LOGINGusto nyo bang makita sina Leon at Cacai noong Masquerade birthday party? F0ll0w nyo po ako sa Face b00k ko-- Kara Nobela. Mamaya magpop0st ulit ako ng video nila. .....Sa mga bagong readers ko, gusto ko lang pong sabihin na Day off po ang lola nyo pag weekend. 5 days per week po akong nag-uupdate at ito na po ang Friday's update ko. See you on Monday. Have a great weekend everyone!
Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ni Arah ng araw na yun. Overwhelm pero masaya ang puso niya.Sa wakas, nakilala niya na rin niya sa ang real-life hero at matalik na kaibigan ng kanyang ina. Pakiramdam niya tuloy ay nagkaroon siyang bigla ng pangalawang ina.At higit sa lahat mas nakilala pa niya ng husto si Renz. At mas lalo pa niya itong minahal dahil sa kanyang mga natuklasan.Kaya naman yung matinding iyak niya kanina, napalitan na ngayon ng umaapaw na saya. At habang nasa biyahe sila para ihatid sa mansyon si Manang Lourdes ay magkahawak ang kamay nila na animoy mag-aabroad ito at matagal na ulit bago sila muling magkita.“Babe, wag kang mag-alala. Hindi naman ito ang huli nyong pagkikita.” natatawang sabi ni Renz dahil narinig niya ang malungkot na pamamalaam ni Arah nang pumarada sila sa tapat ng mansion ni Leon.“Pwede mo naman siyang dalawin dito n or ako yung magdadrive kung lalabas kayo.” Napangiti si Arah at tumingin kay Manang.“Nay, promise po. Palagi kong kayong da
“Pasensya na ulit kung ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon ko lang nalaman.” mahinang wika ni Manang habang panay ang patak ng luha.Narito sila ngayon sa harap ng puntod kung saan nakahimlay si Amelia. Dito agad sila nagtungo pagkatapos nilang kumain sa restaurant. “Nakakatawa diba, anak pa ni Renato ang nagdala sa akin dito, pabalik sa yo.” mapait siyang napangiti. “Kung hindi pa ako ipinakilala sa kanya ni Renz hindi ko malalaman na tuluyan mo na nga kaming iniwan.”Samantala, nasa likod naman si Arah. Bahagya siyang lumayo para bigyan si Manang Lourdes ng espasyo. Maya maya pa ay marahan itong pumihit at humarap sa kanya. Ngumiti ito habang pinupunasan ang mga mata.Humakbang si Manang palapit kay Arah at nagsimula na silang naglakad pabalik sa sasakyan. Hindi na mabilang kung ilang beses na nagpasalamat si Arah kay Manang dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanyang ina. Napakagaan din ng loob niya dito. Magkahawak kamay sila na animoy matagal nang magkakilala at pakiramdam n
Masayang binati ni Lourdes ang tatlo nang makalapit siya bago naupo. May pagkain na doon para sa kanila ni Subas. Matik na yun. Kung sinong mas nauna sa canteen ay isasabay nang ikuha ng pagkain ang wala pa dun. Isang ugali na nakasanayan na nila sa bahay ampunan at nadala hanggang sa kanilang paglabas. Hindi na nagulat si Lourdes nang biglang lagyan ni Carlos ng pakpak ng manok ang bowl ng tinola niya. Lagi nito yung ginagawa dahil alam nitong paborito niya yun. Dati ay tumututol pa siya pero hindi na ngayon, hindi naman kasi ito nakikinig. “Salamat.” sabi ni Lourdes. Pero nagulat si Lourdes nang bigla yung tusukin ni Subas ng tinidor sabay kagat. “Bakit ka ba nang-aagaw?’ inis na sabi ni Lourdes. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Carlos kay Subas. Pero ang huli ay parang balewala lang na nagpatuloy sa pagkain. Araw araw, ganung senaryo ang nagaganap. Ibat ibang ugali, nagtatawanan, nag-aaway pero lagi pa ring magkakasama. At tila hindi pa tuluyang nakakawala sa buhay na m
Balik tanaw….Mahigpit ang hawak ni Maria sa mga librong ibabalik niya mamaya sa library. Nakasakbit naman sa isang balikat niya ang kanyang lumang backpack.Lakad takbo siya dahil tanaw na niya mula sa malayo ang inip na mukha ng mga amo niya na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng sasakyan. May service naman ang mga kasambahay na maghahatid sa kanila sa school mamaya. At doon sana niya gustong sumabay. Pero kahit ilang beses niyang sabihin kay Subas ay patuloy pa rin siya nitong hinihintay. Ayos sana yun, kaso ang problema ay early bird si Renato. Gusto nitong pumapasok lagi ng maaga.“Haaayst.., nakakahiya naman sa mahal na prinsesa. Baka po gusto mong medyo tanghaliin pa.” sarkastikong sabi ni Subas paglapit niya sa mga ito. Samantala ang nakakatanda naman nitong kapatid na si Renato ay tahimik lang na nakatayo sa gilid ng kotse at gaya ng dati ay hindi mo mababasa ang tumatakbo sa utak nito. Hindi gaya nitong si Subas na malayo pa lang ay nakangisi na at alam mong may kalokohan
“Nawindang ako sa first love mo.” sabi ni Jonas habang sabay silang naglalakad ni Arah pabalik sa bahay ng mga ito.“Good luck na lang sa kanya next time na magkita sila ng tatay mo.” Napailing na lang si Arah. Malaking problema ang ginawa ni Renz. Naalala pa niya ang mukha ng kanyang ama sa mga salitang binibitawan ni Renz kanina.“Beshie, nirerespeto ko si Tito. Pero this time, nasa ‘yo ang suporta ko kahit suwayin mo pa ang gusto niya. Nakikita kong seryoso si Renz sayo. Kasi kung hindi, tututol din ako eh. Pero wala naman akong nakikitang sign na red flag siya, except sa family background niya. Kaya sana kung anumang issue ni Tito sa kanya, hindi yun makaapekto sa relasyon niyo ni Renz.”Ngumiti si Arah sa kaibigan.“Hindi naman ako yung tipo ng anak na walang desisyon para sa sarili. Mahal ko si Dad pero pinalaki niya akong independent. Kaya nga kahit alam kong galit na galit na siya, hindi pa rin niya ako pinangungunahan sa mga desisyon ko.” aniya dahil yun naman ang totoo.Sa
Tila naubos ang pasensya ni Carlos kaya bwisit itong nagsalita. “Ano bang kalokohan ang pinag–” “Shhhh….” saway at putol sa kanya ni Renz. Itinaas pa nito ang daliri para patahimikin si Carlos. Nanlaki ang mga mata ni Carlos at nagulat sa ginawa nito. Habang si Jonas naman ay kagat labi upang hindi matawa nang malakas dahil sa nakikitang itsura ngayon ni Carlos na tila hindi makapaniwala sa kaharap. Saktong may sumagot na sa kabilang linya ng cellphone ni Renz. “Hello.” boses ni Diana. At dahil nga naka-loud speaker kaya maliwanag na naririnig yun ng lahat. “Renz, napatawag ka.” halata ang excitement sa boses ng nasa kabilang linya. “Tantanan mo na ako.” bungad ni Renz sa telepono. “What?” gulat na sambit ni Diana. “Wag ka nang umasa sakin. Hindi ko ipagpapalit si Arah sayo.” Biglang natahimik sa kabilang linya. Maging sina Arah, Luis at Carlos ay hindi agad nakapagsalita. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng binata. Hanggang sa muling magsalita si Diana..







