LOGINLeon Aragon, kilala bilang isang cold tycoon, anak ng leader ng isang sindikato at nakatakdang humalili sa posisyon ng kanyang ama. Cacai Alcantara, isang probinsiyanang lumuwas ng Maynila para makasama si Benito, ang kanyang amang kailan lang niya nakilala. Si Benito ay isang negosyanteng malaki ang pagkaka-utang sa organisasyong kinabibilangan ni Leon. Victoria, half-sister ni Cacai at ang babaeng nais pakasalan ni Leon kapalit ng mga utang ni Benito. Ngunit nang malaman ni Victoria na ipapakasal siya sa lalaking hindi niya kilala, tumakas siya bago pa man makaharap si Leon. Sa mismong araw na kukunin na sana si Victoria para sa kasunduan, si Cacai ang nadampot ng mga tauhan ni Leon. Pagdating nila sa mansyon ng lalaki, saka lang nila nalaman na maling babae pala ang kanilang nadala. Habang hindi pa nagpapakita si Victoria, walang nagawa si Cacai kundi ang mananatili sa poder ni Leon bilang bihag nito. Sa paglipas ng mga araw, magkakaroon ang dalawa ng pagkakataong makilala ang isa't isa. Pero ano nga kaya ang pwedeng mangyari kung magsama sa iisang bubong ang dalawang taong magka-ibang magka-iba ang mundo? Isang bihag na naghananap ng kalayaan... ...at isang lalaking sanay sa kapangyarihan. Charot!
View MoreKARA NOBELA
********** ♡♡♡♡ **********Mariing napapikit si Arah. Buking!“Anak ka ng…” malakas na napamura si Luis dahil sa gulat matapos nitong makita si Renz na nakalapit na pala nang hindi man lang nila namamalayan.Hindi pa nakakabawi si Arah nang muling kinatok ni Renz ang bintana. Narinig pa niyang unti-unting bumababa ang bintana. Pipigilan pa sana niya si Luis pero tuluyan na yung nakababa. Kaya lumatad sa kanya si Renz na nakatayo at diretsong tingin sa kanya.“Babain mo na. Mukhang magwawala yan kapag hindi napagbigyan.” pabulong na sabi ni Luis sa tabi niya. Kasabay nun ay ang pagclick ng door lock nang in-unlock ni Luis ang p***o.Humugot muna nang malalim na hininga si Arah bago dahan dahang bumaba. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng sasakyan ay agad nang nagsalita si Renz.“Babe, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” may pag-aalalang sabi nito.Nang makatayo ng tuwid si Arah ay sinagot niya ang tanong nito.“Marami lang akong ginawa. Hindi pa kami tapos… Kaya kung pwede, huwag mo muna akong a
Mariing napapikit si Arah. Parang alam na niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang ama na namato sa bahay nila.Kapag nakausap na niya si Renz ay pagsasabihan niya itong itigil na ang pagbato bato sa bintana ng silid niya. “Dad, bata lang siguro yun.” sabi na lang niya.Mukhang naniwala naniwala naman si Carlos at hindi na rin nito binigyang pansin tungkol dun. Maya maya ay nagpaalam na si Arah.“Dad, tatawag na lang ako maya maya. May pupuntahan lang kami ni Luis..” paalam niya.Pagkababa ng tawag ay may kinuha itong folder at nilingon si Luis.“Tara na.” aya niya sa pinsan at agad na lumabas ng presinto para magtungo sa kung saan nakapiit si William.Pagdating doon ay inilapag nila sa mesa ang folder na dala, sa harap ni William. At binuklat yun upang ipakita dito ang mga litrato ng mga wanted sa pulisya. Umaasa silang isa doon ay si Nico dahil mahalaga itong tulay patungo sa pagresolba ng kaso ni Marian na sa tingin nila ay konektabo kay Dennis Lim. Pagkatapos lang ng ilang
“Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan.” mahinang aniya pero narinig yun ng matanda.“Sandali.” anito at tumayo. Pagbalik ay may dala na itong isang litrato.“Kuha yan ni Maria noong huling dalaw niya rito. May isang dekada na.” anito bago inabot kay Arah. Matagal niya yung pinagmasdan at maya maya pa ay unti unting nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla niyang naalala yung may edad na babaeng kasama ni Cacai sa mall.“Parang ina na namin siya.” naalala p niyang sabi ni Cacai.Pati yung sinabi ng may edad na babae. “Kamukhang kamukha mo ang iyong ina.”Nasapo ni Arah ang bibig at hindi mapigilang sabihin kay Inang Lucita kung saan niya ito nakita.“Mas bata lang siMaria dito sa litrato pero sigurado akong siya yun.” pagkukwento niya kay Inang Lucita.Napatingin sa kaniya ang matanda.“Na kay Subas pala siya. Hindi naman siya nagkwento noong huling punta niya rito.” anito.Muling binalikan ni Arah ang mga photo album. Ngayon ay mas tinitigan niya ang bawat larawan. S
Pagkatapos nilang kausapin si William ay lumabas na sila ng facility. Hindi pa man sila nakakabalik sa sasakyan ay nagvibrate ang cellphone niya. Si Renz, nagtext. Nakita niyang nagpop-up ang notification kaya nabasa niya yung “I miss you.” kaya hindi na siya nag-abalang i-open ang message na yun. Naiinis pa rin siya dito. Sa halip ay dinayal niya ang phone at tumawag kay Inang Lucita na inaasahan siyang dadalaw ngayon sa bahay ampunan.“Inang, bibili lang ako ng paborito tinapayngmga bata then didiretso na ako dyan.” aniya sa telepono.“Hihintayin ka namin. Yung mga bata excited na sa pasalubong mo.” tugon ng matanda sa kabilang linya. “Sige, mag-ingat ka.”Napangiti si Arah at naiimagine na ang itsura ng mga bata pagdating niya doon na may bitbit na pasalubong.“Besh, sige kita na lang bukas.” sabi niya kay Jonas at tinungo ang kanyang dalang sasakyan.Pagkatapos ay dumiretso siya sa isang sikat na bakery at bumili ng ensaymada na maraming cheese sa ibabaw na gustong gusto ng mg
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore