Se connecterPinagkaisahan si Audrey Santillan ng kanyang kapatid. Sa araw ng kanyang kaarawan ay inakala niyang ang kanyang kasintahan ang napagbigyan ng ng sarili ngunit estranghero pala ito. Makalipas ang limang taon, gamit ang bagong pangalan, bumalik siya upang ipaghiganti ang nangyari sa kanila ng kanyang kawawang sanggol. Iyon ay ang pakasalan si Marco Montezides, ang lalaking imbalido ngunit isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa. Ito rin ang half-brother ng kanyang dating kasintahang si Julian Montezides. Paano kung sa kagustuhan niyang makaganti, mayroon siyang mga matutuklasang hindi karaniwan? Lalong-lalo na sa isang misteryosong bilyonaro.
Voir plus“Audrey, hija…” Sandaling napatigil si Audrey sa pagsusuklay ng kanyang mahabang itim na buhok sa harapan ng malaking salamin nang makarinig ng katok sa pintuan. Ang kanilang kasambahay iyon. “Nariyan ang kapatid mo sa baba at hinahanap ka.”
Sa narinig ay agad na lumapad ang ngiti sa mga labi ni Audrey. Kapagkuwan ay wala sa sariling tumulala at seryosong siyang tumitig sa salamin, sa kanyang mukhang hindi mahitsura dahil nasunog ito ng isang matapang na chemical. Ginapangan na naman siya ng insekyuridad, napakalayo nito sa kanyang dating mukha.
Dahil sa nangyari ay malimit na lamang niya kung tingnan ang sarili sa salamin, maging ang kanyang Kasintahang si Julian ay nandidiri sa tuwing magkasama sila nitong mga nakaraan.
Sino ba naman ang hindi mandidiri sa ganitong mukha? Kung hindi lang dahil sa anak niya at kay Julian, marahil ay winakasan na niya ang sariling buhay.
Inaasahan niyang sa tagal nilang magkarelasyon ay tatanggapin at mamahalin pa rin siya ng kasintahan sa kabila ng kanyang hitsura. Ngunit hindi, mali siya ng inaakala.
Napatalon si Audrey sa kinauupuan nang makarinig muli ng isang katok sa pintuan. Tumayo na siya at tumalikod sa salamin.
“Palabas na po, Manang…” malumanay at malambing na sagot ni Audrey habang naglalakad na sa may pintuan. Nang buksan niya ito ay matamis na ngiti ang iginawad niya sa kasambahay. “Kanina pa po ba siya?”
Nakangiting umiling ang ginang. Sinabi nito kay Audrey kung saan naghihintay ang kapatid nitong si Adriana. Hindi nawala ang ngiting tumango si Audrey. Nagagalak kasi siyang makita ang kanyang kapatid, ilang araw rin kasi silang hindi nagkita kaya sabik siyang makita ito!
Oo at may kasungitan si Adriana ngunit mahal siya nito, at mahal na mahal din siya ni Audrey. Kahit magkaiba sila ng ina, hindi nabawasan ni katiting ang pagmamahal niya rito.
Iniwan na siya ng ginang at hinayaang mag-isang salubungin si Adriana. Haplos-haplos ni Audrey ang kanyang malaking tiyan, napasinghap pa ito nang maramdaman ang pagsipa ng kanyang anak!
“Excited ka bang makita ang Auntie Adriana mo? Ako rin!” Kausap ni Audrey sa tiyan at humagikhik.
Ang sinabi sa kanya ng kanilang kasambahay ay nasa salas daw si Adriana. Ngunit nagulat si Audrey nang makitang nasa bukana ng engrandeng hagdanan ang kapatid at hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Julian, ang kanyang kasintahan at ama ng kanyang ipinagbubuntis!
“Julian! Adriana!” Puno ng kagalakang tawag-pansin nito sa mga ito.
Sabay pa ang dalawang napatingin sa kanya. Namilog ang mga mata ng mga ito at parang gulat pa na nakita siya.
“Julian! Akala ko ay hindi ka na magpapakita rito! Na-miss kita, na-miss ka rin ng baby natin!” Bahagyang naging emosyonal si Audrey na sinugod ng yakap ang kasintahan.
