Share

Chapter 3

Penulis: Kara Nobela
last update Tanggal publikasi: 2025-11-29 14:37:00

Cacai POV

Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon, ngayong dito na ako nakatira sa bahay ng aking ama...., na ngayon ko pa lang nakilala.

19 years akong namuhay kasama si Lola Karing sa isang liblib na baryo sa Atimonan, Quezon.

Ang sabi ni Lola ay dating katulong sa Maynila si Inay at pagbalik nito sa probinsya, buntis na raw siya sa akin. Nabuntis si Inay ng kanyang amo na isang pamilyadong tao, at yun nga ay ang aking amang si Benito Alcantara. Binayaran daw nito si Inay para lisanin ang Maynila dahil ayaw ng pamilya nitong ma-eskandalo.

3 years old pa lang ako nang mamatay si Inay dahil sa sakit sa baga. Kaya naman si Lola na ang nag-alaga sa akin. Manggagamot si Lola, albularyo sa paningin ng iba. Mangkukulam para sa mga tsismosa. Aswang naman para sa mga batang kalaro ko. At doon ko nakuha ang palayaw na ‘Tiktik' dahil may lahi daw kaming aswang.

Naramdaman ni Lola na mamamatay na siya dahil unti unti na siyang nanghihina. Sinabi niya sa akin na nagpadala sya ng liham sa aking ama para ipabatid ang aking sitwasyon. Suntok sa buwan kung matatanggap nito yun dahil hindi sigurado si Lola kung doon pa rin nakatira ang ama ko. Ibinilin sa akin ni Lola bago siya mamatay na sumama ako, kung sakaling dumating ito at sunduin ako. Wala na kaming ibang kamaganak at ayaw niyang maiwan akong mag-isa.

Ilang buwan matapos mamatay ni Lola ay may sumulpot na lalaki sa kubo namin. Ito raw ang ipinadala ng aking ama para sunduin ako at dalhin sa siyudad. Dahil yun naman ang napag-usapan namin ni Lola, hindi ako nagdalawang isip na sumama.

At heto na nga. Nasa loob ako ng isang mabango at magandang silid. May malambot na kama. Malamig at pino ang hangin.

Ibang iba sa kinalakihan ko na sa banig lang natutulog at ni electric fan ay wala dahil wala namang kuryente sa liblib na baryo namin.

Maya maya pa ay tinatawag na ako ng isang kasambahay.

“Ma’am, pinapatawag ka na po ni Sir. Kakain na raw.” magalang na wika nito.

Bigla akong nahiya nang tawagin niya akong Ma’am. Eh hindi naman ako teacher. Sa tingin ko ay mas bata pa nga ako kesa sa kanya.

Tumango ako at bahagyang yumuko.

“Sige po.” nahihiya kong sabi.

Parang naalangan pa ang kasambahay dahil sa ginawa ko at yumuko rin ito. Kaya ayun, nagyukuan kaming dalawa nang paulit-ulit. Hanggang sa siya na mismo ang unang sumuko at kakamot kamot ng ulo na nagpaalam.

Pagdating ko sa hapagkainan ay nadatnan ko si Papa na nakaupo na sa tapat ng mesa.

Naagaw agad ang atensyon ko ng isang babaeng ubod ng ganda na katabi ni Papa. Parang gatas ang kutis dahil sa puti at kinis nito. Natulala ako dahil ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganito kaganda. Hindi siya mukhang tao, mukha siyang dyosa na bumaba sa lupa. Parang may ilaw sa tuktok niya at nagliliwanag ang kanyang angking ganda.

“Siya si Ate Victoria mo.” pakilala ni Papa.

Ate ko siya? Hindi ako makapaniwala.

“Ang ganda!” hindi ko mapigilang ibulalas habang namamangha.

Saglit lang na tumingin sa akin si Ate. Walang reaksyon kahit ano, tapos ay ipinagpatuloy nito ang pagkain ng damo. Parang damo kasi yung kinakain niya, puro hilaw na dahon. Samantalang ang daming putaheng nakahain sa mesa na agad nakapagpatakam sa akin.

Kaya naman dali-dali akong naupo at sumandok nang para sa akin.

“Dahan dahan Iska. Baka mabulunan ka.” nakangiting sabi ni Papa sa mahinahong boses.

