LOGINNapatingin siya rito, marunong naman pala talagang ngumiti. Hindi niya alam kung bakit, pero gumaan nang kaunti ang kanyang pakiramdam.Maya-maya ay muling nagsalita si Lolo Sebastian.“Siya nga pala...”Agad na tumahimik ang lahat.“Inimbitahan tayo ng mga Mackenzie sa kanilang tahanan. May masquerade party sila sa makalawa, kaya kailangan nating maghanda ng mga isusuot.”Biglang lumiwanag ang mukha ni Lola Beth. “Wow! I’m so excited! Parang a-attend tayo nito ng JS Prom?” natatawang tanong ni Lola Beth. “Lahat pabonggahan ng gown?”Nagtawanan ang lahat. Maging si Lolo Sebastian ay napangiti nang bahagya.“Ano ang JS Prom?" Nagtatakang tanong ni Lolo Sebastian. Hinidi pala nito alam iyon."Sa School yun.. mga estudaynte pabonggahan ng gown kapag JS Prom!" Paliwanag ni Lola Beth. “Beth,” natatawang saway ni Lolo Gregore. “Baka pagdating natin doon, mas bongga ka pa sa may-ari ng bahay?”“Aba, siyempre!”Muling nagtawanan ang lahat.“Evelyn,” muling sabi ni Lolo Sebastian. “Ikaw na an
Hindi na siya nagtanong, sa halip, kusa siyang napatingala sa ikalawang palapag ng mansion. At doon... sa likod ng malaking salaming bintana, nakita niya si Lolo Sebastian. Nakatayo ito sa tabi ng bintana, tahimik at nakatingin sa kanila.Agad na lumiwanag ang kanyang mukha. “Lolo Bastie!”Kahit alam niyang hindi naman siya maririnig nito mula sa kinatatayuan niya, masigla pa rin siyang kumaway. Napakalawak ng kanyang ngiti habang paulit-ulit na ikinakaway ang kamay.Pero nang mapansin siya ng matanda, hindi man lang ito kumaway pabalik. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Nakita niyang saglit lang siyang tinitigan ni Lolo Sebastian bago ito tumalikod at lumayo sa bintana, hanggang sa tuluyan na itong nawala sa kanyang paningin.Unti-unting bumaba ang kamay niya. Napatitig lang siya sa bakanteng bintana. Bakit? Isang kakaibang kirot ang sumagi sa kanyang dibdib.Galit ba sa kanya si Lolo Sebastian? Pero bakit? Akala niya kasi... kahit kaunti, naging okay na sila kahapon. Hindi siya nit
JOLIE’S POV:“Lolo Gregore, nakakatawa talaga kayo! Hahaha!”Halos hindi na mapigilan ni Jolie ang kanyang pagtawa. Napahawak na siya sa tiyan habang bahagyang nakayuko, pilit na hinahabol ang kanyang hininga dahil sa sunod-sunod na biro ni Lolo Gregore.Kung tutuusin, hindi niya akalaing ganito pala kakengkoy ang matanda. Sa unang tingin kasi rito, talagang mai-intimidate ka. Sa tindig, pananamit, at awtoridad na taglay nito, iisipin mong isa itong napakahigpit at napakaseryosong lalaki. Idagdag pa ang katayuan nito sa buhay at ang respeto ng lahat dito.Pero kapag nakilala mo pala nang husto si Lolo Gregore, malalaman mong kabaligtaran iyon ng tunay nitong ugali.Napakahilig nitong magbiro., at ang mas nakakatawa pa, kahit ilang beses na niyang narinig ang parehong joke nito, natatawa pa rin siya sa paraan ng pagkukuwento ng matanda. May kasama kasing facial expressions, pagbabago ng boses, at kung anu-anong actions na lalo lamang nagpapatawa sa kanya.“Hahaha! Kaya ikaw talaga ang
Hindi siya sumagot pero nauunawaan niya ang ibig sabihin ni Evelyn. Kahapon lang, naranasan niya iyon. Dinalhan siya ni Jolie ng strawberries, kinausap at minasahe ang kanyang mga binti. Parang walang kakayahang magtanim ng sama ng loob.“Kawawa nga lang ang batang iyan,” biglang sabi ni Evelyn.Napatingin siya sa asawa. “Why?”“Lapitin ng mga bully.”Mas lalong kumunot ang kanyang noo. “What do you mean?”Humugot ng malalim na hininga si Evelyn bago muling nagsalita. “Noong nasa Baguio sila, muntik na siyang mapatay dahil sa isang babaeng obsessed kay Tyler.”Biglang nagbago ang ekspresyon niya. “What?”“Hindi mo alam?”Umiling siya. “No!”“At hindi lang iyon... noong pumunta siya sa Manila para mag-artista, binully rin siya ng mga kasamahan niya. Pinagtulungan siya, pinahiya, at kung anu-ano ang ginawa sa kanya.”“Noong birthday niya sa Miller Hotel,” pagpapatuloy ni Evelyn, “pinahiya rin siya ng isang babaeng kaklase ni Tyler dahil lang nagseselos ito sa kanya.”Hindi agad nakapags
Tahimik silang naglakad ni Tyler pabalik sa loob ng mansion. Napansin niyang hindi nagsasalita ang nobyo. Mula nang makita sila nitong magkasama ni Lolo Sebastian ay tila may kung anong bumabagabag dito.Hindi na muna siya nagtanong, pero nang makapasok na sila sa kanilang silid at maisara ni Tyler ang pinto, saka lang ito nagsalita.“Ano ang pinag-usapan n’yo ni Lolo?”Napalingon siya. “Ha?”“Kanina. Habang magkasama kayo.”“Wala naman.” Nagkibit-balikat siya. “Dinala ko lang doon iyong pasalubong kong strawberry.”“Wala siyang sinabi sa ’yo?”“Kumunot ang kanyang noo. “Tungkol saan?”“Anything.”“Wala naman.”Halatang hindi kumbinsido si Tyler.“Nagtanong lang siya kung nag-enjoy daw ba ako sa pamamasyal natin.”Biglang kumunot ang noo nito. “He asked you that?”“Oo.”Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Tyler. “That’s not him.”“Ha?”“Hindi siya ganoong tao.”Ilang segundo niya itong tinitigan bago biglang napangisi. “Baka gusto na niya ako...”Sinabi niya iyon nang pabiro, umaas
JOLIE’S POV:“Sige...”Isang simpleng salita lang iyon, pero para kay Jolie, tila iyon na ang pinakamagandang balitang narinig niya sa buong maghapon.Agad na sumilay ang napakalawak na ngiti sa kanyang mga labi. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang biglang gumaan ang kanyang pakiramdam nang hindi siya sinungitan ni Lolo Sebastian.Maliit na bagay lang iyon para sa iba, pero para sa kanya, malaking progreso na iyon.Habang nasa lawa sila kanina, napag-usapan nila ni Aria ang tungkol kay Lolo Sebastian. Pinayuhan siya nitong huwag masyadong dibdibin ang pagiging masungit at suplado ng matanda.Mabait naman daw talaga si Lolo Sebastian. Sadyang dahil na rin siguro sa katandaan ay madalas na itong maging bugnutin, mainitin ang ulo, at kung minsan ay mahirap pakisamahan.Huwag lang daw niyang personalin ang mga masasakit na salita nito dahil ganoon lang talaga ang ugali ng matanda.Doon pa lang, habang nasa lawa sila, nakapagdesisyon na siya. Gagawa siya ng paraan para unti-untin
Kung alam ko lang… kung alam ko lang na ganito ang mangyayari… sambit nya sa sarili at napahawak sa dibdib. Para bang may mabigat na nakadagan doon."Iha, uminom ka muna ng tubig". sabi ng mommy niya habang tinatapik siya sa balikat.Umiling lang siya. "Okay lang po ako, Mom… si Clarkson po… siya a
“Hi Aria! It’s good to see you again!” nakangiting bati ni Doc Vicky sa kanya. Mukhang sincere naman si Vicky na masaya itong makita siya... pero siya?...Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. May mga tao naman doon maliban kay Clarkson at Vicky pero sa dalawa lang natuon ang atensyon niya...
BEN'S POV:Nagpaalam na cya at umalis sa ospital, bumalik sa rancho para kunin ang mga gamit nya. Babalik na cya ng Scotland kahit pa kakadating pa lang nya. He needs to go back as soon as posible. Hindi totoong ang daddy nya ang tumawag, ang front desk sa hotel ni Aria na si Lovely ang kausap nya
CLARKSON'S POV:Pakiramdam niya ay ilang araw din ang paghihintay niya habang ginagamot si Aria sa emergency. Bakit tila napakabagal ng oras ngayon?Mariin siyang napapikit, kahit andito na si Aria ay hindi pa rin siya mapakali. Sobrang hina nito kanina, hindi niya alam kung ano ang ginawa ng mga k







