Share

LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate
LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate
Author: Kara Nobela

Chapter 1

Author: Kara Nobela
last update publish date: 2025-11-29 14:35:20

Ako si Cacai pero mas kilala sa tawag na Tiktik. May lahi daw kasi kaming aswang kaya yun ang tawag saken ng mga kalaro ko noong nasa probinsya pa lang ako. 19 years old na ako ngayon pero senior high school pa rin. Nahinto kasi ako sa pag-aaral noong magkasakit at mamatay ang lola kong nagpalaki sa akin.

……..

Manila – 4:27 PM (Present time)

Galing ako sa school at sakay ng taxi pauwi sa bahay ng aking ama.

Habang papalapit ang sinasakyan ko sa bahay ni Papa, natanaw ko na agad ang mga itim na sasakyan, ganun din ang mga lalaking naka-itim na nakatayo sa labas ng gate.

Bakit kaya sila puro naka-itim? May namatay ba?

Bigla akong kinabahan. Naisip ko agad si Papa. Napasinghap ako at biglang napatakip ng aking bibig.

Baka may nangyaring masama sa kanya.

Naku po! Wag naman po sana!

Ilang buwan pa lang nang una kong makita at makilala si Papa, tapos ay mawawala na agad siya?

Kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa naiisip.

Nang pumarada ang taxi malapit sa bahay namin ay dali-dali akong bumaba. Mabilis akong tumakbo at hindi alintana ang mga lalaking nakatayo sa labas ng bahay namin.

Napatingin sila sa direksyon ko nang makitang humahangos ako.

Mukha talaga silang namatayan dahil napakaseryoso ng mga mukha nila.

Nilagpasan ko sila at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Ganun na lang ang gulat ko nang makita si Papa na nakaluhod.

May dalawang lalaki ang nakatayo sa harapan niya. Ang isa ay may hawak na baril at nakatutok sa noo ng aking ama.

“Papa!” malakas na sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.

“Anak…” bulong ni Papa at may bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha nang makita ako.

“Papa..” usal ko at lumuhod na rin sa tabi niya.

“Hindi ka na sana pumasok dito.” pabulong niyang sabi sa akin.

“Anak mo?” boses ng lalaki.

Sabay kaming napalingon ni Papa sa nagsalita. Siya yung may hawak ng baril. Napangiwi ako nang matitigan siya. Mukha kasi siyang Hippopotamus.

Mukhang Hito naman yung isang kasama niya.

Basta, parehong nakakatakot ang pagmumukha nila. Lalo na at may hawak silang baril. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng matinding takot nang marealized ang delikadong sitwasyon namin.

“Wag po!” pakiusap ko sabay yakap kay Papa na punong puno nang pag-aalala.

“Sagutin mo ang tanong ko. Anak mo ba yan?” tanong muli ni Hippo na ngayon ay mukhang galit na talaga.

Natahimik si Papa na parang nalunok ang dila.

“Opo...” ako na ang sumagot dahil mukhang walang balak magsalita si Papa.

Nakita kong napangiwi si Hippo habang pinapasadahan ng tingin ang aking school uniform. Yung tingin na para bang may mali sa suot ko.

“Bata?” nakangiwi pa rin at may pagtatakang usal nito.

Nagkatinginan pa sila ng kasama niya na tila hindi makapaniwala. Pero nang makabawi ay muli itong humarap sa akin.

“Tayo!” sigaw nito.

Nagulat at napatayong bigla ako dahil sa lakas ng boses nito.

“Sumama ka samin!”

Hinablot niya ang braso ko at naglakad palayo kay Papa. Halos makaladkad na nga ako dahil sa bilis ng mga hakbang nito.

“Pakiusap, wag siya!” malakas na sigaw ni Papa. Nakaluhod pa rin siya.

Gusto ko sanang kumawala at balikan si Papa pero pareho kaming natigilan nang biglang ikasa ng lalaki ang baril at muling tutukan ang aking ama.

“Parang awa nyo na, wag niyong sasaktan ang anak ko!” napayuko na lang si Papa habang nagmamakaawa ang boses njto.

“Hindi siya masasaktan kung hindi kayo magmamatigas.” galit na wika ng isa sa kanila.

Kitang kita ko ang emosyonal na tingin ni Papa sa akin. Tapos ay marahan niya akong tinanguan.

Sa kalagayan namin ngayon, kahit hindi kami mag-usap, alam namin pareho na wala na kaming magagawa pa. Kailangan naming sumunod kung ayaw naming masaktan.

Mabilis na naglakad si Hippo habang mahigpit ang hawak sa braso ko. Dire-diretso kami sa labas kung saan nakatayo pa rin ang mga lalaking naka-itim.

Pagtapat namin sa isang sasakyan ay pasalya niya akong ipinasok sa loob. Sunod ay nagtungo naman ito sa driver’s seat.

Maya maya pa, kasunod na namin si Hito. Naupo ito sa unahan sabay lingon kay Hippo.

“Bogs, dahan dahan lang sa paghila sa batang yan, baka magalusan. Malilintikan ka kay Boss Leon.” ani Hito.

Mahinang tumawa si Hippo.

“Tado, hindi ko akalaing ganyan pala ang mga type ni Boss.” malawak ang ngiting anito habang nagmamaneho.

“Nagsawa na siguro si Boss sa mga seksi.” nakangising tugon ni Hito.

Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Last month lang ay tahimik akong namumuhay sa isang liblib na baryo sa Quezon province. Lumuwas ako ng Maynila para tumira sa bahay ng mayaman kong ama na si Benito Alcantara. Kasama niya sa bahay ang half sister kong si Ate Victoria na mala Dyosa sa ganda. Last month ko lang sila parehong nakilala. Tapos ngayon, dinukot naman ako ng mga goons na ‘to.

Ilang minuto pa ay tinatahak na namin ang isang pribadong kalsada. Walang ibang sasakyan na dumaraan. Hindi nagtagal ay natanaw ko ang isang napakalaki at napakataas na gate. May mga armadong lalaki ang nagbukas nito.

Dire-diretso ang sasakyan sa loob. Tapos ay huminto sa harapan ng isang napakalaking bahay.

“Baba!” napaigtad ako nang marinig ang malakas na boses ni Hippo.

Dali-dali naman akong bumaba.

“Sumunod ka.” utos nito.

Wala naman akong ibang choice kundi ang sumunod dahil nasa mukha ng mga ito na hindi sila magdadalawang isip na pumatay kung magmamatigas ako.

Mag-iisip na lang ako ng paraan kung paano makatakas sa lugar na ito. Tapos ay babalik ako sa probinsya namin. Mas gugustuhin ko pang tumira kasama ang mga tsismosang kapitbahay kesa sa mga gangster na ‘to.

Pagdating namin sa loob ay namangha ako sa laki at ganda ng bahay. Parang mga mansion na sa mga pelikula ko lang nakikita. Kaya lang.., ang pangit ng view, ang daming armadong lalaki ang nasa paligid.

Nakasunod lang ako kina Hippo hanggang sa makarating kami sa may swimming pool area. Huminto kami malapit sa isang matandang lalaking may hawak na tungkod at may napakalakas na presensya.

Akala ko ay nakakatakot na sina Hippo at Hito pero mas nakakatakot pa ang matandang ito. Kahit hindi sumisigaw, ang awra nito ay mas may awtoridad. Tingin pa lang ay parang unti unti ka nang malalagutan ng hininga.

Kunot noo itong tumingin sa dalawang dumukot sa akin.

“Sino naman yan?” tanong ng matanda.

“Anak ni Alcantara, Boss.” sagot ni Hippo.

Lalong kumunot ang noo ng matanda dahil sa narinig at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa, lalo na ang school uniform ko.

Tapos ay bigla na lang itong bumunghalit ng tawa.

“Hindi ko akalain ganyan pala ang mga tipo ni Leon.” anito habang patuloy na tumatawa.

Nagtataka ako kung ano bang nakita niyang nakakatawa sa akin at ganun na lang ang reaksyon nito. Eh maayos naman ang school uniform na suot ko.

Biglang huminto ang matanda sa pagtawa sabay tingin sa likuran ko na tila may nakita.

Kaya pumihit ako, curious kung anong tinitingnan nito.

At dun nakita ko ang isang lalaking naglalakad palapit nang palapit sa amin. May awra at presensya ito na kayang patahimikin lahat ng madaraanan nito. Napakatangkad din at sigurado akong hindi bababa sa anim na talampakan ang taas. Halatang malaki ang kanyang pangangatawan kahit natatakpan ng suot niyang itim na business suit.

