LOGINPagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.
Ang matatalim nitong abuhing mga mata na tila tumatagos sa kaluluwa niya, kaparehong-kapareho ng sa kanyang anak na babae. Ngunit ang mga mata ni Caleb ay puno ng hinanakit, na para bang galit ito sa kanya dahil sa isang bagay na hindi niya alam. Galit kaya ito dahil umalis siya pagkatapos ng gabing ‘yon? O may iba pa itong ikinagagalit? If it was the latter, then she could only imagine how mad at her he'd be when he found out she had a child for him. Kinuha ni Samantha ang cellphone at binuksan ang gallery. Napahinto siya sa isang litrato ng kanyang anak. Parehong abuhing mga mata. Parehong seryosong ekspresyon kapag may iniisip. Hindi niya mapigilang mapangiti. Kamukhang-kamukha si Zia ng ama nito. Maging ang ugali ay tila namana rin kay Caleb, kahit ngayon lang niya muling nakita ang lalaki. Sapat na ang ipinakita nito sa opisina kanina para malaman niya ang totoo. “Okay, magsalita ka na. Kanina ka pa tulala simula nang uwi ka.” Biglang bumagsak si Sophia sa tabi niya, at winasak ang katahimikan habang masusi siyang pinagmamasdan. Nag-atubili si Samantha habang nakatitig sa usok na umiikot mula sa kanyang tasa. Pagkatapos ay mahina siyang nagsalita. “Sophie... nakita ko siya kanina.” Sophia blinked, confused. “Siya? Sino?” Tumingala si Samantha. Kita sa kanyang mga mata ang takot. “Ang lalaking nakilala ko anim na taon ang nakalipas. Ang ama ng anak ko.” Halos mabitawan ni Sophia ang hawak nitong cellphone. “You what?” halos mapasigaw ito habang mabilis na umayos ng upo. “Sandali, seryoso ka ba?” Nang makita nito ang seryosong mukha ni Samantha, agad nitong naunawaan na hindi siya nagbibiro. Dahan-dahang tumango si Samantha. “Pumasok siya sa audition room... at hindi ako makapaniwala sa nakita. Noong una, hindi ko siya nakilala dahil hindi ko naman nakita nang maayos ang mukha niya noong gabing ‘yon. Pero ang pagkakahawig niya kay Zia..” Samantha exhaled shakily. “It was too strong to ignore.” Bahagyang umawang ang bibig ni Sophia habang pilit pinoproseso ang narinig. “Holy crap! Are you sure, Sam?” “I'm not even guessing this, Sophie. You wouldn't believe he confronted me! Nakilala niya ako agad!” Samantha took a sharp breath, her grip on the mug tightening. Napasinghap ito at napatakip sa sariling bibig. This was getting more interesting than she thought. Sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan nila bago marahang hinawakan ni Sophia ang braso ni Samantha. “Naku, Sam! Hindi pa rin ako makapaniwalang nagkita kayo.” Sophia shook her head in disbelief. “Pero hindi naman imposible ‘yon. Nasa Pilipinas ka na.” Not like Samantha was never going to find Zia’s father though. Pero napakabilis ng lahat. Unang araw pa lamang ni Samantha sa pag-aapply ng trabaho, natagpuan na agad niya ang ama ng kanyang anak. At higit pa roon, ito pa mismo ang may-ari ng ahensyang pinag-applyan niya. “Okay, pero sandali muna. Natanggap ka ba sa trabaho?” tanong ni Sophia habang pansamantalang iniiwas ang usapan sa mas komplikadong paksa. Nag-atubili si Samantha bago bahagyang tumango. “Oo... sabi nila magsisimula na ako next week.” Tumayo si Sophia at napasigaw sa tuwa. “Sam! Ang galing! Pangarap mo ‘to! Ang pangalawang pagkakataon na hinihintay mo. Napakalaking bagay nito!” Punong-puno ng saya ang mukha nito para sa kanya. Ngunit hindi ‘yon naramdaman ni Samantha. “Hindi ko tatanggapin,” mahinang sabi ni Samantha bago sumimsim sa malamig na niyang