Share

Kabanata 3

Author: Cathy
last update publish date: 2026-05-19 22:48:04

MIKYLA POV

" ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika.

At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor

Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang boses naman ni Putla, este ni Arif ang aking narinig.

“Stop!”

Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya or hindi kaya babaliwalain ko sana iyun. Kaya lang, nang maramdaman ko na para bang may tao sa likuran ko, mabilis akong napalingon

At hindi nga ako maaaring magkamali. Base sa naaamoy kong gamit nitong pabango, si Arif Fulgencio nga ang nasa likuran ko

Sing itim ng dilim sa gabi ang kanyang mga mata. At ang kanyang mukha ay mas lalo pang naging maputla sa paningin ko.

Siguro dahil puro itim ang suot niyang damit. Matangkad na tao siya kaya napatingala ako sa kanya

“Yes, Kuya Arif?” nakangiting tanong ko. Lakas loob na ‘kuya’ ang tawag ko sa kanya kasi halata naman na nasa trentahin na siya. Eh ako, bente pa lang noh!

Hindi ko nga alam kung paano ba nakilala ni Zyra ang lalaking ito eh. Baka sa mga pageant na sinalihan niya?

“Gusto ng kapatid mo na sumama ka sa amin kaya sumama ka na.” malamig ang tono ng boses na wika niya. Muli akong napatitig kay Zyra na noon ay nakatayo pa rin sa kung saan ko siya iniwan kanina.

Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman hilaw akong napangiti kay Kuya Putla este Arif

“Eh, kasama ka naman niya! Tsaka, matagal ko nang pangarap ang rides na ito. Tsaka, ayaw mo bang ma-solo ang kakambal ko? Kung sasama kasi ako baka-----”

“Sumama ka na and that’s final.” malamig ang tono ng boses na wika nito.

At pagkatapos sabihin ang katagang iyun, tinalikuran niya na ako at naglakad pabalik kay Zyra. Ako naman, hindi malaman ang kung ano ang gagawin ko

Akmang itutuloy ko sana ang aking paglalakad patunngo sa aking motorbike nang bigla na lang lumapit sa akin ang dalawa sa mga kulto na tauhan ni Kuya Arif.

“A-ano? Ano ang kailangan niyo?” kunwari nagtataka kong tanong.

“Mam, ako na po ang magda-drive ng motor mo. Sumakay na po kayo ng kotse at sundin ang nais ni Boss Arif.” Sagot ng isa sa kanila.

Hindi ko naman mapigilan ang mapairap. Muli akong napatitig sa sasakyan kung saan nakasakay na si Zyra at nakita kong nakatitig din siya sa akin. Sa mga mata niya, nababasa ko ang pagsusumamo na sumama daw ako.

Ewan, baka namamalikmata lang ako pero dahil hindi ko din naman matiis ang kakambal ko at isa pa, dumating na din pala ng ambulance at isinakay na si Pinky, wala na akong nagawa pa kundi ang magpasyang sumama na lang.

" Saglit lang, kakausapin ko ang mga friends ko.” sagot ko. Naglakad ako palapit kay Karla at Renier na noon ay halata ang pagtataka sa mga mata habang pasimpleng napapatingin sa grupo nila Arif.

“Kilala mo sila? Hindi ba’t kakambal mo ang kasama noong pinaka leader nila?” tanong ni Karla.

“Oo..si Zyra…at iyang lalaking kasama niya fiancé niya. By the way, si Pinky, isusugod na sa hospital..at pwede niyong ituloy ang motor rides na ito. Kaya lang, sad to say, hindi na naman yata ako makakasama. Nakita niyo naman, tinatakot ako ng kakambal ko eh.” wika ko na sinabayan ko pa ng hilaw na ngiti

“Narinig nga namin. Pero, ayos lang, hindi na din kami tutuloy ni Joda at Renier. Susundan namin si Pinky sa hospital.’” Sagot nito. Tumango nalang ako at nagpaalam na din sa iba pang mga kasama namin.

