MasukPagkaalis ni Phern ay tuluyan na siyang naiwan sa lobby. Tahimik siyang naupo sa isang komportableng sofa habang dahan-dahang humihigop ng kanyang iced coffee.Paminsan-minsan ay inililibot niya ang kanyang tingin sa napakalawak na lobby ng Blacksmith Hotel. Abala ang mga taong naglalabasan at pumapasok. May mga pamilyang masayang nagtatawanan habang bitbit ang kung anu-anong shopping bags. May mga magkasintahang magkahawak-kamay na tila walang ibang iniintindi kundi ang isa't isa. Ang ilan naman ay mga foreigners; mukhang katatapos lang mamasyal sa iba't ibang boutique sa loob ng hotel.Napangiti siya. Ang saya lang pagmasdan ng mga ito, halatang walang iniisip na problema. Nandito lang sila para magbakasyon, mamasyal, at gumawa ng masasayang alaala.Samantalang siya... Kahit nasa napakagandang lugar ay hindi pa rin lubusang matahimik ang kanyang isipan. Paminsan-minsan ay sumasagi pa rin sa isip niya ang malamig na pakikitungo ni Tyler.Napabuntong-hininga siya, sakto namang nag-vib
"Halika!" Hinila siya ni Aria papunta sa café. "Tikman mo ang sikat nilang hot chocolate.""Libre ba 'yan?" biro niya"Hahaha!" natawa si Aria. "Siyempre! Pamilya ka na."Napailing na lang siya habang napapangiti."Pagkatapos nito ay pupunta tayo sa opisina ko. Doon muna tayo sandali, tapos mamaya ay gagala na naman tayo. Gusto mo bang mag-shopping?" masayang tanong ni Aria.Ngumiti siya at marahang umiling. "Kahit ako na lang, Ate Aria. Nakakahiya naman sa'yo. May trabaho ka pa tapos uubusin mo ang oras mo sa akin. Ako na lang ang maglilibot dito sa hotel. Para na rin naman itong mall. Sigurado akong hindi ako mabo-bored."Natawa si Aria. "Are you sure?""Oo naman, Ate. Kapag napagod ako, pupunta na lang ako sa office mo.""Tamang-tama."Lumingon ito sa babaeng papalapit sa kanila at agad itong kinawayan. "Phern!"Mabilis na lumapit ang babae. Nakasuot ito ng maayos na corporate attire, at agad na yumuko bilang paggalang."Good morning, Ma'am Aria."Ngumiti si Aria bago siya itinuro.
JOLIE'S POV:Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpaalam siyang bumalik sa kanilang kuwarto upang magbihis para sa pagpunta nila sa Blacksmith Hotel.Sa totoo lang, excited siya. Matagal na niyang gustong makita nang personal ang hotel na iyon. Madalas kasi itong ikuwento ni Kuya Clarkson sa kanya.Simula nang umalis ito ng Iloilo at lumipat sa Scotland, halos doon na umikot ang buhay ng mag-asawa. Noong una ay si Ate Aria ang namahala sa buong operasyon ng hotel habang abala si Kuya Clarkson sa iba nitong negosyo. Ngunit nang tuluyan na itong dumating sa Scotland, sabay na nilang pinatatakbo ang Blacksmith Hotel. Kaya naman naging isa iyon sa pinakamatagumpay nilang negosyo.Pagpasok niya sa kanilang silid ay agad niyang napansing walang tao. Tahimik ang buong kuwarto. Awtomatiko niyang hinanap ng tingin si Tyler, pero wala ito.Bahagya siyang nagtaka. "Nauna siyang umakyat... Saan kaya siya nagpunta?"Akala pa naman niya ay maaabutan niya itong nagpapahinga o naghihintay sa kanya. Na
Nanlaki ang mga mata ni Jolie. "H-Huh? But why? Wala naman siyang ginagawang masama."Mahigpit ang pagkakahawak ni Tyler sa baso. "Basta. Sundin mo ang gusto ko. Ayaw kong nakikipag-usap ka pa sa kanya. Kung ayaw mong tayong dalawa ang mag-away."Parang may kung anong kumurot sa dibdib ni Jolie. Hindi niya inaasahang ganoon katigas ang magiging reaksyon ni Tyler. Unti-unti siyang yumuko."Wala naman akong ginagawa..." mahina niyang bulong. Pero hindi na niya iyon itinuloy. Kilala niya si Tyler. Kapag galit ito, lalo lang lalala ang sitwasyon kung sasagot pa siya."Tama na." Naputol ang tensyon nang magsalita si Lolo Sebastian. "Ang mabuti pa ay pag-usapan na lang natin ang kasal ninyo." Bahagyang ngumiti ang matanda habang nakatingin sa dalawa. "Nakapagdesisyon na ba kayo kung kailan ang magiging wedding date?"Ngunit imbes na sumagot ay napabuntong-hininga si Tyler. "Wala na akong gana, Lolo." Pinunasan nito ang bibig gamit ang napkin bago dahan-dahang tumayo. "Next time na lang nati
