LOGINLumapit siya sa kama at maingat na hinawakan ang kamay ni Jolie.“Love…”Hindi siya pinansin ng dalaga.“Don’t listen to them. You know I love you, right?”Tahimik lang si Jolie.“Magulo lang ang isip ko kanina, natakot ako. Akala ko ba naiintindihan mo na ako?”Napakunot-noo si Jolie at saka siya nilingon.“Ano ba ang sinasabi mo? Wala naman akong sinasabing hindi kita naiintindihan.”Natigilan si Tyler. “T-Talaga?”Para siyang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Napahawak siya sa kanyang dibdib at malalim na huminga.“But… kanina mo pa ako hindi pinapansin.”“Dahil nagugutom ako.”Napakurap si Tyler. “Ha?”“Gutom ako.”Ilang segundo siyang tahimik na nakatitig sa nobya. Iyon lang? Kanina pa siya halos mabaliw sa pag-iisip na baka galit na galit sa kanya si Jolie. Akala niya ayaw na siyang kausapin nito.Akala niya pinag-iisipan na rin nitong hiwalayan siya… Gutom lang pala.“Sorry, love.” Agad siyang lumapit. “Ano pa ang gusto mong kainin? Bibilhan kita sa labas.”“Busog na ako.”
“Tapusin mo na ang kabaliwang ’yan. Nagugutom na ako,” supalpal ni Clarkson habang isa-isang inilalabas at inaayos sa maliit na mesa ang mga dala nilang pagkain.Napatiim-bagang si Tyler. Gusto niya itong batukan.Kung hindi lang niya brother-in-law si Clarkson at higit sa lahat, kung hindi lang niya alam na baka magalit sa kanya si Jolie… matagal na niya itong nasuntok.Oo na. Inaamin niyang kabaliwan ang lahat ng mga naisip niya kanina. Pero hindi naman alam ng mga ito na halos mamatay na siya sa sobrang pag-o-overthink.Akala niya mawawala na sa kanya si Jolie. Akala niya mas mabuting pakawalan na lang ang dalaga kaysa patuloy itong madamay sa mga pilit manggulo sa kanyang buhay.At ngayong napagtanto niyang isang malaking katangahan ang ginawa niya at tila wala namang balak ang mga taong nasa silid na iyon na tigilan ang pagpaparamdam sa kanya kung gaano siya katanga.Maya-maya ay lumapit si Clarkson sa kama ni Jolie at maingat na inayos ang kumot nito.“Ano ang gusto mong kainin,
Hindi siya nagsalita, nanatili lamang siyang nakatayo roon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.“Sige.”Napatingin siya kay Jolie. “S-Sige?”Tumulo ang luha sa pisngi ng dalaga. “Susuko ka na lang ba nang ganito pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin?”“Jolie…”“Kung gusto mong umalis, sige.”Nanlaki ang mga mata ni Tyler. “Jolie…”“Papayagan kitang umalis.Pero tandaan mo ito...”Parang biglang tumigil sa paghinga si Tyler. Diretsong tumingin si Jolie sa kaniyang mga mata.“Kapag umalis ka ngayon, hindi mo na kami makikita ng anak mo.”“W-what?”“I said you can leave.”“Jolie, no!”“But first…” Huminga nang malalim si Jolie. “Tell me you don’t love me anymore.”Napatigil si Tyler.“Tell me!!!"Hindi siya nakapagsalita.“Look at me, Tyler. Tell me you don’t love me anymore. Tell me you don’t love our baby. Tell me you can live without us… and I swear, I’ll let you go.”Doon tuluyang gumuho si Tyler.“No!…” Lumapit siya kay Jolie. “No, Jolie…
Makalipas ang halos isang oras, nagpaalam muna sina Clarkson at Aria upang bumili ng makakain. Naiwan si Tyler sa loob ng silid, tahimik na nakaupo sa tabi ng kama ni Jolie.Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nito. Kanina pa niya pinagmamasdan ang maamong mukha ng nobya. Maputla pa rin si Jolie, at sa ilalim ng liwanag ng silid ay kitang-kita ang bakas ng pagod at hirap na pinagdaanan nito.Ilang beses nang sinabi ni Tyler sa sarili na ito ang tama. Kailangan niyang gawin ito, kailangan niyang lumayo dahil hangga’t nananatili siya sa buhay ni Jolie, pakiramdam niya ay hindi kailanman matatapos ang panganib na nakapaligid dito.Ngunit sa tuwing naiisip niyang hindi na niya makikita ang ngiti ni Jolie pagkagising niya sa umaga, parang may kamay na mahigpit na pumipiga sa kaniyang puso.Paano niya kakayaning hindi marinig ang boses nito? Paano niya kakayaning hindi ito makasama? At paano niya magagawang talikuran ang babaeng higit pa sa sarili niyang buhay ang halaga sa kaniya?“Paa
“Kuya… si Jolie… huhuhu…” Humahagulgol na sambit ni Aria habang mahigpit na nakakapit sa braso ni Clarkson. Hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kay Jolie. “Shh… don’t cry, baby. Baka ikaw naman ang mapaano,” malumanay na sabi ni Clarkson sa asawa habang marahang hinahaplos ang likod nito. “Jolie’s gonna be fine,” dagdag niya. Ngunit maging siya ay hindi sigurado sa sariling sinabi. Takot na takot din siya. Hindi niya kayang isipin kung ano ang maaaring mangyari kay Jolie, lalo na sa anak nilang dinadala nito. “That bitch!” galit na bulalas ni Clarkson. Namumula ang kaniyang mga mata sa galit at kakaiyak. Mariin niyang naikuyom ang kaniyang mga kamao. “Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, ako mismo ang papatay sa Tiffany na ’yon!” “Clarkson…” mahinang saway ni Aria. “I mean it! Ilang beses na niyang sinaktan si Jolie! Hanggang kailan natin hahayaang gawin niya ’to?” “Hindi na siya makakala
Naramdaman ni Jolie ang malalim na paghinga ng babae sa likuran niya.“Hindi mo ako sasamahan… dahil sa walang kuwentang babaeng ito?” Unti-unting bumaba ang boses ni TiffanyNapangiwi siya nang muling humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang buhok.“Agh!”“LET HER GO, TIFFANY!” sigaw ni Tyler.“NO!” Halos magwala si Tiffany. “Hindi ko siya bibitawan hangga’t hindi mo gagawin ang gusto ko!”Tahimik lang siya ngunit mabilis na gumagana ang kaniyang isip. Hindi siya papayag... hindi niya hahayaang makuha ni Tiffany ang gusto nito. Paano ang anak nila? Paano ang kasal nila? Paano ang pagpunta niya sa Scotland? At higit sa lahat… Paano siya? Hindi niya maaaring hayaang agawin ni Tiffany ang ama ng kaniyang anak.Naningkit ang mga mata ni Jolie. Huminga siya nang malalim, pinapakiramdaman niya ang pagkakahawak ni Tiffany sa kaniyang buhok. Kapag lumuwag iyon kahit kaunti lang, sisikuhin niya ito.Napatingin siya kay Tyler. Nagtama ang kanilang mga mata, kitang-kita niya ang takot sa mukh
Pagkaraan ng ilang oras ay nilipat na sila sa private room. Si baby Nathaniel ay sandaling dinala sa newborn section para sa iba pang tests. "Matulog ka na ulit, love. You need to rest. Alam kong pagod ka sa kaka-ere." "Ikaw din naman umere, nakita kita! Hihihi..." "Hahaha... I told you, sasama
Hindi naman nagtagal ay pumasok si Clarkson.Umupo din ito sa upuan sa harap niya, sa desk ni Gov. Hindi niya ito pinansin. Nasa kay Gov lang ang atensyon niya.“Hi, bunso... next time be careful ha. Titingnan mo ang nilalakaran mo. Paano kung wala ako doon, eh di natumba ka?”Tiningnan niya lang s
Sabay silang kumakain pero tahimik silang dalawa. Ayaw niyang kausapin si Clarkson. Tila ay ayaw din nitong makipag-usap dahil mukhang may malalim na iniisip.Wala din si Ninang Fe at Ninong Clark doon dahil may pinuntahang party. Lately ay sila lang palagi ni Clarkson ang naroon sa bahay.“Masarap
Pagkatapos mag-ayos ni Tito Ken ng konting gamit ay umalis na sila sa mansion at pupunta sa bahay ni Gov. Clark.Matinong politiko din si Gov. Clark Almonte kaya panatag ang loob niya kapag doon titira si Tito Ken, at saka halos magkapatid na nga ang mga ito. Naalala niyang dati ay may kinasasangku