Napaka-gwapo din nito pero may mga mata itong malalim, malamig at parang patalim kung tumingin.

“Son!” malawak ang ngiting bati ng matanda sa lalaking yun.

“Siguro naman ay tutupad ka na sa kasunduan natin, Leon. Nadala ko na rito sa mansion ang babaeng gusto mong pakasalan.” patuloy ng matanda sa masiglang boses.

Nagsalubong ang kilay ng gwapong lalaki.

“What?” kunot noong tanong nito na tila nabingi.

Lalong lumawak ang ngiti ng matanda sabay turo sa akin.

“Ito na ang anak ni Alcantara. She’s all yours.” nakangising sabi nito.

Bumaling ang tingin ni Leon sa akin. Agad na dumilim ang kanyang mukha matapos akong pasadahan ng tingin.

“What the f*ck!” bulalas nito na tila hindi nagustuhan ang nakita, saka muling binalingan ang matanda.

“She’s a freaking kid, Dad. She’s not Victoria Alcantara!”

********** ♡♡♡♡ **********

Ang akdang ito ay isinulat ni

KARA NOBELA

********** ♡♡♡♡ **********

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Gemma Andrade Celoso
yessss!! galing mo kara novela love your story always ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Precious Valencia Soberano
unang chapter pq lang natatawa na'ko Kay hito at hipo. ...
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
SO FAR SO FUNNY ... ... ... ...!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   380 (Book 2)

    Tila naubos ang pasensya ni Carlos kaya bwisit itong nagsalita. “Ano bang kalokohan ang pinag–” “Shhhh….” saway at putol sa kanya ni Renz. Itinaas pa nito ang daliri para patahimikin si Carlos. Nanlaki ang mga mata ni Carlos at nagulat sa ginawa nito. Habang si Jonas naman ay kagat labi upang hindi matawa nang malakas dahil sa nakikitang itsura ngayon ni Carlos na tila hindi makapaniwala sa kaharap. Saktong may sumagot na sa kabilang linya ng cellphone ni Renz. “Hello.” boses ni Diana. At dahil nga naka-loud speaker kaya maliwanag na naririnig yun ng lahat. “Renz, napatawag ka.” halata ang excitement sa boses ng nasa kabilang linya. “Tantanan mo na ako.” bungad ni Renz sa telepono. “What?” gulat na sambit ni Diana. “Wag ka nang umasa sakin. Hindi ko ipagpapalit si Arah sayo.” Biglang natahimik sa kabilang linya. Maging sina Arah, Luis at Carlos ay hindi agad nakapagsalita. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng binata. Hanggang sa muling magsalita si Diana..

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   379 (Book 2)

    Katatapos lang maghapunan nina Arah sa bahay nila. Doon din kumain si Jonas, magkapitbahay lang naman sila kaya nilalakad lang nito ang bahay nina Arah. Inabot na ito ng gabi sa pakikipag-usap kay Carlos tungkol sa kung ano ano na lang.Habang nagkukwentuhan ang mga ito, si Arah naman ay nasa kusina, naghuhugas ng kanilang pinagkainan.Kasalukuyan niyang inaanlawan ang mga hugasin nang marinig niyang nagpaalam na si Jonas.“Uwi na po ako, Uncle.”“Sige, sa susunod ipakilala mo na sa akin yung sinasabi ni Thelma na mapapangasawa mo.” wika ni Carlos.Tinawanan lang siya ni Jonas.“Uncle, bakit naman pinag-aasawa nyo na agad ako. Ang dami ko pa kayang chicks na paiiyakin.” tugon nito.Muntik na tuloy mabitawan ni Arah ang pinggan dahil sa pagtawa.Maya maya ay narinig niyang sumigaw si Jonas.“Bestfriend, uwi na ‘ko!” paalam nito, kasunod ang pagbukas at pagsara ng pinto. Maya maya ay narinig ni Arah ang boses ng ama.“O. bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?”“Wala po. May sasabihin

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   378 (Book 2)

