Share

Kabanata 5

Author: Cathy
last update publish date: 2026-05-19 22:57:36

MIKYLA POV

BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh.

Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela samantalang si Zyra naman, nakaupo sa kanyang pwesto kanina habang nakapikit na ang mga mata.

Hindi ko alam kung tulog ba siya or sadyang nagtutulog-tulugan lang. Pero ang nakakapagtaka, hindi man lang nito pinansin ang pagsakay ni Kuya Arif

Na para bang may something na namagitan sa dalawa. Pero, sino ba naman ako para mag-usisa. Paki ko ba sa kung ano ang problema nila. Ang mahalaga ngayun, marami akong bitbit na baon at hindi pa ubos ang kape ko

Pinayagan ako nitong si Kuya Arif na i-take-out ang mga sweets na hindi man lang nabawasan namin kanina. Kaya naman, pwede akong kumain habang nasa biyahe kami habang walang nakatingin sa akin

Kanina kasi sa loob ng coffee shop, hindi ako makakain ng maayos eh. Paano ba naman kasi, para akong hinuhusgahan nitong si Kuya Arif sa mga tingin niya pa lang.

Or baka naman naiirita siya sa akin kasi amoy maasim na ako? Well, kung ano man ang rason, bahala sila

“Mikay, bawal kumain dito sa loob ng sasakyan” inuumpisahan ko nang kainin ang cookies ng bigla na lang dumilat ang mga mata ni Zyra sabay lingon sa akin. Akala ko tulog siya, pero nagkamali ako. Medyo malakas din pala ang pakiramdam nitong kakambal ko

“Hayaan mo siya. Gutom ang kakambal mo kaya hayaan mo siyang kumain.” akmang ibabalik ko sana sa loob ng paper bag ang kinakain ko nang bigla na lang sumabat si Kuya Arif. Kagaya kanina, malamig ang tono ng boses niya. Parang walang gana pero puno ng awtoridad ang pagkakabangit niya ng salitang iyun

“Arif, hindi mo naman kailangan i-spoiled ng ganiyan ang kakambal ko eh. Rules is rules. Hindi ba’t noon, kahit na gaano kahaba ang biyahe natin, istrikto mong pinagbabawal ang kumain sa loob ng kotse?” seryosong sagot naman ni Zyra.

“Noon iyun…iba ang ngayun. Hindi mo ba napapansin? Gutom ang kakambal mo kaya hayaan mo siya.” sagot naman kaagad ni Arif. Nakita ko pang kaagad na napasimangot si Zyra.

At ngayun, mas lalo kong napagtanto na para bang nag-aaway nga ang dalawa. Kaya siguro hindi sinamahan ni Kuya Arif si Zyra na lumabas at bumili ng snacks kanina sa stop-over namin. Siguro dahil habang tulog ako kanina, nag-aaway na sila?

HMmm, nag-aaway din pala sila? Pero siyempre, ayaw ko nang dumagdag sa pagtatalo nila kaya itinago ko na lang ang cookies na masarap sanang kainin. Mamaya ko na lang kakakainin pagdating namin sa lugar kung saan man kami patutungo

Nakakabingi ang katahimik sa buong biyahe. Bored na bored ako kaya naman, nagpasya na akong umidlip na muli.

At nang muli akong nagising, nakahinto ang saakyan sa harap ng isang magandang Villa. Nag-aagaw na din ang liwanag at dilim at kagaya ng inaasahan, mag-isa nalang ako dito sa loob ng sasakyan. Hindi naman mainit dahil nakabukas pa rin ang makina ng sasakyan at naka-on pa rin naman ang aircon.

Siguro sinadya nila ito kasi nga alam nilang may natutulog pa dito sa loob ng kotse.

Saglit muna akong luminga-linga sa buong paligid bago bumaba. At pagkababa ko, kaagad na sumalubong sa paningin ko ang napakagandang tanawin

Para kaming nasa isang paraiso. Perfect nga para sa pre-nup photo shoot nila Arif at Zyra.

Ang mga tauhan ni Kuya Arif ay nagkalat pa rin sa buong paligid. Para silang mga goons. Mga gwapong goons dahil ngayung maliwanag na ang buong paligid, nakikkita ko na ang kanilang mga tunay na hitsura.

Hindi sila kagaya ng mga gangster na kulang sa budget. Sila, ang popogi pala nila. Ang tatangos ng ilong nila at ang lalaki ng mga katawan. Para silang mga modelo

Kung kagabi ang tingin ko sa kanila ay mga kulto, iba na ngayung umaga. Para na silang mga knight and shining armor. Para silang hindi mga pure na Pilipino

“Grabe, magkano kaya ang sahod nila?” hindi ko pa nga maiwasan na tanong sa aking sarili. Pagkatapos noon, naglakad ako patungo sa isang batong mesa at batong upuan at naupo.

