Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo

Huwag Po, Sir! Baka Mahuli Tayo

By:  Hare RaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
50Chapters
18views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pinilit si Olivia na mamuhay bilang isang maybahay dahil pinagbawalan siya ng kanyang asawa na magtrabaho, iginiit na ang mga babaeng asawa ay dapat manatili lamang sa bahay. Hanggang sa isang biglaang pagbisita ang bumago ng lahat. Sa isang simpleng pagkikita, walang kamalay-malay na nahulog siya sa bitag ng isang Heath Madrigal—ang makapangyarihan at mapanganib na boss ng kanyang asawa. Isang sulyap. Isang mabilis na tensyon. Isang alok na trabaho ang naging susi sa kanyang kalayaan… o sa kapahamakan. Habang unti-unti siyang nahuhulog sa isang bawal na relasyon, ang kanyang asawa nama’y piniling pumikit kapalit ng ambisyon. Sa pagitan ng tama at tukso, hanggang saan sila dadalhin ng lihim na larong ito?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

*BLAAG!*

"Trabaho! Trabaho! 'Yan na lang ang inirereklamo mo araw-araw!" bulyaw ni Jasper sa kanyang asawang si Olivia.

Padabog niyang ibinagsak ang kamay sa hapag-kainan nang sobrang lakas kaya nayanig ang mga plato, mangkok, at baso. Tuwing umaga na lang, ito ang palaging pinagtatalunan nila. Sawang-sawa na siyang marinig ang kagustuhan nitong magtrabaho, gayong higit pa sa sapat ang ibinibigay niya rito.

"Pero nabo-bore na ako dito sa bahay, babe," mahinang sagot ni Olivia.

At gaya ng dati, iyon pa rin ang dahilan nito. Pagkabagot.

"Hindi mo kailangang magtrabaho! Ang tungkulin ng asawang babae ay manatili sa bahay at asikasuhin ang mga gawaing-bahay!" sigaw ni Jasper, lalong tumataas ang boses sa galit.

"Pero—"

"Aalis na ako!" putol ni Jasper sa kanya sabay hablot ng kanyang bag. Mabilis itong lumabas at humarurot palayo nang walang ibang salita.

Hindi man lang nito ginalaw ang breakfast na inihanda ni Olivia.

Nakatayo lang doon si Olivia, tulala sa mga alikabok na naiwan ng sasakyan ng asawa. Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa pagkaing hindi man lang nabawasan sa mesa.

Isang malalim na buntonghininga ang kumawala sa kanyang mga labi.

Gumapang ang pagsisisi sa kanyang dibdib. Hindi na sana niya binanggit ulit ang kagustuhang bumalik sa pagtatrabaho.

Dalawang taon ang nakalipas, isa siyang marketing supervisor sa isang kumpanya. Pero matapos ikasal, nagbitiw siya sa pwesto dahil sa request ng asawa.

Noong una, nasiyahan siya sa pagiging housewife. Payapa naman ito... simple.

Pero habang tumatagal, ang pagkabagot ay naging nakakasakal na sa leeg.

Ang mas malala, hindi siya binibigyan ni Jasper ng space para sa kanyang sarili. Hindi siya pinapayagang mag-ayos o mag-alaga sa sarili, kahit ang simpleng pagpunta sa salon o pag-inom ng kape nang mag-isa ay bawal.

Tuwing aksidente niyang nakakasalubong ang mga lumang kaibigan niya, buong pagmamalaki nilang naikukuwento ang kani-kanilang career at success sa buhay.

At siya?

Si Olivia ay isang college graduate, nasa kalagitnaan pa lang ng kanyang mid-twenties. Matapos maka-graduate, isang taon lang siyang nagtrabaho bago ikinasal sa isang Jasper Araneta.

Ngayon, pakiramdam niya ay lalo siyang nag-iisa.

Lalo na’t magdadalawang taon na ang marriage nila, pero wala pa rin silang anak.

Marahil... marahil kung magkakaanak sila, mababawasan ang puwang sa kanyang puso.

"Laging nasa huli ang pagsisisi... dapat pala ay ipinagpatuloy ko na lang ang career ko," bulong ni Olivia.

Bumagsak siya sa sofa at binuksan ang TV, ang dati na niyang paraan para magpatay ng oras sa bahay.

