LOGINNoong huling beses na tumapak si Samantha sa Pilipinas ay buntis, at wasak ang kanyang puso.
Ngayon, muli siyang bumalik, suot ang mataas na takong, hawak ang manipis na portfolio, at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi niya halos makilala ang sariling repleksyon sa salaming pinto. Maayos ang kanyang buhok, may kaunting makeup at suot ang simpleng blazer na hiniram niya sa kaibigan. Hindi siya mukhang isang babaeng desperadong naghahanap ng pangalawang pagkakataon. Pero ‘yon mismo ang totoo. Huminga siya nang malalim bago itulak ang umiikot na pinto ng Empire Elite Management. Malamig ang loob ng gusali, hindi dahil sa air-conditioning kundi dahil sa atmosperang nagsasabing wala silang panahon para sa kahinaan at pag-aalinlangan. Habang naglalakad siya sa malawak na lobby, napansin niya ang mga lalaki at babaeng nakaayos nang elegante. Nakasuot ang mga ito ng mamahaling sapatos at mukhang sanay na sanay sa marangyang mundo ng fashion. Mas hinigpitan ni Samantha ang hawak sa kanyang bag. Anim na taon na ang lumipas mula nang huli siyang lumakad sa runway. Anim na taon na rin mula nang magsuot siya ng anumang mas elegante kaysa sa kanyang pang-araw-araw na damit na kadalasang may mga makukulay na sticker na idinidikit ng kanyang anak na si Zia. Kailangan niyang magtagumpay ngayon. Kapag pumalya siya, hindi lang ang kanyang pangarap ang mawawala. Nakasalalay rin dito ang pambayad sa renta, pagkain, at ang daycare bill na hindi pa niya nababayaran. Lumapit siya sa reception desk. Tumingala ang receptionist mula sa computer nito. Naka-red lipstick ito at may malamig na ekspresyon na agad nagpalunok kay Samantha. Mabilis nitong sinuri ang kanyang hitsura, mula ulo hanggang paa, at bahagyang natigilan sa kupas na tahi ng kanyang blazer. Awtomatikong itinuwid ni Samantha ang kanyang tindig. “Pangalan?” “Samantha Buenvenidez,” mahinahon niyang sagot. May ilang segundo itong nag-type bago muling tumingin sa kanya. “Pumunta ka sa fifteenth floor. Nando’n na ang ibang aplikante. Tatawagin ka kapag oras mo na.” “Salamat.” Hindi na sumagot ang receptionist. Ibinalik lamang nito ang tingin sa monitor at itinuro ang direksyon ng elevator. Tahimik na tumalikod si Samantha. Huminga siya nang malalim habang naglalakad papunta sa elevator. Umaalingawngaw ang tunog ng kanyang takong sa makintab na sahig. Habang naghihintay, napansin niya ang repleksyon ng isang matangkad na lalaki sa bakal na pinto ng elevator. Hindi siya nito pinansin. Narinig lamang ni Samantha ang ilang salitang binitiwan nito tungkol sa paghihigpit ng standards sa pagpili ng mga modelo. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang elevator. Mag-isa siyang pumasok. Pagdating sa ikalabinlimang palapag, tila ibang mundo ang bumungad sa kanya. Malawak at maputi. Sa dulo ng mahabang hallway ay isang malaking silid kung saan naghihintay ang iba pang aplikante. Bahagyang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi lang pala siya ang nangangarap. Puno na ang waiting area ng mga babaeng nakasuot ng masisikip na itim na damit, matataas na takong, at mga ekspresyong puno ng kumpiyansa. Doon niya lalo naramdaman ang anim na taong pagkawala sa industriyang ito. Tahimik siyang umupo sa isang sulok. Ilang aplikante ang tumingin sa kanya at sinukat siya mula ulo hanggang paa. May isang babaeng napangisi pa habang may ibinulong sa katabi nito. Nagkatawanan ang