Mayumi nang may tumabi sa bench na kaniyang kinauupuan. Nasa unibersidad siya noon dahil may pasok.Hindi niya ito pinansin. She was engrossed in what she was reading. Saka, para sa lahat naman ang mga bench na roon sa ilalim ng mga punong acacia kaya wala siyang pakialam kung may katabi siya.Mabilis na dumalaan ang ilang minuto na ang tanging atensyon niya ay sa libro pa rin nakatutok. Kahit alam niyang tambayan din ng ibang estudyante o guro ang mga bench na naroon, pakiramdam niya, nag-iisa pa rin siya. Distractions were the least she could think of at that place. Bukod sa malamig ang simog ng hangin, she felt at peace there.When she was about to turn the page of the book she was reading, she was stunned when a big hand extended in front of her. May hawak itong isang resealable plasctic na may sandwiches sa loob. Doon niya nilingon ang katabi sa nangungunot na noo. Subalit, kagyat din iyong nawala nang makilala kung sino ang naroon.Umayo
“Kuatro . . .” tawag sa kaniya ng Ninang Trina niya.“Yes po, Ninang.” Nakangiting lumapit siya rito saka humalik sa pisngi nito.“Itatanong ko lang kung kumusta na ang pagtuturo ng paborito kong inanak,” wika nito, pabulong lang.Natawa siya. “What is it, Ninang?” Kilalang-kilala na niya ito. Kapag ganoong may halong pambobola ang sinasabi nito, ibig sabihin, may hihingin itong pabor sa kaniya.Napakamot sa ulo ang ninang niya. “Si Charlie kasi . . . ’Di ba alam mo naman na paborito niya ang Insane5? Magpapahingi sana ako sa iyo ng autograph nila,” anito sabay gala ng mga mata sa paligi.Ang tinutukoy nitong Charlie ay ang pangalawa nitong anak na babae. Ang Insane5 naman ay isa sa mga banda at artists ng JEM Entertainment. Namamayagpag ang karera ng mga ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa iba’t ibang panig mundo. Ang mga ito rin ang sinamahang concert ng kaniyang ama. At isa siya sa mga composer ng ilan sa mga sikat na kanta ng mga ito.“Iyon lang ba, Ninang? Akala ko na







