INICIAR SESIÓNTila naubos ang pasensya ni Carlos kaya bwisit itong nagsalita. “Ano bang kalokohan ang pinag–” “Shhhh….” saway at putol sa kanya ni Renz. Itinaas pa nito ang daliri para patahimikin si Carlos. Nanlaki ang mga mata ni Carlos at nagulat sa ginawa nito. Habang si Jonas naman ay kagat labi upang hindi matawa nang malakas dahil sa nakikitang itsura ngayon ni Carlos na tila hindi makapaniwala sa kaharap. Saktong may sumagot na sa kabilang linya ng cellphone ni Renz. “Hello.” boses ni Diana. At dahil nga naka-loud speaker kaya maliwanag na naririnig yun ng lahat. “Renz, napatawag ka.” halata ang excitement sa boses ng nasa kabilang linya. “Tantanan mo na ako.” bungad ni Renz sa telepono. “What?” gulat na sambit ni Diana. “Wag ka nang umasa sakin. Hindi ko ipagpapalit si Arah sayo.” Biglang natahimik sa kabilang linya. Maging sina Arah, Luis at Carlos ay hindi agad nakapagsalita. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng binata. Hanggang sa muling magsalita si Diana..
Katatapos lang maghapunan nina Arah sa bahay nila. Doon din kumain si Jonas, magkapitbahay lang naman sila kaya nilalakad lang nito ang bahay nina Arah. Inabot na ito ng gabi sa pakikipag-usap kay Carlos tungkol sa kung ano ano na lang.Habang nagkukwentuhan ang mga ito, si Arah naman ay nasa kusina, naghuhugas ng kanilang pinagkainan.Kasalukuyan niyang inaanlawan ang mga hugasin nang marinig niyang nagpaalam na si Jonas.“Uwi na po ako, Uncle.”“Sige, sa susunod ipakilala mo na sa akin yung sinasabi ni Thelma na mapapangasawa mo.” wika ni Carlos.Tinawanan lang siya ni Jonas.“Uncle, bakit naman pinag-aasawa nyo na agad ako. Ang dami ko pa kayang chicks na paiiyakin.” tugon nito.Muntik na tuloy mabitawan ni Arah ang pinggan dahil sa pagtawa.Maya maya ay narinig niyang sumigaw si Jonas.“Bestfriend, uwi na ‘ko!” paalam nito, kasunod ang pagbukas at pagsara ng pinto. Maya maya ay narinig ni Arah ang boses ng ama.“O. bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?”“Wala po. May sasabihin
Nagmamadaling pumasok si Leon sa loob ng isang high-end bar matapos makatanggap ng tawag mula kay Daniel. Pagpasok ay dumiretso siya sa hallway papunta sa VIP lounge.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad si Daniel na nakaupo sa dulo ng upuan. Ngumisi agad ito nang makita si Leon. Saka inginuso ang dalawang lalaking nasa kabilang bahagi ng mesa, parehong nakayuko at may hawak na baso. Walang iba kundi si Renz at Liam.“Mga sawi.” natatawang sabi ni Daniel.“Anong nangyari?” tanong ni Leon.Nagkibit balikat si Daniel.“Maayos pa nung una ang dalawang yan. Nag-iinuman at nagkukwentuhan lang kami. Hanggang sa mauwi sa love life ang usapan. Ayan nagdrama na.” anito saka sumimsim ng alak. Muling napatingin si Leon sa dalawa. Si Liam gaya ng dati ay tahimik lang. Nakasandal sa sofa at nakapikit. Si Renz naman ay nakayuko habang nakatitig sa braso.“Hindi mo na inabot. Pero contest yang dalawa kanina kung sino ang mas kawawa sa kanila. Yung isa pinagtaguan ng asawa… Yung isa naman,
Mariing napapikit si Arah. Buking!“Anak ka ng…” malakas na napamura si Luis dahil sa gulat matapos nitong makita si Renz na nakalapit na pala nang hindi man lang nila namamalayan.Hindi pa nakakabawi si Arah nang muling kinatok ni Renz ang bintana. Narinig pa niyang unti-unting bumababa ang bintana. Pipigilan pa sana niya si Luis pero tuluyan na yung nakababa. Kaya lumatad sa kanya si Renz na nakatayo at diretsong tingin sa kanya.“Babain mo na. Mukhang magwawala yan kapag hindi napagbigyan.” pabulong na sabi ni Luis sa tabi niya. Kasabay nun ay ang pagclick ng door lock nang in-unlock ni Luis ang p***o.Humugot muna nang malalim na hininga si Arah bago dahan dahang bumaba. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng sasakyan ay agad nang nagsalita si Renz.“Babe, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” may pag-aalalang sabi nito.Nang makatayo ng tuwid si Arah ay sinagot niya ang tanong nito.“Marami lang akong ginawa. Hindi pa kami tapos… Kaya kung pwede, huwag mo muna akong a
Mariing napapikit si Arah. Parang alam na niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang ama na namato sa bahay nila.Kapag nakausap na niya si Renz ay pagsasabihan niya itong itigil na ang pagbato bato sa bintana ng silid niya. “Dad, bata lang siguro yun.” sabi na lang niya.Mukhang naniwala naniwala naman si Carlos at hindi na rin nito binigyang pansin tungkol dun. Maya maya ay nagpaalam na si Arah.“Dad, tatawag na lang ako maya maya. May pupuntahan lang kami ni Luis..” paalam niya.Pagkababa ng tawag ay may kinuha itong folder at nilingon si Luis.“Tara na.” aya niya sa pinsan at agad na lumabas ng presinto para magtungo sa kung saan nakapiit si William.Pagdating doon ay inilapag nila sa mesa ang folder na dala, sa harap ni William. At binuklat yun upang ipakita dito ang mga litrato ng mga wanted sa pulisya. Umaasa silang isa doon ay si Nico dahil mahalaga itong tulay patungo sa pagresolba ng kaso ni Marian na sa tingin nila ay konektabo kay Dennis Lim. Pagkatapos lang ng ilang
“Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan.” mahinang aniya pero narinig yun ng matanda.“Sandali.” anito at tumayo. Pagbalik ay may dala na itong isang litrato.“Kuha yan ni Maria noong huling dalaw niya rito. May isang dekada na.” anito bago inabot kay Arah. Matagal niya yung pinagmasdan at maya maya pa ay unti unting nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla niyang naalala yung may edad na babaeng kasama ni Cacai sa mall.“Parang ina na namin siya.” naalala p niyang sabi ni Cacai.Pati yung sinabi ng may edad na babae. “Kamukhang kamukha mo ang iyong ina.”Nasapo ni Arah ang bibig at hindi mapigilang sabihin kay Inang Lucita kung saan niya ito nakita.“Mas bata lang siMaria dito sa litrato pero sigurado akong siya yun.” pagkukwento niya kay Inang Lucita.Napatingin sa kaniya ang matanda.“Na kay Subas pala siya. Hindi naman siya nagkwento noong huling punta niya rito.” anito.Muling binalikan ni Arah ang mga photo album. Ngayon ay mas tinitigan niya ang bawat larawan. S