Nagbuntong hininga naman si Julian at halos masuka nang madikit sa kanyang balat ang madumi at pangit na balat ni Audrey. Kasabay ng pagkawala ng kagandanhan nito ay ang pagkawala din ng pagmamahal niya.
“Huwag mong mayakap-yakap si Julian!” Nagulat si Audrey nang marahas siyang hilahin ni Adriana palayo kay Julian, hatak-hatak nito ang kanyang kaliwang braso, ang mahahabang kuko ay bumaon sa kanyang balat.
“Adriana… nasasaktan ako!” Nasasaktang daing ni Audrey at pilit na binawi braso ngunit hindi ito binitawan ni Adriana, bagkus ay mas ibinaon pa nito ang kuko sa balat sa puntong dumugo pa ito!
Nanlilisik ang matang tumitig sa kanya ang kapatid. Uminit ang sulok ng mga mata ni Audrey dahil sa sakit. “Talagang masasaktan ka dahil isa kang malandi at nakakadiring nilalang! Ang dapat sa'yo ay nabubulok at inuuod sa ilalim ng lupa!” Pagkasabi niyon ni Adriana ay walang kemeng itinulak niya si Audrey pababa sa engrandeng hagdan.
Halos lumuwa ang mga mata ni Audrey sa pamimilog nang maramdaman ang sariling tumama sa bawat baitang ng hagdan. Ang kanyang malaking tiyan ay tumalbog-talbog at gumulong-gulong na parang bola.
Sa haba ng hagdan at sa dami ng baitang nito, ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang naramdaman ni Audrey ang paglapat ng katawan niya sa patag at malamig na sahig.
Hilong-hilo pa mula sa nangyari nang maramdaman ni Audrey ang matinding kirot sa kanyang puson. Para bang may kung anong gustong lumabas mula sa kanyang loob.
Halos hindi na niya magalaw ang kanyang ulo dahil sa sobrang sakit nito. Marahil ay may sugat din dahil kumikirot ngunit ang mahalaga ay ang sitwasyon ng bata sa kanyang sinapupunan!
Nalukot ang mukha ni Audrey nang muling maramdaman ang matinding kirot sa kanyang puson at balakang. May lumabas na kung anong mainit sa kanyang pagkababae, wala sa sariling sinalat niya ito gamit ang kamay at ganoon na lamang ang panginginig niya nang makita ang likidong kulay pula sa kanyang kamay!
‘Ang anak ko…’ usal ni Audrey sa isipan.
Hindi… ang baby ko! Ang anak namin ni Julian!
Bahagyang nagkaroon ng pag-asa si Audrey nang makita si Julian ilang metro ang layo sa kanya! Hindi nakatakas sa kanyang mga mata kanina ang pagbaba ng dalawa habang pagulong-gulong siyang nahuhulog sa hagdan.
Napakaraming katanungan ang nasa isip ni Audrey. Gusto niyang tanungin sa kanyang Ate Adriana kung bakit siya nito itinulak! Ngunit ang mas priyoridad niya ngayon ay ang kaligtasan ng kanilang anak.
Masakit man ang katawan ay sinikap ni Audrey na gumapang patungo sa kinatatayuan ni Julian. Hindi ito gumalaw na para bang nanonood lamang ng insektong gumagapang patungo sa mga paa nito.
Nang sa wakas ay marating na ni Audrey ang paanan ni Julian, agad niya itong niyakap.
“Parang-awa mo na, Julian. Tulungan mo ako, iligtas mo ang anak natin! Ang anak mo!” Hagulgol na pakiusap ni Audrey sa kasintahan. Nanginginig na ito sa sobrang sakit at sa dami ng dugong patuloy na umaagos palabas sa kanya.
Isang tikhim ang narinig niya kung saan. Kahit masakit ang ulo ay nagawa pa ring mag-angat ng tingin si Audrey upang tingnan iyon.
“Sinabi ko ng huwag mong hahawakan si Julian, hindi ba?! Gaano ka ba kabobo para hindi iyon maunawaan?” Halos umalingawngaw sa buong salas ang boses ni Adriana. “Mahal ko…” kapagkuwan ay malambing nitong inilingkis ang braso sa braso ni Julian, madrama nitong idinikit sa malapad nitong dibdib ang kanyang ulo. “Huwag ka ng mag-aaksaya sa batang iyan dahil hindi naman iyan iyo.”
Sa narinig ay puno ng pandidiri siyang tiningnan ni Julian. Nagtatagis ang bagang nitong marahas na binawi ang kanyang paa at saka walang pusong sinipa sa mukha si Audrey.
“Kailanman ay walang makatutulong sa isang pangit at malanding kagaya mo, Audrey. Lumayas ka sa harapan ko bago pa man madumihan ang mga kamay ko sa isang nakakadiring kagaya mo!” Galit na sigaw ni Julian.
Lumingon siya upang harapin ang nakangising si Adriana. “Honey, ayaw ko sa nakakadiring lugar na ito. Hihintayin kita sa sasakyan. Ikaw na ang bahala sa malanding babaeng ito.”
Laglag ang pangang sinundan lamang ng tingin ni Audrey ang papalayong likod ng kasintahan. Parang sinaksak ng kutsilyo ang kanyang puso at saka ito hinawa hanggang sa magkapira-piraso.
Ibang-iba na siya. Hindi ito ang lalaking kasama niya sa loob ng apat na taon. Nais pa siya nitong patayin!
“Nakakaawa ka naman, mahal kong kapatid…” Nang-uuyam na tinig iyon ni Adriana. “Huwag kang mag-aksaya ng panahon dahil hinding-hindi ka tutulungan ni Julian dahil akin siya! Iyang bastardong dinadala mo? Hindi niya anak iyan! Hindi siya ang ama!”
"Totoo ba talagang magkasintahan sila?!" "Sabi ko na nga ba noong magkasama silang gumawa ng pelikula, masyadong matindi ang tinginan nila hindi parang umaarte lang. Iyon pala, totoo silang magkasintahan noon pa." "Pumapangit agad ang ugali kapag sumikat. Hindi pa naman ganoon kakilala, mataas na ang lipad. Buti na lang hindi ako naging tagahanga niya." "Naku, isang taon na pala silang kasal? Kailan pa iyon nangyari? Paanong wala tayong nabalitaan? Ang galing nilang magtago!" "Karapat-dapat sa masamang kapalaran ang mga lalaking manloloko! Ipakita ang mga ebidensya at parusahan siya nang nararapat!" "Nagkaroon na siya ng anak? Kailan ipinanganak ang una niyang anak?" "Mukha pa lang, manlolo na. At ang pangit pa umarte. Kaya pala nakukuha niya ang lahat ng proyekto dahil sa pakikipag-sex. Nakakadiri." Halos pare-pareho na lamang ang mga paksa, at ang isyu tungkol kay Marco ay halos makalimutan na ng lahat. Minsan ay may sumisilip pa ring usapan tungkol dito, ngunit mabilis din
Inilagay ni Marco ang kamay sa balikat ni Sierra at marahang hinaplos ito. "Kapag humupa na ang lahat, sabihin na natin ang katotohanan sa mga bata, okay?" Tumingala si Sierra kay Marco, at ang liwanag na bumabagsak mula sa itaas ay nagpalambot sa matatalim at malalalim na katangian ng mukha nito. "Pwede ba talaga?" "Ayaw mo ba?" "Gusto ko." Paano namang hindi? Gusto niyang malaman ni Vester na mayroon siyang ina, na hindi siya batang walang magulang na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya. Gusto rin niyang malaman ni Thalia na si Marco ang tunay niyang ama na matagal na niyang pinapangarap makilala. Nagnanais siyang magkasama-sama ang kanilang pamilya, puno ng saya at pagmamahalan. "Napakadelikado na ng aking katayuan. Kapag nalaman ng lahat ang pinagmulan ng mga bata, maaaring hindi na natin intindihin ang sasabihin ng iba, pero paano naman ang kanila? Baka habambuhay silang pagtawanan at kutyain." "Aalis tayo rito at pupunta sa Canada." Namangha si Sierra. "Totoo ba?" "O