Pagkatapos silang makausap, wala na akong choice kundi ang ibigay ang susi ng aking motor sa isa sa mga tauhan ni Kuya Arif. At pagkatapos noon, naglakad na ako patungo sa sasakyan kung saan nakasakay si Zyra at sumakay na din.

Pagkasakay ko pa lang, kaagad na kaming umarangkada paalis. At habang nasa biyahe kami, kakaibang katahimikan ang namayani sa buong paligid.

Si Zyra, busy sa kanyang cellphone. Katabi niya ang fiancé niyang si Arif habang ako naman ay nasa likuran nila.

“Zy, saan tayo pupunta?” hindi ko mapigilang tanong. Saglit akong nilingon ni Zyra at pilit na ngumiti

“Sa pre-nup shoot location namin ni Arif. Next month na ang kasal namin at kailangan na namin matapos ang shoot.” sagot niya

Hindi ko naman mapigilan ang mapataas ng kilay. Grabe, prenup shoot lang tapos babiyahe sila ng pagkalayo-layo?

Eh di sila na ang pumapag-ibig.

At ako, ano naman ang magiging papel ko sa prenup shoot na iyan? Sure ako na mabo-bored lang ako doon. Haysst, malas ang gabing ito. Kung hindi sana kami napatrouble baka matupad na ang pangarap kong makapag rides sa bicol region.

Kainis!!!

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahikab at habang tumatakbo ang sasakyan, hindi ko mapigilan ang makaramdam ng antok

Wala na akong nagawa pa kundi ang ipikit ang aking mga mata. At nang muli akong nagmulat, ganoon na lang ang pagtataka ko nang napansin kong nakahinto kami sa harap mismo ng maraming mga Kainan.

I mean, stop-over yata at wala si Zyra dito sa loob ng kotse. Wala din ang driver at ang kasama ko lang ay si Kuya Arif. Nakapikit ang kanyang mga mata na para bang natutulog

" Stop-over tapos hindi manlang ako ginising ng magaling kong kamkambal? At iniwan pa ako dito sa loob ng kotse kasama ng maputla niyang nobyo?” mahina kong bulong sa aking sarili.

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan dahil balak kong bumaba at bumili ng kape nang bigla na lang nagsalita si Arif.

“Saan ka pupunta?”

Nagulat tuloy ako. Hindi ko akalain na gising pala siya? At mukhang pati ang pagababa ko ng kotse ay issue na din yata sa kanya?

“Bababa po Boss. Magbabanyo at bibili ng kape. Bakit sasama ka?” pabalang kong sagot.

Napansin kong ilang saglit niya akong tinitigan. Hindi ko alam kung nagalit siya or hind isa pagsagot-sagt ko pero bahala siya sa buhay niya. At hahawakan ko na sana ang pintuan ng sasakyan nang maramdaman ko na lang ang pagsayad ng kamay niya sa kamay ko

Gosh sabay naming hinawakan ang pinto ng sasakyan para buksan sana?. At habang nakadikit ang kamay niya sa kamay ko, para bang may kakaibang boltahe ng kuryente na gumapang sa ugat ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 99

    MIKYLA POV "OPO, sige po, aalis po ako." mahinahong kong bigkas at akmang maglalakad na sana palabas ng mansion nang mabilis akong nahawakan ni Arif sa aking kamay "Mag-usap tayo! Isa pa, hindi ka pwedeng umalis ng basta-basta." seryoso niyang wika. "Arif! Hangang ngayun pa ba naman, pipigilan mo pa rin ang malditang iyan?' galit na sigaw ni Mrs. Femmy Fulgencio Grabe, kay bilis na- expired ang pgiging mabait na biyanan niya sa akin. Sabagay, noon pa man, alam ko naman na hindi siya mabuting tao eh Alam ko kung gaano kataas ang tayog ng lipad niya, matapobre at higit sa lahat, kaya lang naman siya pumayag na gawin akong substitute dahil umiiwas sila sa kahihiyan. At ngayun, ngayung wala na akong halaga sa kanila, gusto na nila akong sipain na para bang isang basura "Mikyla, sumama ka na sa amin sa bahay natin." narinig kong wika ni Mommy. May bahid ng luha ang kanyang mga mata habang nakatitig siya sa akin. Kaagad ko namang hinila ang kamay kong hawak pa rin ni Arif

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 98

    MIKYLA POV "LO, please, huwag mo itong gawin sa akin. Hindi tayo dapat humantong sa ganitong kailangan niyo akong papiliin sa pagitan ng asawa ko at pamiya natin." seryosong wika ni Arif. "Kailangan mong mamili! Arif, alam mo kung gaano kabigat ang responsibilidad na nakaatang sa balikat mo! Paano ko ipagkakatiwala ang isang bagay gayung ang sarili mong bakuran ay hindi mo kayang linisin." galit na wika ni Lolo. HIndi ko naman mapigilan ang mapasinghap sa aking narinig. Masakit marinig na para bang isang basura na pala ang tingin nila sa akin At alam kong mahirap nang baguhin iyun . Para sa kanila, wala na akong pakinabang. Isa akong malaking kahihiyan sa pamilyang ito dahil lang sa mga larawan na iyun Masakit sa akn ang tungkol sa bagay na ito. Pero nang buksan ng isa sa mga lalaking naka suit ang folder na dala niya at iniabot sa akin, doon na ako nanghina Divorce Agreement at pagpapawalang bisa sa kasal naming dalawa ni Arif. At ang dahilan, ang pangangalunya ko. At nak

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 97

    MIKYLA POV Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng sandaling ito. Litong lito ako at the same time, natatakot ako sa mga consequences na mangyayari dulot ng mga larawan na iyun. Yes, nang dahil lang sa lintik na mga larawan na iyun, biglang nagbago ang lahat. Ilang buwan akong tinanggap ng pamilya nila. Ilang buwan akong pinaniwalaang isa na akong tunay na miyembro ng kanilang pamilya. Ngunit sa isang iglap...parang nabura ang lahat dahil lamang sa isang ‘pagtataksil’ daw na hindi ko naman ginawa. Malinis ang konsensya ko at sana lang talaga, maging bukas ang isip nila at pakingan nila ako. “Lo, bigyan niyo po ako ng time. Papatunayan ko sa lahat na hindi ako niluko ng asawa ko.” narinig kong wika ni Arif. Kay sarap sa pandinig na pinagtatangol niya ako. Pero, hangang saan at hangang kailan siya tatayo para sagipin ako? Lalo na kung ang matandang Fulgencio na ang nagdesisyon. Dahil ang sunod na binitiwa niya, ay tuluyang nagpayanig sa kakarampot na nati

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 96

    MIKYLA POV "SINO SILA?" seryosong tanong ko kay Arif. Tuluyan na akong nawalan ng gana sa mga pagkaing nasa harapan ko. Kanina lamang ay halos manghina ako sa gutom, ngunit ngayon, ni isang subo ay hindi ko na magawa. Ang sikmura ko man ay kumakalam pa pero mas nangingibabaw pa rin ang kaba at takot na bumabalot sa buong pagkatao ko. Ang gusto ko na lang ngayon ay harapin ang problemang bumabagabag sa akin. Ang tungkol sa mga larawan. At higit sa lahat... ang malaking pagkadismaya ng mga taong nagtiwala sa akin. "Mikyla, ituloy mo na ang pagkain. Hindi ba't sabi mo kanina, gutom na gutom ka?" seryosong tanong ni Arif habang nag-uumpisa na naman siyang maghimay ng sugpo "Wala na akong ganang kumain." sagot ko na sinabayan ko pa ng sunod-sunod na pag-iling. "Mikyla..." "Hindi pa ako okay, Arif," mahina ngunit nanginginig kong tugon. "Masakit pa rin ang katawan ko... masakit din ang ulo ko. Pero paano ako makakapagpahinga kung ganito? Paano ako magiging kalmado kung alam

