LOGINMIKYLA POV
“Sige, ikaw na..ikaw na ang magbubukas.” kaswal kong bigkas at mabilis na binitiwan ang pintuan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit parang may nararamdaman akong boltahe ng kuryente mula sa kamay nitong Arif? Or baka naman mataas masyado ang kuryente sa katawan ng lalaking ito kaya ganoon? Tsk, alam ko naman na imposible iyun eh. Haysst, napa-praning na nga yata ako at nang mapansin kong binuksan na nga nitong si Kuya Arif ang pintuan, muli akong napatitig sa kanya “Bababa ka ba, ya?” tanong ko. Napansin kong kaagad na nagsalubong ang kilay niya. Hindi ko alam kung ano ang problema kaya naman, wala nang patumpik-tumpik na nauna na akong bumaba. Bahala siya sa buhay niya! Pagkababa ko, bumaba na din naman si Kuya Arif. Kaagad na sumalubong sa akin ang malamig na temperature ng buong paligid. Napatingala pa ako sa langit at napansin kong wala man lang kahit na isang bituin. “Tsk, mukhang uulan ah?” mahina kong bulong. Pagkatapos noon, kaagad kong inilibot ang paningin sa paligid para hanapin ang kakambal ko “Nasaan na kaya siya?” mahina kong sambit “Ano ang ginagawa mo? Tatayo ka na lang ba diyan?” muli na naman akong napapitlag nang muli na naman siyang nagsalita mula sa likuran ko. Sa pagkakataon na ito pakiramdam ko, parang ang lapit-lapit niya lang kaya naman, pasimple akong humakbang paabante. “Kuya, ano ka ba? Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko. At pagkatapos noon, parang wala lang na naglakad ako patungo sa isang coffee shop. Kaillangan ko yatang umorder ng matapang na kape. Pakiramdam ko kasi, parang hindi na ako ito eh. Kailangan kong gisingin ang diwa ko lalo na at nandiyan ang masungit na nobyo ng kakambal ko. Mukha pa namang engot. Imbes na kapatid ko ang sundan, bakit parang ako? Ako talaga..dahil napansin ko na lang na bigla na lang siyang tumayo sa tabi ko habang naghihintay dito sa pila. “Kuya, nasaan pala si Zyra?” hindi ko pa nga maiwasang tanong. ‘hindi ko alam.” malamig ang tono ng boses na sagot niya Kaagad namang nagsalubong ang kilay ko “Hindi mo alam? Hindi ba’t kasama lang natin siya sa kotse kanina?” tanong ko “Yeah, kasama pero sabi niya, may bibilhin lang daw siya ng snacks.” walang gana nitong sagot. Kaagad namang napataas ang kilay ko. Hindi ko alam kung normal ba ang utak nitong si Kuya Arif? Si Zyra ang nobya tapos hindi man lang sinamahan na bumili ng snacks? “Anong gusto mong kape?” maya-maya muli nitong tanong “Brewed black coffe…no sugar.” sagot ko din naman kaagad. Pero, wala akong narinig na tugon mula sa kanya. At nang nasa counter na kami, nagulat na lang ako nang umorder siya ng dalawang kape. Isang brewed coffee at isang cappuccino. Sinabayan na din niya ng ilang pirasong sweets. Siyempre, siya na din ang nagbayad. “Ako naman, tahimik lang. At habang hinihintay namin ang order, nagpasya kaming maupo na muna. Magkatapat kaming naupo sa pandalawahang mesa at habang hinihintay ang kape, hindi ko maiwasan ang managlumbaba. Napatitig ako sa labas ng coffee shop at nang mapansin ko na nag-uumpisa nang pumatak ng ulan sa labas, muli akong napatitig kay Arif kung saan, huling huli ko na nakatitig din siya sa akin Hindi ko tuloy malaman kung ano ang mararamdaman ko. Bigla din kasi akong nakaramdam ng pagkailang. Kakaiba kasi ang paraan ng pagtitig sa akin eh. Iyung feeling na para bang binabasa niya pati ang kululuwa ko? “Identical twin ba talaga kayo ni Zyra?” maya-maya tanong niya na labis kong ipinagtaka. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinakausap niya ako nang medyo personal “Ano sa palagay mo? Bakit, hindi ba kami magkamukha?” nakataas ang kilay na sagot ko. ‘Hindi! Sweet si Zyra pero ikaw, maasim ang ugali mo.” sagot niya. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapasimangot Bigla din akong na-concious sa amoy ko lalo na nang marinig ko ang salitang maasim. Mula Manila hangang Quezon province, ilang oras din ang ginugol ko sa biyahe gamit ang motor kaya feeling ko, ang maasim na salita ay may mas malalim na kahulugan eh Pasimple ko tuloy inamoy-amoy ang sarili ko. Identical twin kami ni Zyra, magkaiba lang kami pumorma pero magkamukha kami. Sa amoy naman, oo, sweet si Zyra, mabango kasi nga, kikay iyun. Beauty conscious din habang ako naman ay hindi naman burara pero mahilig sa initan dahil sa pagkahilig sa motor. Mas maputi din si Zyra kumpara sa akin kasi nga, palagi akong naiinitan. “Pero-----” muling wika ni Arif. Binitin pa ako ng gago kaya naman, muli akong napatingin sa kanya kung saan, napansin kong nakahalukipkip siyang pinagmamasdan ako. “Pero, tingin ko mas maganda ka kumpara sa kanya.” sagot niya na labis kong ikinagulat Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero feeling ko, may naririnig yata akong kalimbang ng kampana pagkatapos niyang sabihin ang katagang iyun. For the first time in the history of my life, may isang taong nagsabi na mas maganda pa daw ako kay Zyra? At sa dinami-dami ng taong iyun, itong Arif Fulgencio pa talaga? Gosh! Grabe naman iyan….feeling ko tuloy, mas mahaba pa ang hair ko kumpara kay Rapunzel. Hindi na tuloy ako nakapagsalita hangang sa dumating ang order namin. Kaagad na iniabot sa akin ni Kuya Arif ang isang baso kung saan, kaagad kong napansin na hindi ito ang inorder kong kape. Brewed coffee ang akin pero cappuccino ang binigay niya. “Kuya, nagkapalit yata tayo.” kaagad kong wika. Baka mamaya, mainuman niya na eh. Paano pa kami magpapalit kapag ganoon? “NO! Babae ka kaya dapat lang na cappuccino ang sa iyo at akin ang brewed coffee.” malamig ang tono ng boses na sagot niya Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko alam kung normal lang ba ang lahat-lahat pero, parang hindi eh. Kailan pa natutong makialam si Kuya Arif sa mga dapat kong inumin gayung sa naalala ko, hindi naman kami closed? Ganito din ba siya kay Zyra?ARIF FULGENCIO POV KINABUKASAN MAAGA pa lang, gising na ako. may pupuntahan kami ngayung araw. Iyun ay ang iskwelahan kung saan pumapasok ang mga anak ni Mikyla del Rosario Ewan ko ba, simula noong nakita ko ang mga batang iyun, iba na ang kutob ko. Hindi ko lang mawari kung ano...lalo na at para sa akin ang kanilang Ina ay isa pa ring istranghero. Naligo lang ako at kaagad na kaming bumiyahe patungo sa Iskwelahan kung saan pumapasok ang triplets. Halos isang oras din kaming matiyagang naghintay bago namin namataan ang pagdating ng sasakyan ni Mikyla del Rosario "Kung ganoon, siya nag personal na naghahantid sa mga anak niya?" seryosong tanong ko kay Giovann "Yes, Boss." sagot naman ni Giovann Tumango lang ako at muling napako ang paningin ko sa dalawang batang lalaki. At habang tinititigan ko sila, parang may kung anong magnet na humihila sa akin Gusto ko silang hawakan. Gusto ko silang makausap.. Gusto ko ding malaman kung sino ang ama nila. Hinintay lang namin na
ARIF FULGENCIO POV "MR FULGENCIO, kung wala ka nang sasabihin, ibaba ko na ito. Good bye!" narinig kong wika ni Mikyla del Rosario mula sa kabilang linya at pagaktapos noon, tuluyan na nitong idinsconnect ang tawag. Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi "Ibang klaseng babae! Parehong pareho talaga sila ng ugali ng Mikyla na alam ko. Kung hindi lang sa mukha, baka isipin kong ikaw talaga siya!" Sa tuwing naririnig ko ang boses niya, feeling ko, kausap ko lang talaga si MIkyla. Ang mga mata niya...ganoon na ganoon din. "Mikyla, hangang kailan mo ako pahihirapan na hanapin ka. Bumalik ka na sa akin. Tama na ang pagpaparusa. Walong taon na kitang hinahanap at kahit kailan, hindi ko matangap sa sarili ko na hindi na kita makikita." mahina kong muling bulong At nasa ganoon akong sitwasyon nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong sinagot nang makita kong si Giovann ang tumatawag. "Yes?" seryosong sagot ko "Boss, may nakuha po akong impormasyon tungkol kay Mrs.
