MasukHiding The Billionaire CEO'S Quintuplets Ginamit niya lang ako bilang rebound, pero nang bumalik ang totoo niyang fiancee ay iniwan niya ako na walang kaalam-alam na ako ay nagdadalang-tao sa kaniyang mga tagapagmana
Lihat lebih banyak"I’m breaking up with you.”
Hindi agad ako nakapag salita sa kanyang sinabi. Nag hintay ako na dugtungan nya at nang napansin nya ‘yon, bumuka ang kanyang labi at walang emosyon na tinignan ako sa mga mata na parang hindi nya ako kilala.
“I’m getting married with my fiance.”
Hindi ko napigilan ang luhang lumandas sa mga mata ko kaya kaagad kong pinunasan ‘yon at sandaling tumingala para pigilang bumuhos ang ibang luha na babagsak na.
Kahapon ko lang nalaman na may fiance pala sya, sa sobrang sikat ba naman nya, malamang malalaman ko agad yun pero bakit ngayon lang? Ganon na ba ako ka walang pakealam sa paligid at ang kahit pag tingin sa magazine, hindi ko nagagawa?
1 year! One f*cking year na kaming may relasyon tapos malalaman kong ikakasal na pala sya? Kung maaga ko lang nalaman na CEO pala sya sa sikat na companya, edi sana hindi na ako nakipag kita sa kanya nung una at nakipag break agad ako bago pa umabot ng isang taon!. Yes, nakilala ko sya sa internet at minsan lang kami nag kikita. Pero kahapon ko lang nalaman! Kahapon ko lang naisipan na mang stalk sa kanya at isearch ang pangalan sa kahit saang media! Kung hindi ko ‘yon naisip ay baka iisipin ko na ang dahilan nya ngayon bago pa masabi na ikakasal na sya ay hindi ko sya na bigyan ng oras dahil sa biglaang pag sugod ko kay nanay sa hospital.
At ngayon, Sinabi nya sa iksaktong Anniversary namin.
Iniyakan ko na ‘to kagabi e, Kahit pagod ako galing sa hospital sa pag babantay kay nanay na may malubhang sakit at piniling makipag kita muna sa kanya ng ilang minuto dahil anniversary na namin ngayon kahit sa bahay ang punta ko para kunin ang mga damit. Kaya bakit, bakit may luhang kumawala sa mga mata ko ngayon? Dahil ba sa nangyare kay nanay o sobrang nasaktan ako sa nalaman?
Huminga ako ng malalim at pagod na tinignan sya sa mga mata. Minahal ba talaga ako ng lalaking ‘to? or he’s just bored?
“M-Minahal mo ba ako?” my voice cracked.
“No, I don't really love you, I’m just bored.” walang hinto n’yang sabi.
Tango-tango akong umiwas ng tingin at mapaklang ngumiti. Kinagat ang ibabang labi, pinipigilang huwag maluha. Ganon? Bored sya ng isang taon? Kalokohan.
Lumipat ang tingin ko sa lamesa nang mag lapag sya ng cheke.
“One Million, stay away from me and from now on, never show your face again.”
Matagal kong tinitigan ang chekeng may pirma nya hanggang hindi ko napansin ang kanyang pag alis.
One million? Para saan ‘to? Sweldo ko ba ‘to sa pagtulong na mawala ang pag ka boredom nya sa loob ng isang taon?
Bumalik ako sa huwisyo nang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko na muna ‘yon.
“Hello?”
“Miss, nasaan po kayo? Pumunta po kayo ngayon dito.”
Napa tayo ako.
“B-Bakit?” ang pag aalala kong boses ay nahaluan ng kaba.
Hindi ko na hinintay na sumagot at aalis na sana nang maalala yung cheke, nilingon ko yun. Napakagat ako sa ibabang labi, Ayoko sanang tanggapin pero.. mukhang kakailanganin ko ‘yun at sayang rin kung iiwan ko kaya bumalik ako sa lamesa at kinuha ‘yon.
Pag baba sa tricycle, patakbo akong pumasok sa hospital hanggang nakarating ako sa kama ni nanay. Sa malayo palang, nakikita ko na ang isang doctor at dalawang nurse.
“D-Doc..”
Tawag ko, bigong lumingon naman ito sakin at umiling.
“Pumutok na ang ugat sa utak nya.”
Akala ko napigilan ko na yung luhang kanina pa gustong kumawala pero dahil sa katagang sinabi ng Doctor ay parang gumuho ang mundo ko, sumabog ang luhang kanina pa pinipigilan.
Nanlalambot akong napa upo sa sahig at malakas na sumigaw, walang pakealam kung may mga tao ng tumitingin sakin. Gusto ko lang mailabas ‘tong mabigat na nararamdaman.
Ilang sandali pa, napa hawak ako sa aking tiyan at nakaramdam ng parang nasusuka, Napansin ng isang nurse ‘yon kaya hinawakan nya ako sa balikat at inalalayang tumayo kahit magulo ang maikli kong buhok at may luha pa sa pisngi.
Umalalay na rin ang isa pang nurse nang mabilis akong pumunta sa banyo. Pag pasok, kaagad akong lumapit sa lababo at sumuka ng tubig.
“Miss?”
Aayos sana ako nang tayo nang naramdaman ko ang biglang pag ka hilo hanggang nawalan ako ng malay.
Nadatnan ko nalang ang sarili kong naka higa sa kama at ang pag pasok ng babaeng doctor.
“Mabuti nagising ka na, kumusta? Nahihilo ka pa?” Tanong nito.
Umiling ako.
“Mabuti kung ganon, Ilang taon kana nga pala ija? Nag aaral ka pa ba?”
“18, high school graduated lang” sagot ko.
“May kasama ka ba sa bahay?” tanong pa nito, bumalikwas ako ng bangon nang maalala si nanay. Aalis na sana ako sa kama pero pinigilan ako ng doctor.
“W-Wala..” nang hihina kong sabi.
“Dapat may kasama ka, para bantayan ang pag bubuntis mo. Hindi ka rin pwedeng mag pagod, hindi mo ba kasama ang nobyo o asawa mo?”
Kumunot na ang noo ko sa mga sinabi nya. Napansin ‘yon ng Doctor kaya ngumiti ito, anong nakakangiti sa p*tang*nang araw na ‘to?
“You’re one week pregnant.”
Chapter 24 Narrator's POV Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nanligaw ulit si Ivan kay Maxine. Ginagawa niya ang lahat para makuha ulit ang tiwala at ang buong pagmamahal nito. "Max, mukhang blooming ka ngayon ah, nadiligan ka ata." biro ni Meg. "Tigilan mo nga ako. Ikaw nga itong dapat na kinukumusta diyan eh, ilang buwan na nga yang tiyan mo?" tanong ni Max sa kaibigan. "Five months na. At healthy naman ang inaanak mo." sabi ni Meg. "Inaanak ka diyan. Dipende pa yun kung maganda ang iaanak mo, baka tanggapin ko pa. Pero kapag kamukha mo, ayoko maging ninang niyan." "At bakit naman? Maganda naman ako ahh!" "Shhhh... Huwag kang magsinungaling. Naririnig ka ng bata." "Ang bad mo talaga!" "Alam mo namang kaibigan mo ako, kaya nagsasabi lang ako ng totoo." "Oo na nga lang, sige na." nagkatawanan na lang sila at sabay na naglakad. Four months later.. "Wow, nandito na ang maganda kong inaanak. Kamukha ka ni ninang, pareho tayong maganda." tuwang tuwang sabi ni
Maxine's POV"Max, tara mag night market sa bayan." aya ni Meg."Anong meron doon?""Maraming pagkain doon, magpakabusog tayo.""Sige, tara. Dalhin natin ang kotse ni Al.""Hindi na, magtrysicle na lng tayo, mahirap ang parking doon.""Ganoon ba? Sabihan mo na si Al.""Sige.""Ay, huwag na kayong magdala ng bag, ilagay niyo na lang sa bulsa ang pera niyo." sabi ng mama ni Meg."Bakit naman po?""Maraming tao roon, hindi mo alam, baka may mandurukot doon, nawalan pa kayo." sabi ng mama ni Meg."Oo nga pala, para mas safe, sa sapatos na lang ni Al natin ilagay ang pera." sabi ni Meg."Pwede rin nga." sang-ayon ni Al."Baka naman hindi yan tanggapin sa bayan?" sabi ko."Bakiy naman?" tanong ni Al."Baka wala ng tao ang pera, umalis na at hindi kinaya ang amoy ng paa ni Al." biro ko."Yan ang gusto ko sayo eh, mapang-asar ka. Patulan na kaya kia diyan?!" biro ni Al."Shhh...shhh... relax, baby. Relax." sabi ni Meg. Hinahaplos nito ang dibdib ni Al na parang naghaplos sa pusa."Hala, lumar
Maxine's POV"What the hell?!! Paano nagawa ni Ivan sayo yon, hindi tama yon!" sabi ni Megan."Hindi ko din alam. Siguro talaga lang na hindi niya ako mahal. Nagkamali ako ng inisip kong kaya niyang magbago." sabi ko."Stop it, Max. He doesn't deserve your tears." sabi ni Meg at niyakap ako. "Paanonna ngayon ang kasal niyo?""Mabuti na lang at nalaman ko agad ang relasyon nila bago pa kami makapag-pakasal. Wala akong pagsisisihan." sabi ko."Hayaan na muna natin sila. Ang kailangan mo ngayon ay magpahinga, at ng ma-relax ang puso at isip mo.""Saan naman kaya tayo pwede pumunta? Hindi ko pa kasi talaga kayang harapin si Ivan ngayon.""Umuwi muna tayo sa probinsya. Mas sariwa ang hangin doon at mas makakapag-isip ka kung anong dapat mong gawin." sabi ni Megan."Mabuti pa nga siguro. Mag-empake na tayo para hindi tayo abutan ni Ivan." "Tama ka diyan. Huwag ka ng magdala ng maraming damit, pahihiramin na lang kita pagdating sa bahay.""Sige, salamat."TOK...TOK...TOK..."Ako ng magbubuk
Narrator's POV"Good morning, iha."Good morning din po.""Kumusta naman ang preparations niyo ara sa kasal? Wala kasing kinukwento sa akin si Ivan.""Maayos naman po, may nakuha na po siyang caterer, nagpapagawa na rin po kami ng invitations.""Ganoon ba? May mga ninong at ninang na ba kayong nakuha?""Opo, pati po mga abay. Kumpleto na po. Wedding gown at singsing na lang po ang wala.""Ganoon ba? Gusto mo bang papuntahin ko dto sa bahay ang designer ko para masukatan ka na?""Naku, lola, huwag na po, wala po akong budget para sa mamahaling wedding gown, eh.""Ako ng bahala. Regalo ko na sa inyo ng apo ko.""Naku, salamat po, lola. The best talaga po kayo." sabi ni Maxine at niyakap ang matanda."Walang anuman, iha. Magaan ang loob ko sayo dahil mabait kang bata, kaya dapat lang sayo ang mabigyan ng magandang wedding gown.""Salamat po talaga, lola Marga. Si Ivan nga pala po?""Nasa kwarto niya, tulog pa ata, gusto mo bang ipatawag ko?'" Hindi na po, ako na lang po ang aakyat, kung
“Naintindihan nya ba yung sinabi ko kanina?” wala sa sarili nyang tanong.“Sino kausap mo? Naintindihan ang alin?”Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nya nang marinig ang boses ng kanyang kapatid na lalaki habang nag lalakad palapit sa kanya.“Where did you get that?” tanong nya rin na ang tinut
“What do you need?” tanong ni Steve nang hindi tumitingin sa kanya.Nakaupo ito sa study table at may kung anong ginagawa. Tanging ang lamp lang sa study table nito nakabukas.“Why are you still awake?” Van ask.“Finishing my assignment. Get out and close the door. You disturb me.”Hindi na nagulat
Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya. "P-po? Day off ko po, kaya okay lang naman po siguro na ma-late ako ngayo--""It's already 12:20am. It's not your day off anymore," putol na sabi niya sa akin kaya bigla naman akong napatingin sa aking relos at oo nga, alas dose na ng umag
Alas sais ng umaga palang ay umalis na ako sa bahay para naman ay masulit ko ang araw ko na ito, pumara na ako ng taxi na dumaan sa labas. Nakasuot lang ako ng turtle neck na fitted shirt at pinaresan ko ng loose pants at puting sneakers. Habang dala ko ang aking maliit na bag. Day off ko ngayon k












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak