Share

Kabanata 2

Author: Cathy
last update publish date: 2026-05-19 22:44:17

MIKYLA

“ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko

Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality

Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. Kung mukhang kulto ang mga lalaking dumis-arma sa grupo nila pusit, mukha naman siyang gwapong bampira.

Paano ba naman kasi, kulay itim din ang lahat ng kausotan niya. Seryoso ang medyo maputla niyang mukha habang nakatitig sa akin

Aware naman ako na matagal na silang magkasintahan ng kakambal ko. Pero noon pa man, never ko talagang nakitang ngumiti itong si Arif Fulgencio

Kung marunong sanang ngumiti ang taong ito, gwapo sana eh. Kamukha niya ang pinaghalong mukha ng Hollywood stars na sila Leonardo de Caprio at Nicolas Cage. Kung naging artista siguro ang Arif na ito, baka bagay sa kanya ang rules ng taong kumakain ng mga------

“Mikyla, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano ang ginagawa mo dito? Alam mo bang noong Friday ka pa hinahanap nila Mommy at Daddy?’ naputol tuloy ang pagmumuni-muni ko nang bigla na namang nagsalita ang kakambal ko. Wala sa sariling napakamot ako ng aking ulo at hilaw na ngumiti na tumitig sa kanya

“Alam naman ni Mommy kung saan ako pupunta. Nagpaalam naman ako sa kanya.” mahina kong sagot

“Nagpaalam sa kanya? At pinayagan ka naman?’ tanong niya. Dahan-dahan akong umiling.

“Hindi nga eh. Sabi ni Mommy, kay Daddy daw ako magpaalam. Eh, hindi na…alam ko naman na hindi din papayag si Daddy eh.” sagot ko na sinabayan ko pa ng hilaw na pagtawa.

Napansin kong kaagad na naningkit ang mga mata ni Zyra sa inis. Alam kong hindi siya ntutuwa sa naging sagot ko. Eh ako din, hindi din naman ako kumbinsido sa naging sagot ko eh.

At nasa ganoon kaming pag-uusap nang bigla na lang lumapit si Lemuel. Sinabi niya na dadalhin daw nila sa hospital si Pinky.

“Huh? Sama ako.” sagot ko din kaagad. Akmang tatalikod sana ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Zyra sa kamay ko

“Hindi ka aalis. Hindi ka na sasama sa kanila. Alam mo, kababae mong tao, ang hilig mo sa mga ganitong lakad! Paano na lang kung hindi kami dumating? Ano na lang ang mangyayari sa iyo?” yamot niyang tanong sa akin

Hindi ko naman mapigilan ang mapakamot ng ulo ko. Oo nga pala, ano ito, coincidence lang ba ang lahat? Paanong dito pa talaga sa liblib ng lugar ng Quezon kami nagkita ni Zyra?

Hindi kaya-----

“Zyra, paano mo pala nalaman na isa ako sa grupo na napa-trouble sa lugar na ito?” nagtataka kong tanong. Nahuli ko pa ang kakambal ko na napasulyap kay Arif kaya naman, napatitig muli ako sa lalaki

“Coincidence lang ang lahat. Sakto naman na tinatrack namin ang mga ungoy na iyan!” malamig ang tono ng boses na sagot ni Arif sabay turo kina Pusit at kambing. Hindi ko naman mapigilan ang makaramdam ng kaba.

Lalo na nang makita kong isa-isa na nilang inilalagay sila Pusit sa trunk ng sasakyan.

“Boss, ayos na! ano po ang gagawin namin sa mga taong iyan.” wika ng isang lalaking miyembro ng kulto, este, tauhan yata nitong si Arif Fulgencio. Boss ang tawag eh..so ibig sabihin, tao niya diba?

“Mauna na kayo sa hideout! Magsama ka ng ibang tao at siguraduhin niyo na makuha mo ang mga detalye na kailangan natin sa kanila bago niyo sila patahimikin.” seryosong sagot naman ni Arif.

Muli tuloy akong napatitig sa kanya. Patahimikin? Ibig bang sabihin, may balak itong si Arif na patayin sila Pusit? Ibig bang sabihin, totoo ang naririnig kong tsismis na ang nobyo nitong kakambal ko ay------

“Sumama ka na lang sa amin.” malamig ang boses na wika ni Zyra. Wala sa sariling muli napakamot ako ng aking ulo.

Ang motor rides na ito ay matagal na naming pinlano na magkakaibigan. Kung sasama ako dito kay Zyra, sayang naman itong paghahanda namin.

“Zyra naman, hindi maaari! Tsaka, ano naman ang gagawin ko kung sasama ako sa inyo? Date niyo iyang mag nobyo at nakakahiya naman kung maging third wheel ako.” wika ko habang may hilaw na nakangiti sa labi. Pagkatapos noon, hinila ko na ang kamay kong hawak niya para mabitiwan.

Kaya lang, sadyang makulit si Zyra. Wala yatang balak na pakawalan ako kaya naman, hindi ko na maiwasan na makaramdam ng inis.

“Zy, please, last na ito, promise. Siguro naman ang nangyari kanina, hindi na mauulit. Huwag kang mag-aalala, mag-iingat naman ako eh.” muli kong wika.

Kaya lang, mukhang wala yatang balak nma pakingan ang pagsusumamo ko. Bigla na lang kasi ako nitong hinila patungo sa sasakyan eh.

Kaagad din naman akong pumalag.

“Zyra, no! Hindi ako sasama! Teka lang, ano ba naman iyan, mas mahigpit ka pa kina Mommy eh.” muli kong wika.

Pero, parang wala yatang balak na pakingan ako nitong kakambal ko. At ang eksena na iyun ay tahimik lang na nakamasid sa amin si Arif habang halata na sa mga mata nito ang pagkainis

“Hon, bakit hindi mo na lang hayaan iyang kakambal mo? May sarili na siyang buhay at kung mapahamak man siya, hayaan mo siya.” malamig ang tono na wika ni Arif.

At nakakatuwa dahil pabor sa akin ang sinasabi niya…hihihi

“Hon, hindi pwede! Kanina, muntik na siyang mapahamak at ayaw kong mangyari ulit ito. Kahit na medyo matigas ang ulo nitong kakambal ko, mahal na mahal ko iyan eh!” sagot naman ni Zyra kay Arif.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaismid. Mahal? Mahal na mahal daw…hmmp, si Zyra talaga! Oo, alam ko naman, mahal ako nitong kakambal ko pero minsan, ang pagmamahal nito ay nakakasakal na din. Paano ba nman kasi, minsan, parang naging anino ko na din ito. Lahat na lang ng mga kilos ko ay sinusumbong na lang kina Mommy at Daddy

Maraming mga rides noon pa ang hindi ako nakakasali. Kasi nga, magpapaalam pa lang ako, binubulungan na niya sila Mommy na huwag akong payagan.

Kesyo puro barkada daw ang inaatupag ko at pinapabayaan ang pag-aaral. Hasysst, alam ko naman na good girl itong si Zyra eh. Isa sa mga ugali na taliwas sa akin

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 150

    MIKYLA POV "MA, palagay niyo po kaya, nagdududa na si Arif sa akin?" tanong ko kay Mama Amor. Nandito na kami sa mall at kasalukuyan naming pinapanood ang triplets na nasa loob ng skating rink. Kitang kita ko ang tuwa sa mga mata nila habang gumagawa sila ng sarili nilang exhibition. "Noong nasa South Korea pa kami, isa sa mga libangan ng triplets ang skating. At mabuti na lang talaga at meron dito niyun sa mall na napuntahan namin ngayun "Bago na ang mukha mo, natural, hindi ka na niya makikilala." nakangiting sagot ni Mama sa akin. "Pero, kailangan mo pa ring mag-ingat, Iha! Minsan, kung hindi ka man nakilala ni Arif Fulgencio dahil bago ang mukha mo, baka mamaya, makilala ka ng puso niya." muilng wika niya Kaagad din namang napakunot noo ako. "Ma, ano po ang ibig niyong sabihin?" "Iha...nakilala ka nga ng dati mong alagang aso eh. Nag-aalala din ako baka makilala ka din ni Arif lalo na kapag palagi kayong nagkikita." seryosong sagot nya Hindi ko naman mapigilan

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 149

    ARIF FULGENCIO POV "SHIT....kamukha ko talaga sila!" paulit-ulit kong bulong sa aking sarili. Halos ayaw nang humiwalay ang mga mata ko sa mga larawan na nasa harapan ko. Hindi din mawala sa isipan ko ang hitsura ng triplets na nakita ko kanina sa opisina ni Mrs. Amor del Rosario Parang ako talaga sila noong bata pa ako! "Imposible na magiging kamukha ko sila kung hindi naman sila related sa akin. Mikyla del Rosario, sino ka ba talaga?" muli kong bulong sa aking sarili Muli kong naalala ang hitsura ng babae. Oo, maganda siya....pero bakit sa tuwing tinititigan ko siya sa mga mata, bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Isa pa, parang kilala siya ng aso ko na naging alaga din ng dati kong asawa na si Mikyla Ventura? Pati kilos at pananalita, kagaya talaga siya ni Mikyla. Posible ba na may ganoon? Nagkataon lang ba ito or baka naman may mga bagay na naghihintay lang na matuklasan ko? "Arif...Honey!" nasa ganoon akong senaryo ng malalim na pag-iisip nang marinig ko an

