Share

Chapter 2: Twisted Fate

Author: Author W
last update publish date: 2026-06-04 12:48:18

Anim na buwan matapos umalis si Vaelisse sa Elyndor City at mawala sa buhay ni Caelan—

sumabog ang pinakamalaking balita sa buong Velmoria.

Ardyn International had fallen.

Ang kumpanyang minsang kinatatakutan at iginagalang ng buong pharmaceutical industry ay biglang gumuho.

Sa loob lamang ng ilang linggo, sunod-sunod na lumabas ang mga ulat laban sa Ardyn Family.

Mga imbestigasyon.

Mga kaso.

Mga alegasyon.

At mga eskandalong yumanig sa buong bansa.

Mag-isang nakaupo si Caelan sa kanyang opisina habang pinapanood ang balita sa telebisyon.

Ang kanyang tingin ay nakapako lamang sa screen.

"Ardyn International is now facing multiple investigations..."

"Sources claim the Ardyn Family concealed illegal activities for years..."

"Experts believe the Ardyn Empire has officially collapsed..."

Isa-isang binabatikos ng media ang dating pinakamakapangyarihang pamilya sa pharmaceutical industry.

Parang mga gutom na buwitre na sabik lapain ang isang bumabagsak na higante.

At kasabay ng bawat ulat—

bumabalik sa isip ni Caelan ang mga salitang binitawan ni Vaelisse noong gabing iniwan siya nito.

"I was only entertaining myself."

"You were never part of my world."

Noong una...

Galit ang naramdaman niya.

Matinding galit.

Galit na halos sumira sa kanya.

Ngunit habang lumilipas ang panahon—

may mas masakit siyang natuklasan.

Sa ilalim ng lahat ng galit na iyon...

nandoon pa rin ang sakit.

Dahil sa kabila ng lahat—

hindi pa rin niya makalimutan si Vaelisse.

...

Five Years Later

Asterion City.

Ang sentro ng negosyo, kapangyarihan, at kayamanan sa buong Velmoria.

Dito nagtitipon ang pinakamayayamang negosyante.

Pinakamaimpluwensyang politiko.

At mga elite families na may kakayahang baguhin ang takbo ng ekonomiya ng bansa sa isang pirma lamang.

Sa gitna ng lungsod ay matatagpuan ang isa sa pinakasikat na luxury fine-dining restaurants.

Maison Étoile.

Isang lugar na bihirang puntahan ng ordinaryong tao.

Ang reservation list nito ay kadalasang puno ilang linggo bago pa man ang mismong schedule.

Ang pangunahing dining hall ay napapalibutan ng floor-to-ceiling glass windows na nagbibigay ng tanawin ng buong Asterion skyline.

Sa ilalim ng mga kristal na chandelier ay nakaupo ang iba't ibang business executives, celebrities, foreign investors, at mga miyembro ng elite families.

May ilan na tahimik na kumakain.

May ilan na nakikipag-usap tungkol sa multi-million deals.

Habang ang iba naman ay gumagamit ng restaurant bilang neutral ground para sa mga sensitibong negosasyon.

Bukod sa main dining hall, mayroon ding mga private rooms na eksklusibong ginagamit ng mga VIP guests.

Mas mataas ang privacy.

Mas mahigpit ang security.

At mas mahal ang presyo.

Sa madaling salita—

ito ay lugar na para lamang sa mga taong nasa tuktok ng lipunan.

"Elisse."

Napalingon ang isang babae nang marinig ang tawag.

Nakasuot siya ng simpleng waiter uniform.

Nakatali nang maayos ang mahaba niyang buhok.

May suot na apron.

At may hawak na order tablet.

"Yes, Manager?"

Magalang siyang lumapit.

Bumuntong-hininga ang manager habang tinitingnan siya.

"Tapusin mo na ang shift mo at magpahinga ka muna."

"Kailangan kita mamayang gabi."

"May mga VIP guests na darating."

Bahagyang napangiti si Elisse.

"One hour na lang naman po."

"Sayang din ang sahod."

Napailing ang manager.

Wala itong maipangtutol.

"Okay."

"Pero pagkatapos ng isang oras, magpapahinga ka."

"Understood?"

Tumango si Elisse.

"Yes, Manager."

Ngumiti siya nang magalang bago muling bumalik sa trabaho.

Sa loob lamang ng ilang minuto—

sunod-sunod na ang mga order.

"Table seven, truffle risotto."

"Copy."

"Private Room Three, premium wine."

"Right away."

"Table twelve, seafood platter."

"I'll deliver it."

Mabilis siyang kumikilos sa pagitan ng mga mesa.

Kumuha ng order.

Naghatid ng pagkain.

Nagdala ng inumin.

Nag-asikaso ng mga request.

Mula dining hall.

Hanggang private rooms.

Hanggang kusina.

Paulit-ulit.

Walang reklamo.

Walang pagod na ipinapakita.

Sa kusina, mabilis niyang ibinigay ang mga bagong order.

"Chef, additional order for Room Two."

Tumango ang chef.

"Got it."

Pagkatapos ay agad siyang bumalik sa dining hall.

Sa kabilang bahagi naman ng restaurant, may isang pamilya na humihingi ng dessert recommendation.

Sa isang private room, may grupo ng investors na nangangailangan ng karagdagang wine.

Habang sa isa pang mesa ay may customer na gustong baguhin ang kanyang order.

Tahimik na inaasikaso ni Elisse ang lahat.

Kung narito si Caelan ngayon—

malamang makikilala niya agad ang babaeng iyon.

Ngunit marahil ay matatawa lamang siya.

Dahil ang dating mapagmataas na tagapagmana ng Ardyn Family—

ang babaeng nagsabing hindi siya kabilang sa mundo nito—

ay isa na lamang ngayong waiter sa isang restaurant.

...

Bumuntong-hininga si Vaelisse bago ngumiti nang matamis pagkapasok niya sa resting area.

Malawak ang pahingahan ng mga empleyado ng Maison Étoile.

May ilang mesa para sa kainan.

Isang maliit ngunit kumpletong kusina.

May munting sala na may telebisyon.

At syempre, malamig na air conditioning upang maging komportable ang mga empleyado sa oras ng kanilang pahinga.

Tahimik na inalis ni Vaelisse ang kanyang apron at isinabit iyon sa locker.

Tapos na rin ang kanyang shift.

Paglingon niya sa sala, agad na lumambot ang kanyang mga mata.

"Vivi."

Matamis ang kanyang boses.

Lumingon ang batang babae na nakaupo sa harap ng telebisyon.

Apat o limang taong gulang lamang ito.

May mahaba at bagsak na itim na buhok.

Malalaki ang mga mata.

At napakaputi ng balat.

Para itong maliit na manika.

"Mommy!"

Agad nitong iniwan ang pinapanood at mabilis na tumakbo palapit.

Napangiti si Vaelisse.

Lumuhod siya at binuka ang kanyang mga braso.

Sa sumunod na segundo—

yumakap na sa kanya ang bata.

Mahigpit.

Parang ilang araw silang hindi nagkita.

At sa isang iglap—

parang nawala ang lahat ng pagod ni Vaelisse.

Mahigpit niya ring niyakap ang kanyang anak.

Kaeliviane Valecrest.

Noong una, ayaw niyang gamitin ng bata ang apelyido ni Caelan.

Ngunit kalaunan ay nagbago ang isip niya.

Malabong magkita pa silang muli.

Abala si Caelan sa Elyndor City.

Habang siya naman ay nagtatago sa Asterion.

Kaya pinili niyang gamitin ang apelyido ng lalaki.

Bilang alaala.

Sa taong minsang naging buong mundo niya.

At sa lalaking nagbigay sa kanya ng pinakamagandang regalo sa buhay niya.

