تسجيل الدخولMIKYLA POV "OPO, sige po, aalis po ako." mahinahong kong bigkas at akmang maglalakad na sana palabas ng mansion nang mabilis akong nahawakan ni Arif sa aking kamay "Mag-usap tayo! Isa pa, hindi ka pwedeng umalis ng basta-basta." seryoso niyang wika. "Arif! Hangang ngayun pa ba naman, pipigilan mo pa rin ang malditang iyan?' galit na sigaw ni Mrs. Femmy Fulgencio Grabe, kay bilis na- expired ang pgiging mabait na biyanan niya sa akin. Sabagay, noon pa man, alam ko naman na hindi siya mabuting tao eh Alam ko kung gaano kataas ang tayog ng lipad niya, matapobre at higit sa lahat, kaya lang naman siya pumayag na gawin akong substitute dahil umiiwas sila sa kahihiyan. At ngayun, ngayung wala na akong halaga sa kanila, gusto na nila akong sipain na para bang isang basura "Mikyla, sumama ka na sa amin sa bahay natin." narinig kong wika ni Mommy. May bahid ng luha ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin. Kaagad ko namang hinila ang kamay kong hawak pa rin ni Arif
MIKYLA POV "LO, please, huwag mo itong gawin sa akin. Hindi tayo dapat humantong sa ganitong kailangan niyo akong papiliin sa pagitan ng asawa ko at pamiya natin." seryosong wika ni Arif. "Kailangan mong mamili! Arif, alam mo kung gaano kabigat ang responsibilidad na nakaatang sa balikat mo! Paano ko ipagkakatiwala ang isang bagay gayung ang sarili mong bakuran ay hindi mo kayang linisin." galit na wika ni Lolo. HIndi ko naman mapigilan ang mapasinghap sa aking narinig. Masakit marinig na para bang isang basura na pala ang tingin nila sa akin At alam kong mahirap nang baguhin iyun . Para sa kanila, wala na akong pakinabang. Isa akong malaking kahihiyan sa pamilyang ito dahil lang sa mga larawan na iyun Masakit sa akn ang tungkol sa bagay na ito. Pero nang buksan ng isa sa mga lalaking naka suit ang folder na dala niya at iniabot sa akin, doon na ako nanghina Divorce Agreement at pagpapawalang bisa sa kasal naming dalawa ni Arif. At ang dahilan, ang pangangalunya ko. At nak
MIKYLA POV Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng sandaling ito. Litong lito ako at the same time, natatakot ako sa mga consequences na mangyayari dulot ng mga larawan na iyun. Yes, nang dahil lang sa lintik na mga larawan na iyun, biglang nagbago ang lahat. Ilang buwan akong tinanggap ng pamilya nila. Ilang buwan akong pinaniwalaang isa na akong tunay na miyembro ng kanilang pamilya. Ngunit sa isang iglap...parang nabura ang lahat dahil lamang sa isang ‘pagtataksil’ daw na hindi ko naman ginawa. Malinis ang konsensya ko at sana lang talaga, maging bukas ang isip nila at pakingan nila ako. “Lo, bigyan niyo po ako ng time. Papatunayan ko sa lahat na hindi ako niluko ng asawa ko.” narinig kong wika ni Arif. Kay sarap sa pandinig na pinagtatangol niya ako. Pero, hangang saan at hangang kailan siya tatayo para sagipin ako? Lalo na kung ang matandang Fulgencio na ang nagdesisyon. Dahil ang sunod na binitiwa niya, ay tuluyang nagpayanig sa kakarampot na nati
MIKYLA POV "SINO SILA?" seryosong tanong ko kay Arif. Tuluyan na akong nawalan ng gana sa mga pagkaing nasa harapan ko. Kanina lamang ay halos manghina ako sa gutom, ngunit ngayon, ni isang subo ay hindi ko na magawa. Ang sikmura ko man ay kumakalam pa pero mas nangingibabaw pa rin ang kaba at takot na bumabalot sa buong pagkatao ko. Ang gusto ko na lang ngayon ay harapin ang problemang bumabagabag sa akin. Ang tungkol sa mga larawan. At higit sa lahat... ang malaking pagkadismaya ng mga taong nagtiwala sa akin. "Mikyla, ituloy mo na ang pagkain. Hindi ba't sabi mo kanina, gutom na gutom ka?" seryosong tanong ni Arif habang nag-uumpisa na naman siyang maghimay ng sugpo "Wala na akong ganang kumain." sagot ko na sinabayan ko pa ng sunod-sunod na pag-iling. "Mikyla..." "Hindi pa ako okay, Arif," mahina ngunit nanginginig kong tugon. "Masakit pa rin ang katawan ko... masakit din ang ulo ko. Pero paano ako makakapagpahinga kung ganito? Paano ako magiging kalmado kung alam