dalawa. Napailing si Samantha. Hindi niya papatulan. Mas marami na siyang pinagdaanan kaysa rito. Nanganak siyang mag-isa. Hinarap niya ang paulit-ulit na pagtanggi ng buhay. Nakipaglaban siya araw-araw para mabuhay. Kaya niyang lampasan ito. Ginagawa niya ito para kay Zia. Lumipas ang sampung minuto. Pagkatapos ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad na babae na may hawak na iPad. “Ladies and gentlemen,” matalas nitong sabi. “Mr. Santillan will be joining us shortly. He’ll make his selection himself. Please be ready.” Agad na nagkaroon ng bulungan sa silid. May mga napasinghap. May mga nag-ayos ng buhok. “Si Caleb Santillan mismo?” bulong ng isa. “Oh my God!” Napakunot ang noo ni Samantha. Mr. Santillan? Parang pamilyar ang pangalang ‘yon. Marahil ay nabasa niya ito sa mga business magazine o nakita sa mga billboard. Isa sa pinakamakapangyarihang tao sa industriya ng fashion. Ngunit wala siyang pakialam kung sino man ito. Ang mahalaga sa kanya ay makuha ang trabahong ipinunta niya rito. Muling bumukas ang pinto. Narinig nilang lahat ang mahinang yabag ng mga sapatos. Pumasok ang lalaki na parang pag-aari nito ang buong mundo. At marahil ay gano’n nga. Hindi agad tumingin si Samantha. Abala siya sa pagkontrol ng kaba sa kanyang dibdib. Ngunit nang marinig niya ang boses nito, dahan-dahan siyang napatingin. At sa sandaling ‘yon, tila tumigil ang kanyang mundo. Ang lalaking nakanaig niya buong gabi. Nanlamig ang buong katawan ni Samantha. Parang mawawalan siya ng lakas sa mga tuhod. Hindi siya nananaginip. Hindi maaari. Abala si Caleb sa pakikipag-usap sa assistant nito habang isa-isang sinusuri ang mga aplikante. Ngunit nang mapunta ang mga mata nito kay Samantha, tumigil ang lahat. Naglaho ang mga bulungan at ang mga ingay sa buong silid. Tanging silang dalawa lamang ang tila natira sa mundong ‘yon. Nagkatinginan sila. At sa loob ng ilang segundo, parang huminto ang oras. Bahagyang kumunot ang noo ni Caleb. Halos hindi makahinga si Samantha. Ito nga ‘yon. Ang ama ng kanyang anak. Ang lalaking hindi na niya inakalang makikita pa. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Lalo na nang maalala niya kung gaano kalaki ang pagkakahawig ni Zia rito. Nanginig ang kanyang mga kamay. Muntik nang mahulog ang hawak niyang portfolio. Anim na taon niyang tinakasan ang nakaraan at sinubukang kalimutan ang gabing ‘yon. Ngunit ngayon, narito na naman ito sa kanyang harapan. Biglang kumurap si Caleb at bahagyang umubo, tila pinipilit alisin ang kung anumang bumalot sa isip nito. Iniwas ni Caleb ang tingin kay Samantha at muling ibinalik ang malamig nitong anyo. Ngunit bago ito tuluyang tumalikod, napansin ni Samantha ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ng lalaki. O baka naman guni-guni lamang niya ‘yon. Muling bumalik sa normal ang paligid. “Ladies and gentlemen,” malalim na boses ni Caleb ang umalingawngaw sa buong silid. “Empire Elite Management.” Nagningning ang mga mukha ng ibang aplikante. Ngunit para kay Samantha, wala ni isa sa mga ‘yon ang mahalaga. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Nagwawala ang tibok ng puso niya. At sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, muli niyang naramdaman ang takot na akala niya ay matagal na niyang nalampasan."Trabaho, Enzo," putol agad ni Caleb. "Magpalit na tayo ng usapan."Napabuntong-hininga si Enzo na halatang dismayado."Fine, fine. Ruin my fun, Ice man. Such a boring ass."Sa isang iglap, nagbago ang tono ng boses nito. Still friendly, but focused and grounded, efficiently clipped"Tungkol sa gala night at fashion show ng Agency bukas. Kailangan na nating kumpirmahin ang final attendance."Bahagyang sumandal si Caleb sa headboard ng kama habang agad na inihanda ang sarili sa usaping trabaho."Status?""Maayos ang takbo ng lahat. Confirmed na ang production teams. Naka-set up na ang lighting rigs. Tapos na rin ang stage. Dumating na kagabi ang lahat ng designers. Mag-uumpisa namang mag-check in ang hair at makeup teams bandang alas-tres."Marahan lamang tumango si Caleb kahit alam niyang hindi siya nakikita ni Enzo."At ang press?""Aprubado na ang media list. Na-screen na rin namin ang huling batch ng influencers na nirekomenda ng Santillan Models. Ang mga high-tier influencers lang
Ang liwanag ng umaga kinabukasan ay marahang sumilip sa pagitan ng mga kurtina, unti-unting pinapaliwanag ang silid. Humupa na ang bagyong bumuhos noong nakaraang gabi, iniwan ang paligid na malinis at payapa.Naglalakad si Caleb sa pasilyo habang may dalang dalawang tasa ng kape. Marahang umaakyat ang singaw mula sa mga takip nito. Bahagya pang basa ang kanyang buhok mula sa katatapos lamang na pagligo. White shirt clinging slightly to his chest and shoulders. A color he rarely wore.Marahan niyang itinulak ang pinto gamit ang kanyang binti at nadatnan si Samantha na mahimbing pa ring natutulog. Nakahiga ito nang patagilid, maluwag na nakabalot sa kumot na tila ba doon talaga ito nararapat. Marahang tinamaan ng sikat ng araw ang balat nito, at may ilang hibla ng buhok na nakadikit sa pisngi.Maaga silang nakauwi sa kanilang tahanan kinabukasan. Isang tahimik na ngiti ang sumilay sa labi ni Caleb habang inilalapag ang dalawang tasa ng kape sa bedside table.Hindi niya agad ginising si
"Bakit ba hindi kayo natutulog sa iisang kwarto, hmm?" pagpapatuloy ni Lola Flora. "Pareho kayong matitigas ang ulo. Dalawang taong umaasta na parang kasalanan ang maging malapit sa isa't isa. Mag-asawa na kayo, mga loko."Halos pabulong ang naging sagot ni Samantha."We're just taking things slow, Lola.”Napailing ang matanda."Wala namang masama sa dahan-dahan," sabi nito. "Pero ang magkahiwalay pa rin ng kwarto? Aba, sobra na iyan. Ang pagbubuntis ay hindi kakatok sa inyong pinto."Biglang natigilan si Caleb. He opened his mouth, then closed it again. Sinubukan niyang magsalita ulit. Ngunit wala pa rin. Damn! This old woman was driving him.Paano nga ba sila napunta sa ganitong usapan? Si Lola Flora talaga ang magiging dahilan ng maagang pagputi ng buhok niya. Ngumiti ang matanda na parang alam nitong wala nang makakatutol dito."Pakinggan mo ako," malumanay nitong sabi habang marahang pinipisil ang kamay ni Samantha. "Hindi ko sinasabing magmadali kayo. Ang sinasabi ko lang, tigil
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Lola Flora, bahagya itong napapikit nang tumama ang matinding liwanag ng mga ilaw sa silid ng ospital.Napangiwi ito at itinaas ang likod ng kamay upang takpan ang mga mata habang pilit na bumabangon, ngunit nauna na si Caleb. Marahan nitong hinawakan ang kamay ng matanda at maingat itong pinahiga muli."Lola, pakiusap," malumanay nitong sabi. "Humiga ka na lang muna. Huwag mong pilitin ang sarili mo.""C-Caleb?" mahina at nag-aalinlangang tawag ni Lola Flora na para bang hindi ito sigurado kung si Caleb nga ba ang nakikita nito."Ako ito, Lola," sagot ni Caleb habang bahagyang yumuyuko palapit at marahang hinahaplos ng hinlalaki ang likod ng kamay nito. "Nandito ako."Bahagyang ibinaling ni Lola Flora ang ulo, at nanlaki nang kaunti ang mga mata nang mapunta ang tingin kay Samantha. Isang maliit ngunit pagod na ngiti ang sumilay sa mga labi nito."Samantha..." mahina nitong sambit, na para bang sapat na ang pagbanggit sa pangalan niya para gumaan
