LOGINIsang buwan bago ang kasal, tumakas ang kakambal ni Mikyla Ventura na si Zyra Ventura sa fiancé nitong si Arif Fulgencio. Ang dahilan nagbago ang isip at hindi mahal ang lalaki. Upang maiwasan ang kahihiyan, nagpasya ang magkabilang panig na si Mikyla na muna ang papalit bilang bride ni Arif. Tutal, identical twin naman silang dalawa ni Zyra. Pero, tutol dito si Mikyla. Lalo na at hindi naman sila magkasundo ni Arif. Noon pa man, tingin niya na kay Arif ay isang arogante, barumbado, basagulero at higit sa lahat, masama ang ugali. Isa pa, ayaw niyang sumalo sa tira ng iba. Lalo na nang kakambal niya. Pero, ano ang gagawin niya kung si Arif Fulgencio na din mismo ang gumagawa ng paraan para siya na lang ang sumalo sa iniwan ng kakambal niya? “I've changed my mind.. Ikaw na lang ang magpakasal sa akin tutal, mukhang wala nang balak pang bumalik ang kakambal mo!” seryosong wika ni Arif kay Mikyla. Kaagad din namang tumutol ang kalooban ng dalaga pero kaya niya bang baliwalain ang pakiusap ng mga magulang niya? Kapag hindi siya sumunod sa nais ng mga ito, malulugi ang negosyo at ha-huntingin ng mga Fulgencio si Zyra. Kaya niya bang makita na mapahamak ang lahat ng mga mahal niya sa buhay?
View MoreMIKYLA POV
‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikutin ang buong Pilipinas gamit ang kanya-kanya naming motor. Wala namang dapat na ikabahala dahil marami naman kami sa grupo. Apat na babae pitong lalaki. At kasama sa grupo na ito ang mga kaibigan ko since High School Habang tumatakbo ang motor ko sa makahoy na lugar, ramdam ng buong katawan ko ang malamig na simoy ng hangin. This is life, ito ang matagal ko nang gusto. Ang magtravel gamit ang motor at libutin ang buong Pilipinas. “Mikyla, are you okay? Sa unahan natin, napa-trouble daw si Pinky. Sumabit ang motor niya sa isang kotse at galit na galit ang may-ari.” mula sa suot kong speaker narinig ko ang boses ni Joda. At sa unahan ko lang nakita ko ang umpukan ng mga tao Dali-dali kong itinabi ang motor ko at bumaba. Nilapitan ang kaibigang si Pinky na nakahadusay sa gilid ng kalsada. Namimilipit sa sakit habang nakatayo sa harapan niya ang tatlong lalaki “Pinky!’’ tawag ko. Ang iba pa naming mga kasamahan ay isa-isa nang nagsidatingan. Dali-dali kong tiningnan ang injured ni Pinky at hindi ko maiwasan na makaramdam ng labis na pag-aalala nang mapansin ko kung gaano kalubha iyun. “Mikyla, hindi ko sinasadya. Patay ang ilaw ng sasakyan nila na nakaparada sa gilid ng kalsada at blindspot kaya hindi ko napansin.” wika ni Pinky sa akin. “Okay..okay, huwag ka munang gumalaw hanga't hindi pa dumadating ang rescue.” seryosong bigkas ko. At pagkatapos noon, dahan-dahan na akong tumayo para harapin ang taong may -ari ng sasakyan Kitang kita ko ang galit sa mga mata nila. Nagsilapitan na din ang iba pa naming mga kasama. “Miss, paano ba iyan, kailangan niyo kaming bayaran sa perwisyo na dulot ng kaibigan mo sa sasakyan namin.” seryosong wika ng isa sa mga lalaki. Nahuli ko pa siyang pasimple akong tinititigan mula ulo hangang paa. Hindi ko naman mapigilan ang maikuyom ang kamao ko “Hanga’t walang imbistigasyon at walang pulis na involved, walang magbabayad.” seryosong sagot ko Napansin ko ang biglang pagsalubong ng kilay ng nasa harap ko. Akmang lalapitan sana ako nito nang bigla nalang humarang ang isa ko pang kasamang lalaki. Si Jovan. “Woa! Woa! Boss, babae iyan. Bawal patulan!” wika nito at kaagad na pumagitna. Kaya lang, hindi inaasahan ni Jovan na bigla nalang umangat ang paa ng isa sa mga lalaki at binigyan ng malakas na flying kick si Jovan. Tumilapon ito kasabay ng pagbagsak nito sa lupa Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Ang iba pang mga kasamahan namin ay nagsipagdatingan na din. Hindi sila papayag na may isa sa kasamahan namin ang dehado. Kaya naman, ilang saglit lang sa harapan ko mismo, nagkagulo ang lahat. Suntok dito, suntok doon. Ginamit ko ang aking helmet at ibinato sa mga kalaban. Alam kong alanganin kami. Lalo na at kapansin-pansin na magaling pala ang kalaban namin sa martial arts. Hangang sa nagulat na lang kami lahat nang bigla na lang naglabas ng armas ang isa sa mga lalaki. “Sige….subukan niyong manlaban at pasasabugin ko ang bungo ng babaeng ito!”narinig kong galit na sigaw ng isa sa mga lalaki. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Si Karla, nakatutok sa ulo niya ang baril ng isa sa mga kalaban namin “Akala niyo ba mas nakakalamang kayo sa amin ha dahil mas marami kayo? Akala niyo kung sino kayo?” galit na sigaw ng lalaki. Bigla naman akong kinabahan. Rides lang naman ang pakay namin. Iyun lang at walang iba pero bakit ganon? Bakit kami napatrouble ng ganito? “Wala kayong pera? Ganito na lang, babae! Yes, babae na lang ang ipambayad niyo sa amin.” nakangising wika ng isa sa kanila. Gosh, wala sa sariling napatitig ako sa lalaki na may hawak kay Karla at hindi ko maiwasan na mapangiwi nang mapansin ko na mukha talaga siyang pusit. I mean, hindi naman sa pag-aano pero, ang pisngi kasi ng isa sa mga lalaki ay puro peklat. At halatang wala talagang matino na gagawin sa buhay “Hindi! Hindi kami papayag!’ sigaw naman kaagad ni Jovan. Nakabangon na siya pero muling napahiga nang bigla na naman itong tadyakan ng lalaking mukhang kambing. Para siyang kambing kasi simula kanina, wala nang ibang ginawa kundi ang ngumuya nang ngumuya “Wala kayong magagawa kung gusto namin. Men, kuha na kayo ng tig isang babae. Iyang babae na iyan, akin iyan ha?” sigaw ni Mr. Pusit este ng lalaking mukhang pusit sabay turo sa akin Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa takot. Napaatras pa nga ako dahil hindi ako papayag Ano ba? Ano ba namang kamalasan ito? Bakit kami nahantong sa ganito? “Areglado Boss. Siya na lang ang akin.” wika naman ni Kambing sabay turo kay Joda. Nakita ko na takot na napatago si Joda sa likod ni Renier. Si Pinky naman ay pilit na pinapatayo ng isa pa at akmang papalag sana ang iba pang mga kasamahan namin nang bigla nalang nagpaputok si Pusit. Sabay-sabay kaming napasigaw dahil sa takot. “Ano..lalaban kayo? Huwag na kasi kayong manlaban! Wala na kayong magagawa sa amin mga bata.” makangisi na wika ni Pusit. Sa tanang buhay ko, ngayun lang ako nakaramdam ng takot. God, mukhang hindi sila nagbibiro. At nang naglalakad na palapit sa akin si Pusit, bigla na lang may dumating na mga sasakyan. Pitong sasakyan at lahat kulay itim Lahat kami ay natigilan. Hindi makapaniwala. "Ano ang meron? Bakit…bakit ang daming sasakyan? Sino sila?" Bumaba ang mga taong nakaitim at sa isang iglap, biglang pinaputukan nila si Pusit. Tumalsik ang baril niya sa lupa kasabay ng sunod-sunod na pagluhod nilang tatlo. Biglang nagkagulo. Ang mga kaibigan ko, kanya-kanya ding atras. Sino ba ang hindi matatakot sa mga taong mukhang kulto? Lahat sila pareho-pareho ng suot. Naka black trouser and coat at black sunglass kahit na nasa kalaliman na ng gabi. At nang bumaba ang isang babaeng kilalang kilala ko, para akong ipinako sa aking kinatatayuan "Mikyla, Diyos ko..ikaw ba iyan? Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito?” wika nito. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi. Ang kakarating lang ay walang iba kundi ang kakambal kong si Zyra. At sa likod niya, nakatayo ang walang iba kundi ang fiancé niyang si Arif Fulgencio.ARIF FULGENCIO POV "Nasaan si Dr. Mika? Nakita mo ba siya? Hindi pa ba siya nakabalik?" mahina kong tanong kay Guiller habang nananatiling nakapako ang tingin ko sa nagaganap na kasiyahan sa hardin. Sa panlabas ay kalmado akong nakatayo, ngunit sa loob ko ay tila may bagyong unti-unting nagbabadya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kanina lamang, nang una kaming magkaharap ng isa sa mga panauhin ni Lolo, pakiramdam ko ay may kung anong nagbago. Isang bagay na hindi ko maipaliwanag at lalong hindi ko maintindihan. Hindi ko naman siya kilala. Hindi rin kami matagal na nag-usap. Ngunit bakit sa bawat pagkakataong naaalala ko ang mukha niya... lalo na ang mga mata niya... parang may kung anong humihigpit sa dibdib ko? Para bang matagal ko na siyang kilala. Para bang matagal ko na siyang hinahanap. At ang mas nakakainis, hindi siya maalis sa isip ko. "Boss," maingat na bulong ni Guiller. "Kasalukuyang nasa loob ng living room si Dr. Mika
MIKYLA POV "Triplets? Wow... talaga?" malamig ngunit kontrolado ang tinig ni Arif. Halos walang emosyon ang kanyang mukha, ngunit hindi niya naitago ang bahagyang pagkagulat ng kanyang mga mata. "Hindi ko akalaing may tatlo ka na palang anak, Ms. del Rosario." Saglit akong napangiti. Hindi dahil natuwa ako sa sinabi niya, kundi naisip ko lang na kung alam niya lang na ang mga batang tinutukoy niya ay sarili niyang dugo. Paano kaya kung malaman nitong si Arif na siya ang ama ng triplets? May magbabago kaya? Gugustohin niya pa kayang kunin ang buhay ko? Ganoon pa man, pilit kong itinakwil sa isipan ko ang bagay na iyun. Lalo na at wala akong balak na magpakita sa kanila ng kahit na katiting na mga bagay na possible silang magduda sa akin. "Sa totoo lang, wala naman sigurong nakakagulat doon, Mr. Fulgencio. Noon pa man, pangarap ko na talagang magkaroon ng malaking pamilya. Hindi lang isa, kundi maraming anak." mahinahon kong wika. Hindi ko alam kung bakit kailangan naming mag
MIKYLA POV "ANG ganda mo naman, iha! Tsaka, ang boses mo ay---- ka-boses mo talaga siya!" wika ni Mommy sa akin habang hawak niya ang kamay ko at titig na titig siya sa mga mata ko Kaagad din naman akong nag-iwas ng tingin at pasimple kong binawi ang kamay kong hawak niya pa rin. Na para bang wala siyang bitawan ako. "Thank you po, Ma'am." sagot ko din naman. Pagkatapos noon, kumapit ako kay Mama Amor para magpaalam sa kanya na magbanyo na muna I think, kailangan kong mag retouch. Feeling ko kasi, pinagpapawisan na ako eh. Isa pa, gusto kong umiwas kay Mommy. Baka kasi hindi ako makapagpigil at bigla na lang akong maiyak sa harapan niya. "Ma, excuse po muna, magsi-CR lang po ako." pabulong kong wika kay Mama Amor. Kaagad din naman siyang tumango "Kaya mo ba? Sasamahan na kita, anak." wika niya pa nga. Kaagad din naman akong umiling "Kaya ko po, huwag po kayong mag-alala." sagot ko din naman kaagad. Kaagad din namang tumango si Mama kaya pasimple na akong nag excuse sa ka
MIKYLA POV "HAPPY BIRTHDAY PO!" magalang kong bati kay Don Fernando, kahit sa kaibuturan ng puso ko ay wala akong anumang pagnanais na batiin siya. Ngunit kailangan kong magkunwari. Sa gabing ito, isa lamang akong ordinaryong bisita na nakikiisa sa pagdiriwang ng kaarawan niya. Hindi ako maaaring magpakita ng kahit katiting na pagkapoot. Isang maling kilos lang, maaaring magdulot ng pagdududa. Ako na ngayon si Mikyla del Rosario. At para sa mga Fulgencio... isa na lamang akong ganap na estranghero. Gayunpaman, hindi ko napigilang pagmasdan si Don Fernando. Walong taon ang lumipas, at kitang-kita ang bakas ng panahon sa kanyang mukha. Mas payat na siya, mas maputla, at tila bawat paghinga ay may kasamang hirap. Naka-upo na lamang siya sa wheelchair, halatang may malubhang karamdaman. "Maraming salamat sa inyong pagdating," malamig niyang tugon sa aming mga bumati. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha. Mahirap basahin kung natutuwa ba siya o hindi Ngunit may isang bag
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s
MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore