Compartir

Chapter 2

Autor: Kara Nobela
last update Fecha de publicación: 2025-11-29 14:36:02

One month ago….

“Kailangan mo nang magpakasal.” may awtoridad na wika ni Subas Aragon.

Kausap niya ang anak na si Leon. Narito sila ngayon sa kanilang mansion, nagdi-dinner. Minsan lang sila magkitang mag-ama dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga ginagawa.

Walang emosyon si Leon na tinungga ang baso ng wine. Hindi na siya nagulat pa sa sinabi ng ama dahil hindi ito ang unang beses na binanggit nito ang tungkol sa kasal.

“We need our allies to see we're still going strong. Mas kampante sila kung may lehitimo kang pamilya na ipapakita. If you're single and don't have an heir, they'll think we're done, and some of them might leave.” wika ng matanda.

Labas sa ilong na natawa si Leon nang marinig ang sinabi ng ama. Gusto nitong magpakasal siya dahil sa grupong kinabibilangan nito, ang grupong ATLAS. Samahan ito ng isang local syndicate na umiikot sa mga illegal na gawain.

Nahahati sa apat na division ang ATLAS. Ang Finance, Logistic, Nightlife at Cartel.

Dalawa rito ay hawak ng ama niyang si Subas.

Una ay ang FINANCE (a.k.a Pautangan) Sakop nito ang malaking pautangan para sa mga bigating negosyante.

Pangalawa ay ang LOGISTIC (a.k.a Pier) Sakop nito ang transportasyon, pier at mga bodega para sa pagpasok ng mga kargamento. Kabilang na ang mga pekeng produkto, tulad ng electronics, luxury items at marami pa pero gumagamit ng legit documents para magmukhang legal ang transaction.

“Kung hindi mo ako mabibigyan ng tagapagmana, mabuti pang ibigay ko na lang kay Carlota ang Pier at ang Pautangan.”

Si Carlota, ay miyembro rin ng ATLAS. Ito ang may hawak ng NIGHTLIFE o ang mga club, bar at casino.

Agad na napatayo si Leon. Kilalang kilala niya ang ama, at siguradong gagawin talaga nito ang banta.

“No Dad! Hindi mo pwedeng ipamigay ang Pier!” malakas na protesta ni Leon.

“Why not? Kung gusto mo, yung anak niyang si Maxine ang pakasalan mo para tapos ang problema.” nakangising ani Subas.

Sarkastikong natawa si Leon dahil sa sinabi ng ama.

“Kung ayaw mo kay Maxine, marami naman akong kilalang–”

“That’s enough! Magpapakasal ako pero ako ang pipili ng mapapangasawa ko.” mariing saad ni Leon.

Ayaw niya ng ganitong usapan.

Ipinanganak siya sa pamilyang walang pagmamahalan. Nagpakasal lang ang mga magulang niya para magkaroon ng tagapagmana, at siya nga ang naging bunga.

Nakagisnan din niya ang madugong mundo ng kanyang ama. Kaya naman hindi niya alam kung ano ang salitang ‘Pagmamahal.’ At lalong hindi siya naniniwala sa salitang kasal. It’s b*llshit!

Nang-uuyam na tumawa si Subas.

“Ikaw ang pipili ng mapapangasawa mo? Siguraduhin mo lang na hindi ‘yan isa sa mga mga babaeng inuuwi mo sa Casa. Ayokong magkaroon ng apong anak ng pùta.” sarkastiko nitong sabi.

“That’s for me to decide!” iritang tugon ni Leon.

Narinig pa niya ang pahabol na salita ng ama.

"Bilisan mo lang. Lalo na ngayon at bumalik na ang pinsan mong si Renz. Baka bawiin na niya sa atin ang Pier." pagbabanta nito.

Naiiling lang na tumalikod si Leon at humakbang papalabas ng mansion.

Nagtungo siya sa bar at dumiretso sa private lounge. Nadatnan niya dun ang pinsang niyang Renz na naghihintay. Kung may isang tao siyang pinagkakatiwalaan, yun ay si Renz lamang. Dahil minsan na nitong iniligtas ang buhay niya. Hindi siya iniwan ni Renz kahit noong nasa bingit siya ng kamatayan.

Si Renz ay matagal nang hindi parte ng sindikato. Simula nang maulila sa edad na disiotso ay mas pinili nitong mamuhay ng payapa. Bumalik lang ito ngayon dahil may malaking pabor na hinihingi si Leon mula rito. Isang misyon na silang dalawa lang ang nakakaalam. Hindi pwedeng matuklasan ng kahit sino. Kahit ng ama niyang si Subas.

Nag-inuman silang dalawa habang pinag-uusapan ang negosyo gaya ng lagi nilang ginagawa. Maya-maya pa ay tumayo si Leon at naglakad para silipin ang kaganapan sa ibaba. Maghahating gabi na kaya mas marami ng tao ngayon.

Dumako ang tingin ni Leon sa dance floor. Sa gitna ng karamihan, agad niyang napansin ang isang napakagandang babaeng sumasayaw, mapang-akit ang bawat indayog kasabay ng musikang sensual.

Nangingibabaw ang ganda nito kumpara sa ibang mga kababaihan na naroon. Kaya naman halos lahat ng mga kalalakihan ay sa babaeng yun nakatingin. Suot nito ang bodycon dress, hapit na hapit sa katawan kaya lalo lumitaw ang maliit niyang beywang at bilugang puwitan.

Mula sa likuran, may lalaki siyang kasayaw, ang mga kamay nito ay nakahawak sa makurbang balakang. Nang mapaharap ang babae sa direksyong ni Leon, nagtagpo ang kanilang mga mata. Sinalubong nito ang tingin ni Leon..., and then she gave him a flirty smile.

“She’s Victoria Alcantara.” boses ni Renz na nakalapit na pala kay Leon.

Hindi inalis ni Leon ang tingin sa babae.

“She’s a model. Anak ni Benito Alcantara, may ari ng isang IT company, unti-unting nalulugi kaya umutang ng malaking halaga sayong ama.” patuloy ni Renz.

Saka pa lang lumingon si Leon kay Renz.

“How much?” interesado nitong tanong.

“Five hundred million pesos lang. But I don't think na makakabayad pa siya ng utang. Mahihirapan nang makabangon ang kumpanya unless may sumalo sa kanila.” salaysay ni Renz.

Muling humarap si Leon sa dance floor at ibinalik ang tingin kay Victoria. Nagsasayaw pa rin ito pero kay Leon pa rin nakatingin.

Ilang sandali rin na magkahinang ang kanilang mga mata nang biglang marinig ni Leon ang nag-aalalang boses ni Renz.

“Leon, may problema sa Pier!” sambit nito na katatapos lang basahin ang isang text message galing sa tauhan.

Agad na nabaling ang tingin ni Leon sa pinsan.

“May nakitang drùgs sa rutang Mindoro.” patuloy ni Renz.

Napamura ng sunod sunod si Leon dahil sa narinig. Wala silang inaksayang oras at nagmamadali nang lumabas ng bar para alamin kung anong nangyari.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Comentarios (3)
goodnovel comment avatar
Bian Guialudin
mahal na mahal ko yan... na love at first read ako jan...
goodnovel comment avatar
Ladyshin
sa palagay ko sya nga yon kala ko nga story na ni Renz to ee
goodnovel comment avatar
AcC
ayyy si papa renz ba ito sa kabilang story?
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   380 (Book 2)

    Tila naubos ang pasensya ni Carlos kaya bwisit itong nagsalita. “Ano bang kalokohan ang pinag–” “Shhhh….” saway at putol sa kanya ni Renz. Itinaas pa nito ang daliri para patahimikin si Carlos. Nanlaki ang mga mata ni Carlos at nagulat sa ginawa nito. Habang si Jonas naman ay kagat labi upang hindi matawa nang malakas dahil sa nakikitang itsura ngayon ni Carlos na tila hindi makapaniwala sa kaharap. Saktong may sumagot na sa kabilang linya ng cellphone ni Renz. “Hello.” boses ni Diana. At dahil nga naka-loud speaker kaya maliwanag na naririnig yun ng lahat. “Renz, napatawag ka.” halata ang excitement sa boses ng nasa kabilang linya. “Tantanan mo na ako.” bungad ni Renz sa telepono. “What?” gulat na sambit ni Diana. “Wag ka nang umasa sakin. Hindi ko ipagpapalit si Arah sayo.” Biglang natahimik sa kabilang linya. Maging sina Arah, Luis at Carlos ay hindi agad nakapagsalita. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng binata. Hanggang sa muling magsalita si Diana..

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   379 (Book 2)

    Katatapos lang maghapunan nina Arah sa bahay nila. Doon din kumain si Jonas, magkapitbahay lang naman sila kaya nilalakad lang nito ang bahay nina Arah. Inabot na ito ng gabi sa pakikipag-usap kay Carlos tungkol sa kung ano ano na lang.Habang nagkukwentuhan ang mga ito, si Arah naman ay nasa kusina, naghuhugas ng kanilang pinagkainan.Kasalukuyan niyang inaanlawan ang mga hugasin nang marinig niyang nagpaalam na si Jonas.“Uwi na po ako, Uncle.”“Sige, sa susunod ipakilala mo na sa akin yung sinasabi ni Thelma na mapapangasawa mo.” wika ni Carlos.Tinawanan lang siya ni Jonas.“Uncle, bakit naman pinag-aasawa nyo na agad ako. Ang dami ko pa kayang chicks na paiiyakin.” tugon nito.Muntik na tuloy mabitawan ni Arah ang pinggan dahil sa pagtawa.Maya maya ay narinig niyang sumigaw si Jonas.“Bestfriend, uwi na ‘ko!” paalam nito, kasunod ang pagbukas at pagsara ng pinto. Maya maya ay narinig ni Arah ang boses ng ama.“O. bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?”“Wala po. May sasabihin

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   378 (Book 2)

    Nagmamadaling pumasok si Leon sa loob ng isang high-end bar matapos makatanggap ng tawag mula kay Daniel. Pagpasok ay dumiretso siya sa hallway papunta sa VIP lounge.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad si Daniel na nakaupo sa dulo ng upuan. Ngumisi agad ito nang makita si Leon. Saka inginuso ang dalawang lalaking nasa kabilang bahagi ng mesa, parehong nakayuko at may hawak na baso. Walang iba kundi si Renz at Liam.“Mga sawi.” natatawang sabi ni Daniel.“Anong nangyari?” tanong ni Leon.Nagkibit balikat si Daniel.“Maayos pa nung una ang dalawang yan. Nag-iinuman at nagkukwentuhan lang kami. Hanggang sa mauwi sa love life ang usapan. Ayan nagdrama na.” anito saka sumimsim ng alak. Muling napatingin si Leon sa dalawa. Si Liam gaya ng dati ay tahimik lang. Nakasandal sa sofa at nakapikit. Si Renz naman ay nakayuko habang nakatitig sa braso.“Hindi mo na inabot. Pero contest yang dalawa kanina kung sino ang mas kawawa sa kanila. Yung isa pinagtaguan ng asawa… Yung isa naman,

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   377 (Book 2)

    Mariing napapikit si Arah. Buking!“Anak ka ng…” malakas na napamura si Luis dahil sa gulat matapos nitong makita si Renz na nakalapit na pala nang hindi man lang nila namamalayan.Hindi pa nakakabawi si Arah nang muling kinatok ni Renz ang bintana. Narinig pa niyang unti-unting bumababa ang bintana. Pipigilan pa sana niya si Luis pero tuluyan na yung nakababa. Kaya lumatad sa kanya si Renz na nakatayo at diretsong tingin sa kanya.“Babain mo na. Mukhang magwawala yan kapag hindi napagbigyan.” pabulong na sabi ni Luis sa tabi niya. Kasabay nun ay ang pagclick ng door lock nang in-unlock ni Luis ang p***o.Humugot muna nang malalim na hininga si Arah bago dahan dahang bumaba. Hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ng sasakyan ay agad nang nagsalita si Renz.“Babe, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” may pag-aalalang sabi nito.Nang makatayo ng tuwid si Arah ay sinagot niya ang tanong nito.“Marami lang akong ginawa. Hindi pa kami tapos… Kaya kung pwede, huwag mo muna akong a

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   376 (Book 2)

    Mariing napapikit si Arah. Parang alam na niya kung sino ang tinutukoy ng kanyang ama na namato sa bahay nila.Kapag nakausap na niya si Renz ay pagsasabihan niya itong itigil na ang pagbato bato sa bintana ng silid niya. “Dad, bata lang siguro yun.” sabi na lang niya.Mukhang naniwala naniwala naman si Carlos at hindi na rin nito binigyang pansin tungkol dun. Maya maya ay nagpaalam na si Arah.“Dad, tatawag na lang ako maya maya. May pupuntahan lang kami ni Luis..” paalam niya.Pagkababa ng tawag ay may kinuha itong folder at nilingon si Luis.“Tara na.” aya niya sa pinsan at agad na lumabas ng presinto para magtungo sa kung saan nakapiit si William.Pagdating doon ay inilapag nila sa mesa ang folder na dala, sa harap ni William. At binuklat yun upang ipakita dito ang mga litrato ng mga wanted sa pulisya. Umaasa silang isa doon ay si Nico dahil mahalaga itong tulay patungo sa pagresolba ng kaso ni Marian na sa tingin nila ay konektabo kay Dennis Lim. Pagkatapos lang ng ilang

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   375 (Book 2)

    “Parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan.” mahinang aniya pero narinig yun ng matanda.“Sandali.” anito at tumayo. Pagbalik ay may dala na itong isang litrato.“Kuha yan ni Maria noong huling dalaw niya rito. May isang dekada na.” anito bago inabot kay Arah. Matagal niya yung pinagmasdan at maya maya pa ay unti unting nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla niyang naalala yung may edad na babaeng kasama ni Cacai sa mall.“Parang ina na namin siya.” naalala p niyang sabi ni Cacai.Pati yung sinabi ng may edad na babae. “Kamukhang kamukha mo ang iyong ina.”Nasapo ni Arah ang bibig at hindi mapigilang sabihin kay Inang Lucita kung saan niya ito nakita.“Mas bata lang siMaria dito sa litrato pero sigurado akong siya yun.” pagkukwento niya kay Inang Lucita.Napatingin sa kaniya ang matanda.“Na kay Subas pala siya. Hindi naman siya nagkwento noong huling punta niya rito.” anito.Muling binalikan ni Arah ang mga photo album. Ngayon ay mas tinitigan niya ang bawat larawan. S

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status