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 148

    ARIF FULGENCIO POV "BOSS, ayaw talaga nilang pumayag na ibenta ang lupang iyon," wika sa akin ni Guiller. Nasa loob na ako ng sasakyan at kasalukuyan kaming bumibiyahe pabalik ng opisina. Ngunit hindi ang tungkol sa lupang iyon ang laman ng isipan ko. Ewan ko ba, simula nang umalis ako sa opisina ni Mrs. Amor del Rosario, hindi na talaga maalis sa isip ko ang hitsura ng triplets. Lalo na ang dalawang batang lalaki. Pakiramdam ko, nakita ko na sila noon. Ngunit hindi ko maalala kung saan. "Boss, utos n'yo na lang po ang hinihintay namin. Kung hindi natin madadaan sa maayos na usapan ang mga del Rosario, puwede naman nating idaan sa dahas," muli kong narinig na sabi ni Guiller. Kaagad akong napabuntong-hininga. Malamig ko siyang tiningnan bago nagsalita. "Hayaan mo na muna ang tungkol sa lupang iyon. Sa ngayon, may bago akong ipagagawa sa inyo," seryoso kong wika. "Boss, ano po iyon?" tanong ni Guiller. "Gusto kong imbestigahan mo si Ms. Mikyla del Rosario. Alamin mo

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 147

    MIKYLA POV "SHIT! ANO ang ginagawa ng taong ito dito? Kagabi, tumatawag siya pero deadma ako. Lalo na at wala talaga akong plano na magkaroon ng kahit na katiting na communication sa kanya "Mr. Arif Fulgencio, napabisita po kayo? May kailangan ka?" narinig kong tanong ni Mama Amor Ako naman, hindi malaman kung ano ang gagawin ko. Pero sa huli, mas pinili ko na lang ang deadmahin ang lahat. Kung yayayain ko ang triplets na lumabas sa opisina na ito, natatakot akong baka masyado akong naging obvious na iiwas dito kay Arif ang mga bata. Siya ang ama ng triplets at kapag malaman niya ang tungkol sa bagay na ito, tiyak akong malaking gulo iyun. Kaya sa huli, deadma na lang. Si Mama ang sadya niya kaya walang dapat na ikabahala. "Mrs. Amor del Rosario, sorry to disturb you, but I have an important proposal to discuss with you." narinig kong wika ni Arif. Nasa triplets ang mga mata ko pero nakikinig din ako sa pag-uusap nila noh. Mas maigi na din iyung alam ko kung ano ang pak

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 146

    MIKYLA POV "Mommy, when I grow up, I want to be just like you too." malambing na wika sa akin ni Oceana. Bukas na ang start ng pagpasok nila sa School at ngayung araw, pinayagan ko silang sumama sa akin sa clinic. Wala namang problema kung sasama sila. Kahit nga araw-araw pwede eh. Lalo na at malaki naman ang opisina ni Mommy Amor plus meron ding mga palaruan ng mga bata na ipinagawa talaga ni Mama Amor para sa mga client na may mga dalang bata kapag pumupunta ng clinic "Really? Kung ganoon, aasahan ko iyan ha?" nakangiting sagot ko "Me, when I grow up, I want to become a hacker." sabat din naman kaagad ni Blaze. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti "Hacker talaga? Well, how about you, Skyler?'" "Me...Hmm, businessman. Gusto ko nang maraming pera para hindi mo na kailangan pang mag work, Mommy. Gusto ko, kayong dalawa ni Lola, pa-travel-travel na lang." sagot naman ni Skyler Si Mama Amor naman na kanina pa nakiking, tuluyan nang natawa. "God, grabe ang tatayog ng

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 145

    ARIF FULGENCIO POV "SINO KA BA TALAGA?" Paulit-ulit na tanong ni Arif habang nakatitig siya sa papalayong sasakyan kung saan, hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Unang kita niya sa babaeng iyun ay para bang hindi na siya mapalagay. Ngayung gabi niya lang ito nakilala pero sa tuwing tumitingin siya sa mga mata nito, para bang familiar ito sa kanya. "Boss, noong huli naming kausap kay Mrs. del Rosario para bilhin ang lupa sa Isla del Rosario, sinabi niya na hindi daw niya ibebenta dahil ipapamana niya daw sa mga apo at anak niya." narinig kong wika ni Guiller. Kaagad na napakunot noo ako. Siguro, masyado lang akong nalulungkot sa pagkawala ni Mikyla kaya pati single Mom, pinag-iinteresan ko ng ganito. "Hindi pwedeng hindi natin mabili ang lupa na iyun. Kung kinakailangan na offeran niyo sila ng doble or triple sa actual price, gawin niyo." malamig ang boses na tugon ko "Pero, boss, medyo mahirap po yata. Alam naman po nating na hindi naghihirap sa pera ang mga

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 1

    MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 5

    MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 4

    MIKYLA POV “Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa kataw

  • Let Me Go, Mr. Arrogant, I'M NOT YOURS   Kabanata 3

    MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status