tsaa. Natigilan si Sophia. Unti-unting nawala ang ngiti nito. “Ano?” “I can't do it, Sophia. Not after seeing him. Masyadong malaki ang nakataya.” Malalim siyang huminga. “Paano kung malaman niya ang tungkol kay Zia?” Napapikit siya sandali bago nagpatuloy. “I mean, he's already so mad at me for running away that day, leaving him no trace. Sa tingin mo, ano ang mangyayari kapag nalaman niyang may anak pala siyang itinago ko ng ilang taong?” Nakatitig si Sophia kay Samantha habang malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso. “Sam... handa ka talagang talikuran ulit ang pangarap mo? Dahil lang sa iniisip mong galit siya sa'yo? At bakit mo pinoproblema kung malaman niya ang tungkol kay Zia? Hindi ba dapat magandang bagay ‘yon? Tutal, ‘yon naman talaga ang matagal nang gusto ni Zia. Kaya relax ka lang, girl.” Hindi sumagot si Samantha. Dahil hindi niya alam kung saan siya mas natatakot, ang mapalapit muli kay Caleb o ang mangyayari kapag lumabas ang buong katotohanan. Sophia suddenly crossed her arms when Samantha didn't utter any word, and gave her a sharp look. Isang tinging nakakatakot. “Oh no, miss ma'am,” matigas na sabi ni Sophia. “Hindi mo tatanggihan ang trabahong ‘yan. Ang daming mong pinagdaanang hirap. Kapag tinanggihan mo ang offer na ‘yon, sinasabi ko sa'yo, gagawin kong miserable ang buhay mo,” banta nito. Seryoso at istrikto ang mukha ni Sophia. Napakurap naman si Samantha habang nakakunot-noo. “Tinatakot mo ba ako?” “Absolutely,” mabilis na sagot ni Sophia. “At ginagawa ko ito dahil mahal kita. Tawagin mo na itong tough love o pagiging nanay-nanayan. I swear, I will hunt your dreams if you walk away from this.” Napangiti nang bahagya si Samantha, ngunit nanatiling mabigat ang kanyang mga mata. “Hindi mo naiintindihan, Sophie. Gusto ko lang protektahan ang anak ko. Kanina pa lang, may mga taong nagsasabing sinusubukan kong akitin si Caleb. Alam mo ba kung ano ang mangyayari kapag nalaman nila ang buong katotohanan? Ayokong may maramdaman na para bang napilitan siya sa isang sitwasyon.” Napailing siya habang bumabalik sa isip ang masasakit na salitang narinig mula sa ibang babae. “Since when did Samantha Buenvenidez start caring about what other people say or think about her?” pabirong tanong ni Sophia. Hindi napigilan ni Samantha ang matawa. “Gosh! I can't believe how much Zia looks like her father.” Napangiti siya, ngunit bahagyang nanginig ang kanyang mga kamay. “Mommy? Whose father?” came a tiny voice. Parehong natigilan ang dalawang babae at mabilis na napalingon sa pintuan. Naroon si Zia, yakap ang stuffed bunny at nakasuot ng pajama. Antok na antok pa ang mga mata nito. Nanlaki ang mga mata ni Sophia habang tahimik nitong ibinuka ang bibig. Napalunok naman si Samantha nang maramdaman niyang parang tumalon ang puso niya hanggang lalamunan. Pinilit niyang ngumiti. “Hello, sweetie. Dapat tulog ka na.” “You said something about my dad,” sabi ni Zia habang papalapit sa kanila. Nakasimangot ito sa pagtataka habang kinukusot ang mga mata at mahigpit na niyayakap ang stuffed bunny. “Darating na ba siya?” “Oh, snap!” bulong ni Sophia. Sinubukang ibinuka ni Samantha ang kanyang bibig para sumagot. Ngunit walang salitang lumalabas."Trabaho, Enzo," putol agad ni Caleb. "Magpalit na tayo ng usapan."Napabuntong-hininga si Enzo na halatang dismayado."Fine, fine. Ruin my fun, Ice man. Such a boring ass."Sa isang iglap, nagbago ang tono ng boses nito. Still friendly, but focused and