*Ring! Ring!*

Malakas na tumunog ang cellphone niya sa mesa, para bang nagpipilit na sagutin.

Tamad na inabot ito ni Olivia at ini-swipe ang berdeng icon. Sinilip niya ang screen. Ang asawa niya pala ito.

"O, babe," walang ganang sagot niya.

"Nasaan ka?" tanong ni Jasper.

"Nasa bahay."

"Mamayang gabi, pupunta sa bahay si Mr. Madrigal. Maghanda ka ng masarap na pagkain at siguraduhing malinis at maayos ang bahay. Huwag kang magtamad-tamaran diyan, Oli!"

Ganoon si Jasper. Bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay parang utos. Para sa lalaki, si Olivia ay walang iba kundi isang katulong lamang sa bahay.

Noong hindi pa sila kasal, malambing at mapagpasensya ito.

Pero ngayon... ibang-iba na ang pinakasalan niya.

Para kay Jasper, ang mabuting asawa ay magaling sa kusina, sa banyo, at sa kama… wala ni katiting na reklamo.

"Olivia, naririnig mo ba ako?" tanong ni Jasper nang hindi siya sumagot.

"Bakit pupunta rito ang boss mo?" maingat na tanong ni Olivia.

"Gawin mo na lang ang sinabi ko. Huwag ka nang maraming tanong! At tandaan mo ito. Huwag mo akong ipapahiya!"

*Tut!*

Biglang naputol ang tawag.

Napatingin si Olivia sa orasan sa dingding. Alas-dos na ng hapon.

Kailangan na niyang magsimulang maglinis at magluto.

Maya-maya pa ay nasa kusina na siya, naghahanda ng mga ingredients para sa isang special dinner. Dahil darating ang boss ng kanyang asawa, kailangan niyang magluto ng higit sa nakasanayan niya.

Buti na lang at may sapat na ingredients sa ref, kaya hindi na niya kailangang lumabas pa para mamalengke.

Hindi nagtagal, namuo na ang butil ng pawis sa kanyang noo, pero hindi na niya ito napansin.

Matapos magluto, suot pa rin ang kanyang manipis na puting daster, lumipat naman siya sa paglilinis ng bawat sulok ng bahay.

"Kasi naman... bakit bigla-bigla na lang may bisita?" bulong niya, medyo naiinis habang pinapalitan ang mantel ng mesa. "Akala ba ni Jasper ganoon kadaling ihanda ang lahat ng ito? Alas-singko na pala..." patuloy niya, kinakausap ang sarili.

Pinunasan niya ang pawisang mukha ng tissue.

*Ding dong. Ding dong*

Tumunog ang doorbell bago pa man niya matapos ang kanyang ginagawa.

"Mukhang dumating na ang parcel ko ah," ani Olivia na may munting ngiti.

Nag-order siya ng mga skincare products dalawang araw na ang nakalipas. Siguradong iyon na iyon!

Ang pag-aalaga niya sa sarili ay limitado na lang sa simpleng skincare.

Pagpunta sa salon? Kakailanganin pa noon ng permiso ng kanyang asawa, isang bagay na hindi na niya magawang itanong pa.

"Sandali lang!" sigaw niya, habang pinupunasan ang kamay gamit ang kanyang daster. Kaswal niyang isinampay ang isang basahan sa kanyang balikat bago iniwan ang kanyang mga gawain.

Magaan at halos nagmamadaling naglakad si Olivia patungo sa pinto.

Ang pagbubukas ng mga parcel ay naging isa sa kanyang iilang munting kaligayahan sa bahay.

*Click*

Binuksan niya ang pinto.

At napatigil siya.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.

Ang nakatayo sa harap niya ay hindi isang courier...

Kundi isang maayos na nakadamit, may edad na lalaki na may awtoridad at karismatikong presensya.

Tumigil ang paghinga ni Olivia.

Ang boss ng kanyang asawa.

Akala niya mamayang gabi pa ito dadating?

"S-sir..." nauutal na wika ni Olivia sa kaba.

Nakatayo ang isang Heath Madrigal sa pintuan, ang tingin ay nakapako sa kanya; matalim, ni hindi nakurap, at hindi mabasa ang iniisip.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
50 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status