He rubbed a hand over his face. Napailing ito at nagsimulang bumaba ng hagdan habang may kung anong mahinang binubulong sa sarili.Mabilis namang pumasok muli si Samantha sa kanyang silid, at maya-maya'y narinig ang pagbukas at pagsara ng mga drawer habang nagmamadali siyang magpalit ng damit.Huminto si Caleb sa kalagitnaan ng hagdan at napalingon sa pinto ng silid ni Samantha. May bakas ng pagkabahala sa mukha nito. Kalahati ay pagkadismaya. At ang kalahati ay isang damdaming mas malalim, mas matindi, at tahimik na nakatanim sa kaibuturan ng puso nito.Pagdating nila sa garahe, binuksan ni Caleb ang pinto ng passenger seat para kay Samantha. Kalmado at natural ang bawat galaw nito.Marahang sumara ang pinto nang makaupo si Samantha sa loob. Umupo naman si Caleb sa driver's seat at mas mahinahong isinara ang pinto kaysa sa inaasahan niya. Ilang segundo ring nanatiling tahimik ang loob ng sasakyan.Walang gumagalaw at walang nagsasalita. Tanging ang mahinang liwanag mula sa dashboard
Kinuha ni Samantha ang singsing mula sa kamay ni Caleb. Habang nanginginig ang kanyang mga kamay, marahan niya itong isinuot sa sarili niyang daliri. Perpekto ang pagkakasya nito. Of course it did. Noong una pa lang, alam na ni caleb ang eksaktong sukat ng kanyang daliri. Tahimik lamang siyang pinagmamasdan nito habang ginagawa niya iyon. Marahang umaangat at bumababa ang dibdib nito na para bang nahihirapan itong huminga nang maayos. Pagkatapos ay napatingin si Samantha sa kwintas na maingat na nakalagay pa rin sa maliit na kahon. Bahagyang tumuwid si Caleb nang mapansing doon na nakatuon ang kanyang mga mata. "Let me," he murmured. Sandaling natigilan si Samantha bago dahan-dahang tumango. Lumipat si Caleb sa likuran niya. Dumampi ang mainit nitong hininga sa kanyang batok. Her pulse kicked up, wild and chaotic. Napalunok siya at sa katahimikan ng silid ay tila napakalakas ng tunog niyon. Marahang inilagay ni Caleb ang buhok ni Samantha sa isang balikat habang ang maiinit niton
Pagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.Ang matatali
Katatapos lamang ni Samantha sa pagpirma ng ilang dokumentong kinakailangan bago umalis. Kinuha niya ang kanyang handbag at akmang lalabas na sana nang harangin siya ng isang babae.“Miss Buenvenidez?” the woman asked with a polite but tight smile.Huminto si Samantha at mahigpit na hinawakan ang k
The interview came to an end with polite smiles and scattered applause. Isa-isang lumabas ng hall ang mga aplikante, kasabay ng tunog ng kanilang mga takong sa marmol na sahig habang bumabalot sa paligid ang mahihinang bulungan.Sa labas, malapit sa parking lot, may maliit nang grupo ng mga babae n
“Hinay-hinay lang, ma’am,” mahinahong sabi ng bartender habang marahang hinahawakan ang kaniyang braso.Ngunit agad na inalis ni Samantha ang kamay ng lalaki.“I-i’m f-fine…” bulol niyang sagot. “Isa pa!”Mariin niyang ibinagsak ang kamao sa counter. Napataas ng kilay ang bartender. Habang hinihint







