Mag-log inMaxine's POV
Marahang kumunot ang noo ko nang unti-unting magising ang aking diwa. Naaamoy ko ang amoy ng gamot sa paligid.
"Nasa langit na ba ako?" tanong ko sa sarili.
Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at nabalot ng pagtataka nang lumingon ako sa paligid.
"N-Nasaan ako? B-Bakit parang nasa ospital ako?" nalilito kong sambit.
"Good morning, Miss. Mabuti at gising ka na."
Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang isang boses ng lalaki. Nakasuot siya ng puti at may stethoscope sa leeg.
"D-Doc, bakit ako nandito? A-Ang alam ko ay–"
Naputol ang mga bagay na aking sasabihin nang maalala kong binalak ko nga palang magpakamatay.
"Nandito ako dahil niligtas kita sa pagtatangka mo kagabi. Mabuti na lang at mabilis ako kung hindi, baka wala ka na sa mundo," sambit ng lalaking doktor.
Lumakad siya at lumapit sa akin. Sa pag-upo niya sa aking tabi, maingat niyang nilapat ang kanyang hintuturo sa ibabaw ng aking tiyan.
"Alam mo? Wala naman problema sa 'kin kung gusto mong magpatiwakal, pero huwag mo sanang idamay ang isang inosenteng bata," aniya na may diin ang bagbigkas sa mga salita.
Nagsimula akong lumuha nang mapagtanto ko ang pagiging sakim ko. Tama si Doc, walang kinalaman ang anak ko.
"Sorry, baby. I'm sorry," sunod-sunod kong wika saka niyakap ang sarili. Narinig ko naman ang buntonghininga ng doktor bago siya umayos ng upo.
"By the way, ako nga pala si Red Alegra. Ako ay isang surgeon."
"A-Ako po si Maxine Reyes," tugon ko.
"Nice to meet you, Maxine. Paano? Mauna na muna ako. Sabihin mo sa 'kin ang impormasyon ng pamilya mo para mapasundo na kita."
"S-Sir!"
Agad kong kinuha ang kanyang kamay para pigilan siya. Kumunot naman ang kanyang noo dahil sa ginawa ko.
"Huwag nyo pong tawagan ang pamilya ko. Ang totoo, sila ang dahilan kung bakit ko nagawa 'yon," pagtatapat ko.
Sandali siyang natigilan, diretsong nakatingin sa aking mukha at may halong pag-aalala. Hanggang sa maya-maya lang, ngumiti siya at tumango.
"Sige. Kung 'yan ang gusto mo, susundin ko. Pero, sandali nga. Pwede mo bang ikuwento sa 'kin ang mga nangyari? If you don't mind," aniya.
Noong una ay nagdadalawang isip pa ako na sabihin ang lahat, ngunit dahil sa pagligtas niya sa 'kin at sa pagiging mabuti niyang tao, nagsimula akong magsalita at sabihin ang lahat ng mga nangyari sa 'kin.
***
Isang oras na nakinig sa 'kin si Doc Red. Pakiramdam ko ay mas naging malapit na ako sa kanya.
Isang buntonghininga ang kanyang ginawa, saka napailing na lang sa mga kinuwento ko.
"Hindi ko lubos maisip na may ganoon klaseng pamilya pala? Imagine? Ginawa nila ang lahat ng iyon sa 'yo? Grabe! Parang wala silang puso," inis na inis niyang sambit habang nakakuyom ang kamay.
Napangiti na lang ako dahil pakiramdam ko, nailipat ko ang galit sa kanya.
"Anyway! Don't worry, Maxine. Dito ka na muna sa ospital ko. Tamang-tama at kailangan ko rin ng assistant dahil bago lang din itong ospital," nakangiti niyang pag-aalok sa akin.
Isang malaking ngiti ang sumilay sa aking labi.
"T-Talaga po, Doc? S-Salamat napakabait nyo!"
Simula nang araw na 'yon, si Red na ang tumulong sa 'kin.
***
Sa paglipas ng panahon, unti-unti akong natututo sa medisina. Nagbasa ako ng mga libro at naging ito ang libangan ko. Ngunit isang gabi, habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit sa ospital, aksidente akong napatingin sa TV. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ang naroon.
"H-Hindi ba siya ang lalaking nakasama ko sa hotel?" wika ko sa sarili habang pinanonood ang interview sa isang lalaki.
"So, Mr. Drake Hamilton. Ikaw ang tinaguriang pinakamayamang tao sa bansa ang tanong ng marami, may plano ka bang mag-asawa?" narinig kong sabi ng host sa tv show.
"Kung ganoon, mayaman pala ang ama ng batang ito," sambit ko, saka marahang hinimas ang aking tiyan.
"No! Wala akong planong magkaroon ng asawa o girlfriend. At lalong-lalong wala akong planong magkaroon ng anak. Masiyado akong abala sa trabaho at maraming bagay, I don't think I can give time to a child," malamig at walang emosyong wika ni Drake.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit naramdaman ko ang kirot sa aking puso nang marinig ito.
'Pati pala ang ama ng batang dinadala ko, masama rin ang ugali. Hindi bale, baby. Ako ang bahala sa 'yo. Poprotektahan kita.'
"Max, may problema ba?"
Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Red.
"H-Ha? Wala namang problema, Doc Red. Anyway, may gagawin pa kasi ako," nagmamadali kong sambit, saka mabilis na lumakad papasok sa medicine room.
Sa pagdating ko roon, hindi ko akalain na nasa likod ko lang pala si Doc Red.
"Max, tell me. Kilala mo ba si Drake Hamilton? Iba kasi ang tingin mo sa kanya kanina."
Natigilan ang aking kamay sa pag-aayos ng gamit nang marinig ko ang sinabi niya.
"B-Bakit mo naman naisip 'yan, doc?" sambit ko, saka mariing lumunok.
"Wala naman. Pero kung kilala mo siya, mabuting umiwas ka sa lalaking 'yon."
Mariin kong kinuyom ang aking kamay, saka tumango.
"Y-Yes, Doc Red. Alam ko naman."
Naramdaman ko ang kamay ni doc Red nang hawakan niya ang aking balikat, marahan niya akong pinaharap sa kanya saka ngumiti.
"Don't worry, Max. Ano man ang nangyari sa nakaraan ay mananatiling nakaraan," aniya na tumunaw sa aking puso.
"Tama kayo, Doc."
***
Hindi ko akalain na mabilis na lilipas ang anim na taon. Pinili kong itago ang anak ko sa publiko at hanggang ngayon, wala pa ring nakaalam kung sino ang kanyang ama.
Ngunit habang lumilipas ang araw, hindi ko maikakaila na nagiging kamukha niya ang kanyang ama.
"Nanay!"
Mabilis akong napalingon nang marinig ang maliit na tinig ng anak kong si Maki.
"Mac-mac!" sigaw ko saka kumaway sa kanya.
Lumabas siya ng gate mula sa eskwela at mabilis na yumakap sa aking bisig.
"Nanay, akala ko hindi mo na ko susunduin, eh!" may pagtatampong wika ng anak ko.
Pinindot ko nang kaunti ang matangos niyang ilong saka ngumiti.
"Bakit mo naman naisip na hindi kita susunduin, ha? Marami lang kasi akong ginawa sa ospital, anak. Pasensya ka na, ha?" natatawa kong sambit.
"Okay lang po 'yon, nanay! Ang mahalaga nandito ka na."
Marahan akong lumuhod upang magpantay ang mukha namin ni Maki.
"Oo nga pala, anak. Sa susunod na linggo, may medical service si nanay sa isang kompanya, ha? Baka si tito Red mo muna ang susundo sa 'yo. Don't worry, malapit lang naman 'yon sa bahay," sunod-sunod kong pagpapaalam sa aking anak.
Masayang tumango si Maki.
"Sige po, nanay. Magpapakabait ako kay tito Red."
"That's my boy! Oh, paano? Let's go?"
Masayang tumango ang anak ko saka kinuha ang aking kamay. Sa loob ng anim na taon, pakiramdam ko ay napuno ang buhay ko dahil sa batang ito. Ngunit hindi ko akalain na dito na pala magsisimulang magbago ang lahat.
***
"Naayos mo na ba ang lahat, Max?"
Napalingon ako sa pinto ng kuwarto nang marinig ang tinig ni Red, saka ngumiti ang aking labi.
"Oo, Red. I think nandito naman na lahat," tugon ko sa kanya, saka sinara ang zipper ng dala kong bag.
"Tatlong araw lang naman ang medical service nyo sa DH Corporation, 'di ba?"
"Yup! Don't worry, Red. Pagbubutihin ko."
Impit na natawa si Red sa aking sinabi, saka napailing. Sandali akong natigilan nang hawakan niya ang aking balikat.
"I trust you, Max. Ako lang naman ang hindi mo pinagkakatiwalaan, eh," aniya na tila may pagtatampo ang tinig.
Hindi kaila sa akin ang nararamdaman ni Red. Sa tagal naming magkasama, alam ko ang pagtingin niya sa 'kin. Pero sa loob ko, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niyang iyon.
Pilit kong ningiti ang aking labi, saka marahang inalis ang kamay niyang nakapatong sa aking balikat.
"Mala-late na ko, Red. Kailangan ko nang umalis. Ikaw na muna ang bahala kay Maki, ha?" pagbilin ko sa kanya.
Tumango naman siya at pilit na ring ngumiti, saka nilagay ang kamay sa kanyang bulsa.
"Sure! Ako na ang bahala sa kanya. Mag-iingat ka, Max."
"Thank you," tugon ko saka kinuha ang aking bag.
Sandali akong pumunta sa silid ng aking anak, saka mag-iwan ng isanv halik sa kanyang noo habang ito ay natutulog.
"Babalik agad si nanay, anak. Huwag kang magpapasaway, ha?" bulong ko sa natutulog na bata.
***
Sa pagdating ko sa DH Corporation, nagsimulang bumilis ang tibok ng aking puso.
"Gosh! Ngayon lang ako kinabahan nang ganito," sambit ko saka hinawakan ang kumakabog kong dibdib.
"Kaya mo 'yan, Max!" pagpapalakas ko sa sarili.
Pumasok ako sa loob at nagpa-assist sa receptionist. Everything went smooth at sinimulan na ang pagbibigay ng medisina sa isang conference room. Ngunit sa gitna ng pagiging abala ko, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone at agad ko itong kinuha sa bulsa.
Kumunot ang aking noo nang makita ang isang numero.
"Hello?"
"I-Is this Maxine Reyes?"
"Y-Yes po, speaking?"
Nagsimulang mabalot ng kaba ang aking puso dahil sa tinig ng taong nasa kabilang linya.
"M-Ms. Maxine, pumunta po kayo agad sa Elite Hospital. Naaksidente po ang anak nyong si Maki."
Nanlaki ang aking mga mata at bumagsak ang hawak kong cellphone. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Agad akong tumakbo at iniwan ang lahat ng aking trabaho, habang patuloy ang pagluha.
"Diyos ko! Pakiusap, 'wag nyo pong hayaang may mangyaring masama sa anak ko."
Nang makarating ako sa Elite hospital, halos hindi ko maigalaw ang aking binti nang makalapit ako sa silid kung saan naroon ang anak ko, ngunit agad akong natigilan nang hawakan ko ang doorknob.
"May masakit pa ba sa 'yo? Sigurado ka bang ayos ka na, bata?" wika ng lalaking nasa loob ng silid.
'P-Pamilyar ang boses niya.'
"Opo, kuya. Ayos na po ako. Salamat sa tulong mo," magalang na tugon naman ng anak ko.
"Sa susunod, mag-iingat ka na sa pagtawid, ha? Mabuti na lang at mabagal lang ang kotse."
"Pasensya na po."
Isang buntonghininga ang ginawa ng lalaking may mababang tinig.
"Nasaan na ba ang mommy mo? Bakit hinahayaan ka niyang mag-isa?"
Nang marinig ko ang bagay na iyon, huminga ako nang malalim saka pinihit ang doorknob at binuksan ang pinto. Ngunit sa pagbukas ko, nanlaki ang aking mga mata nang makita ang lalaking kausap ng anak ko.
Si Drake Hamilton, ang daddy ng anak kong si Maki.
Siya ang nakabubdol sa anak ko?