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang magandang tanawin ng Mayon Volcano. Nandito nga kami ngayun sa Bicol at kung natuloy lang siguro ang rides, isa sa mga distenasyon namin ay ang mismong paanan ng Mayon.

“Hmm, teka lang, ayos, parang binoculars Telescope ito ah? Bakit pakalat-kalat?” mahina kong bulong sa aking sarili ng makita ko ang isang bagay na nakapatong sa sementong mesa. Sinipat ko pa ng tingin bago ko sinubukang gamitin.

Noong una, nagkasya lang ako sa kakatingin sa mga magagandang tanawin. Pero hindi naglaon, mga tauhan na ni Kuya Arif ang mga tinitingnan ko

Mga pogi talaga nila! Bakit kaya sila pumayag na maging bantay ni Kuya Arif? Gaano ba ka- makapangyarehan si Kuya at bakit ang popogi ang mga tao niya?

Lalo na iyung isa…at ang isa pa..ahhh basta, lahat sila pogi. Hangang sa dumako ako sa isang medyo tagong bahagi na lugar. Mula sa aking kinauupuan, nakikita ko ang isang babae at lalaki. Parang bagong kasal na abala sa kanilang kissing scene.

“Wow, sabik na sabik eh!” mahina kong sambit. Pero ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ko ang hitsura ng babae. Kilalang kilala ko siya----

“Zyra?” mahina kong bigkas. Hindi ako maaaring magkamali. Si Zyra nga…at ang buricat, sino ang kahalikan niya?

Pakiramdam ko, biglang nawalan ng lakas ang aking dalawang kamay na nakahawak sa telescope. Bumagsak iyun sa paanan ko at kaagad akong napaayos ng upo

“Si Zyra..siya iyun at-----”

“Ano ang ginagawa mo diyan?” kaagad akong napapaitlag nang marinig ko ang seryosong boses na iyun. Mabilis na napabaling ang tingin ko sa kanya at nang makita ko si Arif, bigla na lang akong kinabahan

Hindi para sa sarili kundi para sa malandi kong kakambal. Paano ba naman kasi, alam ko, sigurado na ako, hindi si Arif ang kahalikan niya ngayun. Kung sino man iyun, well, aalamin ko pa…..

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 156

    ARIF FULGENCIO POV KINABUKASAN MAAGA pa lang, gising na ako. may pupuntahan kami ngayung araw. Iyun ay ang iskwelahan kung saan pumapasok ang mga anak ni Mikyla del Rosario Ewan ko ba, simula noong nakita ko ang mga batang iyun, iba na ang kutob ko. Hindi ko lang mawari kung ano...lalo na at para sa akin ang kanilang Ina ay isa pa ring istranghero. Naligo lang ako at kaagad na kaming bumiyahe patungo sa Iskwelahan kung saan pumapasok ang triplets. Halos isang oras din kaming matiyagang naghintay bago namin namataan ang pagdating ng sasakyan ni Mikyla del Rosario "Kung ganoon, siya nag personal na naghahantid sa mga anak niya?" seryosong tanong ko kay Giovann "Yes, Boss." sagot naman ni Giovann Tumango lang ako at muling napako ang paningin ko sa dalawang batang lalaki. At habang tinititigan ko sila, parang may kung anong magnet na humihila sa akin Gusto ko silang hawakan. Gusto ko silang makausap.. Gusto ko ding malaman kung sino ang ama nila. Hinintay lang namin na

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 155

    ARIF FULGENCIO POV "MR FULGENCIO, kung wala ka nang sasabihin, ibaba ko na ito. Good bye!" narinig kong wika ni Mikyla del Rosario mula sa kabilang linya at pagaktapos noon, tuluyan na nitong idinsconnect ang tawag. Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi "Ibang klaseng babae! Parehong pareho talaga sila ng ugali ng Mikyla na alam ko. Kung hindi lang sa mukha, baka isipin kong ikaw talaga siya!" Sa tuwing naririnig ko ang boses niya, feeling ko, kausap ko lang talaga si MIkyla. Ang mga mata niya...ganoon na ganoon din. "Mikyla, hangang kailan mo ako pahihirapan na hanapin ka. Bumalik ka na sa akin. Tama na ang pagpaparusa. Walong taon na kitang hinahanap at kahit kailan, hindi ko matangap sa sarili ko na hindi na kita makikita." mahina kong muling bulong At nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot nang makita kong si Giovann ang tumatawag. "Yes?" seryosong sagot ko "Boss, may nakuha po akong impormasyon tungkol kay Mrs.