MIKYLA POV "ANAK, ikaw na muna ang bahala sa mga apo ko ha? Gusto ko sanang samahan ka sa paghatid sa kanila sa School kaya lang may importanteng kliyente na naghihintay sa akin sa South Luzon branch natin." wika ni Mama Amor sa akin Halatang nagmamadali siya kaya nakangiti ko naman siyang nilapitan "Don't worry po, Ma. Ako po ang bahala! At bigyan niyo lang po ako ng isang buwan pa...ako na po ang magmamanage sa lahat ng branch para makapagpahinga na din po kayo." nakangiting sagot ko "Naku, ikaw talagang bata ka. Sige, pero aasahan ko din iyan ha? One month and retired na ako sa trabahong ito at gusto ko na lang na alagaan ang mga apo ko." nakangiting sagot niya. Kaagad din naman akong tumango "Opo...at mag-ingat po kayo, Ma." sagot ko. Hinalikan ko siya sa pisngi at tuluyan na siyang sumakay ng kotse Wala namang ikabahala kahit na medyo malayo ang pupuntahan ni Mama dahil may driver siya. May dalawa din siyang mga bodyguard. "Ako naman, sumakay na din ng kotse. Nag
MIKYLA POV "HINDI ko alam ang sinasabi mo. Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag." Mariin at seryoso ang tono ng boses ko. Hindi ako pwedeng magkamali ngayon. Kailangan kong panindigan na hindi ko siya kilala. Hindi rin pwedeng mahalata niyang kinakabahan ako. Narinig ko ang mahina niyang pag-click ng dila bago siya muling nagsalita. "Tsk. Tomorrow, magkita tayo. I have something important to discuss with you." Hindi ako nakaimik ng ilang segundo. Hindi man lang siya nagpakilala na para bang sigurado siyang kilala ko na siya. At iyon ang lalong nagpataas ng kutob ko. At ngayun pa lang, kailangan kong maghanap ng paraan para tuluyan siyang maiwasan. "I don't know who you are. So, ibababa ko na 'to. Sorry, pero wala akong planong makipag-usap sa taong hindi ko kilala. Baka ma-scam pa ako." Nilakipan ko pa ng inis ang boses ko para mapaniwala siyang hindi ako natutuwa sa kanya. AT hindi ko na din hinintay ang magiging sagot niya. Agad kong pinutol ang t
MIKYLA POV Para may katuturan ang pagpapaalam ko kay Mama Amor na may bibilhin lang, nagpasya na din akong mamili na lang din muna. Binili ko na din ang sandals na nagustuhan ko and then, lumapit ako sa ibang boutique para bilhan din ng mga damit ang kambal. Si Mama Amor naman ay bag ang binili ko sa kanya Pagkatapos kong magshopping, muli akong bumalik sa kinaroroonan nila Mama Amor. At sakto naman dahil palabas na ang triplets mula sa loob ng skating rink. "Tapos na ba?" masigla kong wika. Huli na nang mapansin ko kung sino ang katabi ni Mama Amor. Walang iba kundi si Mrs. Femmy Fulgencio? "Ano ang ginagawa niya? Bakit siya nandito?" mahina kong tanong sa aking isipan "Mommy, sa weekend, balik po tayo dito ha??" malambing na wika ni Oceana sa akin. Kaagad din naman akong tumango "Sure..." sagot ko. Pagkatapos noon, nakangiti kong ibinaling ang tingin ko kay Mrs. Femmy na noon ay tahimik lang habang palipat-lipat ang tingin sa triplets. Na feeling ko nga, hindi niya napa
MIKYLA POV NASUNDAN ko na lang ng tingin si Delilah na kasama si Giovann na naglakad paalis. Sa tingin ko, mukhang closed ang dalawa dahil bitbit ni Giovann ang bag ni Delilah "Walong taon tayong hindi nagkita pero ang dami na palang nagbago." mahina kong bulong sa aking sarili. Gusto kong sundan si Delilah. Gusto kong sabihin sa kanya na ako ito. Ang Ate Mikyla niya pero kung gagawin ko iyun, baka mabuko ako ni Giovann "Iha...nandito ka lang pala." naputol lang ako sa malalim kong pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Mama Amor. Kaagad din naman akong napalingon sa kanya. "Ma, nabili niyo na po ba ang kailangan niyo?" tanong ko. Kaagad din naman siyang tumango "Oo. Teka lang, baka may kailangan ka din bilihin. Ako na muna ang bahalang magbantay sa mga apo ko." wika niya. Saglit akong nag-isip bago tumango "Sige po, Ma. May bibilhin nga po pala ako. Kayo na po muna ang bahala, Ma. Babalik din po kaagad ako." At pagaktapos noon, mabilis na akong nagpaalam sa kanya. Ti
MIKYLA POV ‘LETS’S GO!” sigaw ng leader namin at nag-umpisa nang umarangkada ang kanya-kanya naming motor. Nandito kami sa mapunong bahagi ng Quezon province, nag-eenjoy sa rides na matagal na naming pinlano na magkakaibigan Sakto na kakatapos lang ng pasukan ng last semester. Balak naming ikut
MIKYLA POV BAGO pa tuluyang bumuhos ang malakas na ulan, nagpasya na kami ni Kuya Arif na muling bumalik ng sasakyan. Hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang madatnan namin si Zyra sa loob eh. Kasama niya na ang driver na ngayun ko lang napansin na pogi din pala. Tahimik sa harap ng manibela s
MIKYLA POV " ZY, narinig ko ba? Ayaw ng dyowa mo na kasama ako. Ganito na lang, iwan niyo na lang kami dito at ituloy niyo na iyang lakad niyo.” nakangiti kong wika. At pagkatapos noon, parang wala lang na umatras na ako at naglakad patungo sa aking motor Kaya lang, bago pa ako nakalayo, ang
MIKYLA “ZYRA, ano ang ginagawa mo dito? Tsaka, bakit ang dami mong kasama na miyembro ng kulto?” mahina kong tanong sa kakambal ko Actually, identical twin kaming dalawa. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba lang ng personality Muli akong napasulyap sa lalaking nasa likuran ng kakambal ko. K