Bahagyang tumango si Marco bilang pagbati kay Esmeralda, at pagkatapos ay inakbayan sina Vester at Sierra patungo sa kwarto. Pinanood muna ni Esmeralda hanggang sa mawala sila sa paningin bago lumingon kay Elliott at sinabi, "Ikaw na muna ang magbantay dito kay Lola mi. Titingnan ko lang ang Daddy mo." Tumango si Elliott. Nang makita ni Stephano na pumasok si Esmeralda, nagtanong siya, "Anong nangyari sa labas?" Ipinikit ni Esmeralda ang kanyang mga labi, tinitigan ang maamong mukha ng asawa sa wheelchair nito at nanahimik. "Bakit?" Lumapit si Esmeralda at umupo sa tabi nito. "Auntie Melia and Auntie Keona came with the others and teamed up to beat Sierra.." Tumigil siya sandali, pagkatapos ay tumingin sa mga mata ni Stephano at nagtanong, "Ikaw ang tumawag sa kanila, hindi ba?" Hindi sumagot ng 'oo' o 'hindi' si Stephano, sa halip ay nagtanong, "How could you asked that?" "Sabi mo pupunta ka ng banyo. Hindi ka pamilyar dito, kaya hindi kita iniwang mag-isa. Sinundan kita doo
Nagulat si Vester sa nakita. Nang makabawi siya, agad siyang tumayo at itinulak si Keona, sabay sigaw, "Tama na po! Huwag niyo po siyang saktan!"Lumingon si Keona at nakita ang ampon ng pamilya Montezides. Dati-rati ay inaalagaan ng kapatid niya ang batang ito na parang kayamanan. Hindi niya inakalang kakampihan pa nito si Sierra sa oras na ito.Lalong nag-alab ang kanyang galit at tinulak si Sierra sabay sampal, "Batang walang utang na loob, umalis ka rito!"Natumba si Vester sa pagkakatulak.Nang makita ni Sierra na natumba ang anak, hindi na siya nag-isip pa at hinawakan ang kamay ng babae, piniga ito nang mahigpit.Napadaing sa sakit si Keona, at napakawalan ang buhok nito dahil sa kirot.Agad na lumapit si Sierra at tinulungang makatayo si Vester. "Are you okay? Are you hurt?""Paano mo nagawang manakit ng nakatatanda! Bukas, sa harap ng alaala ng kapatid ko, tuturuan kita ng leksyon para mapayapa ang kanyang kaluluwa!" sigaw ni Melia sa mga kasama. "Anong tinitingin-tingin niyo
"Ms. Lavarez..." "Vior. Call me Vior. Quit the formality, we are friends now." Anang babae. Mahinang ngumiti si Sierra, pagkatapos ay binago ang kanyang tono, "Vior, naisip mo na bang palitan ang lalaking pinagkaka-interesan mo?" "Hmm?" "What I mean is that, why don't you find someone else that
"O-Of course! I'm not lying!" Tinuro ni Janice ang mga tauhang naroon. "Kung hindi ka naniniwala, tanungin mo sila! They saw everything!"Naramdaman ng mga tauhan ang malamig at nakakatakot na tingin ni kay Marco, biglang tumigil ang kanilang paghinga. Nagpalitan sila ng tingin, bago sabihin nang m
Ganoon pala ang paraan nito ng pagpapakita ng simpatya sa iba.Ang kaninang naghuhuramintadong dibdib ni Sierra ay kumalma na. Nanlambot ang kanyang puso para sa anak. Sinapo niya ang mukha ng anak at saka hinalikan ito sa noo. "Okay, stop crying already. Mommy will ask Grandma Janice to ask forgiv
Tumango ang lalaki. "Reon Bautista. Sa Sampaloc Street, madame..." Biglang naalala ni Sierra na ito nga pala ang naghatid sa kanila papuntang ospital noong gabing iyon. "Salamat noong gabing iyon.""Wala yun. Aalis ka na po ba?”"Gawin mo na ang kung anong kailangan mong gawin, hindi mo ako kailan





![Just One Night [Tagalog]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Notes
commentairesPlus