INIT NG KASALANAN

INIT NG KASALANAN

last updateLast Updated : 2026-05-13
By:  MireyaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
147views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa mundong puno ng kapangyarihan, pera, at lihim, napasok si Eury sa isang relasyong hindi niya sigurado kung totoo ba o isang obligasyon lamang. Bilang fiancée ni Sevi isang lalaking laging abala at tila may sariling mundong ginagalawan unti-unti niyang nararamdaman ang distansya sa pagitan nila. Ngunit mas lalo pang gumulo ang lahat nang makilala niya si Lucien, ang nakatatandang kapatid ni Sevi isang lalaking malamig, mapanghamon, at punong-puno ng misteryong hindi niya maintindihan. Isang gabi ang naging simula ng tensyon na hindi na nila kayang takasan. Sa bawat titig, bawat salita, at bawat paglapit, may apoy na unti-unting naglalagablab isang bagay na parehong ipinagbabawal at hindi maipaliwanag. Habang pilit pinanghahawakan ni Eury ang kanyang papel bilang fiancée, patuloy namang sinusubok ni Lucien ang kanyang mga hangganan. Sa gitna ng mga lihim na unti-unting nabubunyag, mapipilitan si Eury na harapin ang isang tanong susundin ba niya ang tama, o ang nararamdaman niyang mali pero totoo? Dahil sa larong ito ng puso at kapangyarihan, walang kasiguraduhan kung sino ang mananalo at kung sino ang tuluyang mawawasak.

View More

Chapter 1

SIMULA

I’m on my way home from work, hindi ako sinundo ni Sevi as always. He has a lot of excuses—meetings, calls, things that always seem more important than me.

Sanay na ako.

Or at least, iyon ang gusto kong paniwalaan sa sarili ko.

Mahigpit kong hinawakan ang manibela habang nagmamaneho ako papunta sa bahay ni Sevi, hindi naman nagtagal nakarating agad ako. Malawak, tahimik, at parang laging may kulang. Parang bahay na hindi marunong tumibok.

Pagpasok ko, sinalubong ako ng malamig na hangin at mas malamig na katahimikan.

“Ma’am Eury, good evening,” bati ng kasambahay.

“Good evening,” mahina kong sagot, pilit na ngumiti. “Is Sebastian home?”

Bahagya siyang nag-alangan bago sumagot. “Wala pa po, ma’am. May meeting pa raw po.”

Of course.

“ Si Tito at Tita nasa loob naba?” tanong ko.

Umiling siya. “ Wala pa po, ma'am.” sagot niya

“ Eh, sila mommy?”

“ Wala pa rin po.” sagot niya ulit.

It's past 6:30 pm pero wala pa rin sila sabi nila we will be having a dinner here, tonight.

Hindi na ako nagtanong pa ulit. Tumango na lang ako at dumiretso sa hagdan. Bawat hakbang ko paakyat, pakiramdam ko mas lalo lang bumibigat ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung dahil pagod ako… o dahil sa paulit-ulit na pakiramdam na ako lang ang nandito sa relasyong ‘to.

Pagdating ko sa kwarto, agad kong hinubad ang heels ko at hinayaan ang sarili kong mapaupo sa gilid ng kama. Tahimik. Sobrang tahimik.

Hanggang sa—

“You came home alone. He didn't fetch you?”

Napapikit ako sandali bago dahan-dahang tumingin sa direksyon ng boses.

Nakatayo siya sa may pintuan. Nakapulupot ang dilim sa kanya, pero hindi natatakpan ang pamilyar na titig na para bang diretso akong hinuhubaran ng mga lihim ko.

Lucien.

Hindi ko inintindi ang sinabi niya. “Hindi kaba marunong kumatok?” malamig kong tanong, pilit na pinapantay ang boses ko.

Bahagya siyang ngumiti. Hindi masaya. Hindi rin biro.

“If I knock,” dahan-dahan siyang naglakad papasok, “you'll be pretending that you're okay.”

Humigpit ang hawak ko sa bedsheet. “I am okay.”

“Liar.”

Isang salita lang, pero parang may kung anong kumalas sa loob ko.

Tumigil siya sa harap ko, sapat ang lapit para maramdaman ko ang init ng katawan niya… at sapat din para maalala ko kung gaano ito ka-mali.

“ Bakit ka ba nandito?” kinakabahan kong tanong ng makalapit na siya sa akin.

“ Why not? I'm visiting my brother….” sabi niya. “ My brother's fiancee.”

Halos lumabas ang mata ko dahil sa sinabi niya. He's crazy.

“For God sake, Lucien. Sevi is your brother.” paalala ko, halos pabulong.

“I know.” sagot niya agad, walang pag-aalinlangan.

Napalunok ako.

“Stop it already, kalimutan na natin yung nangyari.” dagdag ko, pero mas mahina na ang boses ko ngayon. Mas hindi sigurado.

Bahagya siyang yumuko, sapat para magtama ang mga mata namin.

“Like what?” bulong niya.

Hindi ako nakasagot.

Dahil alam ko ang sagot.

At alam ko rin na hindi ko kayang sabihin.

Huminga siya nang malalim, saka bahagyang ngumiti yung tipong alam niyang may laban na siya kahit hindi pa nagsisimula.

“He had you first…” marahan niyang sabi, halos pabulong sa pagitan naming dalawa.

Napalunok ako habang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.

“But you don’t look at him the way you look at me.”

Parang biglang uminit ang hangin sa pagitan namin.

“Lucien…Stop it.” babala ko, pero mahina. Halos pakiusap na.

Hindi siya umatras.

Sa halip, mas lalo siyang lumapit.

“Tell me I’m wrong, Eury.”

Hindi ako sumagot.

Kasi sa totoo lang…hindi ko na alam kung saan nagsisimula ang mali at kung saan ako tuluyang nadadala ng init na pilit kong tinatakasan.

Humigpit ang kapit ko sa bedsheet habang dahan-dahang umaakyat ang tingin ko sa kanya.

Napakalapit na niya.

Sobrang lapit na halos maghalo na ang hininga namin.

“Say something,” bulong niya, mas mababa, mas delikado.

Napapikit ako sandali, pilit kinokontrol ang sarili ko. “You’re wrong.”

Pero kahit ako, hindi ko pinaniwalaan ang sarili kong sinabi.

Narinig ko ang mahina niyang tawa hindi masaya, hindi rin galit. Para bang alam na alam niya kung gaano ako kadaling basahin.

“Look at me and say that again.”

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

At doon ko nakita.

Yung titig niya diretso, mabigat, parang may hinihinging sagot na hindi ko kayang ibigay.

“You’re wrong,” ulit ko, pero mas mahina na.

Mas matigas.

Pero hindi sigurado.

Saglit siyang natahimik. Pinagmasdan niya lang ako, parang may kung anong binabasa sa mukha ko na hindi ko maitago.

Hanggang sa marahan niyang itinaas ang kamay niya.

Natigilan ako.

Hindi ako gumalaw.

Hindi ako umiwas.

Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa mukha ko… hanggang sa maramdaman ko ang dulo ng mga daliri niya sa baba ko.

Mainit.

Napakainit.

Para bang isang simpleng haplos lang, pero diretso sa dibdib ko ang tama.

“Then why are you shaking?” mahina niyang tanong.

Doon ko lang napansin.

Tama siya.

Bahagya akong nanginginig.

Hindi dahil sa takot.

Kundi dahil sa kanya.

“Stop,” bulong ko ulit, pero hindi ko na alam kung para sa kanya ba ‘yon… o para sa sarili ko.

Hindi niya ako pinakinggan.

Sa halip, mas lalo niyang tinaas ang mukha ko para mapilitan akong tumingin sa kanya.

“No,” mahina niyang sagot. “You don’t get to tell me to stop when you’re the one pulling me in.”

Parang may kung anong kumawala sa dibdib ko.

“Hindi kita pinipilit,” sagot ko agad, halos pabulong, halos depensa.

“Hindi mo kailangan,” putol niya. “You just look at me like that… and you expect me to stay away?”

Napalunok ako.

Kasi totoo.

Kahit hindi ko aminin… may mga tingin akong hindi ko na kayang bawiin.

“Lucien…” banggit ko sa pangalan niya, mas maingat na ngayon.

Pero mas lalong lumalim ang tingin niya.

“Say my name again like that,” bulong niya, halos dumadampi na ang labi niya sa tenga ko, “and tell me there’s nothing between us.”

Napahigpit ang hawak ko sa damit niya nang hindi ko namamalayan.

Doon siya napatingin.

Sa kamay ko.

Sa pagkakahawak ko sa kanya.

Dahan-dahan siyang ngumiti.

“See?” mahinang sabi niya. “You don’t push me away… you pull me closer.”

Bigla kong binitawan ang damit niya na para bang napaso ako.

“This is wrong,” mabilis kong sabi, mas buo na ang boses ko this time. “Engaged ako sa kapatid mo.”

“Then why does it feel like you’re lying to yourself?” agad niyang sagot.

Natahimik ako.

At iyon ang pinakamalaking pagkakamali ko.

Dahil sa katahimikan na ‘yon, parang mas lalo lang lumakas ang loob niya.

Mas lalo siyang lumapit.

Hanggang sa wala nang espasyo sa pagitan namin.

“Tell me to leave,” bulong niya, diretso sa mata ko. “And mean it.”

Binuka ko ang bibig ko.

Handa na sana akong sabihin.

Leave.

Umalis ka.

Tama na ‘to.

Pero walang lumabas.

Kahit isang salita.

Kahit isang pagtutol.

Napapikit na lang ako, pilit iniiwas ang sarili ko sa kanya sa init niya, sa presensya niya, sa lahat ng nararamdaman ko na hindi ko dapat maramdaman.

Hanggang sa maramdaman ko ang marahan niyang paghinga malapit sa labi ko.

Hindi pa niya ako hinahawakan ulit.

Pero sapat na ang lapit.

Sapat para mawala ang kontrol ko.

“Eury…” bulong niya, mas mahinahon, pero mas mapanganib.

At doon ko tuluyang naramdaman kung gaano kadaling mawala ang lahat ng prinsipyo ko…sa isang maling hakbang lang.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status