grounded, efficiently clipped"Tungkol sa gala night at fashion show ng Agency bukas. Kailangan na nating kumpirmahin ang final attendance."Bahagyang sumandal si Caleb sa headboard ng kama habang agad na inihanda ang sarili sa usaping trabaho."Status?""Maayos ang takbo ng lahat. Confirmed na ang production teams. Naka-set up na ang lighting rigs. Tapos na rin ang stage. Dumating na kagabi ang lahat ng designers. Mag-uumpisa namang mag-check in ang hair at makeup teams bandang alas-tres."Marahan lamang tumango si Caleb kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Enzo."At ang press?""Aprubado na ang media list. Na-screen na rin namin ang huling batch ng influencers na nirekomenda ng Santillan Models. Ang mga high-tier influencers lang
Ang liwanag ng umaga kinabukasan ay marahang sumilip sa pagitan ng mga kurtina, unti-unting pinapaliwanag ang silid. Humupa na ang bagyong bumuhos noong nakaraang gabi, iniwan ang paligid na malinis at payapa.Naglalakad si Caleb sa pasilyo habang may dalang dalawang tasa ng kape. Marahang umaakyat ang singaw mula sa mga takip nito. Bahagya pang basa ang kanyang buhok mula sa katatapos lamang na pagligo. White shirt clinging slightly to his chest and shoulders. A color he rarely wore.Marahan niyang itinulak ang pinto gamit ang kanyang binti at nadatnan si Samantha na mahimbing pa ring natutulog. Nakahiga ito nang patagilid, maluwag na nakabalot sa kumot na tila ba doon talaga ito nararapat. Marahang tinamaan ng sikat ng araw ang balat nito, at may ilang hibla ng buhok na nakadikit sa pisngi.Maaga silang nakauwi sa kanilang tahanan kinabukasan. Isang tahimik na ngiti ang sumilay sa labi ni Caleb habang inilalapag ang dalawang tasa ng kape sa bedside table.Hindi niya agad ginising si
"Bakit ba hindi kayo natutulog sa iisang kwarto, hmm?" pagpapatuloy ni Lola Flora. "Pareho kayong matitigas ang ulo. Dalawang taong umaasta na parang kasalanan ang maging malapit sa isa't isa. Mag-asawa na kayo, mga loko."Halos pabulong ang naging sagot ni Samantha."We're just taking things slow, Lola.”Napailing ang matanda."Wala namang masama sa dahan-dahan," sabi nito. "Pero ang magkahiwalay pa rin ng kwarto? Aba, sobra na iyan. Ang pagbubuntis ay hindi kakatok sa inyong pinto."Biglang natigilan si Caleb. He opened his mouth, then closed it again. Sinubukan niyang magsalita ulit. Ngunit wala pa rin. Damn! This old woman was driving him.Paano nga ba sila napunta sa ganitong usapan? Si Lola Flora talaga ang magiging dahilan ng maagang pagputi ng buhok niya. Ngumiti ang matanda na parang alam nitong wala nang makakatutol dito."Pakinggan mo ako," malumanay nitong sabi habang marahang pinipisil ang kamay ni Samantha. "Hindi ko sinasabing magmadali kayo. Ang sinasabi ko lang, tigil
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Lola Flora, bahagya itong napapikit nang tumama ang matinding liwanag ng mga ilaw sa silid ng ospital.Napangiwi ito at itinaas ang likod ng kamay upang takpan ang mga mata habang pilit na bumabangon, ngunit nauna na si Caleb. Marahan nitong hinawakan ang kamay ng matanda at maingat itong pinahiga muli."Lola, pakiusap," malumanay nitong sabi. "Humiga ka na lang muna. Huwag mong pilitin ang sarili mo.""C-Caleb?" mahina at nag-aalinlangang tawag ni Lola Flora na para bang hindi ito sigurado kung si Caleb nga ba ang nakikita nito."Ako ito, Lola," sagot ni Caleb habang bahagyang yumuyuko palapit at marahang hinahaplos ng hinlalaki ang likod ng kamay nito. "Nandito ako."Bahagyang ibinaling ni Lola Flora ang ulo, at nanlaki nang kaunti ang mga mata nang mapunta ang tingin kay Samantha. Isang maliit ngunit pagod na ngiti ang sumilay sa mga labi nito."Samantha..." mahina nitong sambit, na para bang sapat na ang pagbanggit sa pangalan niya para gumaan
He rubbed a hand over his face. Napailing ito at nagsimulang bumaba ng hagdan habang may kung anong mahinang binubulong sa sarili.Mabilis namang pumasok muli si Samantha sa kanyang silid, at maya-maya'y narinig ang pagbukas at pagsara ng mga drawer habang nagmamadali siyang magpalit ng damit.Huminto si Caleb sa kalagitnaan ng hagdan at napalingon sa pinto ng silid ni Samantha. May bakas ng pagkabahala sa mukha nito. Kalahati ay pagkadismaya. At ang kalahati ay isang damdaming mas malalim, mas matindi, at tahimik na nakatanim sa kaibuturan ng puso nito.Pagdating nila sa garahe, binuksan ni Caleb ang pinto ng passenger seat para kay Samantha. Kalmado at natural ang bawat galaw nito.Marahang sumara ang pinto nang makaupo si Samantha sa loob. Umupo naman si Caleb sa driver's seat at mas mahinahong isinara ang pinto kaysa sa inaasahan niya. Ilang segundo ring nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan.Walang gumagalaw at walang nagsasalita. Tanging ang mahinang liwanag mula sa dashboard
Kinuha ni Samantha ang singsing mula sa kamay ni Caleb. Habang nanginginig ang kanyang mga kamay, marahan niya itong isinuot sa sarili niyang daliri. Perpekto ang pagkakasya nito. Of course it did. Noong una pa lang, alam na ni caleb ang eksaktong sukat ng kanyang daliri. Tahimik lamang siyang pinagmamasdan nito habang ginagawa niya iyon. Marahang umaangat at bumababa ang dibdib nito na para bang nahihirapan itong huminga nang maayos. Pagkatapos ay napatingin si Samantha sa kwintas na maingat na nakalagay pa rin sa maliit na kahon. Bahagyang tumuwid si Caleb nang mapansing doon na nakatuon ang kanyang mga mata. "Let me," he murmured. Sandaling natigilan si Samantha bago dahan-dahang tumango. Lumipat si Caleb sa likuran niya. Dumampi ang mainit nitong hininga sa kanyang batok. Her pulse kicked up, wild and chaotic. Napalunok siya at sa katahimikan ng silid ay tila napakalakas ng tunog niyon. Marahang inilagay ni Caleb ang buhok ni Samantha sa isang balikat habang ang maiinit niton
“Hinay-hinay lang, ma’am,” mahinahong sabi ng bartender habang marahang hinahawakan ang kaniyang braso.Ngunit agad na inalis ni Samantha ang kamay ng lalaki.“I-i’m f-fine…” bulol niyang sagot. “Isa pa!”Mariin niyang ibinagsak ang kamao sa counter. Napataas ng kilay ang bartender. Habang hinihint
Katatapos lamang ni Samantha sa pagpirma ng ilang dokumentong kinakailangan bago umalis. Kinuha niya ang kanyang handbag at akmang lalabas na sana nang harangin siya ng isang babae.“Miss Buenvenidez?” the woman asked with a polite but tight smile.Huminto si Samantha at mahigpit na hinawakan ang k
The interview came to an end with polite smiles and scattered applause. Isa-isang lumabas ng hall ang mga aplikante, kasabay ng tunog ng kanilang mga takong sa marmol na sahig habang bumabalot sa paligid ang mahihinang bulungan.Sa labas, malapit sa parking lot, may maliit nang grupo ng mga babae n
Noong huling beses na tumapak si Samantha sa Pilipinas ay buntis, at wasak ang kanyang puso.Ngayon, muli siyang bumalik, suot ang mataas na takong, hawak ang manipis na portfolio, at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.Hindi niya halos makilala ang sariling repleksyon sa sal