"Are you hungry, Vivi?" malambing na tanong niya.

Kumurap ang bata.

Pagkatapos ay tumango nang mabilis.

"Mommy..."

Hinawakan nito ang tiyan.

"I'm hungry."

Napakagat-labi si Vaelisse para hindi matawa.

At bago pa siya makasagot—

may tumawa mula sa kusina.

"Baby Via, wala ka talagang kabusugan."

Lumingon silang mag-ina.

Isang babae ang naglalakad palabas ng kusina habang inaalis ang apron nito.

"Kakakain mo lang ng limang egg sandwich kanina."

"Gutom ka na naman?"

"Ang liit-liit mo pero parang walang ilalim ang tiyan mo."

Agad na nag-pout si Vivi.

"Tita Chloe..."

"Growing girl po ako."

Tahimik ang paligid sa loob ng dalawang segundo.

Pagkatapos—

natawa ang lahat.

Maging si Vaelisse ay hindi napigilang matawa.

"See?" taas-noong sabi ni Vivi.

"I'm growing."

Mas lalo pang natawa si Chloe.

Pagkatapos ay tumingin ito kay Vaelisse.

"Elisse, handa na ang tanghalian."

"Kumain ka na rin."

Ngumiti si Vaelisse.

"Salamat, Tita Chloe."

"At salamat din po sa pag-aalaga kay Vivi habang nasa trabaho ako."

Agad na ikinaway ni Chloe ang kanyang kamay.

"Ano ka ba."

"Wala iyon."

"Kaibigan ako ng tita mo."

"At alam kong hindi naging madali ang pinagdaanan mo matapos ang nangyari sa—"

Bigla itong tumigil.

Napansin niya ang bahagyang lungkot na dumaan sa mga mata ni Vaelisse.

Bumuntong-hininga siya.

"Elisse."

"Tandaan mo."

"Hindi mo kailangang magpasalamat lagi sa akin."

"Pamilya tayo rito."

Bahagyang nag-init ang mga mata ni Vaelisse.

Ngumiti siya.

"Salamat pa rin po."

Napailing si Chloe.

Bago pa ito makasagot—

bumukas muli ang pinto.

Pumasok ang isa pang babae.

"Tama si Chloe."

Lumingon si Vaelisse.

"Manager Paula."

Ngumiti ang manager.

"Elisse, tatlong taon ka nang nagtatrabaho rito."

"Pamilya tayo."

"Hindi mo na kailangang magpasalamat lagi sa maliliit na bagay."

Bahagyang naantig si Vaelisse.

"Salamat, Manager Paula."

Natawa si Chloe.

Habang napailing naman si Paula.

"Tingnan mo."

"Nagpasalamat ka na naman."

Lalong lumawak ang ngiti ni Vaelisse.

"Sorry."

"At salamat—"

"Elisse!"

sabay na reklamo nina Chloe at Paula.

Napahagikgik si Vivi habang nakakapit sa braso ng kanyang ina.

"Mommy got caught."

Natawa ang tatlong babae.

"Oh siya," sabi ni Chloe.

"Pakainin mo na ang anak mo."

"At kumain ka na rin."

Tumango si Vaelisse.

Pagkatapos ay hinawakan ang maliit na kamay ni Vivi.

"Tara na, baby."

"Yay!"

Masayang tumalon si Vivi.

"Mukhang chicken po ang lunch."

"Feeling ko."

Napatingin si Vaelisse.

"Feeling mo?"

Tumango si Vivi nang seryoso.

"Naamoy ko po."

Muling natawa ang lahat habang hinihila ni Vaelisse ang kanyang anak papunta sa mesa.

...

Kinagabihan.

Halos wala nang tao sa loob ng Maison Étoile.

Ilang staff na lamang ang abala sa paglilinis ng dining hall habang ang karamihan sa mga customer ay matagal nang umalis.

Ngunit may isang bahagi ng restaurant na nananatiling mahigpit ang seguridad.

Ang pinakamalaking private room.

Isang espesyal na silid na nakalaan lamang para sa pinakamahahalagang bisita.

Bzzztt.

Umalingawngaw ang tunog ng walkie-talkie.

Agad na tumingin ang mga waiter.

"VIP Room. Prepare service."

"Copy."

Mabilis na kumilos ang lahat.

Isa-isang inayos ang mga tray.

Ang mga pagkain.

At ang mga mamahaling alak.

Kabilang sa kanila si Vaelisse.

Hawak niya ang isang mamahaling champagne habang mahinahong pumuwesto sa pila ng mga waiter.

Tatlong taon na siyang nagtatrabaho rito.

Sanay na siya.

Mga VIP guests.

Mga negosyante.

Mga politiko.

Mga mayayamang pamilya.

Wala nang bago roon.

Kaya gaya ng nakasanayan—

normal siyang sumunod sa grupo nang bumukas ang pinto ng private room.

Isa-isang pumasok ang mga waiter.

Tahimik.

Propesyonal.

Disiplinado.

At nang tuluyan siyang makapasok—

natigilan siya.

Parang huminto ang mundo.

Parang nawala ang lahat ng tunog sa paligid.

Parang biglang nablangko ang kanyang isip.

Dahil sa kabilang dulo ng mesa—

may isang lalaking nakaupo.

Matangkad.

Gwapo.

Matalim ang mga mata.

At may malamig na presensyang kayang patahimikin ang buong silid.

Nakatingin ito diretso sa kanya.

Walang pagkurap.

Walang pag-aalinlangan.

At sa sandaling iyon—

nakilala niya agad kung sino ito.

Caelan Dravik Valecrest.

Ang lalaking hindi niya kailanman pinangarap na muli niyang makikita.

Ang lalaking iniwan niya mahigit limang taon na ang nakalipas.

Ang lalaking sinaktan niya gamit ang sarili niyang mga salita.

Bang!

Nalaglag ang champagne mula sa kanyang mga kamay.

Basag ang bote.

Kumalat ang alak sa sahig.

Ngunit wala ni isa sa kanila ang nakatingin doon.

Dahil sa loob ng pribadong silid—

ang tanging nakikita ni Vaelisse...

ay si Caelan.

At ang tanging nakikita ni Caelan...

ay ang babaeng akala niyang hindi na niya muling makikita habang buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 44: Dismiss

    Napakurap ang guro."Ms. Ardyn...""May problema ba?"Huminga nang malalim si Vaelisse.Pililit niyang pinapakalma ang sarili."Anong itsura ng lalaking sumundo kay Vivi?""Nagpakilala ba siya?"Sa isip niya—hinding-hindi sasama si Vivi sa taong hindi nito kilala.Saglit na nag-isip ang guro.Pagkatapos ay tumango."Oo.""Nabanggit ni Vivi na...""Tinawag niya siyang Tito Jordan.""Kaya inakala kong kamag-anak ninyo."Unti-unting namutla si Vaelisse.Jordan...Bakit?Ano ang iniisip ng lalaking iyon?Bakit nito isinama si Vivi?Mabilis niyang inilabas ang cellphone.At agad na tinawagan ang numero ni Jordan.The number you have dialed is currently unavailable...Muli siyang tumawag.At muli.At muli.Ngunit pareho lamang ang sagot.Nakapagpatay ang cellphone.Unti-unting dumilim ang kanyang mukha.May masama siyang kutob.Hindi kaya...Naghihiganti si Jordan sa kanya?Nanginig ang kanyang mga kamay.'Jordan...''Pakiusap.''Huwag mong idamay si Vivi.'Mabilis siyang bumaling sa guro.

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 43: Where Is Vivi?

    Sa mga sumunod na araw...Unti-unting naging mas natural ang pakikitungo nina Vaelisse at Caelan sa isa't isa.Madalas silang magkita sa Sunshine Community Day Care Center tuwing sinusundo o hinahatid si Vivi.At kapag oras naman ng hapunan—halos regular nang customer si Caelan sa Maison Étoile.Palagi niyang ginagamit ang parehong dahilan."Gusto ko lang makita ang bibong batang iyon."At syempre—kasama sa "package" si Vaelisse.Dahil ayon kay Caelan—"Gusto ko ring malaman ang tungkol kay Vivi."Wala namang gaanong naghinala.Para sa karamihan ng staff—nagustuhan lamang talaga ng chairman ang bata.May ilan pa ngang naiinggit kay Vaelisse."Ang swerte talaga ni Elisse."bulong ng isang waitress."Imagine.""Nakakasabay niyang kumain si Mr. Valecrest."Tumango ang isa."Kung ako 'yon..."Hindi na nito itinuloy.Ngunit alam na ng lahat ang gusto nitong sabihin.Sa day care center naman—palihim silang nagpapalitan ng ilang salita tungkol kay Vivi.Hindi mahaba.Hindi rin madalas.N

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 42: Tamis

    Gustong itulak ni Vaelisse si Caelan.Ngunit sa sandaling iyon—napansin niya si Vivi.Masayang nakatingin ang bata sa kanilang dalawa.Kung bigla niyang itutulak si Caelan...Baka malungkot si Vivi.Isa pa—sa kaibuturan ng kanyang puso...Ayaw din niyang matapos agad ang sandaling iyon.Matagal na niyang hinintay ang init ng yakap na iyon.Ang pakiramdam na minsan niyang inisip na hindi na niya muling mararanasan.Unti-unti niyang ipinikit ang kanyang mga mata.At hinayaan ang sarili na manatili roon kahit ilang segundo pa.Ngunit kasabay ng pagdating ng init sa kanyang puso—dumating din ang katotohanan.Hindi pa.Hindi pa ito pwede.Biglang bumalik sa isip niya ang mga taong nagbuwis ng buhay.Ang pagbagsak ng Ardyn Family.At ang mga kaaway na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung tuluyan na bang nawala.Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.At marahan niyang itinulak si Caelan.Hindi malakas.Sapat lamang upang makabitiw ito.Namula ang kanyang mga pisngi.At nahihiy

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 41: Special Noodle Soup

    Mariing pumikit ang lalaki."Mali ang nakikita ko..."mahina niyang bulong sa sarili.Huminga siya nang malalim.At dahan-dahang dumilat.Ngunit...Nakangiti pa rin si Caelan sa kanyang harapan.Napakurap siya.Isa.Dalawa.Tatlo.Pagkatapos ay kinusot pa niya ang sariling mga mata.Ngunit walang nagbago.Nandoon pa rin ang parehong lalaking naka-suit.At nakangiti pa rin ito sa kanya.Dahan-dahan siyang napalingon sa loob ng apartment.At nakita niyang abala si Vaelisse sa kusina.Parang walang naririnig.Unti-unti siyang natigilan.At saka biglang tumayo."S-Sino ka?!"malakas niyang tanong.Napatingin siya kay Vivi."Vivi!""Sino siya?"Hindi na napigilan ni Vivi ang pagtawa.Matapos humupa ang tawa ay ngumiti ito."Siya ang Daddy ko."Sabay tawa ulit."Daddy?!"Nanigas ang lalaki.At muli siyang napatingin kay Caelan."Ikaw?!""Ikaw ang asawa ni Elisse?""Ang Daddy ni Vivi?!"Halatang gulat na gulat siya.Bahagyang ngumiti si Caelan."Ako nga."Tahimik siyang tumingin sa lalaki.P

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 40: Number Three

    Sumimangot si Caelan."Akala ko ba...""Hindi kumakatok ang number three?"Nagkibit-balikat si Vivi."Hindi naman.""Ha?""Hindi siya kumakatok gamit ang kamay."Mas lalo pang kumunot ang noo ni Caelan."Anong ibig mong sabihin?"Ngumiti si Vivi.Ngiting parang may alam na malaking sikreto."Buksan mo.""Para malaman mo."Napabuntong-hininga si Caelan.At tumayo.Tahimik siyang naglakad patungo sa pinto.Tok.Tok.Tok.Muli niyang narinig ang katok.Ngunit kakaiba ang tunog.Parang...Hindi kamay.Wala siyang sinabi.Diretso niyang binuksan ang pinto.Click.Pagkabukas pa lamang—natigilan siya.May isang lalaki sa harap ng pinto.Nakapikit.At paulit-ulit na tumutuktok gamit...ang noo.Tok.Tok.Tok.Napakurap si Caelan.'Ang weird naman ng mga tao rito.'Tahimik niyang naisip.Samantala, nang maramdaman ng lalaki na wala nang tinamaan ang kanyang noo—agad itong ngumiti.Hindi pa rin nakadilat.Sa isip nito—sigurado itong si Vaelisse ang nagbukas ng pinto.Kaya buong kumpiyansa it

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 39: Home

    Sumapit ang gabi.Unti-unting dumilim ang kalangitan.At sa gitna ng katahimikan ng lungsod ay maliwanag na nakasabit ang buwan.Dahan-dahang huminto ang isang itim na luxury sedan sa parking space sa harap ng isang lumang apartment building.Bumukas ang pinto.At bumaba si Caelan mula sa driver's seat.Kung may makakita sa kanya ngayon—malamang ay hindi sila maniniwala.Ang Chairman ng Valecrest Global Holdings.Ang lalaking may sariling driver.Ay siya mismo ang nagmamaneho ng sasakyan.Kapag kumalat ang eksenang iyon—siguradong magiging headline ito sa loob ng ilang linggo.Tahimik niyang binuksan ang pinto sa likuran.At inalalayan ang dalawang pasahero.Unang bumaba si Vaelisse.Kasunod si Vivi.Masayang-masaya ang bata.Halos hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha.Parang isa sa mga pangarap nito ang natupad.Samantalang si Vaelisse ay napabuntong-hininga lamang.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung paano nauwi sa ganitong sitwasyon.At sa huli—iisa lamang

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 3: Daddy?

    Sumimangot ang head waiter nang marinig ang tunog ng nabasag na bote.Agad itong yumuko sa mga bisita."We sincerely apologize for the inconvenience, everyone."Sa loob ng VIP room ay may limang katao.At malinaw na hindi sila ordinaryong mga tao.Mula sa kanilang pananamit, kilos, at presensya pa

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 1: The End of Us

    Elyndor City.Business District.Sa gitna ng mga nagtataasang gusali na kumikislap sa ilalim ng gabi, nakatayo ang isa sa mga pinaka-kilalang kumpanya sa lungsod.Ardyn Venture Holdings.Isang subsidiary company ng Ardyn International na nakatuon sa startup investments at business partnerships.Kah

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 27: Vivi Wingman

    Pagbalik ni Vaelisse sa restaurant, agad siyang bumalik sa trabaho.Ngunit sa buong araw—wala siya sa sarili.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari sa day care center.At dahil doon—ilang beses siyang nagkamali.Napagpalit niya ang order ng dalawang customer.Nasobrahan siya sa pagsa

  • He Hated Me Until His Daughter Called Him Daddy   Chapter 26: Vivi, Traydor Ka

    Habang naglalakad pabalik si Vaelisse, hindi mapigilan ng isip niya na tumakbo kung saan-saan.At sa hindi niya namamalayan—napapangiti siya.Nakilala na ni Vivi ang kanyang Daddy.Iyon pa lamang ay sapat nang magpasaya sa kanya.Ngunit bago niya namalayan—mas lalo pang lumayo ang kanyang iniisip

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status