MIKYLA POV MABUTI na lang talaga at bigla nalang naging masunurin itong si Arif. Pagkatapos niyang kunin ang pagkababae ko dahil sa galit niya, bumawi naman siya sa akin Sinigang na malalaking hipon plus, mamaya, may surprise daw siya sa akin. Nahuli na daw niya ang mga taong nasa likod ng pagpapadala ng mga malalaswa kong mga larawan Mabuti na din kung ganoon. Para naman malaman ko kung ano ba ang problema nila at kung bakit nila ito ginagawa. Bumabawi nga si Arif sa akin dahil habang kumakain ako, abala naman siya sa pagbabalat ng mga hipon. Nasa mood talaga siya na pagsilbihan ako hangang sa bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone Ilang saglit akong napatitig kay Arif bago dumako ang paningin ko sa kanyang cellphone na nakapatong lamang sa ibabaw ng mesa At doon ko nakita na si Lolo Fernando pala ang tumatawag "Hindi mo ba sasagutin'" seryosong tanong ko sa kanya. "Mamaya na lang, pagkatapos mong kumain." seryosong sagot din naman niya sa akin. Kaagad din nam
MIKYLA POV "Paborito ng mga may sakit ang lugaw. Tikman mo muna.." masuyong wika ni Arif sa akin. Kaagad naman akong umiling. "Ayaw ko nga." nakaingos kong sagot habang nakatingin sa mangkok. Aminado akong mabango naman ang lugaw. May luya, may spring onion, may chicken flakes pa. Pero kahit gaano pa iyon kabango. Lugaw pa rin iyon. At ayoko ng lugaw. "Mikyla...hindi ka pa tuluyang magaling. Ito ang nirekomenda ng doktor. Mas magaan sa tiyan at kailangan mong kumain muna bago uminom ng gamot." muling wika ni Arif. Kahit na nireject ko na ang pagkain na gusto niyang ipakain sa akin, ni hindi ko man lang nakitaan na nainis siya sa akin. "Hindi. Ayaw ko niyan." naiinis ko pa ring sagot. "Please?" nakikiusap nang wika ni Arif. "No! No! No! Pambata lang ang pagkain na iyan!" Hindi ko maintindihan kung bakit imbes na mairita ay lalo pa siyang natutuwa habang pinagmamasdan akong nagrereklamo. "Hindi puwedeng ayaw mo," aniya habang kinukuha ang kutsara. "Kailangan mong ku
MIKYLA POV Naging maayos naman ang mga sumunod na oras. Matapos ang mahabang talumpati ni Don Fernando Fulgencio, unti-unting bumalik sa dati ang takbo ng pagtitipon. Muling napuno ng tawanan, kuwentuhan, at tunog ng mga basong nagkakatamaan ang buong bulwagan. Isinama ako ni Arif upang ipakila
MIKYLA POV LIMANG minuto. Iyon lang ang time frame na ibinigay ni Arif sa akin at ayon sa kanya, dapat ay handa na raw ako bago pa man matapos ang limang minutong iyon. Kaya naman ang naging ending, hindi na ako nakaligo. Pagkatapos kong magbihis, diretsong inayusan na agad ako ng mga staff.
MIKYLA POV Hindi ko na lang siya pinansin at muling pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Habang ginagawa ko iyon, may isang staff na lumapit upang ayusin ang laylayan ng gown. "Sir, bagay po talaga kayo ni Ma'am. Excited na po siguro kayo sa kasal?" nakangiting tanong nito. Halos sabay kamin
MIKYLA POV "Ano raw? Dumating na ang gown? Hindi ba nila alam na malas magsukat ng wedding gown bago ang kasal?" sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing. Alam ko na kung ano ang iniisip ng babaeng ito. Ayaw nitong magsukat ng gown kasi,hindi naman talaga siya interesado sa ka