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 95

    MIKYLA POV MABUTI na lang talaga at bigla nalang naging masunurin itong si Arif. Pagkatapos niyang kunin ang pagkababae ko dahil sa galit niya, bumawi naman siya sa akin Sinigang na malalaking hipon plus, mamaya, may surprise daw siya sa akin. Nahuli na daw niya ang mga taong nasa likod ng pagpapadala ng mga malalaswa kong mga larawan Mabuti na din kung ganoon. Para naman malaman ko kung ano ba ang problema nila at kung bakit nila ito ginagawa. Bumabawi nga si Arif sa akin dahil habang kumakain ako, abala naman siya sa pagbabalat ng mga hipon. Nasa mood talaga siya na pagsilbihan ako hangang sa bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone Ilang saglit akong napatitig kay Arif bago dumako ang paningin ko sa kanyang cellphone na nakapatong lamang sa ibabaw ng mesa At doon ko nakita na si Lolo Fernando pala ang tumatawag "Hindi mo ba sasagutin'" seryosong tanong ko sa kanya. "Mamaya na lang, pagkatapos mong kumain." seryosong sagot din naman niya sa akin. Kaagad din nam

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 94

    MIKYLA POV "Paborito ng mga may sakit ang lugaw. Tikman mo muna.." masuyong wika ni Arif sa akin. Kaagad naman akong umiling. "Ayaw ko nga." nakaingos kong sagot habang nakatingin sa mangkok. Aminado akong mabango naman ang lugaw. May luya, may spring onion, may chicken flakes pa. Pero kahit gaano pa iyon kabango. Lugaw pa rin iyon. At ayoko ng lugaw. "Mikyla...hindi ka pa tuluyang magaling. Ito ang nirekomenda ng doktor. Mas magaan sa tiyan at kailangan mong kumain muna bago uminom ng gamot." muling wika ni Arif. Kahit na nireject ko na ang pagkain na gusto niyang ipakain sa akin, ni hindi ko man lang nakitaan na nainis siya sa akin. "Hindi. Ayaw ko niyan." naiinis ko pa ring sagot. "Please?" nakikiusap nang wika ni Arif. "No! No! No! Pambata lang ang pagkain na iyan!" Hindi ko maintindihan kung bakit imbes na mairita ay lalo pa siyang natutuwa habang pinagmamasdan akong nagrereklamo. "Hindi puwedeng ayaw mo," aniya habang kinukuha ang kutsara. "Kailangan mong ku

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 42

    ARIF FULGENCIO POV HABANG pinagmamasdan ko ang babaeng nasa harapan ko, hindi ko talaga mawari kung ano ba ang mayroon sa kanya at kung bakit hanggang ngayon ay napagpapasensiyahan ko pa rin ang kakaibang ugali niya. Kung tutuusin, taliwas siya sa lahat ng babaeng nagustuhan ko noon. Si Mikyl

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 46

    MIKYLA POV LIMANG minuto. Iyon lang ang time frame na ibinigay ni Arif sa akin at ayon sa kanya, dapat ay handa na raw ako bago pa man matapos ang limang minutong iyon. Kaya naman ang naging ending, hindi na ako nakaligo. Pagkatapos kong magbihis, diretsong inayusan na agad ako ng mga staff.

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 45

    MIKYLA POV Hindi ko na lang siya pinansin at muling pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Habang ginagawa ko iyon, may isang staff na lumapit upang ayusin ang laylayan ng gown. "Sir, bagay po talaga kayo ni Ma'am. Excited na po siguro kayo sa kasal?" nakangiting tanong nito. Halos sabay kamin

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 43

    MIKYLA POV "Ano raw? Dumating na ang gown? Hindi ba nila alam na malas magsukat ng wedding gown bago ang kasal?" sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapailing. Alam ko na kung ano ang iniisip ng babaeng ito. Ayaw nitong magsukat ng gown kasi,hindi naman talaga siya interesado sa ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status