    Nagmamadaling pumasok si Leon sa loob ng isang high-end bar matapos makatanggap ng tawag mula kay Daniel. Pagpasok ay dumiretso siya sa hallway papunta sa VIP lounge.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad si Daniel na nakaupo sa dulo ng upuan. Ngumisi agad ito nang makita si Leon. Saka inginuso ang dalawang lalaking nasa kabilang bahagi ng mesa, parehong nakayuko at may hawak na baso. Walang iba kundi si Renz at Liam.“Mga sawi.” natatawang sabi ni Daniel.“Anong nangyari?” tanong ni Leon.Nagkibit balikat si Daniel.“Maayos pa nung una ang dalawang yan. Nag-iinuman at nagkukwentuhan lang kami. Hanggang sa mauwi sa love life ang usapan. Ayan nagdrama na.” anito saka sumimsim ng alak. Muling napatingin si Leon sa dalawa. Si Liam gaya ng dati ay tahimik lang. Nakasandal sa sofa at nakapikit. Si Renz naman ay nakayuko habang nakatitig sa braso.“Hindi mo na inabot. Pero contest yang dalawa kanina kung sino ang mas kawawa sa kanila. Yung isa pinagtaguan ng asawa… Yung isa naman,

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   377 (Book 2)

    Mariing napapikit si Arah. Buking!“Anak ka ng…” malakas na napamura si Luis dahil sa gulat matapos nitong makita si Renz na nakalapit na pala nang hindi man lang nila namamalayan.Hindi pa nakakabawi si Arah nang muling kinatok ni Renz ang bintana. Narinig pa niyang unti-unting bumababa ang bintana. Pipigilan pa sana niya si Luis pero tuluyan na yung nakababa. Kaya lumatad sa kanya si Renz na nakatayo at diretsong tingin sa kanya.“Babain mo na. Mukhang magwawala yan kapag hindi napagbigyan.” pabulong na sabi ni Luis sa tabi niya. Kasabay nun ay ang pagclick ng door lock nang in-unlock ni Luis ang p***o.Humugot muna nang malalim na hininga si Arah bago dahan dahang bumaba. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng sasakyan ay agad nang nagsalita si Renz.“Babe, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” may pag-aalalang sabi nito.Nang makatayo ng tuwid si Arah ay sinagot niya ang tanong nito.“Marami lang akong ginawa. Hindi pa kami tapos… Kaya kung pwede, huwag mo muna akong a

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   376 (Book 2)

    Mariing napapikit si Arah. Parang alam na niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang ama na namato sa bahay nila.Kapag nakausap na niya si Renz ay pagsasabihan niya itong itigil na ang pagbato bato sa bintana ng silid niya. “Dad, bata lang siguro yun.” sabi na lang niya.Mukhang naniwala naniwala naman si Carlos at hindi na rin nito binigyang pansin tungkol dun. Maya maya ay nagpaalam na si Arah.“Dad, tatawag na lang ako maya maya. May pupuntahan lang kami ni Luis..” paalam niya.Pagkababa ng tawag ay may kinuha itong folder at nilingon si Luis.“Tara na.” aya niya sa pinsan at agad na lumabas ng presinto para magtungo sa kung saan nakapiit si William.Pagdating doon ay inilapag nila sa mesa ang folder na dala, sa harap ni William. At binuklat yun upang ipakita dito ang mga litrato ng mga wanted sa pulisya. Umaasa silang isa doon ay si Nico dahil mahalaga itong tulay patungo sa pagresolba ng kaso ni Marian na sa tingin nila ay konektabo kay Dennis Lim. Pagkatapos lang ng ilang

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   375 (Book 2)

    “Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan.” mahinang aniya pero narinig yun ng matanda.“Sandali.” anito at tumayo. Pagbalik ay may dala na itong isang litrato.“Kuha yan ni Maria noong huling dalaw niya rito. May isang dekada na.” anito bago inabot kay Arah. Matagal niya yung pinagmasdan at maya maya pa ay unti unting nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla niyang naalala yung may edad na babaeng kasama ni Cacai sa mall.“Parang ina na namin siya.” naalala p niyang sabi ni Cacai.Pati yung sinabi ng may edad na babae. “Kamukhang kamukha mo ang iyong ina.”Nasapo ni Arah ang bibig at hindi mapigilang sabihin kay Inang Lucita kung saan niya ito nakita.“Mas bata lang siMaria dito sa litrato pero sigurado akong siya yun.” pagkukwento niya kay Inang Lucita.Napatingin sa kaniya ang matanda.“Na kay Subas pala siya. Hindi naman siya nagkwento noong huling punta niya rito.” anito.Muling binalikan ni Arah ang mga photo album. Ngayon ay mas tinitigan niya ang bawat larawan. S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status