Maxine's POV"Nanay, ihahatid mo ba ko sa school?"Maingat kong nilagay ang notebook sa bag ni Mac-mac, saka binigay sa kanya."Oo naman, anak. Ihahatid kita," tugon ko. Marahan kong ginulo ang kanyang buhok, saka hinagkan sa noo. "Let's go?" muli kong sabi at nilahad ang kamay ko sa kanya.Nang hawakan ni Mac-mac ang kamay ko at akmang lalabas na kami sa malaking pinto, isang boses at nagpatigil sa 'min."Miss Maxine, sandali lang po. Bilin ni Mr. Hamilton na ihatid si young master sa school, sasamahan kayo ng driver," pagpigil ng mayordomo sa amin.Tinaas nita ang kanyang kamay at sumenyas sa mga tauhan na nandoon. Maya-maya lang, dumating ang kotse sa harapan ng drop-off."S-Sige, salamat," tugon ko. Ngunit bago ako tuluyang lumabas, muli akong lumingon sa kanya. "S-Si Drake, kanina pa ba siya umalis?" tanong ko sa kanya na hindi ko alam kung bakit."Yes, miss. Kanina pa po siyang umaga umalis."Bahagya akong tumango."Ganoon ba? Salamat.""By the way, Miss. Pinatatawag din kayo ni
Maxine's POV"Wala ka bang planong ipaliwanag sa 'kin ang nangyari? Bakit sumaka ka sa lalaking 'yon nang ganoon na lang?"Sandali akong natahimik nang marinig ang sinabing iyon ni Red sa kabilang linya.Kasalukuyan ko siyang kausap sa telepono dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanya kahapon."Red, I'm sorry. Nang oras kasing 'yon wala akong ibang choice kundi ang sumama. Alam mo namang hindi ko pwedeng iwan ang anak ko," tugon ko sa kanya."Alam ko 'yon, Max. Ang sa akin lang, you should have contact me soon as you get there, isang buong gabi akong nag-alala sa 'yo. Hindi mo ako masisisi dahil parang ako na rin ang tumayong guardian nyo simula nang magkita tayo, hindi ba?"Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso nang marinig ang bagay na kanyang sinabi. Tama siya, kahit ano man ang gagawin ko, kailangan nya 'yong malaman dahil sa loob ng anim na taon, siya lang ang tumulong sa 'kin."I'm sorry, Red. 'Wag kang mag-alala, sasabihin ko na lahat simula ngayon.""Sige, Max. Salamat naman
Max's POVKumunot ang aking noo nang maramdaman ang paghinto ng kotse. Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nasa byahe, ang alam ko lang, dala ng pagod ay tuluyan na akong nakatulog."Are you enjoying resting on my shoulder?"Mabilis na nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang isang malalim na tinig. Noon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako sa balikat ni Drake.Agad akong umayos at pinahiran ang kaunting laway sa aking labi."I-I'm sorry, nakatulog pala ko," sambit ko saka kagat sa ibaba ng aking labi dahil sa hiya."It's okay. Let's go, nandito na tayo," aniya saka malamig na binuksan ang pinto at lumabas mula sa kotse.Sinundan ko ang kaniyang paglakad at lumapit siya sa kabilang pinto. Binuksan niya iyon at binuhat si Mac-mac na ngayon ay mahimbing na natutulog."Papanoorin mo na lang ba ako diyan?" inis ang tinig niyang sabi."A-Ah! Oo, bababa na," tugon ko saka napangisi nang kaunti.Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong sitwasyon, ang makasama ang lalaking ito
Maxine's POVIt's been a week simula nang huling mag-usap kami ni Drake at ngayong araw, naghahanda na kami para ma-discharge si Mac-mac."Nanay, bakit parang hindi ka naman masaya na makakalabas na ko ng ospital?" malungkot na wika ni Mac-mac.Pilit akong ngumiti at hinawakan ang pisngi ng anak ko."Siyempre naman masaya ako, anak. May mga iniisip lang si nanay," tugon ko."Iniisip nyo po ba na kasalanan nyo ang nangyari? Wala kang kasalanan, nanay."Mapait akong ngumiti at marahang niyakap ang anak ko. Hinagkan ko ang kanyang noo at hindi pinahalata ang pagluha ng aking mata."Mahal kita, anak. Tandaan mo 'yan.""Mahal din kita, nanay."Maya-maya lang, bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Red."Max, sigurado ka na ba sa desisyon mong to? Bakit kailangan mong magpa-manipulate sa lalaking 'yon?" naiinis na wika ni Red."Red, please. Huwag nating pag-usapan ang bagay na 'yan sa harapan ng bata.""Pero, Max!""May problema po ba, nay?" kunot-noong tanong ni Mac-mac."Wala naman, ana
Maxine's POV"Miss Maxine, huminahon po kayo. Papunta na po rito si Sir. Drake," saad ng assistant ni Drake at pilit akong pinakakalma.Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpalakad-lakad sa loob ng kanyang opisina dahil sa labis na pagkabahala."Bakit ang tagal niya?" naiiyak ko nang sambit sa sarili. Bawat segundo ay mahalaga dahil ano mang oras, pwedeng bumigay si Mac-mac.Hanggang sa maya-maya lang, agad akong napalingon sa pinto ng opisinang iyon nang marinig ko itong bumukas.Nanlaki ang aking mga mata at kahit paano, lumuwag ang pakiramdam ko nang makita si Drake, dahilan upang magmadali akong lumakad."M-Mr. Hamilton, t-tulungan mo si Mac-mac," desperado kong wika sa kanya, wala na akong pakialam kung ano pa ang sabihin niya.Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa kanyang dibdib, saka tinapunan ng matalas na tingin. Matapos niyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya, lumakad siya patungo sa kanyang swivel chair at prenteng umupo rito."Bakit? Akala ko ba ay hindi ko
Drake's POVNagsimulang huminto ang itim na sasakyan sa tapat ng malaking mansion. Sa tapat ng aking pinto, humilera ang mga body guard ko at sinimulang buksan ang pinto kung saan ako naroon."Nandito na po tayo sa mansion ng mga Hamilton, Sir," anunsyo ng driver ko.Tumango lang ako bilang tugon at binuksan naman ng tauhan ko ang pinto. Lumabas ako mula sa kotse, saka pinalibot ang tingin sa paligid.It's been a while since I last visit here. Ito ang totoo kong bahay at dito ako lumaki, pero nang mawala ang mga magulang ko, hindi na ako umuwi dito."Apo! Sa wakas at nandito ka na!" sigaw ng isang matanda hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Siya ang lola ko."Lola, mainit dito sa labas. Bakit hindi niyo na lang ako hinintay sa loob?" kunot-noo kong tanong sa kanya, saka inalalayan ang kanyang kamay."Siyempre naman, gusto kong personal na salubungin ang apo ko. Kumusta, apo? May ipapakilala ka na bang girlfriend sa 'kin?" nakangiti at excited na wika ni lola."Hay naku! Ewan ko sa 'yo,
Maxine's POV"Cheers!"Kaliwa't kanang humahampas ang beywang ng mga taong nagsasayaw sa gitna ng dance floor. It was a wild party na hindi ko inaasahan. Ang sabi sa akin ng kapatid ko, kakain lang daw kami sa restaurant, ngunit namalayan ko na lang na nandito na ako sa isang bar at pinanonood sila
Drake's POVNakalapat ang aking mga daliri sa ibabaw ng keyboard, pero kahit lumipas na ang ilang oras, wala pa rin akong natitipang mga letra."Sir, nandito po ang proposal ng Wright Corporation. They are also asking for follow up sa nakaraang negotiations?" rinig kong wika ng aking assistant na n
Maxine's POVMabilis akong tumalikod sabay sa pagpasok ng nurse sa loob ng silid, saka muling sumara ang pinto. Mabuti na lang at hindi niya ako nakita.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntonghininga. Mabilis ang tibok ng aking puso at hindi malaman kung ano ang gagawin ko.Hindi ko p
Maxine’s POVNanlalaki ang aking mga mata habang nanginginig ang kamay sa hawak kong dokumentong hinagis sa akin ni Jake kanina. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ang mga bagay na ito.'Ang lalaking 'yon! Siya ang ama ng dinadala kong bata,' sambit ko sa sarili sabay sa paggapang ng luha sa akin