Hindi ko namalayan na nagmamadali pala akong kumain. Sobrang sarap kasi ng mga nakahain sa mesa na ngayon ko lang natikman. Pero nang marinig ko ang sinabi ni Papa ay medyo nahiya ako at sumunod sa kanya.

Ilang minuto pa ay narinig kong nagsalita si Ate.

“I’m done.” anito at tumayo saka naglakad palayo.

Napatingin ako sa pinggan niya. Konti na nga lang ang laman nun, hindi pa naubos. Sabagay, para kasing walang lasa yung kinakain niya kaya siguro hindi nito nagustuhan. Samantalang ako, busog na busog. Kung hindi pa sumakit ang tiyan ko ay hindi pa ako titigil sa pagsubo.

Sa ilang araw kong pagtira sa bahay ni Papa, unti-unti ay natutunan ko na ang bagong buhay na ginagalawan nila. Pero napakarami ko pa ring hindi alam tungkol sa modernong pamumuhay.

In-enroll ako ni Papa sa isang exclusive school. Ilang buwan na lang ay gagraduate na ako ng highschool. Nahinto kasi ako dahil kapos talaga kami ni Lola mula nang magkasakit siya. Ngayong kasama ko na si Papa ay matutupad na rin ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.

Mabait naman si Papa. Ramdam kong bumabawi siya sa mga taong napahiwalay sa akin. Matagal na rin siyang biyudo. Kaya sila na lang ni Ate ang magkasama.

Si Ate naman ay minsan ko lang makita. Nalaman ko mula kay Papa na isa pala itong modelo kaya pala lagi itong wala sa bahay. At kapag nasa bahay naman ay palagi lang ito sa loob ng kanyang kwarto. Hindi naman niya ako tinatatarayan pero hindi rin niya ako pinapansin. Hindi niya ako kinakausap kahit nagkakasalubong kami na para bang hindi niya ako nakikita. Para lang akong hangin.

Okay na ako dun, kesa naman mapagaya ako sa mga napapanood kong drama na may half sister at inaapi siya.

Isang araw, paglabas ko ng aking silid ay narinig kong nagtatalo sina Papa at Ate. Kahit hindi ako mag-usyoso ay naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila dahil sa lakas ng kanilang mga boses.

“No way, Dad, I'm not marrying someone I don't even know!” galit na galit na sabi ni Ate.

“Victoria, napakalaki ang utang ko sa mga Aragon. Wala ka nang magagawa dahil umoo na ako sa kanila.” boses ni Papa.

“Then, ikaw na lang ang magpakasal. Tutal, ikaw naman itong umutang sa kanila.” mas nilakasan pa ni Ate ang sigaw niya.

“Victoria!” sigaw ni Papa.

Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Ate, habang si Papa naman ay panay ang tawag sa kanya. Nakatayo pa rin ako sa labas ng aking silid. Nakita ko na lang si Ate na naglalakad palapit sa direksyon ko na nakakunot ang noo at halata ang galit na nakarehistro sa kanyang mukha.

Nagsalubong ang mga mata namin. Tinapunan lang niya ako ng mataray na tingin saka niya ako nilagpasan. Tapos ay pumasok ito sa kanyang silid at pabalibag na isinara ang pintuan. Narinig ko pa ang gigil niyang sigaw kahit nasa loob na siya ng silid.

Grabe! Parang live drama yun ah. Sigurado ako na pati mga kasambahay namin ay narinig ang pagtatalo nilang dalawa.

Bumaba ako at nakita ko si Papa na nakaupo sa sofa habang nakasubsob sa kanyang dalawang palad na halatang problemado. Naawa akong bigla sa kanya. Pero naaawa rin ako kay Ate.

Konti lang ang narinig ko sa sagutan nila pero maliwanag kung bakit sila nag-aaway. Gusto siyang ipakasal ni Papa para makabayad sa utang nito.

Kahit ako si Ate, ganun din siguro ang mararamdaman ko. Parang drama talaga. Ganitong ganito yung drama sa radyo na pinapakinggan namin dati ni Lola. Arranged marriage at hindi nila gusto ang isa't isa. Nakakakilig yun, pero sa totoong buhay, mukhang hindi naman pala.

Isang araw bago ako pumasok sa school ay may kumakatok sa pinto ng silid ko. Nagulat ako nang makita si Papa na mukhang problemado.

“Andyan ba ang Ate mo?” tanong nito.

Nagtaka ako kung bakit niya hinahanap si Ate. At sa lahat ng tao, saken pa talaga? Eh, mukhang allergic yun saken.

“Wala po.” tugon ko at mabilis na tumalikod si Papa.

Nang magtanong ako sa mga kasambahay kung anong nangyayari, sinagot agad nila ako.

Tulog na raw ako nung umuwi si Ate kagabi at narinig daw ulit nilang nagtatalo ang dalawa. At ngayong umaga nga, ay wala na ito sa kanyang silid, ganun din ang ilan sa mga gamit nito.

“Narinig ko po sa usapan nila kagabi..., ngayon daw siya dapat susunduin ng mapapangasawa niya. Kaso mukhang tumakas na po ang Ate nyo.” wika ng isa sa mga kasambahay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Marilou Cortez
natawa ako bigla kay cacai tinawag syang ma'am ng kasambahay na hindi nman daw sya teacher hahahahha
goodnovel comment avatar
Rose Marie Alfonso Buenviaje
excited s next chapter
goodnovel comment avatar
LadyMariella Galate Orani
next chapter please..very exciting and interesting story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   383 (Book 2)

    Masayang binati ni Lourdes ang tatlo nang makalapit siya bago naupo. May pagkain na doon para sa kanila ni Subas. Matik na yun. Kung sinong mas nauna sa canteen ay isasabay nang ikuha ng pagkain ang wala pa dun. Isang ugali na nakasanayan na nila sa bahay ampunan at nadala hanggang sa paglabas nila.Hindi na nagulat si Lourdes nang biglang lagyan ni Carlos ng pakpak ng manok ang bowl ng tinola niya. Lagi nito yung ginagawa dahil alam nitong paborito niya yun. Dati ay tumututol pa siya pero hindi na ngayon, hindi naman kasi ito nakikinig.“Salamat.” sabi ni Lourdes. Pero nagulat si Lourdes nang bigla yung tusukin ni Subas ng tinidor sabay kagat.“Bakit ka ba nang-aagaw?’ inis na sabi ni Lourdes. Masamang tingin naman ang ipinukol ni Carlos kay Subas. Pero ang huli ay parang balewala lang na nagpatuloy sa pagkain.Araw araw, ganung senaryo ang nagaganap. Ibat ibang ugali, nagtatawanan, nag-aaway pero lagi pa ring magkakasama. At tila hindi pa tuluyang nakakawala sa buhay na matagal

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   382 (Book 2)

    Balik tanaw….Mahigpit ang hawak ni Maria sa mga librong ibabalik niya mamaya sa library. Nakasakbit naman sa isang balikat niya ang kanyang lumang backpack.Lakad takbo siya dahil tanaw na niya mula sa malayo ang inip na mukha ng mga amo niya na kasalukuyang nakatayo sa gilid ng sasakyan. May service naman ang mga kasambahay na maghahatid sa kanila sa school mamaya. At doon sana niya gustong sumabay. Pero kahit ilang beses niyang sabihin kay Subas ay patuloy pa rin siya nitong hinihintay. Ayos sana yun, kaso ang problema ay early bird si Renato. Gusto nitong pumapasok lagi ng maaga.“Haaayst.., nakakahiya naman sa mahal na prinsesa. Baka po gusto mong medyo tanghaliin pa.” sarkastikong sabi ni Subas paglapit niya sa mga ito. Samantala ang nakakatanda naman nitong kapatid na si Renato ay tahimik lang na nakatayo sa gilid ng kotse at gaya ng dati ay hindi mo mababasa ang tumatakbo sa utak nito. Hindi gaya nitong si Subas na malayo pa lang ay nakangisi na at alam mong may kalokohan

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   381 (Book 2)

    “Nawindang ako sa first love mo.” sabi ni Jonas habang sabay silang naglalakad ni Arah pabalik sa bahay ng mga ito.“Good luck na lang sa kanya next time na magkita sila ng tatay mo.” Napailing na lang si Arah. Malaking problema ang ginawa ni Renz. Naalala pa niya ang mukha ng kanyang ama sa mga salitang binibitawan ni Renz kanina.“Beshie, nirerespeto ko si Tito. Pero this time, nasa ‘yo ang suporta ko kahit suwayin mo pa ang gusto niya. Nakikita kong seryoso si Renz sayo. Kasi kung hindi, tututol din ako eh. Pero wala naman akong nakikitang sign na red flag siya, except sa family background niya. Kaya sana kung anumang issue ni Tito sa kanya, hindi yun makaapekto sa relasyon niyo ni Renz.”Ngumiti si Arah sa kaibigan.“Hindi naman ako yung tipo ng anak na walang desisyon para sa sarili. Mahal ko si Dad pero pinalaki niya akong independent. Kaya nga kahit alam kong galit na galit na siya, hindi pa rin niya ako pinangungunahan sa mga desisyon ko.” aniya dahil yun naman ang totoo.Sa

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   380 (Book 2)

    Tila naubos ang pasensya ni Carlos kaya bwisit itong nagsalita. “Ano bang kalokohan ang pinag–” “Shhhh….” saway at putol sa kanya ni Renz. Itinaas pa nito ang daliri para patahimikin si Carlos. Nanlaki ang mga mata ni Carlos at nagulat sa ginawa nito. Habang si Jonas naman ay kagat labi upang hindi matawa nang malakas dahil sa nakikitang itsura ngayon ni Carlos na tila hindi makapaniwala sa kaharap. Saktong may sumagot na sa kabilang linya ng cellphone ni Renz. “Hello.” boses ni Diana. At dahil nga naka-loud speaker kaya maliwanag na naririnig yun ng lahat. “Renz, napatawag ka.” halata ang excitement sa boses ng nasa kabilang linya. “Tantanan mo na ako.” bungad ni Renz sa telepono. “What?” gulat na sambit ni Diana. “Wag ka nang umasa sakin. Hindi ko ipagpapalit si Arah sayo.” Biglang natahimik sa kabilang linya. Maging sina Arah, Luis at Carlos ay hindi agad nakapagsalita. Hindi makapaniwala sa ginagawa ng binata. Hanggang sa muling magsalita si Diana..

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   379 (Book 2)

    Katatapos lang maghapunan nina Arah sa bahay nila. Doon din kumain si Jonas, magkapitbahay lang naman sila kaya nilalakad lang nito ang bahay nina Arah. Inabot na ito ng gabi sa pakikipag-usap kay Carlos tungkol sa kung ano ano na lang.Habang nagkukwentuhan ang mga ito, si Arah naman ay nasa kusina, naghuhugas ng kanilang pinagkainan.Kasalukuyan niyang inaanlawan ang mga hugasin nang marinig niyang nagpaalam na si Jonas.“Uwi na po ako, Uncle.”“Sige, sa susunod ipakilala mo na sa akin yung sinasabi ni Thelma na mapapangasawa mo.” wika ni Carlos.Tinawanan lang siya ni Jonas.“Uncle, bakit naman pinag-aasawa nyo na agad ako. Ang dami ko pa kayang chicks na paiiyakin.” tugon nito.Muntik na tuloy mabitawan ni Arah ang pinggan dahil sa pagtawa.Maya maya ay narinig niyang sumigaw si Jonas.“Bestfriend, uwi na ‘ko!” paalam nito, kasunod ang pagbukas at pagsara ng pinto. Maya maya ay narinig ni Arah ang boses ng ama.“O. bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?”“Wala po. May sasabihin

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   378 (Book 2)

    Nagmamadaling pumasok si Leon sa loob ng isang high-end bar matapos makatanggap ng tawag mula kay Daniel. Pagpasok ay dumiretso siya sa hallway papunta sa VIP lounge.Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya agad si Daniel na nakaupo sa dulo ng upuan. Ngumisi agad ito nang makita si Leon. Saka inginuso ang dalawang lalaking nasa kabilang bahagi ng mesa, parehong nakayuko at may hawak na baso. Walang iba kundi si Renz at Liam.“Mga sawi.” natatawang sabi ni Daniel.“Anong nangyari?” tanong ni Leon.Nagkibit balikat si Daniel.“Maayos pa nung una ang dalawang yan. Nag-iinuman at nagkukwentuhan lang kami. Hanggang sa mauwi sa love life ang usapan. Ayan nagdrama na.” anito saka sumimsim ng alak. Muling napatingin si Leon sa dalawa. Si Liam gaya ng dati ay tahimik lang. Nakasandal sa sofa at nakapikit. Si Renz naman ay nakayuko habang nakatitig sa braso.“Hindi mo na inabot. Pero contest yang dalawa kanina kung sino ang mas kawawa sa kanila. Yung isa pinagtaguan ng asawa… Yung isa naman,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status