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 154

    MIKYLA POV "ANAK, ikaw na muna ang bahala sa mga apo ko ha? Gusto ko sanang samahan ka sa paghatid sa kanila sa School kaya lang may importanteng kliyente na naghihintay sa akin sa South Luzon branch natin." wika ni Mama Amor sa akin Halatang nagmamadali siya kaya nakangiti ko naman siyang nilapitan "Don't worry po, Ma. Ako po ang bahala! At bigyan niyo lang po ako ng isang buwan pa...ako na po ang magmamanage sa lahat ng branch para makapagpahinga na din po kayo." nakangiting sagot ko "Naku, ikaw talagang bata ka. Sige, pero aasahan ko din iyan ha? One month and retired na ako sa trabahong ito at gusto ko na lang na alagaan ang mga apo ko." nakangiting sagot niya. Kaagad din naman akong tumango "Opo...at mag-ingat po kayo, Ma." sagot ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at tuluyan na siyang sumakay ng kotse Wala namang ikabahala kahit na medyo malayo ang pupuntahan ni Mama dahil may driver siya. May dalawa din siyang mga bodyguard. "Ako naman, sumakay na din ng kotse. Nag

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 153

    MIKYLA POV "HINDI ko alam ang sinasabi mo. Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag." Mariin at seryoso ang tono ng boses ko. Hindi ako pwedeng magkamali ngayon. Kailangan kong panindigan na hindi ko siya kilala. Hindi rin pwedeng mahalata niyang kinakabahan ako. Narinig ko ang mahina niyang pag-click ng dila bago siya muling nagsalita. "Tsk. Tomorrow, magkita tayo. I have something important to discuss with you." Hindi ako nakaimik ng ilang segundo. Hindi man lang siya nagpakilala na para bang sigurado siyang kilala ko na siya. At iyon ang lalong nagpataas ng kutob ko. At ngayun pa lang, kailangan kong maghanap ng paraan para tuluyan siyang maiwasan. "I don't know who you are. So, ibababa ko na 'to. Sorry, pero wala akong planong makipag-usap sa taong hindi ko kilala. Baka ma-scam pa ako." Nilakipan ko pa ng inis ang boses ko para mapaniwala siyang hindi ako natutuwa sa kanya. AT hindi ko na din hinintay ang magiging sagot niya. Agad kong pinutol ang t

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 152

    MIKYLA POV Para may katuturan ang pagpapaalam ko kay Mama Amor na may bibilhin lang, nagpasya na din akong mamili na lang din muna. Binili ko na din ang sandals na nagustuhan ko and then, lumapit ako sa ibang boutique para bilhan din ng mga damit ang kambal. Si Mama Amor naman ay bag ang binili ko sa kanya Pagkatapos kong magshopping, muli akong bumalik sa kinaroroonan nila Mama Amor. At sakto naman dahil palabas na ang triplets mula sa loob ng skating rink. "Tapos na ba?" masigla kong wika. Huli na nang mapansin ko kung sino ang katabi ni Mama Amor. Walang iba kundi si Mrs. Femmy Fulgencio? "Ano ang ginagawa niya? Bakit siya nandito?" mahina kong tanong sa aking isipan "Mommy, sa weekend, balik po tayo dito ha??" malambing na wika ni Oceana sa akin. Kaagad din naman akong tumango "Sure..." sagot ko. Pagkatapos noon, nakangiti kong ibinaling ang tingin ko kay Mrs. Femmy na noon ay tahimik lang habang palipat-lipat ang tingin sa triplets. Na feeling ko nga, hindi niya napa

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   kabanata 151

    MIKYLA POV NASUNDAN ko na lang ng tingin si Delilah na kasama si Giovann na naglakad paalis. Sa tingin ko, mukhang closed ang dalawa dahil bitbit ni Giovann ang bag ni Delilah "Walong taon tayong hindi nagkita pero ang dami na palang nagbago." mahina kong bulong sa aking sarili. Gusto kong sundan si Delilah. Gusto kong sabihin sa kanya na ako ito. Ang Ate Mikyla niya pero kung gagawin ko iyun, baka mabuko ako ni Giovann "Iha...nandito ka lang pala." naputol lang ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Mama Amor. Kaagad din naman akong napalingon sa kanya. "Ma, nabili niyo na po ba ang kailangan niyo?" tanong ko. Kaagad din naman siyang tumango "Oo. Teka lang, baka may kailangan ka din bilihin. Ako na muna ang bahalang magbantay sa mga apo ko." wika niya. Saglit akong nag-isip bago tumango "Sige po, Ma. May bibilhin nga po pala ako. Kayo na po muna ang bahala, Ma. Babalik din po kaagad ako." At pagaktapos noon, mabilis na akong nagpaalam sa kanya. Ti

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 4

    MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 3

    MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 2

    MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 1

    MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status