Tumayo si Lewis. Sa isang iglap, umalingawngaw sa buong dining hall ang malakas na sampal.Napahawak si Catriona sa sariling pisngi. Nanlaki ang mga mata ng lahat. Nagngangalit ang panga ni Lewis habang matalim ang tingin dito."You're going too far, Catriona! You can say whatever you want about me… but I won't let you disrespect Jolie!"Tahimik ang buong silid. Nagkatinginan ang lahat. Maging si Tyler ay napatitig kay Lewis. At sa kauna-unahang pagkakataon, nagsimulang mabuo sa isip ng bawat isa ang iisang tanong... Bakit ganoon na lang ipinagtatanggol ni Lewis si Jolie? Ano ba talaga ang tunay na relasyon nilang dalawa?Nanatiling nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong dining hall. Wala ni isa ang agad na nakapagsalita. Maging si Catriona ay tila hindi makapaniwalang nasampal siya.Dahan-dahan niyang hinaplos ang namumulang pisngi habang nanginginig ang labi. "L-Lewis..." mahina niyang sambit. "You slapped me... because of that woman?"Hindi sumagot si Lewis. Nananatili iton
Nag-angat ng tingin ang lahat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa may pintuan."Good morning, everyone."Napalingon silang lahat sa lalaking kararating lang. Nakatayo ito sa harapan nila, nakasuot ng simpleng polo at slacks, habang may hawak na malaking bouquet ng sariwang bulaklak."Lewis!" masayang bati ni Lolo Sebastian, bagama't hindi nawala ang mapanuring tingin nito. "Bakit ka naparito, iho?"Ngumiti si Lewis. "Gusto ko lang pong bisitahin si Jolie, Lolo Sebastian."Parang biglang tumahimik ang buong dining area. Lahat ng mata ay napunta sa kanya. Maging si Tyler ay napatingin din kay Lewis, bagama't mabilis ding ibinalik ang atensyon sa pagkain.Samantala, napayuko siya. Ano ba itong lalaking ito? Nanliligaw ba siya?Pero sa tuwing kausap niya si Lewis, wala naman siyang nararamdamang romantikong intensyon mula rito. Para bang... iba. Hindi niya maipaliwanag, may kakaibang lambing at pag-aalala itong ipinapakita sa kanya, pero hindi katulad ng isang lalaking nanliligaw.
Sandaling katahimikan ang namayani sa silid. Wala ni isa ang gustong magsalita. Maging si Tyler ay tahimik lang, nakatayo sa gilid na para bang malalim ang iniisip. May kung anong pait sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan. Hindi ba dapat masaya ito? Kanina lang ay siya pa ang nagsasabing
ARIA’S POV:SA RECEPTION:“Are you happy, babe?” bulong na tanong ni Clarkson sa kanya.“Of course, I’m happy! I have nothing to ask for. Finally, I’m Mrs. Almonte. Lahat ng mahal natin sa buhay ay andito.” nakangiting sabi niya. Ramdam niya na iisa lang ang kanilang nararamdaman.Nang tumawag na a
Hindi naman nagtagal ay nagpahinga na sila. Doon siya natulog sa kwarto ng kanyang mga abuelo. Dahil sa nangyari kanina ay takot siyang iwan ang mga ito kahit pa wala na si JM. Parang nagkaroon na siya ng trauma sa mga ganitong bagay.Kinabukasan ay muli siyang bumalik sa ospital, hindi muna sumama
Pagdating sa resort ay sa restaurant sila dumiretso ni Jolisa. Halos wala pa din siyang lakas at hindi makapaniwala na napaglaruan siya nina JM at Vicky. Kung hindi siya naniwala sa dalawa ay malamang nagpaplano na sila ni Aria ng kasal sa mga oras na ito.Muli niyang naalala ang nobya.... Kinuha a







